Sunday, April 25, 2010

Scary Movies

I don't watch scary movies much or yung mga movies na nakakahindik at nakaka gulat ng sobra. Not that I scream like a 5 year old girl, or yeah maybe just a little bit (lol) but the real reasons are mabilis talaga akong magulat at sobrang napakalakas ng imagination ko to the point na when I get home ay meron aftermath effect sa'kin yung movie. Konting kaluskos lang eh maire-relate ko ka'gad sa napanood ko.Para bang pumapasok ako sa loob ng story at nandodoon talaga ako physically to witness everything, and same goes to the cheesy movies and inspirational movies mabilis talaga akong ma tats and okay fine mabilis ma-teary eye, who cares!

Sa totoo lang yung palabas na "the Grudge", "Ring","Shutter" na Asian horror/thriller movies na yan 'yung mga ilan sa hindi ko makakalimutan. Pero nag simula sa "Exorcist" ang takot ko sa scary movie, bata palang ako noon na nonood kame sa kwarto at umuulan ulan pa, betamax pa nga ang gamit namin eh, at sa sobrang takot ko nag suka ako sa carpet at nilagnat ako nakikihiga ako sa tabi ni Mudrax at Fudrax for like 3 days.

Yung sa "Ring", meron akong ka-date noon at yan 'yung movie na gusto nyang panoorin kasi nga matunog na matunog yang movie nayan noong panahon na 'yun, eh diba nga ayoko ng scary shit? Pero as a true blooded gentle dog yan ang pinanood namin kahit na nag dadalawang isip ako noon. And guess what? Buong time lang naman after lumabas ni Sadako eh nakataas ang paa ko sa chair, feeling ko kasi lalabas si Sadako sa kadilimdiliman ng sinehan, ang laki kaya ng screen ng sinehan! dahil sa takot ko hindi tuloy me naka first base sa aking date, nasa right spot pa naman kame naka pwesto, ang kataastaasan Kasuluksulakang bahagi ng sinehan. At sa twing mag ring ang telepono sa Boarding house ayaw kong sagutin kahit nagagalit na sakin ang board mates ko kasi abot ko naman 'yung phone pero hindi ko sinasagot.

Yung "The Grudge" naman naihagis ko yung Pop Corn at coke noong lumabas yung bata sa ilalim ng mesa na sinabayan ng tunog ng sirang violin at maputing face ng bata, Pothangena scarry fuck! basang-basa ang shorts ko ng coke! at kakaunti ang pop corn na nakain namin plus asar talo ako sa mga barkada ko.

Yung "Shutter" naman sa laptop ng pinsan ko kame na nonood, bali galing silang Canada noon at dahil matagal kameng hindi nag kita-kita nag decide kameng manood ng "Shutter" bilang bonding moment (nga pala nasa lahi namin ang takot sa scary movies) so tatlo kame at ako lang ang may betlog. Naka pwesto ang laptop sa Upuan tapos mag kakatabi kame sa bed, nung lumabas yung babae na nagang rape at minurder sa mga films eh nag sigawan yung dalawang pinsan ko, ako naman na tadyakan ko ang chair at nahulog ang laptop ng bongga buti nalang hindi nasira kasi wala akong ibabayad sa kanya. Yung blaire witch project naman ayaw ko ng ikwento nakakahiya na LOL.

Sa sobrang lakas ng imagination ko alam nyo ba na pati mga books na binabasa ko eh naapektuhan ako, imagine yung kay Stephen King ang title eh "Salem's Lot", binabasa ko sya ng madaling araw at dahil adik ako mag basa gusto ko isang upuan lang tapos ang libro, sakto namang inovertime ko ang book at habang binabasa ko sya sa di inaasahang pangyayari merong pusa na tumalon so bubong ng kwarto ko, yero lang ang bubungan namin at wala kameng kisame, kaya malakas ang sound ng mga nag lalandiang pusa pag na talon sila sa bubong, naihagis ko ang libro sa takot at hindi ko na sya pinulot ulit, natulog ako ng bukas ang ilaw kahit hirap akong matulog ng maliwanag.

So, kapon nag dinner kame kasama ang bossing ko na galing Tate, after mag dinner naiwan kame ng ka-officemates ko (actually tatlo lang kame na nag decide na manood ng movie). At ang napili nila ay..."Crazies". Okay, hindi naman sya scary masyado pero may mga part na nakakagulat. Mga tatlong scene siguro na montik malaglag ang puso ko. At pag uwi ko sa bahay guess what? Walang tao! Ampota ako lang mag isa! Kaya ang ginawa ko ay nag drive ako mag isa papuntang Blue Wave para uminom at mag emo (lol) nang tinamaan na ng konti eh umuwi na ako.

Bow!

43 comments:

  1. base!!!

    First time kong maka base dito ah.

    Mas matatakot ka kung papanoorin mo ang "Lovingly Yours, Helen The Movie" kun saan bida si Julie Vega.

    Ayos tong post mo! =)

    ReplyDelete
  2. Nung hindi ko pa naipapanganak si Pao mahilig ako sa scary movies lalo na yung mga super gory at talaga namang kagula-gulantang.

    Kaya lang nung nabuntis na nga ako sabi wag daw manonood ng ganun kse bka magkasakit sa puso ang baby.

    Simula noon eto, chicken shit na rin ako. Nung panoorin ko ang the Ring, kinailangan ko pang isama si asawa sa cr para mag wiwi.

    Kahit yung Shutter, andami na naming nanood noon, pero natititili ako sa takot nang biglang may pumasok sa door namin. hehehe!

    Subrang takot na.

    ReplyDelete
  3. @Bulakbolero.sg

    Sige ba! kelan ba bakasyon mo?! Tara! Isang tumbling lang ako doon. At ramdam kong nag skip read ka! TSE!

    @Stone Cold Angel

    Hindi ko alam kung nag joke ka about lovingly yours helen, at july vega. Sino ba si July Vega?! LOL

    At hindi ka base Pre ahahaha Salamat sa pag kumentow! God Bless!

    @Ayie

    Paano kaya natin ito ma oovercome?! Meron bang nabibiling gamot para maalis iyon? LOL

    ReplyDelete
  4. hi po.....makikisali hehe

    nakakatuwa kasi sabi mo ayaw mo manood ng scary movies pero andami mo ng napanood hehe, ako kahit isa jan hindi ko napanood kc sobrang matatakutin din ako. ayoko nga magbayad sa sinehan para lang umuwing nangangatal sa sindak!

    hindi na siguro maaalis ung takot natin sa scary movies, hehe kaya forever ko na lang iiwasan sila. nice post!

    ReplyDelete
  5. @Weng

    Lahat ng bagay may paraan... LOL

    Na kakatats naman ikaw kasi consistent ka nag babasa ng post ko. I do appreciate it much Weng. God Bless!

    ReplyDelete
  6. I should be the one to say thank you, because in your own way, you give us readers enjoyment in reading. It's one way of relieving stress. I have long been an avid blog reader, and I must say, yours is one of my favorites. Keep on being truthful and expressive with your posts, I think that's what endears the readers (including myself) the most. God bless you, too!

    ReplyDelete
  7. san ung bluewave? un ba ung sa macapagal?
    anyway, ako din hindi ako msyadong mahilig sa scary movies, pag manonood ako, dapat may kasama ako. Hindi ko pa rin magets e kung bakit may mga taong gustong takutin ang sarili nila. Anong entertainment dun?
    Anyway, natawa ako dun sa sobrang napakalakas ng imagination mo. I wonder kung ano ang aftermath effect pag nanonood ka ng P
    .
    .
    .
    .
    .
    .
    Pelikulang Nakakatawa. hehehe.

    ReplyDelete
  8. I love watching horror/ suspense-thriller na mga palabas jijiji...opposite pla tayo jijiji...

    Ask ko lang, hindi nmn napansin nung ka-date mo na ntakot ka sa pinanood nyo? jijiji...

    ReplyDelete
  9. Agree ako sa pelikula ni julie vega, nakakatakot talaga iyon. Yun nga daw ang dahilan ng cauae of death niya!

    Nakakatakot din ang "the ring" na jap version. Ilang gabi akong di pinatulog ni sadako.

    Pero walang tatalo sa "the blairwich project". Subukan mong panoorin yun ng patay lahat ng ilaw at nakatodo ang sounds. Ibang klase talaga yun.

    Antayin nalang natin ang susunod na horror movie, ang May elections!

    ReplyDelete
  10. yeah we get your point pinahaba mo pa ng bonggang bongga!kiddingggggggggggggg!hahaha

    ako technique ko,after a super scary film,im gonna watch a very funny or romantic film immediately after!o di ba limot ko na ang katakutan nun!

    ReplyDelete
  11. Ako din matatakutin kaya bago mo ako mapapan0od ng ganyang mga palabas,dapat ready kang mbasag ang eardrums at magbantay sa may pinto ng cr tuwing maiihi ako...hehe

    Isang movie lang ang napan0od ko sa sinehan at yun ay sapilitan pa..Buti na lang nadisapp0int ako sa kanya,dahil imbes na matakot lumabas ako ng sinehan na tawa ng tawa..My bgla fact0r dn nman pero overall c0medy talaga...Takteng Drag Me to Hell iyan, naaalala ko palagi c m0mmy di0nisia e...

    ReplyDelete
  12. o, para ka daw palang droga, nakakaalis ng irita. ang scary movie eh healthy for the heart rin actually as it stimulates your senses or something daw basta ganun healthy daw. yung lovingly yours the movie eh sadyang nakakatakot rin nga kaya panoorin mo. yun ang last movie ni julie vega before sya kinulam or naengkanto sa filming ng movie na yun.

    ReplyDelete
  13. Naintriga naman ako jan sa lovingly y0urs na yan...may dvd c0py ba nian...haha

    ReplyDelete
  14. Palagay ko wala ka pang sakit sa puso nyan..hehehe..
    Nandyan pa ba puso mo kuya jepoy?
    Ako naman gusto kong manood ng katatakutan pero ayoko ng mag isa lang ako at kapag naupo na ako ayoko na tumayo kasi feeling ko nasa tabi tabi lang yung pinapanood ko..^_^

    ReplyDelete
  15. "Antayin nalang natin ang susunod na horror movie, ang May elections!"

    natawa naman ako sa comment na to ni no benta..wahahaha

    anyway..pinoy horror films lang ang may lakas loob akong panuorin..kapag foriegn films kasi para akong hihimatayin sa sobrang nerbyos kapag nanunuod ako ng horror films at lalo na kapag mga morbid fils..naku naman!hehehe

    nacurous din ako sa lovingly yours movie na yan..kaso ayoko siyang panuorin..wahahaha

    ReplyDelete
  16. Subukan mo panuorin ang Paranormal Activity, di ako takot sa mga ganyang movie pero nung napanood ko to, ilang araw akong hirap matulog :D

    Try mo lang panuorin at kwento ka ah! :D

    ReplyDelete
  17. Napanuod ko na 'yang The Crazies. Hahaha OK naman, para kasing pare-pareho lang ang mga zombie movies sa 'kin. LOL

    Ang panoorin mo, The Human Centipede! Actually, hindi naman siya nakakatakot. Nakakadiri at nakakaawa 'yung mga victims dun. :(

    ReplyDelete
  18. @Weng

    What more can I say Weng, thank you so much... And yeah I will continue to write, I actuall write for myself and not for anyone it so happen lang na nagugustuhan ng naliligaw sa blog ko and that gives me smile everyday... God Bless Weng!

    @Olybut

    Oy oliver tama ka ang blue wave ay yung sa Macapagal, sobrang lapit lang ako doon at kung mapapadpad ka dyan, twitter mo lang ako tsak mag aapear ako doon, sige sagot ko ang isang boteng San Mig Lights mo hihihi.

    At yung P na tinutukoy mo hindi ako na nood nun ang bastos mo! Buset!

    @Jag

    Hindi nya naman masyadong napansin kasi sabay kameng nag hoholding hands bawat gulat hihihi At napapasigaw ako ng beri beri mild pero sya super shout talaga LOL

    ReplyDelete
  19. @Nobenta

    Pre hindi ko talaga alam yang pelikula ni Julie Vega, pero dahil sa curiosity ko, sinearch ko sya sa google at sa pag iikot ikot ko, nakita ko ang song nya at nabasa ko ang tungkol sa kanya, grabe sobrang sikat pala sya noon. Halos lahat ng magazine sya ang laman, walang sinabi ang cover girls ng FHM at MAXIM sa panahon natin ngayon. Well back to the topic Tama ka yang the ring nayan pag naalimpungatan ako ng madaling araw parang naririnig ko pa yung sound effects nya na violin, it still gives me chill whenever I remember it LOL

    YUng blairwitch sobra talaga...

    @Mac Callister

    Ah ganun merong pambabara?! LOL

    hindi ako mabilis maka move on eh, kaya pag tapos ng scary movie hindi iyon basta basta na wawala LOL

    @Hartless CHiq

    HIndi tayo pwedeng mag sama manood ng horror movie dahil sasabog ang sinehan ahahha

    ReplyDelete
  20. @Random Student

    Ganun healthy pala ito?! Baket alam mo yang Julie VEga at lovingly yours helen?! Hhhhmmm Tanders?! LOL

    @Hartless Chiq

    Tignan mo sa youtube scary fuck nga! LOL hindi ko tinapos ahahha Pero ang ganda ni Coney Reyes dun mestiza at sexy pa sya noon, it was 1984 firm, the last movie that Julie Vega did.. Nag search talaga ako, pwede na akong maging filed resercher hihhi

    @Darklady

    Wala na ang puso ko, hawak na ng iba (EMO!) joke! Andito pa naman, ganto gawin mo pag manonood ka ng scary movie dapat tropa kayo para masaya hahaha

    ReplyDelete
  21. @Superjaid

    LOL Meron talagang ke horror sa election day... Tignan mo sa youtube yung kay julie vega.

    @Lord CM

    Actualy kahit kating kati akong panoorin yang movie na yan eh nag pass ako dahil ayoko mag ka paranoia ng one week baka lalo akong hindi makatulog. LOL

    @Gasul

    Na curious nga ko sa human centipede and to tell you the truth doon sa pinost mo na movie preview nyang human centepede napa sipa ako sa table ko nung lumabas yung psychotic doctor dun sa dalawang chiq. And the sound effect is crazy, wtf!!! Papanoorin ko yan pero dapat meron akong kahiga sa gabi ahahha baka hindi ako makatulog LOL

    ReplyDelete
  22. . . . eh ang gory films sir, what do you think?

    ReplyDelete
  23. @Zhurutang

    Alam mo bang ginoogle ko pa ang gory na yan, hindi ko sya alam sorry naman. At ayoko rin ng mga gory films, eiw!

    Oist zhurutang ang ganda ng blog mo seryo yan. Baka ma feature blogger kita kaya mag lagay ka ng totoong picture mo sa profile mo ayoko ng cartoons. GO!

    ReplyDelete
  24. @Jepoy (kunware ako yung may ari ng blog kaya may @sign din),

    namimintang ka pre, hindi kaya ako nag skip read. diba pinapahanap mo nga kung san ka sa pic ng mga jejemon dito sa post na to?

    ReplyDelete
  25. sige check ko pag labas ko dito sa opisina..spell restricted..LOL pasensyahan na lang sa makakatabi ko sa shop...


    amf.. napakagaling mo talaga bulakbol...certified SKIP READER.. ang post kaya ay tungkol sa burtdey ng kabarkada niyang jejemon...hahahaha

    ReplyDelete
  26. hahahaha, tara jepoy nood tayo ng A Nightmare on Elm Street. hihi.

    ReplyDelete
  27. hahaha. Gumaganon talaga ah! hehehe. Akala ko pa naman ang i aadvice mo e dapat bf ang kasama para hindi matakot. ^_^

    ReplyDelete
  28. im sure...maputi yung itlog mo..ahahahhaa...

    ReplyDelete
  29. omg! pareho tayo sa the ring! i really thought lalabas siya sa sinehan at ang laking sadako nun! aaaaaaaaaaaackkk!!!

    sana di ka nag-emo mag-isa. alam mo naman kaladkarin kami. isang text lang andun na kami. haha

    ReplyDelete
  30. @Bulakbolero.sg

    Blog mo to?! Nakiki at ka? LOL halatang halata kaya ang pag skip read mo. Hmp!

    @HartlessChiq

    Petiks ka sa work noh?! Kung makailang balik ka sa blog ko aday, kitang kita sa IP tracker ko ahahaha

    @Keso

    Tara na! Sabihin mo pag napadpad ka ng Maynila, hokey!

    ReplyDelete
  31. @Darklady

    Sige na nga pwede narin ang bf LOL

    @Maldito

    Are you like gay?! Wtf! talagang itlog ang tinanong?! Isa kapang skip reader ka! LOL

    @Citybuoy

    Gusto ko nga sanang magyaya noon sainyo kaso baka may sarili kayong lakad, that was sunday night. Malay ko ba kung jerjer time nyo yun LOL

    ReplyDelete
  32. what's jerjer? i don't know that.

    ReplyDelete
  33. @Citybuoy

    YEAH RIGHT! LOL

    ReplyDelete
  34. Meron den ako nung Salem's Lot kaso diko na tinapos kasi nakakatakot nga siya :s

    ReplyDelete
  35. @Achiemoon

    Una sa lahat welcome to our company welcome to the family at wag mong kalimutan ang pasalubong ko when you go to states ha.

    oo potangenang book yan, kakatakot talaga. Pero maganda sya hindi ko nga nakalimutan eh LOL

    ReplyDelete
  36. Ako petiks? Di kaya...slight lng...hehe

    Hayaan mo pipigilan ko na ang aking sarili na dumaan d2 at magkomento :))

    ReplyDelete
  37. @Hartlesschiq

    wag kang mag bigil masakit sa puson yun. Go lang ng go! hokey...

    ReplyDelete
  38. haha...naalala ko tuloy nung nanood kami ng ring 2 americanized hehe...imbis na matakot kami tawa kami ng tawa sa gracefulness ng katawan ni sadako haha..wala lang...oy...nakakagulat din ung mga tagalog horrors ha...naman kasi yung sound effects hehe... dun ako nagugulat eh ..try mo shutter island...magugulat ka dun at matutuwa ka kasi napakaganda ng movie hehe..thirller naman siya hehe ..wala lang...

    ReplyDelete
  39. haha...naalala ko tuloy nung nanood kami ng ring 2 americanized hehe...imbis na matakot kami tawa kami ng tawa sa gracefulness ng katawan ni sadako haha..wala lang...oy...nakakagulat din ung mga tagalog horrors ha...naman kasi yung sound effects hehe... dun ako nagugulat eh ..try mo shutter island...magugulat ka dun at matutuwa ka kasi napakaganda ng movie hehe..thirller naman siya hehe ..wala lang...

    ReplyDelete
  40. hahahahahaha!
    siguro kapag ikaw kasama ko sa sinehan, wahahaha!
    hindi na ako manonood ng palabas.
    papanoorin na lang kita manood at matakot!@
    bwahahahahahaha!

    tawa ako ng tawa!
    lalo na popcorn! fnck!

    ReplyDelete
  41. Eww duwag wala ka talagang balls!

    "Yung blaire witch project naman ayaw ko ng ikwento nakakahiya na LOL."

    Ano ang nangyari? kwento mo dali

    ReplyDelete
  42. dhil new aq d2, super late ng mga comment q..anyway, you don't mind nman noh?!hehe..

    nun pinanood nmin ng mga friends q un the ring sa hauz nmin after ng film, biglang ng-ring un phone..amf!ngsisi aq bkit p un pnnood nmin..kawawa tuloy un mga tumatawag!haha!

    ReplyDelete