Tuesday, April 6, 2010

Blogger of the Month-April Edition

It's a new month, and it's time to feature another talented blogger (well at least in my own personal opinion) So walang kokontra, hokey!

dahil bisyo kong mag basa ng funny at personal blogs sapagkat pinanganak akong echuserong frog kaya naisipan kong bigyan ng parangal ang magagaling na blogger for me kaya nga...

Malugod ko pong ipinapakilala ang April blogger of the month sa walang kwentang blog ko. Sya ay walang iba kung hindi ang napaka landing si Great Maldito isa sa paborito kong blogger. Eto ang picture ng walang hiya! Go!


Okey una sa lahat hindi ito bayad. Talagang binabasa ko lang ang blog nya ng walang humpay. Nag ba-back read talaga kasi ako sa mga blog ng na-feature dito pati yung mga nagugustuhan kong blogs mula simula ng entry nila pinag tsa-tsagaan ko talagang basahin pero syempre bago ko iback read eh nag ka-interest muna akong basahin ang sulatin nila ala nga naman basahin ko ng wala naman akong interest edi nakatulog ako noon with matching tulo laway, parang tanga lang! Honga pala, ni nenok ko lang ang picture nya sa taas tulad ng pag nenok ko sa picture ni Chicksilog noong na feature ko sya sa aking blogger of the month. Sana wag magalit si Great Maldito.

So, baket si Maldito ang feature blogger ni Jepoy ngayon April?!

Simple lang ang dahilan April fool's month kasi, Jowk! Ang totoong dahilan ay naaliw ako sa mga sulatin nya. Matagal na akong nag babasa ng blog nya nang hindi nya ramdam pero lately lang ako naka pag koment kasi kala ko nga maldito talaga sya. At hindi nga ako na bigo, totoong maraming na de-deadbol sa maling akala dahil... Isa nga syang maldito! Chos!

Naaliw lang talaga ako sa mga sinusulat nya at meron din syang entry noon na nakapag pa teary-eye sakin. Hindi ko na makita ang link kasi binura 'ata ng Potangena ang archive nya. Basta ang eksena 'dun eh si Maldito merong slightly miss understanding with Ermats tapos nag emo emohan sya sa puntod ng erpats nya basta ganun nakaka iyak pota! pero mas maraming na kakatawa pag nga tumatawa ako habang nag babasa ng entries nya nakikita na ng ka office mates ko yung kanin sa intestine ko eh.

Sino si Maldito?

Hindi ko rin alam actually. Isa syang singaw na nagkatawang tao at nag simulang mag blog upang mag dulot ng saya sa malungkot na mga mata ni Jepoy.

Ito nga pala ang "About me" nya sa kanyang page, basahin nyo nang malaman nyo na hindi lang isang box ng dragon katol ang sinisinghot nya everyday.

"Ilang taong din akong hinamak, dinuraan at kinunan ng purit dangal ng mundong makasalanan. Sabi kasi nila, (ng mga boses sa paligid ko) pinanganak daw akong walang talent, at lalong lalo na walang kwenta. Pero sa murang edad ko, virgin na virgin sa mata ng matatanda, indi ako naniniwala.

Sinabi ng nanay ko na may future pa daw ako. Pero tinanong ko siya kung saan. Indi siya makasagot. Tinalikuran nalang ako ng bigla, pumunta ng kusina at nagsaing. Pero inisip ko na lang may kasagutan din sa mga katanungan ko. Matino akong tao, pilit ko yang pinapakain sa ego kong kasing laki ng ice berg.

Sino ba talaga ako?

Isa lang naman akong lumot dito sa mundo ng ternetz. Walang kabuhay buhay, malamya at walang kakislap kislap. (Meron bang lumot na kumikislap?) OO. Ako. At ako lang ang may kakayanan na ganyan. Arte.

Daming naghihinala kung sino talaga ang tao sa likod ng mga salita, kwento at sa likod ng blog na to. Gustuhin ko man na ilathala ang totoong buhay ko dito, indi pwede. Indi ako celebrity, indi ako dyaryo at indi ako karinderya na utang na loob, bukas sa kung sinong gustong dumakma at lamunin ang aking pagkabuo. Kidding.

Gusto kong manatiling ganito. Yung indi masyadong pakipot at indi din masyadong nakatiwangwang. Maganda yung iwan ko ang mga readers ko (kung meron man) ng munting imahinasyon kung sino talaga ako.

Pangalanan niyo ako ng kung ano ano.

But I prefer you guys to call me….

The Great Maldito."

See?! Adik diba?

Wala akong badge badge shit na maibibigay ang tangi ko lang maibibigay ang dagdag na hits ng site mo at ang pinaka matindi sa lahat ang akong undying friendship. 'yun lang po!

Bow!

27 comments:

  1. tangena,,,,,me ganown!!nahiya naman ako bigla...alam mo naman, isa akong malanding makahiya..ha ah ha..titiklop pag nakitang nakabukangkang...
    shit ka jepoY! ur a shit!
    bakit may ganito ka!!explain!
    pero salamat. isang malaking kahihiyan, este akrangalan ang mabigyan ng isang dangkal na espasyo para sakin dito sa blog mo. iwan ko ba, basta. weeee...natatae ako.
    salamat salamat salamat. At para sa pasasalamat, pasasabugin ko ang virginity ko dito sa mga readers mo. ha ha ha. Sana naman ay tanggapin nila na bukal sa loob.
    Love you so much jepoy. Bromance at its finest. ha ha ha

    ReplyDelete
  2. @Maldito

    May ganito talaga ako everymonth Pothangena mo umarti arti ka pa. Feel na feel mo naman.

    Scumbag! Hahhaha

    May plezher my friend. Totoong idol ko ang blog mo walang halong biro kaya nga blogger of the month ka eh..Bibihira lang ang nakaka kuha ng prestiyosong space sa blog ko. Hmp!

    ReplyDelete
  3. Parang Pulitzer prize pala ang mapabilang dito. Inisip ko din bigla kung sino ang mga feyborit kong bloggers.. hhmm..

    ReplyDelete
  4. Dapat may premyong pera!!!

    ReplyDelete
  5. @Chyng

    Syempre naman, lumlevel up tayo ng konti. Isali mo ko sa favorite blogs mo ahahaha (Sapilitan?!)

    @Glentot

    Perahin mo betlogs mo! TSE! Ay joke lang baka sumensitive ka naman Nyahihihi...

    ReplyDelete
  6. good choice naman talaga..

    ReplyDelete
  7. dapat may dinner treat man lang :)

    ReplyDelete
  8. Pwede bang makikain ng dinner treat kung sakali?hihihi

    ReplyDelete
  9. isa itong scam! scam nga. magkano ang palitan dito? goods ba? anong kapalit?! sagooot!

    ReplyDelete
  10. maldito deserves it.. im a fan. may sense siyang magsulat.. yehey!!! hehehe..sana ako na susunod hahaha.. joke lng jepz.. nwei keep blogging at nauto ako tlg sa pakulo ninyo ni glentot, kelan pala grand eb ng mga bloggers uuwi na ko kasi...sna meron nman na.. hehhee

    ReplyDelete
  11. mga sira ulo. hahahah

    ReplyDelete
  12. nadadaanan q din xa minsan..gus2 kong post nya ung bout s fmily nya,,,kay nkta q ang pgiging veri loving kuya en son nya naksss.. dpat nilalay u s side bar u ung mga ngiging blogger of d month u pra mas masaya! hahha..

    ReplyDelete
  13. teka nga at mabisita si maldito.

    ReplyDelete
  14. @Chingoy

    Yeah I know it really is a good choice

    @Roanne

    Walang pang dinner eh, poor lang sorry

    @Bad MJ

    Pwede naman Pre kaso wala talaga eh LOL

    ReplyDelete
  15. @Random Student

    Scam your ass! LOL

    @Rico De Buco

    Yeah he deserve it. Talagang may I plug ka na ikaw naman next? LOL Sige pag merog eb inform ka ni Glentot

    @Caloy

    I know sira talaga ulo me. Nyahihihi

    ReplyDelete
  16. @Kayedee

    Uy nandito ka ulet, salamat at totoo ngang nadadalaw ka sa blog ko hihihi

    @Keso

    Go!

    ReplyDelete
  17. i so so so agree with your blogger of the month. si great maldito. isa yan sa mga idol kahit na wordpress.com pa lang siya! hakhak!

    ReplyDelete
  18. @Eloiski

    ang dami namang "so" nyan ahahaha. Salamat sa pakikigulo sa aking mundo. Kitakits sa mata.

    Ingats!

    ReplyDelete
  19. Yep, dapat may prize money from "Don Jepoy" hehe

    ReplyDelete
  20. napaka sweet naman!

    napakadaming papuri para kay Maldito.. hehe

    makipagbonding nga rin kay Maldito...

    congrats pala kay Maldito...

    ReplyDelete
  21. @Oylabut

    Hoist ikaw kaya don, Pa fridays Fridays nalang. HONGYOMON YOMON!

    @Kosa

    Sige mag bondingan kayo, bromance in the house ahahaha

    ReplyDelete
  22. naku----anu pang inaantay---i-EB na yan. hehe

    kelan kaya ako mafeafeature dito sa blog mo Jepoy? cguro November nalang....pang-patay na araw. bagay. just giving you an idea. hehe

    ReplyDelete
  23. PYESTA ng PATAY pala. mali. hehe

    ReplyDelete
  24. @pusang kalye

    Baket naman nov 1? Malay mo nman nxt month na...hayaan mo't mag babackread ako ng blog mo hihihihi

    ReplyDelete
  25. agree ako..magaling talaga ang malanding maldito...XD

    ReplyDelete
  26. @scarlethati

    Ako hindi magaling? (nangaagaw ng moment mode)

    ReplyDelete
  27. @jepy.. plugging galore kasi bday ko na nextmonth hehehe mgandang gift un hahaha

    ReplyDelete