Friday, April 9, 2010

Thursday Madness...

Ang araw ng thursday ay ineexpect ko na magiging makulay. Kasal ito ng ka Org ko noong college na kung saan ay naataasan akong mag Host ng wedding reception.

Miyerkules palang ay handa na ang lahat. Ang actual wedding at reception ay gaganapin sa QC sa Blue Gardens. Okay malayo sa Pasay ang location. Hindi ako madaling yayain pero dahil mga kaibigan ko ang ikakasal walang dalawang isip ito sakin. Naka dry clean na ang aking barong tagalog at ang panloob nito na parang katcha or kilala sa tawag ng gusot mayaman. Bago rin ang aking black shoes kasi naka nganga na ang dati kong black shoes. Excited ako na marining ang wedding vows ng dalawa. Excited din ako dahil makalipas ang limang taon makikita kong muli ang college org-mates ko. Handa narin ang kotse ko kaka change oil lang at tune up, so no problem na.

Nag simula ang horror day ko ng umaga ng thursday. Wala akong tulog kasi nga night shift ang aking trabaho ibig sabihin lalong magiging tantalizing eyes ang aking mga mata the whole day. Ayos lang naman 'yun kasi naka VL naman ako at hindi papasok kinagabihan ng Huwebes. Tumawag na aking makakasabay sa wedding para iwanan ang Camera at barong nya sakin kasi kelangan nya pang dumaan ng PLM para kunin ang grades nya, nag Masters kasi sya doon. So sinundo ko sya at kinuha ang gamit. Akyat ako ulit at nag pahinga ng konti para umidlip. Naalimpungatan ako kasi kelangan kong tawagan yung kasama kong host kelangan pa nyang mag pa make up hindi kame pwedeng mahuli sa ceremony. Dinampot ko ang phone ko at tumawag.

"I'm Sorry, Globe lines has temporarily disconnect your line. Please settle your bill immediately"

"Putangena nyo!!! Kakabayad ko lang kaya!" expecting ako na may sasagot sa voice prompt.

Nag ngitngit ako sa galit dahil kaka kaskas ko lang kaya ng card para mabayaran lang ang phone bill ko, ampota nila! Kinalma ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pag inom ng isang malamig ng coke. Open hapiness nga daw kasi. Mayamaya pa tumatawag na yung isa pang host.

"Kuya andito na ko sa may chowking, puntahan mo na ko"

Nataranta ako. Nag madali papalabas. Sinaradoko ang pinto at tumakbo sa elevator nang na realize ko na nalock ko ang pinto pero naiwan ko ang susi sa loob. Putangena talaga! So stupid!!! bumaba ako ng reception at humiram ng duplicate. Sukat ba naman singilin ako ni ate ng 300 pesos para lang mahiram ang duplicate. Fuck! Nag hihirap na kaya me.

So no choice nag bayad ako ng 300 para mahiram ang duplicate. Next time na ako maghihiganti kay Ate pag maayos na ang lahat. Nag time check 1:00 PM. Kung sinuswerte ka nga naman talaga, hindi pala synchronized ang wall clock ko sa relo ko, yung wall clock ko ang sabi 10:00 AM palang. Putakels! Sinundo ko 'yung isa pang host at hinatid sa Parlor para mag pa beauty. Bumalik ako para mag shower narin at mag prepare. Naligo ako nag sabon. Naghilod. Nag toothbrush. at nag pabango. Sinoot ang glorified katcha or gusot mayaman na panloob sa barong. Nag soot ng black na slacks at itim na medjas. Bumababa na ako para sunduin yung kasama kong host.

Bumaba na kame ng parking at nilagay ang mga dapat dalhin sa compartment. Inistart ko ang kotse at nag byahe na papuntang QC. Traffic sa makati Ave. Hindi na kame naka daan ng hotel kasi malalate na kame sa Ceremony. Dumating kame sa Venue 30 min before mag start ang ceremony. Not bad! Syempre hindi kame nag pabisita tumulong kame sa wedding coordinator para maging maayos ang daloy ng ceremony at ng reception.

Okay maganda ang kasal. Touching. Elegant. Romantic. Ideal Wedding. Naging lalo pa itong espesyal dahil kaibigan ko ang dalawang ikakasal. Okay ayokong mag emo ngayon, let's scrap that part.

Lumapit ako sa Mic after ng actual ceremony para gampanan ang role na naatasan sakin. Lumapit ako sa Aile at kinuha amg mikropono at nag simula nang mag salita.

"Again Congratulations to the Newly Wed. We will now proceed to the picture taking. May we call on the officiating Pastor and family to start with. Next would be the Bride's immediate family please prepare..."

Matagal ang picture taking. Palitan kame ng partner ko sa pag tawag ng mga group para sa pictorial.Nag sisimula ng kumalam ang sikmura ko at tinatawag nya ang letchon na nakalagay sa buffet table. Nagkitakita na kame ng mga ka orgmate ko. Maraming maraming yakapan. Hindi matapos na kamayan. Kumustahan. Ang saya! Pero kailangan kong putulin 'yun kasi nga host ako.

Sa reception.

Sinimulan namin kasi nang pag eenglish sa ceremony kailangan namin panindigan ito sa reception. Nag talsikan talaga ng bongga ang dugo sa ilong ko. Naatasan din pala akong kumanta sa reception para sa first dance ng newlyweds. Ehem Ehem! Pag tapos ng turn kong kumanta sumunod naman ang iba pang wedding singers. Money dance narin ito at hindi ko na kayang mag umenglish dahil malamang sa malamang walang tatayo para mag pin ng pera sa magasawa. Kailangan na ng konting charm.

"Okay habang sumasayaw po ang mag asawa wag tayong mahiya na mag lagay ng kaunting salapi sa mag asawa pwede po ang kulay yellow at kulay blue. Bawal ang violet at orange..."

Mukang effective dahil nag tawanan sila ng slight. At na pwersa ang mga tao na mag pin ng pera. Dapat humingi ako ng komisyon.

Natapos din ang reception. Nag karoon kame ng time para mag kulitan ng mga tropa. Dahil kulang ang time nag decide kameng ituloy ang "Catching up" sa the fort. Oo from QC sa the fort pa kame ng punta. Nauna ang ilang group at nahuli ako. Dahil kelangan mag paalam sa newly weds at picture taking syempre. Okay Hindi ako maranung pumunta ng the fort hindi naman kasi ako nag drive papunta doon. Dun sa may C5 kame dumaan sa may Edsa Guadalupe entry. Okay madali lang pala. Nag park ako sa serendra pero namatayan ako ng makina sa may parking pero nag start naman ulit at nakapag park naman ng maayos.

Okay kape kape sa Coffee bean 'nung nag close lumipat ng Starbucks kape kape ulit. Maraming tawanan kwentuhan. Gawd! na miss namin ang Mapua days. Very exclusive person kasi ako, kung sino lang ang tropa ko sila lang ang pag bubuhasan ko ng panahon in my college years sila nga 'yung nakasama ko sa hirap at ginhawa. Natapos kame ng 2:30 AM at nag decide na sa susunod nalang ulit mag kwentuhan kasi nga wala pa akong tulog talaga.

At dito na naganap ang malagim na pangyayari. Habang nag drive ako pauwi sa may likod ng Serendra sa may high street lane. Biglang huminto ang kotse ko ng walang kadahilanan. Putangena!!!! At ayaw na nyang mag start pang muli. Nag bigay ako ng konting minuto. Chineck ko ang tubig baka overheat lang. Nadah! Okay naman sya. Check ng baterya. Ok naman sya. Kinusap ko ng taimtim ang bebe ko.

"Bebe wag ka namang ganyan, mag start ka naman please. Antok na antok na ko"

Muli ko syang inistart. PUtangenang Shyet! ayaw talaga! Fuck!!!!!!!!!!!!!!! Sinipa ko ang bebe ko sa sobra kong buset. Putakels mukang ma iimpound pa ang sasakyan ko dahil lumalapit na ang mga putangenang Boni Security! Tiniwagan ng kasama ko ang mga ibang tropa dahil nga wala akong linya wala akong kakayahang tumawag. Shyet!

Muli kong kinausap ang bebeko

"Be' kaka akyat lang natin ng tagaytay couple of weeks ako, ano nanaman inaarte mo mag start ka please!"

Nag start ako ulet. Ayaw parin!!! Mayamaya dumating na ang tropa dumating din ang Police Taguig dalawa sila. Ginamit namin ang charm namin at nakipag kwentuhan sa dalawang police para hindi ma impound ang bebe ko. Ang kalakaran kasi sa the fort pag nasiraan ka iimpound nila kotse mo, so tutubusin mo pa 'yun bago mo madala sa casa para mapagawa. Putangena hindi pwedeng mangyari 'yun kasi wala na akong pera!!! Buti nalang Mabait yung dalawang Police at sinamahan kame until the end of time hihihihi.

To cut the story short! Na tow si bebe ko hanggang makati at nagbayad ako ng freakin' 2K para sa towing service.

Sa dalawang Police na nag bantay samin salamat salamat po salamat pag guard samin hanggang palabas ng the fort. Nakuha ko number nyo txt txt ha! Papainom ako next week. Maraming salamat sa mga Mapua buddies ko na hindi ako iniwan hanggang 5AM at sila ang nag tawag ng towing service. Hinatid pa ako hanggang Buendia, na kakatats. Salamat salamat tunay kayong kaibigan walang iwanan. (As if nababasa nila ang blog ko) At saiyo Bebe ko kita tayo next week at high maintenance ka talaga. Nag hihirap na ko sa'yo iuuwi na kita sa probinsya doon ka na muna manirahan, I hatechu!

Lesson learned. Ang tunay na kaibigan ay hindi lang pag good times maaasahan pati sa bad times (Parang kanta lang) I value your efforts without hesitation. Kaya ako I treasured all my friends pati blogger friends. Kampay! Inuman na!

Share ko yung wedding pics pag na upload na (As if you care right)

Salamat sa pakikibasa kahit hindi nag paparamdam ng comments salamat salamat salamat!

God Bless!

36 comments:

  1. uy nakita kita kaninang madaling araw sa chowking chumichibog. naka-katyang white top ka at crocs. syemperds suot mo ang uber mini na nike bag mo at naki carpool sa blue na wheels. *stalker*

    ReplyDelete
  2. @Random Student

    What the fucking hell!!!! Stalker ka!! Hindi mo manlang ako binatukan sabihin mo putangena ko ako to si Random Student. Hindi naman ako suplado!!!

    Anong ginagawa mo sa export plaza?! Dun ba building mo? ! Nasan ka dun? Putakels ka! Stalker!!!! Oo nandun ako, kung binasa mo ang post ko at hindi ka nag skip read wala akong tulog at nasiraan ako at ang katcha dress na sinasabi m ay panloob ng barong ko yun at kaya ako naka crocs kasi ang sakit na ng paa ko sa black shoes. Puta ka! Mag pakita ka sakin buset!

    ReplyDelete
  3. haha pano mo nalamang nag skip read na naman ako haha eh alam mo namang poor reader ako pag mahaba ang babasahin haha

    ReplyDelete
  4. @Random Student Wala kang sinagot kahit isa sa mga tanong ko! Parati kang ganyan! Gusto mong mag pa anonymous fine! Oo puro kayo skip reader ako lang din nag babasa ng sarili kong post alam ko ahhaha!

    TSE!

    ReplyDelete
  5. ayan namumula na mata ko binasa ko na kasalanan mo yan sumuka ka ng another 2k pagamot mo eyes ko hehe. oo banda dun lang new office ko di ba makati na ko.simula sa loob ng chowking, dumaan ka sa tabi ng table ko kaya buti na lang patapos na ko kaya tumayo na rin ako kasi nakita kong dumaan ang uber mini mong nike bang sabi ko mmmm pamilyar tong bag na to hehe nakita ko na nakasabit sa malatitanic na nilalang pagtaas ng mata ko ayun bokals at parang si jepoy. ikaw nga! haha!

    ReplyDelete
  6. magpaparamdam ako ng comment ko.
    un lang. Kthnxbye!
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    hahaha.
    feeling ko kaya hindi lumapit si Random Student kasi magpapalibre ka daw, hahaha.
    At hindi ako nagskipread. Pero pwede ba magtanong kung ano laman ng post mo? hahaha

    ReplyDelete
  7. pilyong olyabut, apir! puro kamalasan lang naman inabot ni jepoy sa post nya hehe at tama ka nadama kong gusto pang mag-chicharap ni jepoy haha

    ReplyDelete
  8. @Olyabut

    Isa ka pa! Puro ka skip read dibale tabla tabla lang ahahhaha

    Umayos ka nga! Hindi na kita friend hindi ka pala nag babasa ng post ko! Puro ka lang comment, putakelya ka!

    @Random Student

    Mala titanic talaga! Nakaka offend dahil dyan kalimutan mo na ang lahat. Hindi na kita friend ikaw na sexy! Alam kong nakita kita somewhere sa likod ng table namin pero hindi ko lang napansin. Small world ampota!

    Dahil dyan ayoko ko na maglagay ng pictures ulet baka malait lang ako ng bongga!

    Mabulunan ka sana mamya sa dinner mo!Hmp!

    ReplyDelete
  9. haha kaw talaga nagpacute pa nga ako at dumispley sa KFC pero nilagpasan lang ako ng wheels nyo suplado! nyehehe pinansin ko na yang uber mini nike bag na yan sa post ni pusakalye eh kaya salamat ke pusakalye at dahil dun eh nakita na kita in person nyahaha! huggable at cute ka naman sus akala ko talaga katya at crocs na ang "in" na fashion hehe kung anu ano palang kamalasan kasi inabot mo tsk tsk

    ReplyDelete
  10. @Random Student

    May-I-Bawi ka pa ng malatitanic comment mo. TSE! Hindi ako makukuha ng hugable and cute segwey mo, sus! Unfair kelangan mong mag pakita sakin! madaya ka! Hindi kita ma search sa facebook buset! Argggh!

    ReplyDelete
  11. bago yan eh makiramay muna tayo sa kinasapitan ng ating ka-blogger na si ahmer na nabugbog (seriously) at bungi bungi ang ngipin ngayon. nawa'y humupa na ang pamamaga ng kanyang buong mukha. ayan di lang ikaw ang minamalas poy. may mas malas pa sa yo (o di ba related pa rin sa post mo hehe)

    ReplyDelete
  12. @Random Student

    Puro ka segwey ewan ko sayo...

    Mamya na ko makikiramay kay Ahmer, wawa naman sya. tatae muna me.

    ReplyDelete
  13. Ako hindi nagskipread! (*EPAL*)


    Hahah! Okay lang yan Kuya Jepoy, despite of those tragedies, nakausap mo ulit ang forever friends mo. :)

    ReplyDelete
  14. @Jepoy
    Hindi nga ako nagskipread, basahin mo ung comment ko. Di ko lang inintindi, ahhahahaha.
    Alam ko na kung sino sumira ng kotse mo, si Random Student. Kasi hindi mo siya pinansin nung nagpakyut sya sau sa may KFC.

    ReplyDelete
  15. Ang laki ng galit sayo ni random student... SABOTAHE!

    ReplyDelete
  16. hangsaya naman ng thursday mo Jepoy, galing mo talagang mag-host...


    hayan ha? di ako nag-skip read. LOL!

    ReplyDelete
  17. buti na lang hindi mmda rescue ang nag tow sayo. ahahahaha.

    ReplyDelete
  18. ako binasa ko from start to finish ha? kesehodang nagloloko internet connection ko, hehe.wala kang magagawa, avid fan ako eh. as usual, nakakatuwa ag post mo. keep it up!

    p.s. ano po ung skip reading? may ganun palang nagaganap sa mga blogs?

    ReplyDelete
  19. @Kaitee

    True! Hindi ko pag papalit ang time na nakita ko ang mga kumags ulet. Alabet!

    @Olyabut

    Ako na ang ang hindi umiintindi. Hmp!

    @Roanne

    Kasi naman napaka stalker, daya! Dapat ako lang ang stalker wala ng iba ahahaha

    ReplyDelete
  20. @Weng

    Hi Weng, na tats naman ako sa sinabi mo sobra!

    Uhm ang skip reading ay ginagawa ni Random Student ahahha Bali ang gagawin titignan lang at mag babasa ng konting part ng post tapos diretso na sa comment at mag cocomment na kagad. Baket walang link ang blog mo para madalaw ko naman ang bahay mo

    ReplyDelete
  21. putcha! ang hirap magmahal ng kablogmate! nppbasa aq bigla s mga mhhbang mga post!oo! hate q magbsa ng mhaba! ahhaha.. "to make the story short" short b un??!! (affected much tlga aq!) ahahhha..

    anyweiz hnd q alm wedding singer k dn pla!hehhe.. totoo ang pagmmhal ng tunay n fren e walng ktumbas n kaligayahan! haiizzz nmimiz q tloy mga frenship q! huhu.. o xa nxt tym short stori lng ha! ahahha..

    ReplyDelete
  22. @Kayedee

    Nakaka tats naman at nakakakilig yung parang huling patak lang ng ihi ahahaha.

    Salamat dahil hindi ka nag skip read tulad ni Random Student ahaha

    @Kikilabots

    tatawagan na sana kita kaso hindi mo pala binigay ang cellfon number mo sakin. Nyetas! LOL

    ReplyDelete
  23. napaka-malas mo naman.. parang may something lang sa puwet ah. hehe. parang ako lang din... hari ng sablay. hehe.

    ReplyDelete
  24. @Random Student

    Aba always checking my comment box ha?!

    @Mr night Crawler

    Tama pre sobrang malas that day. Hope this will end soon...Haist!

    ReplyDelete
  25. eh kung hindi o sana tinadyakan yung kawawang sasakyan eh di sana hindi pa umandar yun!

    wehehehehe...masayado ka kasing mapang api. kitams? lesson learned na yan....

    PS: Fave ko ang coffebean...
    libre mo ko? please.

    ReplyDelete
  26. wow. isang malaking biyaya talaga ang maraming kaibigan... lalo na sa oras na kailangan... hehehe

    atleast sa oras na to, ikaw naman ang nabigyan ng biyaya... hindi puro ikaw nalang! hmmp:D

    ReplyDelete
  27. bakit ba bebe ko tawagan nio. lols

    ReplyDelete
  28. At kumakanta pala ang kuya ko? Talagang series of unfortunate events ha. Pero ang mahalag dun, nakita mo kung sino ang mga tunay mong friends na hindi ka iiwan kahit 5am na.

    Kawawa naman si bebe mo...(nabibigatan ata eh =P)

    Happy weekend!

    ReplyDelete
  29. Wow! umeenglish ka na ngayon ah... jowk! jejejejejejejjee sige sa children's party ko naman maghost ka dun ah... jejejejejejeje

    ReplyDelete
  30. @Maldito

    It's my pleasure to treat you sa coffeebean idol nga kita diba?! Sama mo si XG ha ahahhaa

    @Kosa

    Onga noh, minsan na kakalimutan kong bilangin ang biyayang bigay sakin ni Papa Jesus. Now this is a good time to start! Ang saya!

    @Paps

    Ganon talaga paps kasi nag mamahalan kame, marami na kameng pinag daan masaya at malungkot. Nariyan nag dri-drive ako habang lumuluha, sya lang ang witness...

    ReplyDelete
  31. @Ayie

    Happy Weekend ate!

    @Xprosaic

    Sige sa children's party

    @Chingoy

    True true thanks be to God!

    ReplyDelete
  32. umiral na naman ang sumpa ng balat mo sa pwet!! nyahahaha!

    ReplyDelete
  33. @an incedent mind

    Onga Pre papakayod ko na 'to sa pasko ahahahah

    ReplyDelete
  34. Kaya ka minamalas dahil sa kasabihang ONLY PURE HEARTS CAN BREAK THE SPELL siguro binalahura mo yung kasal

    ReplyDelete
  35. @Glentot

    excuse me hindi kaya

    ReplyDelete