Tuesday, March 30, 2010

Charm

Masyado akong busy kakachat sa taong nag padugo ng puso ko't esophagus kahapon, yes I still have the nerve na makipag chat kahit every exchanges of words made me wanna throw up.

"So kamusta ka na?"

"Humihinga pa naman..."

"May ganun?!"

"May ganun talaga!"

"I hope okay ka lang *Hugs*"

"Baket may hugs?! Ikakasal ka na diba? Wag ka ngang ganyan kinikilig ako"

":-x I just wanted to let you know na nandito lang ako parati for you"

"Change topic please..."

Napa-segwey ako sa Orasan na nakasabit sa wall naming madumi...

bwakanang-pekpek-ng-cow!!!! ma-lalate nanaman me, hindi ito maari!!!! baka ma memohan ang model employee. Dali dali akong humatak ng boxers yung favorite ko yung kulay black para feeling sexy tapos takbo sa CR para maligo.


Pag bukas ko ng tubig. oh my effin god of water poseidon!!!! Baket walang fucking water??????!!!! Nag tapis me lumabas at chineck ang tubig sa lababo, fuck wala rin water. This is not happening. Nangyari na ito dati no'ng jumejebs me. Napadaan ako sa tapat ng fridge may note na nakalagay dun'

"Jepoy pakibayaran muna ang tubig sa office sa third floor baka maputulan tayo ng water today pag hindi nabayaran-Lubos na gumagalang Pinsan"

Nag freeze ako na parang na stupify lang ni Harry Potter, at nag isip. Fine, yung natitirang tubig nalang ang gagamitin ko isang timba, walang shampoo shampoo at walang sabon-sabon.

Natapos akong mag tikol maligo. Dali dali akong nag bihis nag toothbrush nag putol ng balbas ng konti. Nag lagay ng facial cream. Nag lagay ng foot lotion. Nag lagay ng body lotion. Nag lagay ng hand lotion. (Ang dami?!) at nag madaling sumakay ng try at nag fly sa MRT.

Ginamit ko ang aking katawan para dambahin ang mga tao kebs kahit matanda, bata, duling, or not. Pag dating ko sa MRT umaalingasaw ang aking halimuyak. Ang mga chick ay nakatingin sakin. Syempre naman nag smile back ako ng beri slight lang, baka sabihin nila easy to get ako. Alam ko namang katawan ko lang ang habol nila. Duhr!!!

Nag text ako sa office mate ko tinanong ko kung nando'n na ang aking Manager, good thing wala pa sya. Salamat kay Papa Jesas. Habang nag lalakad mula shaw hanggang One San Miguel ay nag titinginan sakin ang mga tao. I don't freakin' care kung Kras nila ako. Basta ako kelangan ko mag badge in on time!!!

Pag dating ko sa baba ng building, aba may five minutes pa me. So yosi muna at bili ng candy. Si manag yosi vendor naka tingin din sakin. I mean ganon na ba ko ka pogi for them to look that way, i mean gosh! ahahaha

So after mag yosi Fly sa elevetor papuntang 36th floor. Badge in login sa PC. Check ng email. Check ng blogsite kung may bagong comment. Check ng facebook kung may may nag message. Check ng cellfon kung may nag txt. Check ng offline message sa YM baka may nag I love you. Tapos nag decide ako na mag cr bago mag work mode.

Sa CR.

Umuhi muna me. Pagpag. Hugas kamay. Tingin sa Salamin.

Powtangenaaaaaaaaaaaaaa!!!!! Baligtad pala ang polo shirt ko. What the hell!!!!! Kaya pala nag titinginan ang mga tao sakin. Hindi pala iyon bunga ng charm ko. Bunga pala ito ng pag ka baliktad ng Shirt ko. I hate it!

'yun lang.

Bow!

29 comments:

  1. Wahahahaha!!!!!Wooooooohhhhhhhhhhhh papa Jepoy ang Gwapo Mo!!!hahaha

    ReplyDelete
  2. YAn kasi di ka ata na nalamin eh..hahaha

    ReplyDelete
  3. @Bad MJ97

    Una sa lahat ang bilis mong mag comment kaka update ko lang ahhahaha.

    Pangalawa Gwapo talaga ako ahahaha

    Pangatlo nag salamin lang masyado lang kasi lumilipad ang isip ko lately dahil sa mga problema sa buhay tsaka bukas pa sweldo kasi ahahhaa

    ReplyDelete
  4. hindi yun bunga ng pagkakabaliktad ng shirt mo....

    bunga yun ng kashungahan hahahahahahaha

    ReplyDelete
  5. at ako ang pangalawa. yehey!


    hahahahahah buti nga hndi mo sa mrt npansin na baliktad yung suot mo baka di ka na mapakali non. haha

    ReplyDelete
  6. Jepoy---hmmm..hope, whatever happened that night maayus na. para happy ever after. para makaulit pako.lol

    ReplyDelete
  7. tama ba ang intindi ko? ikaw yung ikakasal? o yung ka-chat mo? hehe---slow****

    ReplyDelete
  8. @YJ

    I know right?! Kill me now

    @Keso

    Hindi ka kaya pangalawa, beh! LOL Pag napansin kong baliktan ang damit ko sa MRT mag hihimatay himtayan me.

    @Pusang Kalye

    I know, I hope too. 'Yung ka chat ko. Sensya na hindi ako magaling sa pag describe magulo ba ang kwento? LOL

    ReplyDelete
  9. hehe--magulo lang yung nagbasa. lol. 1st post u na binasa ko ng buo. kulit mo talaga. in person at pati sa blog. hehe

    ReplyDelete
  10. Uminom ka ng Ginkgo Billoba baka magawan pa ng paraan ang problema ng isipan mo..haha..

    ReplyDelete
  11. kaya pala hindi ka nawala...

    yan ang kasabihan para wag daw maligaw, baliktarin ang damit..

    and jepoy says:

    para pagtawanan at pagtinginan ka, baliktarin ang damit! hehehe

    ReplyDelete
  12. hahaha. nagagawa ng depression. ahahahaha. ysus baligtad lang naman polo mo. dapa pinagkalat mo na ayun ang uso ngayon

    ReplyDelete
  13. @Pusang Kalye

    Thanks for reading though wala naman talaga syang kwenta ahaha.

    Thanks!

    @Ruph

    Hano nanaman yan!!! LOL Adik!

    @Chinggoy

    parang hindi ko alam ang kasabihan na ito...

    ReplyDelete
  14. @Kikilabotz

    Depresyon talaga?! LOL susme!

    ReplyDelete
  15. blessing pa rin yan baka dapat maliligaw ka papuntang office (as if di mo kabisado ang daan hehe). stupify? salbakuts.

    ReplyDelete
  16. Dapat lotion muna sa mukha, then sa katawan, then sa paa. KAsi parang kadiri kung pinahiran mo muna yung paa mo tapos next yung katawan mo...like eeewww...hehe..arte lang :)

    Akala ko ang ending eh bukas pala zipper mo pero kaloka yung baligtad ang t-shirt.

    :) parang emo pa rin ang entry ah?

    ReplyDelete
  17. sabi na nga ba hindi fiction ung pinost mo dati e, ahhaha..
    Kala ko kasi naamoy ka nila kaya ka tinitignan, =p
    wala man lang nagmalasakit na sabihin na baliktad ung polo mo?

    ReplyDelete
  18. Ang tunay na pogi, baliktad man ang polo shirt o Hindi pogi pa rin!!! Kaya oks Lang yan Jepoy!
    Ahihihi:))

    ReplyDelete
  19. sana pinanindigan mo na. sukatan ng charms! Ü

    ReplyDelete
  20. nyahaha...(1st time ko po mabasa blog nyo)...nice!

    ReplyDelete
  21. @Random Student

    Nangengelam?! 'Diba stupify din yung pag cast ng spell nila Harry Potter? tama ba?

    @Geof

    Hindi na nga masyadong emo eh

    @Olyabut

    Fiction kaya 'yun nalapit lang yang kwento ko hihiihi (Nadulas?!)

    ReplyDelete
  22. @Kosa

    Apir tayo ang tunay na pogi. Kahit saan baliktad ang shirt hihihi

    @Chyng

    Wala nga kong Charm eh, sabi ni YJ maganda ka daw dahil dyan gusto na kitang ma meet :-D

    @Sipearl

    WOi salamat sa pag babasa mo po. Wla ka masyadong mahihita dito ha. Hihihi

    ReplyDelete
  23. hahahhah...kakaihi sa kakatawa...astig ka tsong...patok sa takilya...

    ReplyDelete
  24. @MIchael Jay

    Hihih dapat mag lagay ka ng modess sa betlogs mo para hindi you maihi sa brip hihihi

    ReplyDelete
  25. datkilaB. Hehe baliktad... at least hindi po kayo late hehe kaya walang memo sa model employee. ayos na ba ang balktad?

    ReplyDelete
  26. Hello Kuya Jep!!!sa internet cafe kaya ako nagtratrabaho..

    ReplyDelete
  27. @Taribong

    ayos naman ang baliktad thank you :-D

    @Bad MJ97

    Ay ganun kaya naman pala 24/7 kang online :-D

    ReplyDelete
  28. happy aprils fool day beyotch!

    ha ha ha ha

    ReplyDelete
  29. at sa maling post ako ng comment..tangena...tanga lang.

    ReplyDelete