Sunday, March 28, 2010

Public Apology

I have so many things to deal and digest sa buhay ko lately at ayokong madagdagan ang aking kalungkutan dahil sa isang pag kakamali kaya ang title ng post ko ay Public Apology.

Okay dahil close na kayo sa'kin mga online peeps lemme share a little bit of me, konti lang naman 'ito. Sa limang taong sumusubaybay at nag babasa ng blog ko I'm sure ma iintindihan nyo ang aking i share today.

Alright, Saturday has been a blast hindi dahil ang kasing papalicious kong si kuya Justine Timberlake ay nag concert sa MOA kundi dahil lamang ito sa activity ko ng buong Saburdey.

Okay wala pang sweldo at wala na me pera kaya nitatamad sana akong lumabas, pero ayoko namang mag paka emo sa bahay mag isa baka bigla kong mainom ang clorox dahil sa sobrang sakit ng puso ko lately, sorry naman nag shift mode nanaman sa emo 'di lang mapigilan.

Okay excited me dahil mga blogger friends nanaman ang aking makakasama. Kung noon eh puro si Glentot lang ang kasama ko ngayon dumarami na kame at naka tutuwa talaga iyon, pero hindi 'yan ang kwento so continue na muna tayo.

Nag kita kame ni Kuya Andy para mag lunch, kwentu-kwentuhan ganyan ganyan. Nag pigout kame kasi pareho kameng hindi pa nag breakfast at lunch at around 3 na noong time na iyon. At sa kabilang lupalop naman, sa may Shangrila Ortigas ay may kaganapan din doon with Glentot and Kikilabotz , Kuya Chingoy and Anton EB, dapat kasama din ako doon pero dahil umattitude ako sabi ko kay Glentot ayoko sa Ortigas kahit alam kong ang mga ka EB eh galing pa sa malayo, sorry naman may pagka selfish lang minsan talaga. Eh si Andy naman mabilis lang utuin na sa MOA nalang kame mag kita kaya fly naman sya kagad sa MOA.

Fast forward.

Na-convince ni Glentot na pumunta ng MOA habang si kuya Chingoy ay inindian sila (Attitude din) so 'yun nga nag fly sila sa MOA kahit traffic. Okay so na meet ko si Anton tsaka si Kikilabots (Isang tunay na tunay na Artistahin sa personal) Shake hands Shake hands ganyan ganyan hanggang sa na suggest ni Glentot na mag punta kame ng Tagaytay at umagree naman ang lahat. Si kikilabotz nag paalam na na hindi sya papasok sa work, kaya all set na.

Kahit in doubt me pumayag akong mag maneho papuntang tagaytay kahit hindi pa ako nakakapag maneho papunta doon ever, nahiya kasi ako dahil nga pumunta pa sila sa MOA all the way from Ortigas.

Okay so punta kame parking check ng tubig, break fluids ganyan ganyan tapos fly na kame sa Tagaytay with Andy as my navigator na walang kwenta. Mga around 5PM kame umalis no'n so as expected dahil nga 20 miles/hr lang ang takbo ko papunta doon eh gabi na kame dumating, putangena! At pinag pawisan ang betlog ko sa pag papark, nyeta talaga!

Pero pag labas namin nag kotse ang sarap ang lamig lamig ay zo lavet! Syempre picture picture muna kame kahit muka kameng tanga kasi nga gabi na wala ng makikitang nature sa likod namin buti nalang dala ni Glentot ang mamahalin nyang Camera. So ang totoong kwento ko dito na nag simula, syempre ano pa nga bang pag kwekwentuhan ng bloggers pag nag meet edi blogs din.

Kwento kwento at na punta na ang issue sakin at tinatanong nila ako about sa fiction na sinulat ko at sa last post ko entitled tumbling, syempre dahil pinaka close ko sa lahat ay si Glentot alam nya kung sino ung isang tinutukoy ko. Tapos tinatnong nila kung sino daw ung tinutukoy ko dun sa isa, syempre ako naman ayokong mag name drop ang sinabi ko si Glentot at dito nag simula ang lahat. Please read this. Natapos na ang gabi at nag decide kame na umuwi na dahil naawa naman kame kay Glentot wala pa syang tulog. Nagkayayaan mag inuman sa may CCP Complex banda (feeling ko may pera pa ko nun wala na pala) pero si Glentot ayaw na nya dahil uuwi sya. Skip ko na 'yung inuman part namin nila Kikilabotz and Andy and YJ ha. Diretso na ko sa reason ng entry na to.

Pag gising ko ngayon lang morning at nag check ng facebook at blog ni Glentot. Nagulat ako ng bongga muntik na kong mahulog sa upuan ko. Siniryoso ng froglet ang aking sinabi 'nung nasa tagaytay kame, Oh My Gas! Pag check ko ng facebook aba deleted na rin ako sa kanyang friends list!!!! Panalo ang pag tatampo factor! Syempre ako nag txt kaagad at nag message sa cbox nya.

Deadma sa banga at nagalit kay Jepoy ang Glentot :-(

So Public Apology itong entry na ito para sa true friend kong si Glentot.

Dear Glentot,

Kung nasaan ka man ngayon sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Sana ay wag ka nang mag tampo kay Jepoy and for the record hindi ka kaya user. Isipin mo nga sino ba ang hinahatak kong lumipad ng MOA para mag starvaks at manood ng Sine?! Diba ikaw?! So pano ka magiging user?! Seriously ang bait bait mo kaya (totoo yan walang halong toothpaste at sarcasm)

Isa ka kayang tunay na kaibigan. Kung ikaw ay nasaktan ng bongga dahil sainabi ko na ikaw yung taong "Kebs sa Banga" na tinutukoy ko sa last entry ko pwes sorry naman dahil hindi ikaw 'yun, framiz!

Sensitive ka palang froglet ka kahit ayaw mo ng cheezy books tsaka cheezy film. Pasensya na talga at hindi ikaw 'yung tinutukoy ko as in, feeling ko na saktan ng beri beri nice ang puso mo kaya dinelete mo narin ako sa fezbuk mo. Sana Wag kang mag tanim ng poot sa puso mo okay bad yun. Tandaan mo ang favorite quotation natin, "Only pure heart can break the Spell"

Ang Keso! Inom na tayo okay... Pero kung ayaw mo na talaga akong tropa at ka fezbuk eh sana atleast maniwala ka na hindi ikaw ang kahit na isang tao na tinutukoy ko sa previous kong entry, yun lang ang wish ko for Christmas. Okay!

Papa Jesas loves you :-D

Lubos na Gumagalang

Jepoy

33 comments:

  1. @Paps

    Una sa lahat ang bilis mo mag comment, hindi ko pa na eedit yung entry ko naka comment ka na kagad ng beri beri nice.

    Uu si Glentot may poot sa'kin eh, baka pag nakasalubong ko sya sa MOA baka saksakin nalang akong bigla :-(

    ReplyDelete
  2. hmmm..parang hindi kaya ni Glentot na sakalin ka bro..Kailangan muna niyang magdala ng sangkatutak na alalay..lol

    ReplyDelete
  3. sana po ay maayos nyo na kung ano mang meron kayo =).
    ika nga ni ruffa e peace peace peace!
    parang kris - ruffa lang, hehe.

    ReplyDelete
  4. @Ruph

    Oi welcome back, malay mo naman

    @Olyabut

    Kung ano mang meron talaga?! LOL Peace Peace kaya ako... Bait me kaya.

    ReplyDelete
  5. nakakahiya na magcomment...

    pero sana ma-ayos nyo na ni glentot yan... hindi naman na kayo mga bata para mag-away. that's the problem when you get TOO familiar with the person, in little ways you're bound to hurt each other's feelings.

    make love not war...

    ReplyDelete
  6. tsk..tsk..syang kpag nwala..syang kpag pinabayaan..sayang kung di rin lng maibabalik sa dati..sayang na relasyon..wahahaha...seryoso syang tlga sana ma appreciate ni Glen ang public apology mo..

    ReplyDelete
  7. sayang naman ang frenship.
    sana eh maayos na ito ng bongga!

    eh di napatumbling ka ng todo kaninang umaga?**tapik balika**
    oks lang yan Jepoy.
    maliliwanagan din ang isip ni Glentot:D

    ReplyDelete
  8. Hala bakit bigla akong nalungkot dun!Hays!

    Ponkan YM mo ako, baka kailangan mo ng kausap!

    INgat parekoy, medyo nalungkot ako dun pre!

    ReplyDelete
  9. hala, sayang naman ang pinagsamahan...pasasaan ba't magkakaayos din kau, just give him space muna...

    ReplyDelete
  10. Ay naku, na-gagaga ako sa inyong dalawa. Kebs ko na lang sa inyo--pinagtitripan nyo na naman kami.

    Dahil sa mga ganito ganitong eklavu nyo, gusto ko nang madaliin ang araw para December na para pareho kong kayong makurot sa betlogs!

    Ang kukuleet! heheh

    Kuya Jeps, ikaw lang yata nag nag iisang lalaki sa buhay ni froglet...=)

    ReplyDelete
  11. ooopps, nagulat si kuya chingoy.. :(

    huy, peace peace na!!!

    ReplyDelete
  12. awww. sana mgkabati na kayo. nkksad lang kse. tsk.

    ReplyDelete
  13. alam ko kiliti nyang si tot. regalo lang katapat nyan. the bible says (sa psalms ata) that a gift is a way to the heart of a friend. si andy uto-uto? hala.

    ReplyDelete
  14. roanne, masagwa atang mag-make love sila haha (pilosopo lang ako)

    ReplyDelete
  15. asan na si glentot?

    hala ka....

    ReplyDelete
  16. ano yan away-bata? hehe! malalaki na kayo.. be matured. but, glentot deserves an apology..

    be extra cautious sa binabato nating words, meron kasing moments na ganito, "wag mo akong biruin, di kita kabiruan!" LOL

    sana magkaayos na agad kayo

    ReplyDelete
  17. Sana maayos na yan...

    peace on earth!!! =)

    ReplyDelete
  18. Hala ka! sasamain ka kay Glentot nyan! jijijijijijiji... kelangan may peace offering ka! jijijijijiji

    ReplyDelete
  19. @Roanne

    Baket ka naman nahihiyang mag comment? Hindi naman ang away, ang pag kakaintindi ko kasi sa away mutual ang feeling...Parehong galit. Ako hindi ako galit naka offend lang kaya nga nag sosorry eh, pero kung ayaw tanggapin it's not my control anymore. Basta I did my part I apologize na at nag pakumbaba kung ayaw wala me magagawa.

    @Jam

    Thank you thank you. Sayang talaga pag nawala. Kung yung pusa nga pag nawala manghihinayang ka yung tao pa kaya?

    @Kosa

    Oo napatumbling ako kaninang morning, na shock me. Well hindi ko hawak ang kanyang decision. I just respect na ayaw na nya akong friendship. So ganun lang ang life minsan masaya minsan busog (walang connection)

    ReplyDelete
  20. @Drake

    Wag ka ng malungkot gaya nga ng sabi mo hindi ka naman nag blog para makipag kaibigan diba so wag ka nang malungkot. Ma deal din naman to kelangan lang siguro ni Glentot ng time kasi nga na offend sya. So ganun lang.

    Hindi na kita YM kasi busy ka sa life mo, gaya nga ng sabi mo sakin last time, "May buhay karin namang sarili dyan" so I didn't bother to buzz since then. I appreciate the offer though.

    @Scofield

    True. Na niniwala naman ako na maayos din ito, in due time siguro. Salamat sa inyong concern. Enjoy life lang cheers!

    @Ayie

    Ate ayie sige papakurot ako sa'yo sa betlogs. hihihi

    HIndi naman kasi marami din syang tropa :-D

    @Chingoy

    Mukang hindi na matutuloy ang ating project kuya. Yun lang naman. Bow!

    ReplyDelete
  21. @Keso

    Nakakasad nga.

    @Random Student

    Gift? Syota?! Wala akong pang gift tama na siguro ang txt at special entry kong ito. Pwede na siguro yung effort right?

    @Azel

    Hindi ko po alam kung nasaan sya.

    ReplyDelete
  22. @Incedent Mind

    Yeah he deserve an apology that's why I txted and made this entry. We'll see we'll see incedent mind...

    @Stone-cold Angel

    True. Peace on Earth salamat sa pakikibasa

    @Xprosaic

    Peace offering? Parang alter lang? LOL Baka isampal sakin ang peace offering scared me eh. Tama na to at txt. Yun lang hihihi

    ReplyDelete
  23. magbabati din kayo. :) best buds kayo eh. hahaha!

    ReplyDelete
  24. poy, kelangan masakit rin sa bulsa kasi nasaktan yung dibdib nung tot eh.

    ReplyDelete
  25. @Caloy

    Akalain mong sawakas eh dumalaw karin sa bahay ko?!

    @Random

    Hala ka! Syota?! Galit na galit kaya sya. Hayaan namuna natin at patayin ang issue, nag papa chillax pa siguro.

    ReplyDelete
  26. Shemay...hmm ganto plang nangyari...magkakabati din kayo kuya...

    ReplyDelete
  27. kaya pala ang Glentot eh mega disappearing act na at wichikels na sa pagkajoin sa inuman.... at kaya pala hindi din makatulog ang kumag kahit umuwi siya dahil antok na antok na..... may iniisip pala!!!

    eh Jepoy, shunga ka, kasi naman kung ayaw mo mag-name drop, sana nagtext ka kay Glentot o kaya binulungan mo siya na gagamitin mo muna ang kanyang name di vah!!!

    anyways, kung maisipan niyong mag meet para daanin ito sa pisikalan, sabihan niyo ako, at ako ang mag ra-round girl ha.... gawin niyong referee si Andy, tutal madaling utuin yan hahahahahaha

    at imbayt mo din si kikilabotz para may escort ako bwahahahahaha

    tigilan niyo yan ha... para kayong mga bata... pagbuhulin ko mga betlog niyo eh....

    ReplyDelete
  28. @Bad M97

    Hindi natin alam ang mga pwede pang maganap.

    Salamat sa pag kumento

    ReplyDelete
  29. @YJ

    Pinaka nagustuhan ko sa comment mo ang pag eescort ni kikilabotz sa'yo. Remember the search is over (Naiimagine ko pa ang hand gesture mo putangena!)

    Sige sige inuman nalang pero feeling ko si Glentot hindi na sasama deleted na ako sa fezbuk nya kaya. May poot ng bongga sakin!

    Nag txt na kaya ako ng bongga, NR ang kuya mo sakin.

    ReplyDelete
  30. jepoy late ko na nabasa kamusta naman. nagulat at affected ako miski di ko kayo kilala bwahahhahaha

    inuman lang katapat niyan. dapat plastic na baso ang gamit niyo at itago mo agad lahat ng bote pagkaubos. at wag kayo kakanta ng "My Way" at "Boulevard"

    ReplyDelete
  31. @Achie

    Adik! tama ka isang inuman lang to yung madaming madami dapat at walang patalim dapat sa paligid ahahaha

    ReplyDelete