Tuesday, April 27, 2010

Fatness first part 1

Buong buhay ko ay chubby na ako, hindi ko naranasang maging mukang pamangkin ni Palito, 'yung tipong mukang not-enough-vatamins or lampayatot. At dahil nga chubby ako walang naniniwala na mahirap kame, kaya ayaw pautangin si Mama sa Palengke, feeling ko ako ang may kasalanan 'nun. Kaya pag namamalengke si mama tapos kasama nya ako tapos kelangan nyang umutang, iiwan nya ako sa may gasulinahan kasama ang basket of goodies nya na nag lalaman ng kamatis, kangkong, okra, patani, bukayo at suka tapos sya naman ay ma ngungutang ng karne sa kaloob-looban ng palengke.

Hindi na naalis sa katawang lupa ko ang chubbyness until now. Okay fine, pinacute lang ang chubby word ang tamang term ay katabaan. Hindi ko naman dinedeny na mataba ako dahil kitang-kita naman ang ibidinsya. Sa katunayan kaya ko pa ngang mag lagay ng picture dito, i don't mind it. (Hindi katulad ni bulakbolero.sg ang landi landi at ni... nevermind)


See. Kadiri noh? Pero alam nyo ba ang post na ito ay hindi para i promote ang fatness. Gusto ko lang ishare sa inyo ang Chronicles ng attempt ko to actually lose weight at lahat 'yun failed well some of 'em are not pero hindi lang nag tuloy-tuloy.

Nakakababa ng self esteem ang pagiging chubby (ok lang ba ito nalang yung term na gagamitin ko? Masakit sa tenga yung isa eh)

Baket?

Ito examples; sa elevator kunyari nag mamadali ka tapos ikaw yung last person na sasampa tapos tutunog ang elevator na maximum limit na tapos sabay ang sama-sama ng tingin sa'yo ng mga tao, ano ma feel mo? Hindi lang yan, kunyari kumain ka sa Friday's tapos nag order ka ng Cajun salad at Lemonade lang, biglang magtatanong ang putangenang waitress sayo, "Is that all Sir?! Are you so sure?! We have steak, baby back ribs, fajitas" Purket ba chubby dapat maraming order?!!! (or naging sensitive lang ako masyado?). Heto pa, sa dyip na punuan na kung saan ang pang syaman ay gagawin sampuan, tapos sa side kung saan ako nakaubo eh 9 na kame meaning wala ng space para sa isa pa. Titignan ako ng kundoktor na para bang sinasabi na bayaran ko na ang isa, fuck! Ilan lang yan sa mga examples.

Marami-rami ng attempt ang ginawa ko para magkaroon ng six pack abs, nag no rice diet, crash diet, low carb diet, pero lahat failed or nag lose ako ng weight pero hindi ko nakuha ang desired weight ko. Alam nyo ba kung baket? Because tamad akong mag exercise!!! Tamad akong mag Gym! tamad akong mag lakad at mag kikilos! Nag lalakad lang ako sa Mall na may aircon. Sa totoo lang hindi ako malakas kumain, sa maniwala kayo't sa hindi (Magagalit sakin ang TNL at baka idisband nila ako) One rice lang ang kaya kong kainin, or at least ang pinipili kong kainin. Mahilig din ako sa gulay at isda at twing weekend lang ako nag fast food.

Alam nyo ba na athlete ako nung highschool sa kabila ng chubbyness ko, baket? dahil ang Papa ko ay isang magaling na basketbolista ng AFP, ang kapatid naman nya na enlist sa PMA dahil magaling mag basketball. Ang mga pinsan ko ay built to play basketball, ang mga height nila ay 6'3'', 5'12'' naman ung kuya ko, tapos yung bunso 6' footer. Eh ako tumataginting na 5'8'' puta diba?! Pero nasa dugo namin ang pagiging athlete kaya nakapag laro pa rin ako, hindi nga lang basketball kundi volleyball (I know it's so gay) pero better na meron kesa wala diba? Tosser ang laro ko noon kung saan-saang school kame nakikipag compete at nananalo naman ang team ko, point is pinilit kong pantayan ang tatay ko, maganda ang katawan ni Erpats noong kabataan nya at malayong malayo ako, mataas din si Papa almost 6 footer na sya.

Kung baket naman kasi ang hirap mag papayat, alam kong hindi healthy ito at nakakababa ng self esteem talaga, lalo na pag nakikita ko ang billboard ng flawless sa edsa. Fuck! Buti nalang hindi ako naging timid dahil sa chubyness ko, hindi ko ito kelan man kinonsider na infliction nag hanap lang ako ng paraan para matakpan sya. Tulad ng malinis na balat, hindi ma pimple ng face, malinis na batok walang barnakels at always mabango. Kasi naman mataba ka na nga mabaho ka pa, kamusta naman yun?!

Naisip ko lang din fair din si Papa Jesus kasi kung ako ay may six pack abs and sexy and all eh'di wala na akong kapintasan pa? Ang hirap naman yatang maging perfect. Hak Hak Hak!

Seriously, Gusto ko ng Pumayat ng slight (gusto ko chubby parin) hindi na kasi ako makapag tucked-in pag formal wear. Waaaaaaaaaaaaaaaaa! Dati naman kahit chubbyness ako carry lang mag tucked-in ngayon kelangan kong hindi huminga para hindi masyadong halata ang ab. I'm so lungkot!

May Part 2 ang post na ito (next time nalang gutum na me eh)

Bow!

64 comments:

  1. UNA ATA AKO AH! astig!
    hakhak!

    tawa ako ng tawa doon sa palengke mode niyo ni mommy. hahaha!

    kung ikaw gustong pumayat ako naman gusto ko tumaba. as in tumaba.
    kaso kahit anong paglamutak ang gawin ko eh wala talaga!

    ibigay mo na lang sa akin ibang taba mo... ibluetooth natin... ano? hakhak!

    ReplyDelete
  2. @Eloi

    Hoist eloi blog ka ng blog hindi ko pa nga na edit yung entry ko naka comment ka na kaagad. LOL

    Mag aral kang mabuti ng Circuits mo dahil baka hindi ka EnerCon remember ahahaha. I wonder lang, school mate kaya tayo?

    ReplyDelete
  3. yung exercise nga ang clincher jan... ako rin sana tuloy tuloy nang mag-exercise.. :)

    ReplyDelete
  4. Di ba epektib ung yosi bago kumain?, o kaya sa cr ka kumain :D

    Naiimagine ko ung nararamdaman mo, ako nga lumake lang ng konti ang tyan feeling ko ang panget na tingnan eh :D

    ReplyDelete
  5. AMPOOTEK! talagang nabanggit pa ako dito! nakana. baka bigla akong sumikat, utang na loob ko pa seu yan.

    hayuf lang, tawa ko ng tawa sa pagi-skip read ko sa entry mo. madaming moral lesson na napulot.

    ano ibig mo ipahiwatig? na isa kang mabuting nilalang, na sa pagiging chubby isa ka pa ding mababang loob at inde sineseryoso ang mga bagay bagay? ikaw na... ikaw na pre ang mabait at mapupunta sa langit. Pakikamusta nalang kami ke san pedro pag nagkataon.

    payo ko lang, try mo kaya mag audition sa bigger loser asia sa next season? hehe.. juk lang pre..

    ~pizout

    ReplyDelete
  6. ako rin, pangarap ko pumayat. o kaya gumanda katawan ko, parang kay batista lang.

    alam mo jepoy, kaya mo yan, mind over matter. hahahaha! mag-enroll ka sa mamahaling gym para mahikayat kang mag-exercise palagi. maiisip mo kasing sayang ang ibinayad dun. :)

    ReplyDelete
  7. Familiar ka ba sa General Motors Diet Plan? Dali, i-google mo tapos gawin natin. Bilis! :)

    ReplyDelete
  8. ok lang naman maging mataba..basta healthy ka..ako nga gusto kong tumaba eh..^_^ kyutness ka naman kuya jepoy kaya ok alng yan..^_^

    ReplyDelete
  9. eh syempre kung ako ang tindero tapos kitang kita ko ang anak ng mangungutang na mas busog pa saken eh ano gagawin ko? syempre hindi papautangin....inaadvantage niyo ako e.ahahaha..

    ako noong una sobrang payat..pero ok na ngayun...atleast meron nang karne...

    darating din ang araw na papayat ka...

    wish ko lang.....weeeeeeeeeee!
    aahahhaha

    ReplyDelete
  10. Hindi ka mataba... or chubby... or obese...


    big boned ka lang kaya ka ganyan...

    Subukan mong mag shabu, baka pumayat ka... hehehe! joke lang!

    =)

    ReplyDelete
  11. grabe tawa ako ng tawa! pero ramdam ko yan kase date tumaba ako ang dameng nagulat na insecure tuloy ang lola mo eh di pa gym gym pa ako.. problema lang pala sa bf ang katapat ayun namayat ako kaso ang dame naman nagsasabe na mas ok na mataba ako.. eh anu ba talaga kuya? lol

    ReplyDelete
  12. pacheck lang po ng attendance hehe

    another interesting post.....

    I suggest gayahin mo ung diet ni Emily sa "The Devil Wears Prada". Eto sabi nya:

    "I'm on this new diet. I don't eat ANYthing and when I feel I'm about to faint, I eat a cube of cheese!"

    hehe.joke lang po. seriously, exercise talaga ang katapat nyan.chaka may isa pang disadvantage ang pagiging mataba, may kasama ring health hazards yan. Kaya po you must find the WILL to really get in shape!Kaya mo yan!

    ReplyDelete
  13. 5'12" wahahaha. lumagpas ata ah. ahahaha. cg n kayo na athletics

    ReplyDelete
  14. AMF! BAKIT NAGPOST KA NG GANITO?? wahahahaha SAPUL NA SAPUL ang lola mo minus the palengke part ha.. :))

    "Cute" ako since birth..hahaha I prefer that term kasi yan palagi ang naririnig ko.

    Highschool ako nagstart maging conscious sa katawan ko pero wala pa rin ako ginawa :)) katamad kayang mag excercise..hahaha Ok lang active naman sa acad, wala nga lang boylet..hehe

    Ngayon lang ako nakakaisip magbawas bawas ng baby fats at secret na lang kung anong ginagawa ko baka kasi maudlot ang pagtekti.hahaha Buti na lang malapit sports complex dito.

    Di na ko masyado conscious sa katawan ko kumbaga for health reasons na lang kung bakit ako nagbabawas. MInsan nakakairita lang pag nasasabihan ako ng:

    "Maganda ka naman, papayat ka lang ng konti"

    HALLER ilang taon ko na tong naririnig...nakarindi rin ha..


    Join ka na sa Biggest Loser Asia start na ng audition for season 2 Para maedit ko ;)) ikaw ang mananalo!!!LOL

    ReplyDelete
  15. . . . ang pag-ma'masturbate daw ng nakatayo habang nasa loob ng cabinet na nakasara ay nagbibigay ng 23% chance na makasunog ng calories.

    ReplyDelete
  16. Dont worry dami nga chicks jan na dig ang chubby man..Mga chubby chasers ba.. :)

    ReplyDelete
  17. ^ ^puta nabuga ko kinakain ko habang binabasa ko comment ni zhurutang.

    ReplyDelete
  18. ^ ^puta nabuga ko kinakain ko habang binabasa ko comment ni zhurutang.

    ReplyDelete
  19. ^ ^puta nabuga ko kinakain ko habang binabasa ko comment ni zhurutang.

    ReplyDelete
  20. ^ ^puta nabuga ko kinakain ko habang binabasa ko comment ni zhurutang.

    ReplyDelete
  21. para saken mas maappeal ang mga chubby. :))

    ReplyDelete
  22. Apir tayo!
    bakit nga ba ang hirap magpapayat at ang dalidaling magpataba. Itssoanfeyr!

    ReplyDelete
  23. wawa ka naman idol... gusto mo bugbugin natin yung kundoktor? hehe. may suggestion ako.. siguro kailangan mo ng support group.. maghanap ka ng makakasabay na mag-exercise at mag-diet... i found it effective kasi mahihiya kang tumigil pag may kasama ka! hehe. try mo lang :P

    ReplyDelete
  24. @Chingoy

    Mas masarap kasing umopo sa couch at mag kutkut ng cheetos I love et!

    @Lord CM

    Baket naman sa CR kakain Pre, nakaka sulasok naman ata iyon LOL

    @Bulakbolero.sg

    Bigger loser asia?! Baka biggest loser ahahaha Hindi ka nanaman nag basa, puro ka kasi skip read. Kung nag skip read ka paano babasahin ng readers ang vlog mo. TSE!

    @Caloy

    Alam mo tama ka, mind over matter talaga. Wala kasi akong pang enroll sa mamahaling Gym. Poor lang me.

    ReplyDelete
  25. @Gasul

    Alam mo bang ginoogle ko talaga yang General motors Diet plan nayan! At interesting, kelangang magawa. Baket ka nag diet gasul diba macho ka na? :-D

    @Superjaid

    Wow salamat naman sa pag sabi na cuteness ako parang napakilig ang pwet ko ng beri beri nice. THanks superjaid hihihi

    @Maldito

    Letche maldito! At hindi ka naman nag YM chat hihingi-hingi ka ng YM tagal tagal mo namang sumagot. TSE!

    @Stone Cold Angel

    Pre, gusto ka yang big boned na litanya na yan ahahhaa! May pag ka pusher ka pala Pre wag ganun. LOL

    ReplyDelete
  26. @Buhay Prinsesa

    So dapat mamroblema me sa pag ibig? Kung alam mo lang buhay prinsesa ahahaha feeling ko nga kelangan kong ma inlove ng bongga at yung maiinlove din ng bongga sakin hindi yung one way lang ang hirap nun nakaka gana kumain ahahaha (Baliktad?)

    @Weng

    Wow andito nanaman sya, Hindi ako kumakain ng cheese eh kahit na ma cheesy akong tao and sweet and sexy and witty (ang dami ng sinabi?!) I have to agree, excercise talaga dapat kaso nga nakakatamad. True marami talagang health hazard ang mataba :-( Siguro I'm gonna die kagad.

    Thanks weng...

    @Kikilabotz

    Isa ka pang skip reader ka! yung mali kagad ang and napansin mo. TSE! At hindi ka nagpakain nung bday mo!

    @Hartlesschiq

    True! ako nga naiinis pag sinasabing hindi ka ba nahihirapang huminga. Gusto ko talagang kunin ang Bolo ni Anddress bonifacio at gripuhan sila. Sinasabi ko nalang hindi ikaw baket ang panget mo at ang baho ng hininga mo?! TSE

    Ganun lang hihihi

    ReplyDelete
  27. @Zhurutang

    Punthangena, natawa ako sa comment mo. Ayoko nga mag masturbate ng nasa cabinet mahuli pa ko ng sister ko. Dyahe!

    @Silentassasin

    True nahihirapan na nga ko mag tago sa kanila (angas?!) pero I would like to lose weight not for the girls but really for health reasons, para mas healthy hihihi

    @Anonymous

    Hindi mo naman masyadong na gustuhan ung comment ni zhurutang kaya napa comment ka ng times 3?!

    @Keso

    Parang kinilig ako sa comment mo ahahaha

    ReplyDelete
  28. @olyabut

    Sus di ka naman chubby! Wag kang mag panggap. TSE!

    @Mr. NIght Crawler

    Tama ka kelangan ko ng support group kaso wala na akong friends here, nasa abroad na I'm a lonely shit kaya nga puro lang ako online tsaka eb ng bloggers diba?!

    Thanks sa comment!

    ReplyDelete
  29. Ako chubby din kaya nga baboy ang tawag sa akin (bad sila eh! ahahahahahahahhahahahah) pero gusto ko naman ang katawan ko... di lampayatot at din rin yung alam mo na... (insert jejemon here---jejejejejejejjejejejeje)... pero ako malakas talaga lumamon... yun lang... hahahahahahhahahaha

    ReplyDelete
  30. hoy reply ka nga sa komentz koa kc minsan nilalagpasan mo ako eh nang bonggang bongga eh... wehe...sige intro lang yan... rereply akoh =)

    hmmm... naaaliw ako sau....napapasmile ako while reading ur entry... bihira na sa earth ang nagpapakatotoo na tulad mo...dahil dyan... hanga ako sau... im giving u five star... now u reached d max kc noon four star ka lang saken... naks...

    honestly jepoy when u come here sa mundo ko... i don't think they'll consider u fat... baka masabihan ka pa ngang skinny sa dmeng overweight and obeses ditoh... really...kaw ur not that bed... u just happened to live kc in a place where everyone... ok mostly are skinny...

    marami sa mundo ko eh they don't like skinny people they prefer may laman...mas masarap kc ihug...

    but still whatever we say eh you still wanna lose weight... that is fine... syempre you wanted to be healthy and to be close to perfect... haha....so unz... hmmm....

    i guess it takes discipline... so far i think ur doing pretty good naman devah with food ur eating... hilig ka ba sa sweets? eat less sweet... iwasan as much ang too much chocolates... sweet smoothies or smoothies in general... ice cream... soda yan specially kc basically sugar lang yan...eat less red meat nd if u can try to choose white meat over it... fish yan itz good for u... seafoods ah not so much.... oh rice if u can eat brown rice....drink lots of water...i know those are pretty basics pero la lang juz saying... tapos add exercise to it... it doesnt mean going to gym... sometimes as simple as walking 15 to 20 minutes a day kahit three days a week lang makes a difference.... do as much small activities that u can... as simple as sweeping the floor i guess...

    you can do it if u want to...just put ur heart and mind to it... aja! we all gonna be here cheering for yah... next time mas wafu ka pa kay sam milby... the next hearthrob... naks... haha... dmeng sinabi... ingatz our huggable jepoy...Godbless! =)

    ReplyDelete
  31. @Xprosaic

    Susme hindi naman halata na chubby ka. Hmp!

    @Dhianz

    Na kakatats naman ang Sinabi mo! Oh well i really have to start counting calories and get my butt up and start simple exercise ang tamad-tamad ko kasi talaga. Yeah weekness ko ang Soda ang that is pure sugar, not so much with chocolates nowadays. Yeah kaya ko to. Thanks for cheering for me mizz dhianz hihihi

    God Blezz!

    ReplyDelete
  32. note: btw sensya sa mga typo error... ikorek mo na lang parekoy =)

    ReplyDelete
  33. haha... nagreply ka na pala sa komentz ko...hmmm... well kung nde mo mapigilan ang soda eh try to drink sparkling water... isipin mo soda un... nd hmmm counting calories kinda hard... minsan nga mas maganda na kumain ka nang kumain na smaller portions than letz say twice a day tapos dme dme... neweiz... yeah un... sige daldal eh noh... minsan den kc nutrition freak ako nde ko nga lang masunod all d time... haha... laterz parekoy... pa haller na lang kina cool glentot at wafung kuya drake...(syempre kaw c huggable jepoy) nde ako makagala much eh... laterz... Godbless!

    ReplyDelete
  34. Grabe ka! Hindi ka naman mataba! As in.

    ReplyDelete
  35. haha natawa naman ako sa string of adjectives, sige pwede mo pala palitan ng half a glass of water ung cube of cheese... ;)

    teka muna, bakit parang naging morbid sa dulo ung reply mo sa comment ko? hindi ko po intensyong taningan ang buhay mo ha? hehe. What I was trying to say was avoiding the health hazards of being fat should also be one of your motivations to diet and exercise!

    ReplyDelete
  36. bakit parang nawawala ang huling bahagi ng unang talata? di ba dapat may kasunod yun na, Pagbalik ni nanay ng gasolinahan ay okra, kangkong, patani at suka nalang ang laman ng basket. Wala na ang kamatis at bukayo.

    aminin mo!!!

    kung gusto mo talagang pumayat Jepoy, i will help you. let's talk about this over coffee... isama din natin si Glenn dahil isa pang balyena yang bansot na yan... buti nga ikaw matangkad, ehsi Glenn, talagang lumagpas na siya sa ideal weight para sa kanyang height.... papapayatin ko kayo pareho!!!

    seriously!!!

    ReplyDelete
  37. hey ang kyoot nga ee..

    ok lng yan kyooot nan ee..


    nakakatuwa blog mu ah jajaja

    ReplyDelete
  38. good luck sa librong gagawin mo. introduction palang ito, right? i think so, uh-huh.

    ReplyDelete
  39. *&@#! susmaryosep zhurutang ano ba nangyari sa yo?!

    ReplyDelete
  40. Sagutin ko lang tanong mo kung bakit sa cr kakain...

    Ikaw na nga may sabi, nakakasulasok! makakakain ka pa ba kung sa cr ka kakain? di na!mwawalan ka ng gana, papayat ka na! lolzz

    ReplyDelete
  41. hahaha.
    kung gaano kahirap para saiba ang magpapayat, ganun din sa iba ang magdagdag ng timbang...

    ok lang yan Jepoy..lols

    atleast cute naman ang matataba! hehehe.. chubby [pala..lols

    ReplyDelete
  42. Basta ako kuya, inilagay ko sa heart ko ang goal nang ayain kitang mag biggest loser. Ako tamad din magkikilos at mahilig pa sa food pero ngayong taon na ito reporma na ako, jogging 3x a week at isang aero pag weekend. Dapat sexiness na talaga ako pag uwi ko sa December.

    Para kahit botchog tayo sa eat all you can--hindi pa rin halata.

    Goodluck ha, promise uuwian kita ng t-shirt na medium ang size pag pumayat ka. hihihihi!

    ReplyDelete
  43. @Jepoy, biggest loser asia nga yung tinutukoy ko. sorry na-ga. paminsan minsan e nagkakamali din.

    ReplyDelete
  44. Agree ako na super hirap magpapayat.Lalo pa kung ang sasarap ng pagkaing nakikita mo, ang nasasabi ko na lang "bukas na lang ako mag diet".


    May ilan naman na kahit chubby e cute naman.Yun nga lang mahirap lang talaga kapag kumikilos. ^_^ Goodluck sa pagpapapayat!!!!

    ReplyDelete
  45. CUTE tayo!!hahaha

    Mas trip ko pa rin ang trainer sa Biggest Loser US kesa yung sa Biggest Loser Asia.


    Tara sali na tayo :P

    ReplyDelete
  46. @Dhianz

    Thanks much dhi ingats kaw hihihi

    @Glentot

    Now that is what we call sarcasm.. TSE!

    @Weng

    Morbid ba? Hindi naman ahaha I get you point about avoiding health hazards, now I'm starting be a health freak which I think is good hihihi

    @YJ

    At YJ hindi ko kaya kinain kasi kakatapos lang namin mag palabok nun hihihi

    Sige papayatin mo me now na! Sige sige nga matagal-tagal narin tayong hindi nag kwe-kwentuhan over a bottle of San Mig lights hihihi

    ReplyDelete
  47. @Harliihate

    Oi thaks ha, parang napa smile ako ng konti dun hihihi

    @Random Student

    Libro ko dyan, TSE! Oo mag sama kayo ni Zhurutang ahahha

    @ LordCM

    Ok Ok I get your suggestion ahaha Sana nga mawalan ako ng gana kumain ng madami at mag excersice more hihihi

    @Kosa

    tama ka hihihi Cute cute nga hihihi

    ReplyDelete
  48. @Ayie

    Sige sige mag papaka sexyness na ko para naman pag nanlibre ka maraming akong makain, aba sexy ka na sa disyempre nyan ah hihihi

    @bulakbolero.sg

    Hindi ka pwedeng mag kamali, dahil isa kang OFW, hihihi

    @Darklady

    Lagi ko rin linya yang bukas na me mag diet, bukas na me mag exercise kaya tuloy yung pag payat bukas narin ang ni rereply hihihi.

    @Hartlesschiq

    Syempre naman cute me hihihi

    ReplyDelete
  49. Jeff kulang ka lang sa Friday's..siguro dapat 3x a week ka na kumain dun. Baka hindi lang discount card ang ibigay sa iyo. joke.

    Mag exercise ka na araw araw kahit 30 min. tapos no fatty food, no salty food, no COKE, no Chocolates..hahaha!

    ReplyDelete
  50. Jeff kulang ka lang sa Friday's..siguro dapat 3x a week ka na kumain dun. Baka hindi lang discount card ang ibigay sa iyo. joke.

    Mag exercise ka na araw araw kahit 30 min. tapos no fatty food, no salty food, no COKE, no Chocolates..hahaha!

    ReplyDelete
  51. ...bawasan paunti unti ang normal na kain a day' then mag exercise paunti unti din wag bibiglain hanggan sa masanay ka na' disiplina lang pareng jep : )

    ReplyDelete
  52. @Pareng Steve

    Sana mag kapitbahay nalang tayo para mas madali ang aking diet and exercise meron pa akong jogging buddy :-D

    @Ahmer

    Maraming salamat sa napagandang suhistyon mo sana nga ay magawa ko itwu hihihihi

    ReplyDelete
  53. noong payat pa ako ay gusto kong tumaba. ngayong medyo chubby (konti lang naman) na ako ay gusto ko nang pumayat ulit. kaso ang hirap pala!

    tama ka jepoy, ang hirap ng inaalipusta ang pagkatao dahil sa katabaan. parang dito sa saudi, palaging dapat nasa passenger seat para mas maraming makaupo sa likod ng pick-up!

    ReplyDelete
  54. pers of all, saludo ako sayo sa post na to. bibihira ang aaminin na mahirap maging mataba at gusto ding pumayat. for health reasons din naman kasi, bonus nalang yung good looks. Ü

    ok, here are my diet tips:
    1. eat less. (of everything)
    2. when hungry, drink water. (minsan kasi feeling mo gutom ka, nauuhaw ka lang pala)
    3. when still hungry - pray! Ü


    yan ang diet routine ko, tamad din ako mag-exercise pero effective yan, lalo na yung #3! haha

    ReplyDelete
  55. Ching! ayus ung number 3 ah.. wakoko. :P

    ReplyDelete
  56. @Ching

    favorite ko ung number 3. LOL Ang saya!

    @Bulakbolero

    Blog mo to? Baket ka nag cocomment kay CHyng?!

    ReplyDelete
  57. i agree with Chyng. Prayer ang katapat nyan. pa-exorcise ka na.

    ReplyDelete
  58. dont skip meals! U need mag exercise talaga o kaya salamat doc na lang! lol

    ReplyDelete
  59. Nang mabasa ko ito ay naalala ko ang post mo jepoy...ahahaha,malay mo makatulong:P

    The Sex Diet written by Susannah Breslin:

    "The sex diet can be executed only under very specific circumstances. You can’t buy it in a store. You can’t do it if you’re coupled up. And you can’t do it if you live in a nunnery. The sex diet requires you be single, you’ve met someone, and you’re starting to get the impression that at some point in the not-too-distant future, you’re going to be having sex with this person. The bottom line: The sex diet is fueled by the unmitigated anxiety of getting naked in front of another person for the first time.

    On dates, you can hide extra pounds with belts, certain tops, and a mean pencil skirt. It’s when you’re getting near the naked zone when things can get tricky. Obviously, one should love oneself as one is—but you know what? That’s not always easy. I don’t know a woman who doesn’t worry about her body, and when you’re having first-time sex, you’re not just worrying about your body, you’re worrying about what the other person thinks of your body, too.

    On the sex diet, reason goes out the window. All of a sudden, you’re eating right, you’re exercising regularly, and you’re doing every thing you can to get that metabolism moving, dammit, before you do the deed. Sex is a pretty strong motivator, I’ve found. The sex diet? It works. Every time."

    ReplyDelete
  60. Deth Nice one. love it...

    ReplyDelete
  61. DISCIPLINE is next to SEXYNESS :)

    ReplyDelete
  62. lipo lang katapat nian..mayaman ka naman eh

    ReplyDelete
  63. super nka-relate..

    may follow-up comment p later..

    times up!

    ReplyDelete