Saturday, October 10, 2009

Kwentong MRT ngayong Byernes

Nag ma-madali akong pumasok kasi malapit nanaman akong ma-late. IELTS exam ko na kanina at kinakabahan na ko. Doon ako sa may Pasay Rotanda sumasakay.

Pag pasok sa MRT nawala na ang amoy ng pabango ko dahil na over power na ng ka-asiman ng mga people na nakikipag siksikan sa pila. Hindi muna ako sumakay sa unang tren dahil nga ito ay parang 555 sardines lang na ang nasa loob ay suka dahil ang asim ng amoy dahil sa sobrang dami ng tao. Nag mamadali ata umuwi kasi friday nga.

So tumayo muna ako at nag hintay ng pangalawang tren.

Dumating ang pangalawang tren. Medyo siksikan parin. Nag mumura na 'yung isang Manang kasi hindi pa nakaka labas ang mga tao ay pilit namang pumapasok ang sandamakmak na tao sa likod at gilid ko sabay nito ang pag tulak ng bonggang bongga sakin paharap kay Manang. E tao lang naman ako na mahina kung kaya pag tulak nila ay tinulak ko rin yung Manang, so minura nya ko ng super lutong.

"PUTANG INA KA! Hindi pa nga nakakalabas ang tao"

Si Manang high blood ata. Syempre nag sori lang ako dahil akoy model student 'nung grade three, umakyat pa nga ko ng stage 'nun eh. Anyways, sa loob ng MRT ay pumili ako ng pwesto na malapit sa pinto para pag baba ko ng Edsa Shaw diretso takbo na lang papasok ng Ortigas. Sumindi ang Aircon at lumamig ang paligid.

"Haist ang lamig! Sarap" sabi ko

Mayamaya pa ay nag simula ng sumatsat ang voice over ng MRT at kasabay nito ang pag sakay ng isang pamilyang koreans sa may tabi ko.

Umaandar na ang tren...

Ung nasa sa tapat ko ay kinalabit ako upang mag tanong.

"Malapit na ba dito ang Baclaran?"

"Ay Ate hindi po ito pupunta ng Baclaran, ang dulo po nito ay SMNorth Edsa, dapat po LRT ang sinakyan nyo hindi MRT"

"Panu ko pupunta ng Baclaran?"

"Ay madali lang po, bumaba na kayo now na habang Magallanes palang tapos sakay po kayo pabalik tapos doon po kayo mag LRT"

"Ganun, ano ba ang Dulo nito?"

"SMNorthEdsa po"

"Hindi ba 'yun Baclaran?"

"Hindi po"

"Sige Mamya nalang ako baba sa Baclaran.."

Hindi ko na sya pinansin di ko na kasi kinakaya. So na lihis ang tingin ko sa isang pamilya ng korean. Sa tabi ko ay nag uusap sila ng parang bahay lang nila ang MRT.

"Chingkong kholow fongah shiwitura"Aktuli yan lang ang pag kakarinig ko kasi hindi ko sila maintindihan. Baka mamya pinag kwe-kwentuhan na pala nila ako. Mamya ay sabay sabay na silang nag salita at unti unti ng naririndi ang tenga ko at isapa tumatalsik ang laway 'nung tatay natatalsikan ang kamay ko.

"Excuse me, do you speak English"

nakatingin lang sya sakin walang ni 'ha' ni 'ho'

"Ok never mind..."

Nag simula sila ulit mag kwentuhan ng parang bahay nila ang MRT. Syempre hindi naman ako pwede mag reklamo dahil pare pereho lang kaming may MRT card. So ang ginawa ko tumayo ako at pinaupo ko nalang si Ate tutal seksi naman sya para sila nalang mag kwentuhan at hindi na ako mabingi at matalsikan ng laway ni kuya.

Aba pag upo nya ay tumungo sya at inabutan ako ng card na meron nakasulat na ganito.

"Saeng il chuk ha hae!" 생일축하해!

Alam nyo ba kung anu ibig sabihin nya? click mo ko


Buti pa sya noh?! :-D

23 comments:

  1. Fuck you. Wala lang wala macomment eh, thanks. Bwahahaha alam ng Koreans na birthday mo? Siguro sinulat mos a noo mo no...

    ReplyDelete
  2. Ang hirap sabihin nun magbibigay din sya ng picture greetings sayo. lols!

    ReplyDelete
  3. @Glentot Yun nga pinag tataka ko, tsaka hindi ko pa birthday next week pa

    @Kablogie Oo sasabihin ko yun kasi hindi ka pa nag bibigay, buset!

    ReplyDelete
  4. Hahaha
    ok Lang yan!
    Buhaymrt nga naman oh!

    So ilang greetings na ang nalilikom mo? Haha
    gsuto mo ikampanya kita para sa masmRaming picture greetings? Lolololz

    ReplyDelete
  5. @Kosa Ay sige sige Kosa Parekoy kampanya mo ko. Excited na ko, pero may problem hindi pala ako marunung gumawa ng video ahahahaha

    ReplyDelete
  6. Para-paraan ni Jepoy!
    Bakit kaya di mo na lang kami hayaang manghula ng bertdey mo. Hindi yung parati mo ina-announce! CHOZ! HAHA!

    Kaya pala wala ka sa PBA kanina. Nagkandahaba-haba pa nman ang leeg ko nung pumasok ako ng PETA. May nakaupo sa harap ko, akala ko ikaw. Muntik ko pa naman kalabitin at kamutin ang singit. Buti na lang hindi ikaw. Hindi ko kilala ang mga naroon. STRANGERS! Buti na lang kasa ma ko si otep.wordpress.com, taympers.com at ang reyna ng PETA si manilabitch.blogspot.com. Kundi buringgang-buringga ako sa PBA. Ang daming winners na wala. sana sa akin na lang ibinigay yung mga award. DARNESS!

    ReplyDelete
  7. wohoooo! lapit na ang bday ni Jepoy! sakto pasado ka sa IELTS exam mo..+50%?

    So san mo kami papakainin sa bday mo? Chili's? Fridays? hahaha

    ReplyDelete
  8. Dapat hiningan mo rin ng picture greetings, o kaya video para mas maganda tapos nagsasalita sya dapat, at korean ang salita :D

    ReplyDelete
  9. Ahahahhahahah isama na yan sa video mo... jijijiji

    Word verification: sisme (susme!...jowk)

    ReplyDelete
  10. @Istibi Asaness, tama na ang one time sa Chillis. At sana mag dilang anghel ka sa IELTS.

    @Acrylique Pasensya na sa hindi ko pag dalo, hindi ako na ka puslit sa opis. DIbale meron namang next time :-D At sana 'yung promise mong picture greeting e dumarating na lol

    @LordCM ikaw dapat nag papadala narin

    @Xprosaic Oist distorted ung pinadala mo galing sa iphone mo! Ulitin mo ahahaha

    ReplyDelete
  11. hindi halatang gusto mu talaga ng bertdey greetings ah! hahaha

    ReplyDelete
  12. pagkahahaba man ng mrt,
    sa birthday greetings pa din ang tuloy...hehehehe

    eeeeeniweiz(to the tune of jimmy santos)... futaktee ang word verification ko.lolz.

    ReplyDelete
  13. hapi bertdey po!

    about dun sa maasin na amoy sa loob ng mrt..ano kaya magiging feeling mo kung mga patan at pana pa ang kasabayan mo?! naku pohh!

    naiisip ko palang nasusuka na ako!

    ReplyDelete
  14. Mukhang ako palang ang nagpapapdala ng picture greetings ah!hahah!

    At hanggang hindi pa natatapos ang bday mo hindi ka titigil sa greetings na yan!hahahha!

    Meron akong regalo sa iyo. Intayin mo ang next picture greetings ko! Baka magulat ka sa ganda!

    Grabe lakas mo sa akin!hahha!

    ReplyDelete
  15. gentleman! hahahahah! gusto lang pala ng picture greetings kaya pinaupo si ate!

    nakarami ka na ba?

    ReplyDelete
  16. wolongyo gumanun ka na naman! ang hirap naman bumati ng happy birthday sa korean. workout sa bibig. hahaha!!

    basta ako wala ng utang ah.. :P

    ReplyDelete
  17. hahaha, ganun ba.. so ganda kaya maktangap ng regalo pag bday.. anu gusto mo? hahahahaha

    ReplyDelete
  18. abay kahit papano nakakamiss din ang araw2 na adbentyurs sa mrt. pero nakakasawa magsardinas araw2, baka magkagalis. lols

    dapat sinabi m sa korean, saramhamida, inamo. harhar

    ReplyDelete
  19. BUSIT! INiiwasan na nga naming mag picture greeting kami nagreeting! LOL! Anyway, wala ka d'un sa Koreano sa Starbucks, kumakain kami sa table namin, pero may isang vacant seat. Nakita ko s'yang papalapit medyo nakangiti pero biglang hinikit at kinuha 'yung upuan para dalhin sa kanila. Nag-sorry 'yung Koreanang kasama na mukhang matagal na sa Pinas. Pinabalik 'yung Koreano para sabihing "May I take the seat?" Napangiti na lang kami and said "Yes, you may."

    ReplyDelete
  20. happy birthday na nga kasi LOL!

    ReplyDelete
  21. putcha saan ko ba ipapadala yung picture greeting ko sa iyo? may nilagay ka bang email or omething kahit saan? hahahahaha seryoso ako parekoy....

    ReplyDelete
  22. ahm, marami din akong kuwento sa MRT at tinamad na lang ako ipost lahat. pero panalo yung narinig ko dati nung sabi nung mga papalabas sa MRT " HUWAG NYO KAMING SALUBUNGIN, HINDI NYO KAMI KAMAGANAK NA GALING IBANG BANSA. hahahahaha

    Popoy

    ReplyDelete
  23. habudey! kahit late na.

    sobrang hirap na sumakay ng mrt lately. parang nakakatraumatize yung nagyari sayo. kung dinuraan ako ng koreano, duduraan ko din. haha

    ReplyDelete