Hindi sa lahat ng panahon ay naka-ka-kilala tayo ng mga totoong tao. Oo tama ang iniisip mo. Sa mundo natin ngayon lalo na sa mundo ng sapot marami ang Orocan at Tupperware na mas kilala sa pseudo name na Plastic pero hindi naman tungkol dyan ang entry ko ngayon, sapagkat hindi naman pinag tutuunan ng pansin ang mga ganoong klaseng nilalang. Ang totoo kasi neto Birthday kasi ng best prend kong kolokoy today at dahil nga parte ng mundo ko ang pag susulat eh gusto ko syang bigyan ng munting espasyo sa aking munting mundo ng blog kasama ng tatlo kong peytpul readers nyahihihi.
Si Enchoy ang pinakamatalik kong kaibigan mula pa noon, 13 years na ang nakakalipas mula ng mag krus ang landas namin (Parang lovers lang). Ito ay sa physics class namen kung saan pareho kameng take two, Nyeta! First exam namin noon, dahil letter "A" ang last name nya ako naman letter "B" naging mag katabi kame. Nag ka-kagulo ang buong klase dahil umalis ang prof namin, nag kokopyahan silang lahat at dahil hindi ako nangongopya nakaupo lang ako at nag no-nosebleed habang panay ang pindut sa calcu para mag solve ng moment of inertia. Napansin kong ang katabi ko ay hindi rin na ngongopya, inshort nosebleed din sya. Sa madaling salita kame lang ang hindi nagkakadarapa na kumuha ng sagot sa matalino naming classmate. Sariling sikap kung baga. Natapos ang exam. Nag tanong ako sa kanya.
"Pre baket hindi ka nangopya ng sagot ang hirap pa naman ng exam"
"Tsong hindi ako nangongopya bagsak na kung bagsak"
"Ako rin eh, ano course mo?"
"ME Tsong, kaw?"
"ECE"
"Ah okay, may class ka ba after nito?"
"Wala mamya pang hapon"
"Cool, sama ka muna merong Bible Study 'yung Org ko, sama ka.."
Okay. Yan ang kauna-unahang eksena namin 13 years ago and the rest is history ika nga. Mahaba ang panahon ng pinag samahan namin na hinubog ng panahon (parang wine lang) at iba't ibang sirkumstansya ng buhay. Lahat ng kalokohan at problema ay sya ang aking naging kasama. Kapag kulang ang baon ko at sawa na 'ko sa lucky me pancit canton sya ang nag papahiram sa'kin ng pera at ganun din ako pag kelangan nya pambili ng bala ng PSP nya. Pag may problema sa bahay at kelangan ng kasangga sa inuman sya ang kasama ko. Pag wala akong pambayad ng boarding house sya nakikiusap kasi Tita nya may ari ng Boarding house.Unang break-up sya rin ang aking kasangga sa inuman. Pag may bagsak sa Final Grades sya ang taya sa inuman pampalubag loob ko. Hiraman kame ng T-Shirt (mag ka size pa kame noon) kulang nalang pati brip mag hiraman kame.
Lumipas ang limang taon sa College pareho na kameng naging ganap na "Engineer" sa sarili naming mga fields at nag karoon ng sarili naming mga career at buhay pero hindi natapos ang aming pag kakaibigan doon, kasama ng tropa ay nag kikita parin kame parati at nag kakasiyahan. Lumipas ang ilang taon lumipad na sya ng Vancouver, Canada kasama ang kanyang Pamilya para makipag sapalaran sa mas magandang kinabukasan. Mula noon ay hindi na kame nag kita pang muli, tanging balikbayan box na nag lalaman ng gummy worms (alam nya na favorite ko yun) nalang ang dumarating sa akin at email's at bibihirang pag chat, at mga cards tuwing pasko at Birthday's ko. Pero sabi nga it's the thought that counts.
Ngayon sa araw ng iyong kaarawan hayaan mong mabati kita ng isang Happy Birthday!!! Marami ka nang utang sakin hayop ka! Joke! Seriously, maraming salamat sa pagiging tunay na kaibigan, nag karoon ako ng isa pang kapatid sa katauhan mo. Ang mga nakalipas na taon ay priceless at kung kelangan mo ng tulong sabihin mo lang liliparin ko ang Canada para sa'yo basta sagot mo ang pamasahe. Pasensya na dahil hindi ako nakapunta dyan noong namatay ang Dad mo late kasing na aaprove ang Visit Visa ko sorry naman. Congratulations sa second degree mo akalain mong pinataob mo ang Mechanical Engineers ng Vancouver?! Pero hindi ko parin inaaccept na mas matalino ka sakin, okay! Hmp! Onga pala ikaw ang best Man sa kasal ko kaya ihanda mo na ang barong mo. Kung kelan ito ay that's another story :-(
Sana nandito ka dahil kelangan ko ng kasama sa inuman dahil putangena may nag papadugo ng puso ko at kelangan kong mag sumbong sayo. Joke lang ayoko mag emo. Well siguro tama na ang mga salitang yan para masabi ko na happy birthday at namimiss ka na ni Mama ko.
Nga pala sa pag uwi mo ito ang listahan ng pasalubong mo sa'kin dahil 7 years kang hindi nag paramdam puta ka!
1. IPAD paki tawagan nalang ang apple para sa presyo
2. Skullcandy Headphones (color black)
3.Maxtor 1terabyte super slim external HDD
4. 2 Versace Blue Jeans at 1 cool water extream sports at isang Ck One yung color black , 1 CK deo
5. Maraming Nike medyas pwede narin champion medyas
6. CK Boxer brief black only please
7. Tommy PoloShirt, samahan mo narin ng Old Navy yung tag $10.00 lang pwede na yun
8. Anyleather Messenger bag
9. Gummy Worms
10. Nike shoes size 12 bahala ka na mamili or addidas running shoes size 11
KAMAGANAK?! LOL
Again Happy Birhday! See you in October :-D
Si kulokoy noong Winter Olympics
Habang binihilihan ako ni kulokoy ng Tshirt LOL
napatambling ako sa listahan mo. haha ang mura ng mga yan ha. haha
ReplyDelete@Citybuoy
ReplyDeleteAko din parang nahiya nga me ng konti kaya binawasan ko na yan. Ahahaha
Alam kong nag skip read ka! Hmp ahahaha
sorry naman. sa reader kaya ako nag-basa. haha kaso dilaw din eh.
ReplyDeleteLulusot ka pa. Hmp! LOL
ReplyDelete:S sorry na. mapapatawad mo ba ako, inay? alam ko marami na akong pagkakamali.. hindi ko pinahalagahan ang pagaaruga niyo sa akin, lahat ng sakripisyo mo para sa pamilya natin.. kinalimutan ko yun lahat kasi madamot ako. kasi nalulong ako sa bisyo, pag-ibig at kamunduhan.
ReplyDeletengunit inay, nagsisisi na ako. alam kong mali ang ginawa ko. alam kong hindi ako karapatdapat na anak ngunit sana pag-tignan niyo ako.. wag niyo sanang makita ang kahiya-hiya kong itsura. sana makita niyo ako tulad nung bata pa ako, nung manonood tayo ng sine sa SM at magsisimba.. nung masaya pa tayo.
inay, patawarin niyo ako.
lol
@Citybuoy
ReplyDeletewtf!!!! LOL
o yan ha. baka sabihin mo nags-skip read nanaman ako. :S
ReplyDeleteAahahahahahahhahaha naku kamaganak talaga?! jijijijijijiji... may kulang pa ata... yung haus and lot wid car! Lubusin mo na lang... jijijijijijiji
ReplyDeleteGrabe 1 terabyte to hold all your porno. Nakakagulat naman may real friends ka pala hindi lang online. Bwahihi.
ReplyDeleteAng ganda ng intro mukhang may pinariringgan na naman!
Heyppi Birthday na lang kay Kuya
@Glentot
ReplyDeleteyan ka nanaman wala naman me pinapatamaan no. True ngayon ko lang na realize may friends pala ako outside internet ahahha
dapat sinamahan mo ng background music habang nagflaflash back ka ng mga storyahan ng buhay nio.. para lalong nakakatats... \m/
ReplyDeleteAng mahal naman ng listahan mo, haha.
ReplyDeleteMabibilang mo lang talaga sa daliri ung mga tunay mong kaibigan, un tipong kahit matagal na kayong di nagkikita e, pag nagkita kayo parang kahapon e magkasama lang kayo.
At dahil dyan, pwede bang arborin ko na lang ung Ipad? hehe
happy birthday s kanya..hehe
ReplyDeletepride lang ba ang hindi pangongopya?? jowk
magkasing size ng shirt noon? sige sabi mo hehe
ReplyDeleteayy..nahiya naman ako..kasi ang pinakanaging bonding namin ng mga barkada ko noon eh kopyahan sa quiz nga alng..hahaha kapag exam talo talo na kami..anyway..mahirap talagang maghanap ng tunay na kaibigan na di ka tatalikuran at nandyan pa rin sa tabi mo kahit hindi literal..anyway..happy birthday sa kanaya..^_^ medyo magkamukha sila ni kuya jag noh kuya jeps?pansin mo ba?or duling lang ako?wahahaha
ReplyDeletehappy birthday po sa kanya ^^
ReplyDeleteang sarap naman ng ganyang samahan.. ^^
huwaaaaat?
ReplyDeleteParang kilala ko sya!
hahaha.. joke.
Happy Birthday sa kanya!
aaaaat ang samahan eh Panalo....
Hiraman pa lang ng shirt eh ulam na!
close din kami ng tatlong tropa ko noon, bago kami nagkanya kanya ng buhay..
ReplyDeletedi kami naghihiraman ng shirt kasi feeling ewwkky yun... hiraman lang kami ng tutbras at brip.. lol
ang totoo, di kami naghihiraman kasi ang alam ko pag hiram e sinosoli pa yun, kaso di na e!
Nakakatuwa ang kwento nyo! :)
ReplyDeleteps di ako nag nag skip read ha. :p
ay kokonti lang naman pala ang hiling... dagdagan mo pa... mura ata ang house and lot ngayon, isama mo na hahaha
ReplyDeletehaberdey sa iyo bespren! :)
nakakatuwa yung pakiramdam na nakakatagpo tayo ng mga taong ganyan. :) hahaha..ako rin penge gummy worms. haha
ReplyDeleteang OA ng wishlist mo Jepoy. asawa ka? grabe ka kung makahiling. JOOOOOOOOKE hahaha. hi jepoy. PADAAN ULIT!!!! bwahahaha
ReplyDeleteSeryoso ka sa hiling mo? Hehe
ReplyDeletewow...
ReplyDeletepara ata kay Oprah ang list mo.
nawindang ako sa CK brief na yan. curious lang, why black lang?
hehehe..
Bakit ang hilig mo sa black?
ReplyDeleteParehas pla tayong mahilig sa black?jejeje happy Birthday nga pla sa Bestfriend mo!!!
ReplyDelete@IamXprosaic
ReplyDeleteSobra naman yung haus and lot, hindi naman masyadong strong ang bones ko. jejemons ka ba? LOL
@Bulakbolero.sg
Aktuli gusto ko ngang samahan ng music kaso nahihiya me eh. Next time nalang ahahah
@Olyabut
True mabibilang mo lang talaga ang totoo at tunay na kabigan. lalo na katulad kong very exclusive gusto ko ang akin ay akin lang hihihi
@HeartlessChiq
ReplyDeleteSalamat sa pag bati hihihi. Hindi naman pride, kasalanan kasi ang pangongopya eh. Hihihi
@Random Student
Oo mag ka size kame ng shirt noon. TSE!
@Superjaid
Welkam back jaidy. Mag kamuka ba? Parang hindi baka nga duling ka, joke true Miss Jaidy alam mo mag ingat ka sa pag pili ng kaibigan kasi hindi lahat will treat you right, marami mga plastic at maiitim ang budhi mag ingat ka sa kanila hihi
@Renz
ReplyDeleteSalamat sa pagbati, yeah masarap talaga! you should find a friend who will stick through thick and thin at hindi ka iiwan sa ere.
@Kosa
Honga baka nakikita mo dyan sa palengke pag nakita mo paki kiss ahahha pag nakita mo batukan mo anhaha
@indecent mind
ewwky ka dyan! ang lande! Nasan na ang mga tropa mo na ito? Dapat nag kikitakits parin kayo, cheers good friends like them..CHeers!
@Reyjr
ReplyDeleteThank you so much dahil hindi ka nag skip read ahaha. Seriously thanks for droppin' by and taking time to read this nonesense blog of mine. Cheers! and God Bless
@Chingoy
Sus wag naman house and lot nakakahiya. Salamat sa pag bati God Bless!
@Caloy
Sumegwey ka pa ng nakatutuwa effect gusto mo lang pala ng gummy worms TSE!
@popoy
ReplyDeleteHoi poypi gumaganyan-ganyan ka pa, baka nakakalimutan mong nang indian ka ng EB last time. TSE! Sige daan lang ng daan
@Ahmer
Slightly lang naman ahahhaa
@Mjomesa
Kaya black kasi walang skid marks pag black madali lang labhan. ANd i find black sexy parang nakaka boost ng confidence sa gabi ahahaha
@Ayie
ReplyDeleteKasi nga black is black. Black is sexy kasi tsaka itim kasi ang budhi ni Glentot (may ma connect lang)
@BadM97
Salamat sa pag bati sa aking best friend hihihi
hoy jepoy..san na ang pohtangenang comment ko?!ahahha
ReplyDeleteHahaha buti naman at hindi kayo nagka-debelopan? Nyahahaha! Pero akala ko si Glentot ang bespren mo duooonnn...
ReplyDelete@Maldito
ReplyDeleteWala ka kayang sinubmit na comment, duhr!!!!
@Gasdude
Nagkadebelopan nga pero na inshami bwahahhaa, tangena mo gasdude! Si Glentot close friend lang kame nyan marami pa syang kakainig bigas bago maging best ahahhaha
kainis talaga nitong blogspot...ang haba pa naman nun! potah...potah...pakidelete tong blog na to!!!its a scam!! pakyo jepoy..at hindi mo ako inaad sa ym!!pakyo!
ReplyDeleteihetchu!
@Maldito pota ka ang tagal tagal mong mag reply sa YM, like so nakaka tamad!!
ReplyDelete@Jepoy - matagal ko na binabasa blog mo. Natutuwa kasi ako sa iyong funny and casual writing - very engaging. :)
ReplyDeleteSayang di ka pumunta iBlog6!
Engineer ka pala! Anong natapos mo Kuya?
ReplyDelete@Reyjr
ReplyDeleteThanks naman po sa pag babasa, na appreciate ko ang comment ng isang matalinong tao na katulad mo (walang bola factor yan)
Kasi naman walang nag invite sakin sa iblog6, mabilis pa naman akong imbitahan sa mga ganyang gathering
@Kaitee
ECE po natapos ko kaitee
NAKS! EcE! Tips naman po diyan Kuya. EcE din kasi ako. :D
ReplyDelete@Katie
ReplyDeleteNice, ang tip na masasabi ko ay mag shift ka na ng nursing hanggat maaga pa! LOL Joke!
Masasabi ko lang ay mag aral ka talaga ng mabuti hihihihi