Wednesday, March 3, 2010

2010 Summer Trip 1--Book 2: Hagard

Nagngingit-ngit kameng lumapit sa rebooking station ng cebupac para mag hanap ng next available flight at kung magkano ang babayaran namin.

"Sir pasensya na pero wala na pong next available flight, kung gusto nyo po bukas nalang ng umaga"

"Okay sige anong oras bukas ang earliest flight at magkano ito" nag ngingit-ngit kong tanong kay ate

"Sir bukas po ng 8:00 AM and that flight is 7K po"

"Oh my freakin' Gawd, are you fucking kidding me?! Ang ticket namin back and forth ay halagang 2,300 lang! WTF!!!!"

"Sir Pasensya na po.." medyo takot na si ate

"Okay *Sigh*, ano ang pinaka murang flight tomorrow at how much ito at kung pwede nyong ibawas ang ang flight namin at kung pwede nyong i atras ang flight namin pabalik. Magkano ang rebooking fee?"

"Meron pong 5:00PM flight bukas worth 4K po. Ang rebooking fee po ay 600 pero ibabawas lang po ang amount ng isang way nyo sa amount ng flight pabalik"

"This is not happening! My Gawd! Hindi ba pwede ilibre nyo nalang kame ng papunta?!"

"Sir hindi po talaga pwede, pasensya na"

"Fine! Reserve 3 seats of that flight tomorrow 5:00 PM" sabay abot ng credit card ko (Potangena talaga!)

Bumaba ang energy level nami dahil sa 4K payment namin ng ganon ganon nalang! Futaneska Fetuccini talaga!!!!

Bumalik kame ng lumong-lumo ang katawan at naupo sa upuan sa gilid para mag relaks ng konti. Iniisip namin kung sino ang may balat sa pwet baket ganito ang nangyayaring kamalasan sa amin.


Kaya naman naisipan nalang naming sama-samang magluksa habang nanonood ng "I miss you Like Crazy" tapos nag dinner at umuwi na getting ready sa flight namin bukas.

Kinabukasan...

Hindi na nila kame maiisahan this time, dahil kahit 5PM pa ang flight namin eh, alas dose palang nang tanghali ay nasa Airport na kame suot ang bagong summer dress code para mag hintay sa fucking check-in time ng cebupac shit. Maaga kameng naka check-in at nag hintay sa waiting area habang hinihintay na ma delay ang flight para makatikim ang cebupac sa'min ng matinding freak-out-moment at makita nila kung paano mag irate-irate-tan si Jepoy. Ito ang ilang pekture sa waiting area. Kakatapos ko lang mag yosi sa pang mahirap na smoking area ng Terminal 3. Gosh buti pa states like there's an a/c in their smoking room. hihihihi




Okay hindi na late ang flight ng Cebupac at lumipad naman kame ng nasa oras. Akala ko tapos na ang kamalasan namin after namin maiwan kahapon and all meron pa palang kamalasan. Ang pwesto namin ay nasa 12 ABC nasa tapat namin ay si Lolo at dalawang french foreigner. Hindi pa man nakaka limang minuto matapos humimpapawid ang plane nag pasabog ng bongga ang isa sa taong nasa harap namin. Nahilo talaga kame ng bongga. Not once not twice not trice but more more utot sina Kuya na tila bagang hindi na pwedeng umutot next week. Putangena nila!!! Nahilo kame! Naubos yata ang off lotion ko kakasinghot. My Gawd!!! Pwede naman umutot sa restroom. Shit talaga!

Dahil hilong hilo na kame nakatulog kame sa plane ng bongga. Tumulo pa nga ang laway ko, nahiya me sa magandang flight attendant. Around 6:15 nasa Airport na kame ng Puerto Princess at nalanghap ko ang fresh air. Medyo naalis ang stress ko at tuluyang na excite. Halata ba sa pekture? syempre makikita nyo na dala ko pa ang plastic ng pang Snorkel ko hindi naman ako masyadong excited sumisid. Hindi yung sisid na iniisip mo ha! yung sa dagat i hatechu!

Namangha me sa pag ka-simple ng airport nila. Simple and sweet and cute (parang candy lang?) Tsaka super linis talaga ng paligid. Lalong umigting ang excitement ko pati nang dalawang girlets na kasama ko. Eto pektyur ng airport

But wait there's more! Lumabas kame ng airport na punong puno ang puso namin ng hopes. mga 6:30 nasa labas na kame at hinahanap ang Skylight-hotel-Service-car namin (pangalan ng hotel) ang daming local peeps sa labas sinasalubong ang mga bagong dating. Sinusundo ang turistang katulad namin (Felt na felt ko ang pag ka turista talaga). Pero parang may mali, sapagkat wala ang service namin. So more more wait muna at more more patience baka na traffic sa bangga ang potangenang service.

Lumipas ang 45 minutes!

Aba'y potangenang yan wala kameng sundo. Ang dilim dilim na sa airport at wala na halos tao dahil last flight na nga yata kame, eh wala pa ang potangenang service namin. Nag sumiklab talaga ng bongga ang damdamin ni Jepoy. Tinawagan ko ng chick na kasama ko ang hotel ayaw nyang ako ang kumausap dahil baka daw ma stroke ang helpdesk.

So usap usap sila nag bubulungan.

Makalipas ang another 30 minutes sa awa ni Buddha wala parin ang potangenang service!!!! Hindi na ko na katiis ako na ang kumausap sa helpdesk

"Hello Skylight hotel can I help you?"

"Excuse me! This is Jepoy one of your guest who is impatiently waiting at the airport. Nasaan ang service?! 1 hour na kameng nag hihintay dito."

"Eh Sir pasensya na po nakalimutan po ng driver na sunduin kayo"

"WHAAAAAAAAAT????!!! NAKALIMUTANNNNNNNNNN???! That is not acceptable reason!!!!"

"Eh Sir wag na po kayong sumigaw, papadala na po kame ng another service"

"Pakibilisan lang please..."

Kung merong pang BP noong time na 'yun, tatalsik ang mercury 'nun hanggang manila. Na kaka hagard talaga, Nyeta!!!

itutuloy ulet...

31 comments:

  1. oh anu? nauuna ako. sabi ko sayo excited ako s kwento mo eh. haha.dapt tinignan mo mga kasama mo na nakapekpek shorts kung may balat sila. ahehe. atlist db natuloy p rin kayo kahit hagard na. ahehe

    ReplyDelete
  2. wow! sarap jan... summer time na!

    ReplyDelete
  3. @Kikilabotz

    Nakita ko wala naman balat hhihihihi

    @Jonie

    Yeah summer time na nga! Salamat po sa pag dalaw balik po ulet

    ReplyDelete
  4. I can tell ang saya saya ng vacation mo nakakainggit!!!

    ReplyDelete
  5. ^ i second!

    woohoo, ako nga nagbabasa lang nastress na. wat more ka pa! hihi

    Palawan must be really worth it dahil super ganda ng post mo sa FB! Ü

    ReplyDelete
  6. @Glentot

    Sarcasm ah! hindi pa naman tapos ang kwento kaya!

    @Chyng

    I know...Pero abangan ang next kwento :-D

    ReplyDelete
  7. hala ka. damang dama naman ang galit. siguro masaya yung next part. please sana di na magalit si jepoy sa next part.

    ReplyDelete
  8. mga cute pala naman ang 2 chicababes mo at ang pekpek shorts. Okay na yan jepoy, just charge it to experience, mahal nga lang no? 4K at rebooking fee of 600. I cant wait for chapter 3. I am your #1 and #2 fan.

    Ano ni mos.

    ReplyDelete
  9. @Ano ni mos

    Penge naman ng clue!!! Office mate ba kita?! Kung hindi tao ka ba o elepante? joke :-D Salamat ha na tats ako ng sobra.. Eto kiss ko mhuahugs..

    ReplyDelete
  10. @Citybuoy

    Abangan mo hihihihi

    ReplyDelete
  11. thank you sa kiss sabayhug jepoy. tao ako pero mukhang elepante ( joke rin) hanga lang ako sa yo at saka sa blog mo. lagi akong nagbabasa ng blog mo kasi wala akong lakas ng loob mag blog. Dito ako sa Miami, Fla. pag napunta ka rito just ask for me, at sasabihin,hindi nila ako kilala.
    Take care, more pictures sa chapter 3? Thank you. Mwuahhuggs din.
    Ano ni Mos

    ReplyDelete
  12. @Ano ni mos

    Nag punta ako sa Daytona sayang hindi kita na text na libre mo sana ako sa Orlando kasi Epcot lang ang narating ko. Sayang naman. Nakakatats naman ang iyong koment. Buti nalang hindi ka nag english kahit taga tate ka kasi mag nosebleed me. Take care din, mag blog ka na para basahin ko blog mo tapos mag lakay ka ng picture (Parang facebook lang) Eto kiss ulet Mwahugs!

    God Bless!

    ReplyDelete
  13. Orlando is 3 hours from Mia. Next time, we'll chill over a case of corona beer at south beach. O Kaya pag uwi ko mag San mig tayo okay? TC Ano nimos

    ReplyDelete
  14. @Ano ni mos

    Bilisan mo ang pag uwi mo sa Pilipinas. Damihan mo ang dala mong dollars dahil matakaw me. :-D Sagot ko ang isang kahang San Mig lights go! Uwi ka na next week. Mag hanap ng promo sa Delta :-D

    ReplyDelete
  15. Ahahahahahahhaha just as i thought... jijijijiji... nagiging predictable ka na ngayon jepoy... jowk! jijijijiji... well tama hinala ko sa cebu pacific na di pa rin uubra kahit sobrang ganda at seksi pa mga kasama mo... jijijijijiji... pero yaan na mageenjoy din naman kayo balang araw (read: sa vacation sa palawan less mga aberya) jijijijijijiji

    ReplyDelete
  16. Hay sana mkapunta din ako jan...

    napasaglit lng parekoy! jijiji...

    Ingat!

    ReplyDelete
  17. Kung walang balat ang dalawang kasama mo tulad ng reply mo kay kikilabotz, IKAW ANG MAY BALAT?!!!

    Nyahaha, di bale mukhang enjoy ka naman eh, saya mo sa mga picture sa FB eh :D

    ReplyDelete
  18. @Xprosaic

    Predictable talaga ako eh, hihihi hayaan mo matatapos na ang chronicles na ito sa next post hihhihi

    @Jag

    Sus ang dami dami mong yen kahit saan pwede kang kumuha!

    @LordCM

    Pota friend nga pala kita sa facebook nakita mo na ang lahat! Samantalang ikaw walang pektyur!

    ReplyDelete
  19. potah... ako ang aatakihin sa puso nyang ganyang vacation!

    oh tapos..????

    ReplyDelete
  20. Meron na akong pektyur sa FB ko ah! nakahubad pa :D

    ReplyDelete
  21. relaks laang!hehe kainggit ah' yung happy experience nman! : D

    ReplyDelete
  22. ouchness !
    i vividly picture the scenes.
    grabe, ka-highblood talaga yan.
    anyway, ok naman ang mga chickas mo kaya enjoy pa din.
    hehe.

    ReplyDelete
  23. Kuya paki check nga pwet mo..d kya malabo lang ang pagkakamarka ng balat dyan at d napancin...hehehhe peace! Enjoy sa pagsisid..

    ReplyDelete
  24. Hahaha, isa lang ang ibig sabihin nyan........MAY BALAT KA SA PUWET.

    Pero mukhang enjoy na enjoy ka naman eh, tingnan mo ang ngiti mo abot hanggang singit!

    Sige tae ka, iintayin ko na next mong kwento!alang wenta uli ito!

    ReplyDelete
  25. hhhahaha glit n glit ah sbgay nakakainit tlga ng ulo. ampp.

    at dahil sa kyut n kyut mong pektyor ikw na si jepoybee.

    hehehehehe

    ReplyDelete
  26. hahahaha.. ang ganda ah.. ganda pa ng mga models mo..

    ReplyDelete
  27. OOOHHEEEEMMMMGGEEEHHHH!!!
    nakakaloka ang Trip niyo Jepoy!

    ReplyDelete
  28. @Chingoy

    Excited?!

    @LordCm

    Ganun ba sige iblog mo na yan ahahaha

    @Ahmer

    Neks na yung happy experience hihihi

    ReplyDelete
  29. @D-younker

    Gumaganown? Mas cutie ka naman eh hihihi

    @Jam

    Chineck ko naman wala talaga ahahha Nakaka enjoy nga ang pag sisid....sa dagat

    @Drake

    Oo naman nag enjoy ako ang saya kaya sabi ko hihihihii

    ReplyDelete
  30. @keso

    Hindi ko alam kung nanglalait ka o sinsabihan mo talaga ako ng kyot! LOL

    @Tim

    Uu cutie naman diba

    @Dhon

    Sobra, grabeh noh! Salamat sa parating pag dalaw dhon

    ReplyDelete