Tuesday, March 16, 2010

Walang Kwenta. Wag basahin para hindi Mainis!

Minsan na akong na ngarap na magkaroon ng scholarship bago ako tumungtung ng kolehiyo. Dahil mahirap lang kame hindi lingid sa akin na isang malaking sakripisyo sa mga magulang ko ang ipadala ako sa Maynila upang tuparin ang aking mumunting pangarap na maging millionaire

Syempre, hindi maaaring wala akong gawin at panoorin nalamang na gumastos ang aking magulang sa pag papaaral sa akin. Kaya naman noong pumunta ang DOST Rep sa aming school para bigyan ang top five students ng form (Ehem Ehem) para sa isang pag susulit para sa scholarship eh talagang hindi ko na ito pinalampas pa. Nag fill out ako ng form.

Tinignan ko ang mga technology courses na inoofer ng DOST. Ang mga nakita kong courses ay refrigeration technician. Automechanic.Food Technology. Aircon technology. Matapos kong basahin ang mga pukang amang courses. Tinanong ko ang Teacher kong baliktad ang ilong kung bagay ba sakin ang Refrigiration mechanic. Sabi nya bagay daw sakin kasi muka daw akong fridge. Puta sya! Pero syempre joke lang nya 'yun. Gusto ba nyang dumanak ang dugo sa loob ng campus?

"Anong course ang pipiliin mo sa checklist Jepoy" Tanong ng Salutatorian namin

"Refrigiration Technician, 3 years lang to. Para pag graduate ko mag iimbento ako ng fridge na hindi mapapanis ang ulam mo tapos pag labas nito mainit na at madadagdagan ng linam-nam"

"Ano yan microwave, tanga ka! Tignan mo kaya sa likod ng form andun ang BS courses"

*Nag drop Jaw*

"Onga noh! Churi"

So namili ako ng course at syempre ang pinili ko ay ang.. Drum Rolls please...Nuclear Engineering! kasi ang sarap sa Tenga parang antalino ko.

Araw ng Examination.

Feeling ko mag lalaro lang kame 'nun. Sa Pampanga Science High School ang testing center ng buong pampanga kaya naman madaling araw palang gising na ako. Hindi ko sinasabi kay Mudrax na mag eexam ako ng DOST Skalarship.

"Ma' penge pera may project kame"

"Project?! Eh nag bayad ka na nga ng graduation fee kahapon. Kukupitan mo pa ko, besides wala na nga tayong pera!"

"Sige na Ma' please!"

"Puro ka pera, ayusin mo nalang ang Ched SCholarship mo para makatipad naman tayo sa June"

"Fine" *Sabay walkout ng nakasimangot ng konti*

Hindi ako lumusot kay Mudrax. Kaya na ngupit nalang ako ng 100 pesos sa Tindahan nya (kala nya maiisahan nya ko). Mga Bandang alas siete ng umaga ay bumyahe na kame papuntang San Fernando Pampanga. na punong puno ng pag asa. Dahil DOST ang exam dala-dala ko ang encyclopedia ng kapit bahay namin at binabasa ko ito habang nasa Jeep kame, feeling ko lang may use 'yun. Maalikabok ang daan at naka school uniform kame kahit sabado iyon. Pag dating naman sa location. Chineck namin ang testing area. Aba! ang dami ng tao at kame lang lima ang naka uniform, potangena! Di mahulugang karayom ng mga madudumi at mahihirap ng students all over pamapanga. LOL

Syempre para looking smart sinoot ko ang reading glasses ko (para may effect ng konti). Maya maya pa ay nag tawag na ang proktor at pinapasok na kame sa designated room. kamuka ni Miss Tapia ang aming proktor mukang hindi nya papahintulutan ang kopyahan. Fuck sya!

Sinimulan nyang i-explain ang mechanics. Unang part ng exam ay Math. Pag sinuswerte ka nga naman!

Ang sabi nya 2 hours daw ang allotted time para sa math. Pinindut nya ang kanyang stopwatch na kasing laki ng wall clock nakalagay sa Belt nya para tuloy syang Glorified wonder woman. Nakakairita ang sound. Binuksan ko ang booklet and hiniwalay ang questionnaire. Nyeta question number 1 palang parang na duduling na ko

"Myra is twice as age as Edgar how old is Nimfa? blah blah blah" PUtangina!!!! Parang gusto ko ng umalis nalang at kumain ng chicharon sa kanto. Hihintayin ko nalang ang mga kasama ko. Nag nosebleed ako ng buo-buo sa Math. Nyeta talaga.

Sinundan pa ng English at Science.

Habang tinatapos ko ang exam. Nag iisip na ko ng palusot kung sakaling hindi ako papasa sa test. Isang malaking kahihiyan sa school namin. Biniliang ko ang sure answer ko para makasigurado. Ampotangena! Hindi pa lumampas ng 20. Fuck talaga! Kahihiyan ito.

Ending.

Bagsak! End of Nuclear Engineering dream.


Moral lesson?

Ang buhay ay parang gulong minsan black minsan blue (Ay ang corny na) Seriously! dapat pag umiibig ka wala ka dapat pagpipigil burst it all out, damet! (Parang lalabasan lang) and you will do everything para ipafeel sa taong minamahal mo na importante sya sa buhay mo by giving what they least expect from you (ANONG KUNEKSYON JEPOY???!! ANO??!!! MAGPALIWANAG KA *Shouting*)

Bow!

43 comments:

  1. klepto ka rin pala. kukupit ka lang eh P100 lang. malay mo nga baka tumalino ka pag ngumabngab ka na lang ng chicharon. nakakainis ang mga exam haha dahil tulad mo rin ako sugod ng sugod pero pag andun na naduduling na rin kaya nga favorite part ko ng mga tests eh ang essay part

    ReplyDelete
  2. mapagkunwari. scholar ka ng bayan e.

    -tampo wala ang badge na gawa ko sa page mo

    ReplyDelete
  3. pano ka hnd maduduling nagsuot k ng reading glass ng hindi sayo. wahahahhaha.

    wow gnnda ng moral lesson ah? parang nkikipag anuhan lang. haha

    ReplyDelete
  4. Biruin mo yun? ng dahil sa scholarship eh nangupit ka tapos babagsak ka rin pala! Masamang impluwensya talaga yang DOST na yan eh lolzz

    ReplyDelete
  5. So ikaw ung valedictorian? SUGOI!Bright Boy! hehehe...

    baka umepek agad ang karma kaya ka lumagpak di kaya? lol!

    ReplyDelete
  6. moral lesson: wag mag-uniform pag kukuha ng DOST Scholarship Exam.

    impernes, obvious namang matalino ka (oist libre mo ko, ayoko ng tubig!) :)

    ReplyDelete
  7. hindi naman po nakakainis a, nakakainspayrd nga e. teka, nalito din po ako sa ending, ano nga po bang koneksyon? eniwes, yun lang po, dumalaw lang. =)

    ReplyDelete
  8. ok lang yan kuya..hehehe ^_^ atleast nasubukan mo..hehehehe

    ReplyDelete
  9. Teka alam ko hindi naman kasama sa inoofer ng DOST yang mga 3 year courses na yan lalo na yung Aircon/refrigiration Techinicians? Dagdag bawas naman ang kwento mo noh!

    Pero ano man yan, eh alam kasi ng Dyos kung sino ang mas nangangailangan, eh alam nyang di mo na kailangan kasi mayaman ka na! Kaya hayaan mo na anng iba! Wag kang masyadong bitter!hahhaa

    Tae mo blue

    ReplyDelete
  10. ohowwww?
    hindi nga?
    minalas ka lang!
    hehehehe.

    HIndi ko na alam kung ano ang susunod kong sasabihin.lols

    madami ka naman kaseng perang pambayad ng matrikula kaya ganun! hehe

    ReplyDelete
  11. lesson non..hindi ka nakapasa dahil kinuha mo din naman ang isang daan sa tindahan niyo..ayun!ahahhaa..
    ok lang jepoy..sa tingin mo bubuti ba buhay mo kung nakapasa ka? syempre hindi.ahahahha....joke lang.
    parekpoy...atleast u tried to take it....pagsisihan mo lang yung mga bagay na ginawa mo sana pero wala kang tapang na gawin mo.

    okey ang haba nito.pck.

    ReplyDelete
  12. @Random

    Ikaw na essayist! Ang galing mo kasing mag english! LOL pero tama ka minsan talaga sugod lang ng sugod kasi sobrang impulsive! LOL

    @Paps

    Matampuhing palaka?! Wag ka ng mag tampo! Tinry ko kayang ikabit ang badge mo dyan pero ayaw kumabit. HIndi nga kasi ako marunong sa mga html shit! Gumawa pa kaya ako ng special entry para sa award puta ka! Sige papakabit ko sa officemate ko.

    Scholar ng bayan ka dyan!

    @LORDCM

    I agree more. Wala talagang mabuting maidudulot ang DOST nayan. Pero alam mo ba na kung ginamit ko yan syempre tied ako sa filifins for 3 years edi hindi ako nakalipad ng US kung pumasa ako. So all things works together for good for those who love Christ talaga hihihi

    ReplyDelete
  13. @Jag

    Nakuha mo! Chos!

    @Chinggoy

    Alam ko namang obvious na matalino (SInakyan talaga?!)

    @Batanggala

    BUti naman at napadpad ang batanggala sa akong tahanan. Salamat naman at na inspyrd ka sa walang kwentang kwento lolz

    ReplyDelete
  14. @Superjaid

    Tama ka atleast nasubukan diba, there's no harm in trying ika nga. Try and Try until you succeed :-D

    @Drake

    Tae mo may corn!

    Meron kaya gusto mo pumunta ka ng DOST website tapos download mo. Alam ko namang pinag mamayabang mo sakin na DOST scholar ka kahit hindi naman halata at hindi ako na niniwala. Ikaw na ang perfect! Ikaw na ang makinis!Ikaw na ang matalino! Sayo na lahat ng chiks! Puta ka!

    @Kosa

    Wala ngang pang matrikula! Muka lan akong mayaman dahil sa taglay na alindog ko pero pramis super poorito lang talaga. Namumulot nga ako ng sampaguita dati para imbenta at may pambaon ako eh.

    ReplyDelete
  15. @Maldito

    Sumisiryoso karin palang puta ka! Pero alam tama ka kung pumasa ako dun hindi ako nakapag travel sa kung saang saang parte ng mundo para mag silbing guess speaker. Buti na ngalang hindi ako pumasa noon! Isang magandang realization. ALAVET!

    ReplyDelete
  16. Hay naku so provincial talaga mag-eexam na lang bumabagsak pa like so baduy ewww! Hahaha tanga ka kasi bakit nuclear engineering kinuha mo bakit magkikipag giyera ka ba???

    Dapat yung food technology kinuha mo shunga! Eh di sana nag-iimbento ka na ng makakain ngayon.

    ReplyDelete
  17. @Glentot

    Baket ang aga mong online ngayon?! Dedicated sa Work?!

    Marnung ka pa sakin gusto ko NUclear Engineering nga kasi masarap sa tenga parang pang matalino!

    ReplyDelete
  18. naku huhulaan ko... di ka pa nakaget over sa kras mo kaya pati scholarship at dost scholarship pinagdidiskitahan mo.... jowk! nyahahahahahahahah

    ReplyDelete
  19. bkit nkauniform. di ko lng maimagine na pngtitinginan sguro kayo don hehe. at tingin ko, naalala mo n nman si kras mo sa bandang dulo kaya labo labo na. haha.

    ReplyDelete
  20. hindi pa huli ang lahat Jepoy... ngayon ka na kumuha ng nuclear engineering tapos launch ka ng nuclear war against Glenntot.... para naman matuwa ako sa inyong dalawa.... ang boring na ng mga araw ko eh..... :)promise sayo ako pupusta....

    ReplyDelete
  21. Pareng jepoy, indi mo na kailangan ang scholarship.. MAygawt? your so yaman kaya?! hehehehe.. Everything happened for a reason. Pero sana tinuloy mo yong dream mong frigider! astig yon kung sakali :)

    ReplyDelete
  22. yan ang tinatawag na karma :) hehe

    sayang walang scholarship, ok lang yun everything happens for a reason :) mapuan naman tayo e! ok na yun! hehehe

    ReplyDelete
  23. @Xprosaic

    Parang hindi ko na gets comment mo. Ahahahha

    @keso

    Exactly muka talaga kameng katawa tawa nun. Buti nalang pogi ako pag naka school uniform. Nalala ko tuloy ang aking virgin days ahahha

    @YJ

    Hindi na kakayanin ng aking brain cells ang nuclear engineering. Pasabugin nalang natin si Glentot para happy tayo. Alavet!

    ReplyDelete
  24. @Tiano

    I know right?! I'm not so yaman kaya. Like hello. Ahahaha

    Dibale pwede ko pang aralin ang dream na prigider ko aahahha

    @ROanne

    Viva Mapua :-D True nakarma nga ko siguro pero tama kayo everything happens for a reason. And at that time I wasn't seeing the big picture just yet.

    ReplyDelete
  25. ay naku, ok na sana eh pero panira ang ending. haha

    eh sana ginalingan mo para may panmpasabog kay bulilit Glentot di ba at ka inaapi? haha

    ReplyDelete
  26. @Andy

    Pigil na pigil na nga emo shit ko eh, lumalabas parin talaga. I hatechit.

    Pasasabugin ko rin yan si Glentot kahit atomic bomb lang :-D

    ReplyDelete
  27. hindi ka talaga ipinasa ni fafa jetut sa nuclear engr kasi baka daw imbentuhin mo lang ang utot para maging nuclear power! *may konting relasyon naman sa kwento db?*

    gusto ko yung last part...may natutunan ako,hihi!

    ReplyDelete
  28. @AtePowkie

    Buti naman at may natutunan ka sa last part. ALAVET!

    ReplyDelete
  29. haha oo nga, tama si yj. gera! gera! GERA! GIYERAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!

    ReplyDelete
  30. @Citybuoy

    Naimpluiwensyahan ka narin ng tropa mong si YJ. Kamusta na kaya sila ni chichomarine?! LOL chismis ahahahaha

    ReplyDelete
  31. "and you will do everything para ipafeel sa taong minamahal mo na importante sya sa buhay mo"

    -ano yang everything na yan ah?
    hehe.

    sarap 'pag scholar, feeling ng iba super talino ka talaga. hahaha.

    ReplyDelete
  32. Hmmmm talaga di ko lubus maisip kung ano connection nung lesson na sinabi mo sa kwento????hehehe di ko nalang iisipin baka sumakit lang ulo ko kakaisip..LOL

    ReplyDelete
  33. ano ba to, eto pa rin ang post?! tomguts na ko

    ReplyDelete
  34. ang kulit, hehe, napadaan lang po :)

    ReplyDelete
  35. Ay naku Jepoy! ehehehe! Isa ka talagang...henyo!

    Eto ba ang matututunan ng anak ko sa inyong dalawa ni Glen? Kaya nga hindi ko na sya ibinilin sa inyo...hahaha!

    Kawawang bata. Lalaking walang tino.

    ReplyDelete
  36. @D-younker

    It's for you to find out *wink* ahahaha

    @Bad_mj97

    Sir wag mo ng lubus isipin pa dahil wala talaga. Ahahhaa Sayang effort pag nag pakahirap ka pa :-D

    @Random Students

    Nag mamadali talaga?! may lakad?! ahaha

    ReplyDelete
  37. @aubu22

    Salamat po ng marami sa pag daan. GOd Bless!

    ReplyDelete
  38. @Ayie

    Tama ka tama ka! Kaya wag mong ididikit si baby mo kay glentot mawawala ang tino nya ahhahaa

    ReplyDelete
  39. First time kong magcomment dito,haha.
    Ang natutunan ko e, kapag mageexam, wag kukunin ung exam for Nuclear Engineering, hehe. Pero ung last na advice may sense din, =p.

    Add po kita sa blogroll ko ha. Tenkyu!

    ReplyDelete
  40. @aolybut

    Sure Maraming salamat sa pagcomment at nabasa ko ang blog mo ang susyal! hihihih

    Balik po ulet...

    ReplyDelete
  41. jepoy na walang hiya...nagsasayang ka lang ng espasyo dito sa netz...log in ka sa account mo tapos click delete account na nga!

    ha ha ha ha..

    update naman diyan bitch!pressure?ahahaha

    ReplyDelete
  42. HINDI KO BINASA....


    GUSTO ko lang mag comment!


    Mabait ako e... Hehe!

    ReplyDelete
  43. @Maldito

    Pressure talaga?!

    @Mangyan Adventurer

    Good Boy :-D

    ReplyDelete