Saturday, March 20, 2010

Blast from the Past

Madalas akong maimbitahang maging Emcee sa wedding. Hindi dahil sa matatas akong mag salita ng english matagal ko ng alam 'yun (salamat sa Accent Training sa Call Centa) kundi dahil daw ito sa pagiging spontaneous ko. Pero sa katotohanan kinakabahan parati ako sa tuwing magiging Emcee ako, kasi pag kinakabahan ako na wawala ang spontaneity ko.

Hindi lang limang beses akong naging EmCee, minsan naman wedding singer (Feeling singer???!!!). Ang sabi nila dahil funny daw nga kasi ako. What the hell?! Clown ba ko? Or dahil muka lang akong mascot? Well kahit ano pa ang totoong reason ng mga nag imbita sakin eh hindi ko ito tinatangihan dahil sa libreng chibog at tunay na masarap pag mukahing shungaler ang mga guests sa tuwing nag papalaro ako tulad ng pag lalagay ng garter at pag sasalo ng flower ek ek, nakaka enjoy kaya silang pag tripan. It's not that I just look forward to the food or to those stupid games. The real reason behind all these ay..Tunay na nakaka flattered at nakaka tats ang invitation, kasi hindi naman lahat eh na i-invite na mag emzi sa napakaimportanteng pangyayari sa buhay ng isang mag jowa, tunay na tanging mga talented lang na katulad ko and pwede rito. Minsan nga pag fiesta samin ay iniimbihan din akong mag Emcee sa plaza. it's so provincial I know pero masaya naman din itong gawin lalong lalo na sa question and answer portion sa mga ka cheapang beauty pageant sa probinsya *Panlalait mode turn-on*

Nag simula ang lahat sa Press Conference contest kung saan nadiscover ng school namin ang aking hosting career by accident.

Ang Press Conference ay isang Journalism contest para sa mga high school at elementary. Ang pampublikong school namin ay dumaraan sa cluster level tapos Division level (DSSPC) tapos Regional level (RSSPC) bago makarating sa National Level (NSSPC)

Si Mr Bacani ang aming coach. Ang napakagaling na English teacher ko noong high school. Sya ang nag de-decide kung saang category kame dapat lumaban. Sa bawat isang contestant pwede silang mag participate sa tatlong category, pero max na ang tatlong category. Dahil konti lang kameng magagaling sa Journalism noong high school (Ehem Ehem) eh, dapat naming pag hati-hatian ang mga natitirang category para naman hindi sayang ang pinamasahe ng school namin na galing pa sa school canteen ang budget. May baon pa kameng zesto at egg sandwich pag lumalaban kame sa ibang school habang ang ibang school ay naka jalibi, fuck it! muka kaming aliping namamahay.

Ako ay napunta sa Feature Filipino at Copy Reading and Headline writing English category.

Sa school palang todo practice na kame. Araw araw akong nag papabili ng Manila Bulletin. Nagagalit na nga si Mama kasi pag inuutusan nya 'kong bumili ng mantika kila aleng Pekta pag balik ko ay dyaryo na ang dala-dala ko. Kaya panay sapok ang abot ko kay Mudrax.

Dumating ang unang level na pag dadaanan ng school namin. Kalaban namin ang kung ano anong chipanggang school at mangilan-ngilan na private school sa distrito namin. Mag hapon ang contest. Pinag dadala kame ni Sir Bacani ng water jag para may inumin kame pag nauhaw parang sports contest lang.

Ako ang unang sumabak. Ang sabi ni Sir kilala daw nya ang Judge, dapat daw ay strong ang lead ko at dapat daw gandahan ko daw ang hand writing ko para hindi mabasura ang papel ko kasi daw sa first scan daw ng article eh napaka importante ng lead at readable na hand writing. Kaya naman todo effort ako nung mismong contest na.

Pukang ama! kabadong kabado ako noon. Yung betlogs ko ang lagkit-lagkit na ng pawis parang cream silk lang! wtf!!!!

Umupo ako sa pinaka likod. Shit ang daming contestant putangenang shyet! Nanlalamig ang aking mga kamay. Nag salita na ang proktor.

"Welcome Contestants and Gudluck to everyone.." Sabay sulat ng theme sa pisara. Meron kameng tag iisang yellow paper at monggol number 2 na bagong tasa. Sa taas ng yellow paper na kung saan namin isusulat ang aming official entry ay meron naka stapler na 1/8 cut na cocomban sa taas, nakalagay doon ang entry number, school organ name, tsaka name ng contestant

"Ano yung school organ" may tangang nag tanong sakin kulay dilaw ang uniform nila

"Ah yun yung pangalan ng publication nyo"

"Okay, salamat ha"

"Walang anuman.."

matapos ang isa't kalahating oras ng pag susulat ay na tapos na ang category ko. Mamyang hapon pa i aanounce ang winner kaya steady na muna ako at nag pre-prepare para sa susunod na category ko. Sumunod na ang mga iba ko pang kasamahan sa kanilang category at natapos din ito. Bali sa isang category meron limang mananalo para ilaban sa Regional kaya hoping ang Jepoy.

Nag lunch na muna kame. Meron akong baon na kulubot na hotdog na nilagay ni Mudrax sa Tupperware, Nakapatong ang hotdog sa kanin lamig na baon ko. Sumalubong sakin ang na mamawis-mawis pa ang takip ng Tupperware ang kuluntoy na hotdog take note hindi iyon tender juicy kasi maputla, nakakahiya tuloy ilabas nung nasilip ko na kepsi ang baon ng kasmahan ko.

Matapos ang lunch. Nag panggap lang akong busog. Ang press release ko sa kanila nag breakfast ako sa jalibi kahit hindi naman.

Nag proceed na kame sa convention center na kung saan andun lahat ng delagate at dito gaganapin ang broadcasting part kung saan lahat ay audience. Wala kameng contestant ng broadcasting kasi bago lang ito 'nung time na iyon. Bali ito yung contest na kung saan magbabasa ka ng News na para kang News Caster ng CNN sa TV.

Hulaan nyo sino ang pinain na contestant ng team namin? Yeah tama ka, ako ang experimental contestant ng school namin. Pukang AMA!!!!

Unang Tinawag ang St. Scholastica (San Fernando)

Inabot sa babaeng maliit na maputi ang news slide at tinapat ang mic at nag simula na syang mag salita

"This is Jessica Rodriguez live reporting blah blah blah" Putangena!!!! Para syang isang totoong reporter ang galing galing, buong buo ang boses parang maliit na Mel Changko lang. Naloko na! Parang na tatae na ako sa sobrang ka kabahan. Nakikiusap ako sa Coach namin na wag na akong sumali, next year nalang kasi hindi ako prepared.

Tumunog ang masigabong palakpakan ng mga tao pag tapos ni Ate mag deliver ng shocking talent nya. FUck! Sumunnod na tinawag ang contestant ng Don Bosco. Putanganena!!! Ang angas din ni kuya. FUck talaga!

"Mula sa bulwagang pambalitaan ng Pampanga Science High School narito James Vitug nag uulat...", Pang huling salita nya.

Nakatulala ako at at nag drop jaw sabay tulo laway dahil sa sobrang galing. Mukang na paghadaan nila ito ng maiggi.

Hindi ko na maintindihan kung natatae ako. Naiiihi. Naluluha o na tatawa dahil halo-halo na ang pakiramdam ko. Hindi lang butterfly ang nasa stomach ko! Isa na itong malanding mariposang paru paru. Potangena! Tinawag na ang pangalan ng school namen bilang pang limang contestant at ako na ang isasalang.

"Uhmmm ahhh This is Jepoy live Reporting (Nanginginig ang boses na choppy na parang may kausap ka lang sa Sun ang Sobrang hina, kung gaano ako kalaki ganoon naman kahina ang boeses ko noon)... Secretary of National defense denied the alligation blah blah blah..." ,Patuloy ako sa pagbasa on a monotone voice na mahinang mahina. Parang tutubing karayom lang ang sound. Naririnig kong nag hahagiggikan ang audience. Butil Butil ang pawis ko hanggang matapos. Syempre hindi man lang ako nasama sa finalist. Potangena nakakahiyaaaaaaaaaa!

Bandang alas tres ng hapon nilikom ang lahat ng delegate para i announce ang nanalao sa ibang category. Yes First place ang inyong lingkod sa feature filipino! Ang kaisa-isang trophy ko na nasa kwarto ko parin hanggang ngayon.

Pero ang tumatak sa mga school mates ko ay hindi ang pag ka panalo ko. Kundi ang broadcasting category na kung saan ay nag kalat ako ng bongga. Ipinangako ko sa sarili ko na kailan man ay hindi na 'ko mag boboses tutubi at mangangatal ang boses sa tuwing meron speach related contest. Kaya naman nag simula ako sa pagiging Emcee ng linggo ng wika at nasundan at nasundan pa ng kung ano anong hosting career ko. At sa tuwing merong retreat ako ang tagapaunang salita. Fuck! Level up talaga.

Kaya naman ang first job ko ay... Dyarannnnnnnnnnnnnnnnnnnnn!!!! Call Centa :-D

ano ang moral ng story?

Lahat ng bagay na tutunan. Pati nga yung hindi mo mahal na tututunang mahalin eh (Gumaganown???!!)

Happy Weekend Mga Kups!

22 comments:

  1. saludo ako sa blogaralan mo -- na natututunan ang lahat. Call centa? naks, pati sa writing may accent. ayus ang reporting skills mo ah, parang may kausap lang sa Sun haha! at napansin ko ha, detalyado ang pagkaka-chronicle ng mga baon mo. ilang water jag kaya ang tumaob sa yo?

    ReplyDelete
  2. Agree! Lahat naman talaga natutunan. Saka sabi din ng isang instructor ko dati, "Know your limitations, but do not let your limitations limit you." (Anong connection?! LOL). Basta 'yun 'yun.

    ReplyDelete
  3. @Random Students

    At least hindi ka nag skip read at binasa mo talaga ang kwento ko. At kalahating jag lang ang naubos ko nun nahiya kasi me. LOL

    @Gasdude

    "Know your limitations, but do not let your limitations limit you." Panalo to Papi Gasul. Iba talaga ang mga thoughts to ponder ng mga artistahin.

    Dahil dyan medyo na kaka move on na ko sa hindi mo pag kaka invite mo sakin last time na umuwi ka ng filifins! :-D

    ReplyDelete
  4. san school mo, san agustin ka ren ba? yung malapit sa munisipyo? madalas ako dun kasi masarap ang isaw at betamax dun e...

    ReplyDelete
  5. Nakarelate ako. Sa press con, press con, hindi sa broadcasting. Baka nagkalat din ako kung sakali.

    (Akala ko may twist sa dulo na ikaw ang mananalo at matatalo mo yung Pampanga Sci at St. Scho. LOL.)

    ReplyDelete
  6. Ha! Pag naterminate ka kakablog sa office, alam mo na next career mo. Ü

    ReplyDelete
  7. sabi ko na nga ba at public speaker ka.

    pagbutihin mo ang pagpapraktis at malay mo, i-revive ang Thats Entertainment, ikaw ang bagong MC.

    :)

    ReplyDelete
  8. grabe lupit ng details ng baon mo...hmmm talagang tanda mo ah...hehehe ok na ung first place...

    ReplyDelete
  9. agree ako dito.. syempre lahat ng bagay pinagaaralan diba? saka it's in our faults that we learn something... :) Paturop naman ako ng ganyang skills, di pa kasi ako ganung kadevelop sa ganyang fields. :)

    ReplyDelete
  10. Haha. nakakamiss yang mga journalism contest na yan. Samin wala na nung broadcasting category. Sa copyreading ako lagi nilalagay, anlakas ko daw kasing manlait saka mamuna ng mali, hahaha.

    ReplyDelete
  11. at ang bongga bongga mo naman pala talaga jepoy. haha. talentado. there's always a space for improvement talaga.at naiimagine ko ung itsura ng hotdog kase ganyan din yung baon ko nung hs, kumukulubot pg nakukulob. hahaha. ang dyahe. haha.

    ReplyDelete
  12. super talented ka tlga jepoy.. and dami mong career. ahmm sa wedding ko pede bng ikaw ang emcee? hehehehe..

    ReplyDelete
  13. kailangan talaga ang moral lesson palagi tungkol sa lablayp??? (nangengealam???) lol

    ang talent ay likas sa tao, hindi ito natutunan kusang lumalabas at nadedevelop.

    parang lab, hindi mo pwede turuan ang pag-ibig, pero pwede ka madevelop.

    kalokohan na ang mga sinasabi ko, gotta split :)

    ReplyDelete
  14. wow. isang palakpakan!

    anuman ang nangyari eh atleast may hindi ka malilimutang pangyayari sa araw na un! unlike the ordinary day ika nga!

    at napatawa na naman ako ng very very nice! hehehe

    happy weekend din!

    ReplyDelete
  15. Ay ito pala ung water jag na sinasabi ni Ching-chinining... nakakahiya naman i-point out...

    Hay ang blog sana wag gamitin para magbuhat ng bangko...

    BWAHAHAHAHAHAHAHA FUCKER KA

    ReplyDelete
  16. nakanamfufu. gumaganon ka pala ha?

    infernes nasa itsura mo nga ang pagiging public speaker. try mo kayang mag-apply sa punchline o sa zirkoh para naman mapagkakitaan yan at mapasaya mo pa mga tao. kaw yung tipong inaapi at inookray dun. nyahaha.

    ReplyDelete
  17. @Achiemon

    Hindi ako St agustine dun ako sa loob ng base hehhee..,Oo sarap ng betamax tsaka isaw dun sa palengke noh the best!

    @Victor Gregor

    Walang twist yan lang yun ahhahaha

    @Chyng

    Nakuha mo! ahaaha

    ReplyDelete
  18. @Chingoy

    Ewan ko sayo!

    @badmj 97

    Medyo sharp kasi ang aking alaala ng mga ganyan ganyang ka shitan lol

    @Renz

    Matututunan mo rin yan hihihihi

    ReplyDelete
  19. @olyabut

    Sobrang nakaka miss talaga as in

    @Keso

    Talagang na imagine mo rin ang ganung hotdog na kuluntoy hehehe

    @Khekz

    Sure sure why nots hihihi

    ReplyDelete
  20. @Roanne

    Aba aba gumaganun sa mga analogy ah! Basta para sakin na tutunan ang pag mamahal hindi na dedebelop ano yan film?! hihihi

    @kosa maraming salamat sa palakpakan

    @Glentot

    Puta you!

    ReplyDelete
  21. ang kulit! naiimagine lang kita nanaboboses-ipis na newscast. lol

    totoo talaga na lahat ng bagay natututunan.. haha pero di lahat ng gusto mong mahalin, magagawa mo. chos. lol

    ReplyDelete