Tuesday, April 20, 2010

Grade 4

Okay meron nag-tag sakin ng class picture namin noong grade 4, super labo nga lang ng pag kaka-scan pero i feel like sharing it. Sige nga kung magaling kayo hulaan nyo kung nasaan ako sa class picture. Clue ako ang pinaka cute dyan. hihihiih


Sa totoo lang ito talaga ang pinaka hindi ko makakalimutang grade boong Elementary years ko, dahil ito ang Grade na naka first dance ko ang kras ko. hihihihi. Ang dami kong memorable experience talaga noong Grade 4 kasi.

Ito ang ilan sa aking mga karanasan:

1. Ito yung grade na nagkaroon ako ng realization na kelangan kong gumaling sa Math. Kung paano ako nag karoon ng realization ay gan'to yun [insert background song sa saliw ng mabagal na tugtug na may pinamagatang Shots] minsan tinawag ako 'nung titser ko (sya yung titser na nasa left side sa picture) para mag board work sa Math.

"Jepoy can you solve this fraction" Malakas na tawag nya.

Namamawis ang kamay ko noon. Ni hindi ko mahawakan ang chalk kasi hindi ako talaga marunong sa fraction noon. Ito talaga yung panahon na gusto kong maging bula ng tide at mag laho ng pansamantala sa mother earth dahil sa mga matang mapang husga ng mga klasmeyts ko. Hindi ko talaga masagot ang problem my gawd!, nangigilid na ang luha ko. Maya maya pa ay may something na dumampi sa ulo ko na medyo malutong.

Plaaaaaaaaaaaaaakkkkkkkkk!

Pinalo na pala ako ni Mam Tolentino ng Math book sa ulo. Nagtawanan ng bongga ang klase namin.

2. nakikipag daldalan ako sa classmate kong may bagong Jollibee Pen na pwedeng bumalibaliko. Masyado akong na amaze kung kaya lumapit si Mam Tolentino at sinubo sa bibig ko ang tatlong pirasong Chalk. Kinabukasan sumugod si Mama sa school at gumawa ng eksena.

3. Tuwing iaanounce ang top ten na papapikit ako dahil excited na malaman ang honor ko. Ang ending wala ako sa Top Ten. Ang tanging Ribbon ko lang ay Best in attendance, wtf!!!

4. Pinag tinda ako ni Mrs tolentino ng avocado ice candy sa buong grade four. Tapos kulang ang sukli ng 20 pesos. Naiyak ako kasi pinag bintangan ako na pinambili ko ng plastic balloon. Eh hindi naman kaya, bazooka kaya ang binili ko.

5. Naging best in HEKASI ako dahil kabisado ko ang Region 1 hanggang Region 13 sa exam. Hindi nila alam binakat ko na sa cocomban ang sagot bago pa mag exam.

Yan nalang ang naalala ko eh! Sensya na walang kwenta bukas ulit pag magaling na ang puso ko (MEGANUN?!) hihihi



40 comments:

  1. Matapos akong mag-skip read sa entry mong ito ang masasabi ko lang ay ang dali mong hanapin sa picture dahil sa lahat ng mga bata ikaw lang ang mukhang tatay.

    Ganito ba ang pinagsimulan ng oure heart? Puro kasamaan ang ginawa? Fractions lang hindi mo alam? Ang dali dali nun? Pag nagkita tayo papakainin kita ng chalk.

    ReplyDelete
  2. akala ko ba hindi ka na typo?! Puta ka!

    Magaling na kaya ako fraction ngayun gusto mo convert ko pa into decimal tsaka roman numbers?! Buset ka!

    ReplyDelete
  3. aba at heartbroken!hehehe

    natawa ako kasi naalala ko na ako din pag math na nagtatago ako di ko alam yun mga multiplication ek ek na yan nun!haha

    ReplyDelete
  4. #4, kala ko pinambili mo ng itik na purple! hihi

    ReplyDelete
  5. parang ikaw yung nakadilaw? lol.. wala lang, may masabi lang... yun kasi yung pinakakakaiba sa lahat. madali makita. hehe

    ReplyDelete
  6. emo much? haha
    ikaw siguro ung blurred ung mukha sa piktyur, nakaupo sa harap? haha
    curious ako kung ano ung ginawang eksena ng mama mo sa skul nung pinakain ka ng chalk. =p

    ReplyDelete
  7. hahaha oo nga ikaw ba yung nakayellow kuya?wahahaha tsak anong konek ng shots?akala ko dahil sa alak..wahahaha

    ReplyDelete
  8. back row---from left--yung 5th? tama ba...dapat me price ang makahula.lol

    dami mo memories ha. sinu ba tong mam tolentino na to at bakit masyado nyang inapi ang bida?lol

    ReplyDelete
  9. natawa naman ako sa violenteng teacher...

    at ang litrato, taena...
    kuha ng isang kamerang may katarata ang lente... hindi kita maaninag...ammmf

    ReplyDelete
  10. "Naiyak ako kasi pinag bintangan ako na pinambili ko ng plastic balloon. Eh hindi naman kaya, bazooka kaya ang binili ko."

    haha, natawa ko ng bonggang bongga dito. hindi naman pala plastic balloon e, ang sama ni titser basta basta na lang nagbibintang. nyahahahaha:))))

    ReplyDelete
  11. amf malabo lang ba talaga ang mga mata ko...LOL kung sino ka man diyan alam kong katatapos mo lang ngumuya ng bazooka..buti na lang hindi ako pinakain ng chalk, dinikitan lang ng packaging tape sa bibig..haha

    ayiii ayos din grade 4 ko..my first kiss..wahahaha

    ReplyDelete
  12. wala ka pa rin dyan nung nagpektyuran silang lahat, andun ka pa rin sa loob ng room --- nilalantakan yung chalk kasi nasarapan ka e!

    nyahahaha!

    ReplyDelete
  13. sana ngayon, balikan mo yung titser mong nambugbog sayo... m sure makikita nya ng hinahanap nyang sagot sa fraction problem...

    aber: 1/2 + 1/2???

    ReplyDelete
  14. it's true, medyo mahirap ka hanapin sa picture kasi po malabo......nakakatuwa kc kahit na "umiiyak ang puso mo't sumisigaw ng kawalang katarungan" eh nakakapagblog ka pa rin ng mga uber nakakatawang bagay!!! lagi kc ako abang ng bagong post....hehehe

    ReplyDelete
  15. Sumakit ang mata ko kahahanap sayo, malabo na talaga ang picture. Parang sadyang binlurred para hindi mapansin kung asan ka talaga.

    Very memorable nga ang iyong elementary days lalo na nung Grade 4 ka. Ansaya. Masarap ba ang chalk? Parang puto-seko lang diba?

    Broken hearted ka pa rin, ikaw na lang ang iba blind date ko dun sa fwend ko...?hehe

    ReplyDelete
  16. hahaha... almost experience din.. malutong na chalk.. hampas ng book... ako most outstanding... parati nasa labas ng classroom nakatayo dahil sa ingay ko. hahaha

    ReplyDelete
  17. @Mac Callister

    Hindi naman heartbroken. Malungkot lang LOL

    Marami talagang may ayaw ng math tapos enventually na gugustuhan din. Oo, yang multiplication table na yan disaster ahahaha

    @Chyng

    Tumpak ang galeng galeng mo. Itik na purple talaga ahahah

    @Bulakbolero.sg

    Wala ka ngang masabi, look at the upper right hand side after the teacher ako yung pang apat.

    ReplyDelete
  18. @Olybut

    Not emo much! Not anymore. Masyado na akong nasaktan (gumaganon) joke lang na niwala ka naman ang saya saya ko kaya!

    @Superjaid

    Welcome back. hindi ako yung naka dilaw kasi babae yung nakadilaw lol yung connection ng shots ay wala lang, sarap lang pakinggan.

    @Pusang Kalye

    Tama ka pre nakuha mo!

    Oo masyado nyang inapi ang bida pero marami naman akong natutunan sakanya kaya let's take it as part of growing experience hihihi

    ReplyDelete
  19. @Kosa

    Ikaw na ang malilinaw ang may kuhang malilinaw sa class pictures nyo. Ikaw na! ahaha

    @Caloy

    Ang dami kayang naka white. TSE! Nag skip read karin tulad ni Glentot

    @Batanggala

    Salamat naman at natuwa ka ng beri beri nice. Hihihi Oo favorite ko kasi ang bazooka noon

    ReplyDelete
  20. @Hartlesschiq

    Oo mam malabo lang ang mata mo ahahah. Ikaw ha ang aga aga mong nag lumadi naka first base kagad ang kalalakihan sayo. Ako nga dance lang eh.

    @Indecent mind

    Mali ka nandoon ako. Lasa kayang gaw gaw yung chalk. I hate chit kahit yung may mga kulay like blue and green walang lasa ahahaha

    @Chinggoy

    Gusto mo i redue ko sya sa lowest term? lol Oo nag kita na kame ni Mam tolentino very proud sya sakin hihihi

    ReplyDelete
  21. @Weng

    Subra naman akong na tats at nag aabang ka pa talaga ng sulatin ko. Weh, dinga?! Thank you much ha!

    @Ayie

    Hindi ako broken hearted, sus ang dami dami kayang nag lulumandi sakin pero isa lang ang gusto ko kaso ayaw naman sakin ahahaha.

    Sige maganda ba yan at maputi? LOL

    @Phrench

    Ikaw na ang most outstanding ikaw naaaaaaaaaaaaaa!

    ReplyDelete
  22. Saan ka doon sa pic? Hindi halata hehehe...

    Grabe nmn ung titser mo pinalamon ka ng chalk?

    ReplyDelete
  23. Saan ka doon sa pic? Hindi halata hehehe...

    Grabe nmn ung titser mo pinalamon ka ng chalk?

    ReplyDelete
  24. @Jag

    ako ay pang apat na student from left

    ReplyDelete
  25. tanong ko lang po kung masarap ba ang chalk? ha ha ha....naubos mo naman di ba? ang takaw takaw tlaga ng pohtang jepoy na yan.ahahhaa.

    noong grade 4 ako? hindi ko rin malilimutan ang mga sandali na yun..lalong lalo na noong nagtago ang kaklase ko sa loob ng lalagyan ng walis hanggang uwian. ahahahaha

    na caught in the act kasi kami na nagtataguan while mam is away. malas niya lang dun siya naabutan.lols

    ReplyDelete
  26. @Maldito

    Ang bata bata mo palang ang landi landi mo na. Buset ka! Aga aga mong natutung makipag sex at sa cabinet ng walis pa kayo nag paraos.. LOL

    ReplyDelete
  27. Jeps ikaw yung pinakamalaking bata sa picture. 4th from left sa top row. hahaha!!

    Bata ka palang umaattitude ka na pala..hehehe...dapat mabait ka ngayon, remember andyan si..ehem ehem.

    ReplyDelete
  28. @Steve

    Ang bait bait ko kya [insert halo on my head]

    ReplyDelete
  29. hanlinaw naman ng pictyur na to...kahit photoshop susuko dito ah...tutal nagpapahula ka, kung asan ka, ang sagot ko yung katabi ng titser, kase sa tingin ko sip sip ka nung elemntary,,,joke lang...

    hapi wednesday!!!

    ReplyDelete
  30. kiss sa pisngi nga lang... wahaha bitter pa..

    ReplyDelete
  31. nakakatuwa naman ang mga naexperience mo sir haha...at sa picture na yan ay ewan kasi magkakamukha kayong lahat...blurry hehe

    ReplyDelete
  32. PADAAN NGAAAAA!!!! hahaha

    ReplyDelete
  33. @Scofield

    Oist welcome back Mr. Prison break

    @HeartlessChiq

    OMG..

    @Sendo

    I know blurry talaga sya lahat hihihi

    @Popoy

    Padaan daan ka pa dyan pag katapos mong mag bura ng facebook at alisin ako sa twitter mo! TSE! Ang landi landi mo, mag blog ka na nga lang ulet para matuwa me ng beri beri nice sayo. Hmp!

    ReplyDelete
  34. ikaw yung naka-blue sa pinaka right ng picture. haha

    ReplyDelete
  35. Palagay ko nung mga panahon na yan naglilihi si Mrs. Tolentino masyado kang paborito! hehehe

    ReplyDelete
  36. @Citybuoy

    mali ka. Teacher kaya yun..

    @Draklandy

    Sa tingin ko nga ahahhaa

    ReplyDelete
  37. . . . dati, ang tawag sa amin nun- sibika at kultura. hindi hekasi. wala lang.

    ReplyDelete
  38. Maputi ang kili-kili!

    ReplyDelete
  39. @Zhurutang

    Samin grade 1 lang ang sibika at kultura, nag papalit na ng HEKASI pag grade four

    @Ayie

    Ano daw?!

    ReplyDelete