Thursday, March 4, 2010

2010 Summer Trip 1--Book 3: Kasiyahan sa Palawan

Okay last na part na 'to ng Palawan shit ko.

Tuloy ang kwento pero, iiklian ko nalang para 'di kayo ma bored,'yung mga highlights nalang ang ikwe-kwento ko. Salamat sa tatlong tao na nag abang nitong Chronicles of Narnia shit na 'to.

Ito na. Go!

Sinundo narin kame sa Airport ng kulay maroon na Van, malapit lang naman pala ang nyetang hotel namin from the airport sana nag tryk nalang kame. Natagalan at na bwisit pa tuloy ako ng bongga.

Sa Van..

Syempre hindi maampat ang pag so-sorry saamin ni manong driver at binuhat nya lahat ng gamit namin, in all fairness mabait parin si manong kahit umaatitude ako pag dating nya. Sa pangkalahatan masasabi kong mababait ang mga local dito. Baket ko nasabi iyon? dahil dito.

Pag dating sa Hotel.

Madilim na at nagugutom na kame. Syempre hindi kasama sa package namin ang dinner kinakailangan pa naming mag hanap ng kakainan sa isang lugar na hindi kame pamilyar. Sinalubong kame ng hotel manager wala syang masabi kung hindi sorry. Binagyan nya kame ng ice tea at pinaupo sa lobby akala naman nya makukuha kame ng pa-iced tea nya, nyeta sya. Nag tataako baket hindi pa binibigay ang susi ng kwarto namin only to find out na.

"Ay Sir nga pala, nag karoon po ng kaunting problem tayo"

"What problem nanaman?! Sabihin mo na kaagad ng magawan ng paraan"

"Wala na pong available na room. Sorry po talaga"

Medyo na bingi ako sa sinabi nya. Hindi pa nag si-sink in sa systema ko. Hindi pa umabot sa puso ko ang litanya ng potangena!

"What do you mean wala ng available na room, eh two months ago all set at bayad na ito 'diba?"

"Opo Sir nag ka problema lang po"

"Okay anong problema ito?" Lumelevel up na ang pag kainis ko ulet

"Sir meron po kasing malaking group na check-in kanina kulang po ang room nila"

"What the hell!!!!! So dahil malaki ang group nila binigay nyo ang room namin? Ano 'to palakihan ng group? More entries more chances of winning? Not acceptable reason, so lame.."

"Sir Sorry po talaga, ililipat po namin kayo ng hotel at hindi po kame ma papahiya dun sa lilipatan nyo, for one night lang naman po"

Gusto kong mag basag ng baso at figurines noon at ganun din ang dalawang kasama ko. Pero nag pigilan kame ng gutom namin at kapaguran. So sa madaling salita nalipat kame at naka move on na sa pag kainis. Gusto nalang namin wag masira ang trip na ito dahil minsan lang kame makalayas ng Maynila para mag enjoy. Eto nga pala ang pekyur ng hotel na nilipatan namin, nag stay kame dito ng one night.





So nag pahinga muna kame ng konti. Tapos tumae me. Tapos nag shower kame ng sabay sabay,Joke! After namin maligo humilata muna ng konti sa bed at nag ayos ng gamit. Tapos nag decide na kameng mag dinner. 'yung isang kasama kong girlet meron syang listahan ng dapat naming kainan dito sa Puerto Princesa kaya hindi kame na hirapan mag decide kung saan, tsaka accessible ang location ng hotel namin sa mga restau dito. Kumain kame ng bongga, nakakatuwa dahil mura ang pag kain dito kaya kumaboom ako ng bongga. Walang diet diet shit. Eto pektyur oh







Nabondat ako ng bongga sa kinain namin at nawala ang pag kainis dahil na kakarelaks ang place. Itong kalui na ito ay gawa sa kahoy, native na native talaga. Naka-paa nga lang kame papasok sa loob kasi tabla ang sahig. Masarap kumain at mag kwentuhan dito. Hindi ko na maalala kung ano ano inorder namin pero hindi sya mahal tamang tama lang. After namin kumain. Sumakay kame ng tryk pabalik sa hotel at natulog na. Yes natulog na wala ng iba pang kung ano anong shit kameng ginawa. Ay teka nag wifi muna pala kame. Galeng diba meron pang Wifi parang hindi province noh?!

Kinabukasan ay ang pinaka masayang part ng stay namin. Nag day trip kame papuntang Dos Palmas. Ito yung lugar kung saan na matay si Rico yan tsaka kung saan nang kidnap ang Abu Sayaf noong na ligaw sila sa Palawan. Super ganda at relaxing ng place pang mayaman. Hindi kame nag overnight dito kasi hindi namin afford. Mahihirap lang sorry naman. Pero may Catch bago kame makarating ng Palawan. Yes may catch nanaman. Sumakay kame ng Boat around 7:30 AM. Syempre excited Picture picture ang mga cam whore. Eto sample oh.


maya maya nang nasa kalagitnaan na kame ng byahe habang nag eexplain si Manong Tour Guide at nag crak ng corny joke nya ay may tumunog sa makinarya ng bangka. At hindi maganda ang tunog nito dahil pamilyar saakin ang tunog. Ito yung tunog noong nag overheat ang kotse ko. Fuck it! Yes nasira ang motor ng bangka Putaneska pasta talaga!!!! Merong may balat talaga, ayaw umamin! Nyeta! Eto ang proweba, nag karoon ng komosyon ang mga manong tour guide tignan ang picture nasa gitna sila nag kukulkul ng makinarya.

Hindi na namin makuhang mainis. Natatawa nalang kame sa sinapit namin. Pero gaya ng ginawa namin last night, instead na mabwisit eh, nag enjoy nalang kame sa paligid ng island at nag picture picture habang nag hihintay ng recue boat

Okay makalipas ang 20 minutes ay dumating ang aming rescue boat. At sawakas dumating din kame sa Dos Palmas. Ang ganda parang paraiso. Napakanta nga ko ng. "And if I could sing a single song what joy..." tapos kumain ng bonggang bongga. Eto pictures para hindi na ko masyadong sumasat-sat pa dito. Let the picture say the words that I wan't to share to you all (Meganown?!)

me nag papacute sa daan papasok ng Dos Palmas. merong local band sa harap dyan nag bibigay ng juice pag dating ng mga turista. Aylabet!

Picture picture lang...

Feeling photographer kahit hindi naman marunong...

kita nyo ba yung panty nung kasama ko? Aktuli swimsuit pala hindi panty hihihihi

Spa. So relaxing...


Complete gear ang Jepoy para sa pag tingin sa mga fishy fishy

Ang daming fishy fihsy nakakatakot pala pag sobra na nilang dami.lol

favorite part ko. Kainan na!



Ang signature pinyacollada nila

Katakawan...


Sobrang saya at sobrang nakaka busog kaya tuspok kame paguwi. Gumising kame para mag dinner lang kumain kame ng crocodile. Kinabukasan nag city tour kame at nag punta ng undergroud river at nag punta ng crocodile farm at nag fly na sa manila. Super bilis bitin ang trip at kahit nag ka aberya masaya naman ako at gusto kong bumalik sa palawan ulet! Aylovet.. Share ko ang last set ng pictures from the underground river, city tour and Palawan airport.

Ticket pauwi. Nahiya ang hotel samin kaya sila ang nag check-in samin pauwi kasi humarabas pa kame ng lakad before going home. Flight going to manila is 7:00 PM

Nakatanga sa Airport may iniisip...


Nag hahanap ng towel...
Merong bagay na hindi ko kayang hawakan. Sila ang mga cold blooded animals. I hatechit.
\
Sa boat pa puntang underground river...

Sa harap ng undergroud river kasama ang mga chikas...


At dito na po nag tatapos ang Chronicles of Palawan. Maraming salamat sa pag aabang at pakiki basa.

Bow!

35 comments:

  1. Ang ganda Jepoy ng trip nyo mski na me mga aberya. maganda rin yong kasama mo na me dark shades, parang type ko. available ba sya? Pag uwi ko ng pinas, punta rin ako ng Palawan, para ma feel ko rin ang Palawan hospitality. Thank you for sharing.
    Ano ni mos.

    ReplyDelete
  2. @Ano ni mos

    Aba nandito ka ulet. Hihihi

    Yes masaya ang trip. Available sya pag di ako available ahahaha. Sige papakilala kita :-D

    Uwi ka na bilis!

    ReplyDelete
  3. Yes. Inabangan ko talaga, kasi maganda at exciting ang kwento mo. tsaka bored ako sa ofis, kaya nong makita ko update mo, go agad ako. Mas maganda yata magpunta dyan kesa Boracay. Sige pag uwi ko, I will let you know.
    Ano ni mos.

    ReplyDelete
  4. @Ano ni mos

    Aba petiks pala ang trabho mo dyan! Pwede mo ba kong ipasok dyan? :-D

    ReplyDelete
  5. Hindi pa ako nakakapunta ng Palawan. Parang gusto ko tuloy sumaglit sandali. At gusto ko din may kasamang chikas. LOL

    ReplyDelete
  6. @Gasdude

    Bilis na punta na habang summer! Sama mo na yung chikas mo dyan sa fezbuk! GO! Gusto mo sama mo ko taga video ng scandal nyo :-D

    ReplyDelete
  7. Yan ang sinasabing kahit pagod man o nagmumura na sa galit... pagdating sa pix, todo smile pa rin... parang wala lang... ahahahahahahahahaha... eh di bottomline nagenjoy pa rin... jijijijijiji

    ReplyDelete
  8. @Xprosaic

    Kung merong bagay na kinahuhumalingan ko ng lubusan iyon ay ang pag camwhore ahahaha! Kaya pag napadpad ka ng Maynila at nag decide na hindi mag tago samin picture picture tayo ha. Go!

    ReplyDelete
  9. Dos Palmas (only)! Yes naman!

    Gano kasarap sa Kalui? dami good reviews nyan.

    San next gala? Ü

    ReplyDelete
  10. @Chyng

    Yung sa Kalui magandang ang ambiance super unique, cheap ang food. The taste for me is nothing so special. Masarap naman dahil fresh ang pag kain. Mas na enjoy ko ang Kinaboch, try mo din doon. Kumain kame ng Crocodile shit. Scary fuck pero nakakain naman. LOL

    Punta ka narin go! Oi nag day tour lang kame sa Dos Palmas hindi kame nag check-in expensive freakin 8K /night kamusta naman!!!! Pero the place is awesome. Kung nature lover ka 100% ma appreciate mo ang underground river ako kasi hindi masyado anong paki ko sa stalactite at stalagmite, pero accoding sa mga forum pag napuntahan mo ang kweba ng sagada walang sinabi ang underground river cave yun lang! parang nag blog lang ako ulet.

    Inaabangan ko ang next travel mo..Go!

    ReplyDelete
  11. At tulad ng nasabi mo sa nakaraang kwento, nakita mo na ung dalawang kasama mong girl na walang BALAT, IKAW ANG MAY BALAT SA PUWET! lolzz

    Jepoy next time sama mo ako para naman swertehin ka :D

    Sandali, magkano gastos nyo pre sa trip na yan...baka sakaling maisipan ko pagbakasyon ko.

    ReplyDelete
  12. @Lord CM

    Good question

    Package ang kinuha namin ang coverage nya ay hotel tapos buffet breakfast and buffet lunch sa mga trips. Overall per pax is 8K something (sensya nakalimutan ko) Pamasahe namin is promo 2,300 something. SOrry hidni kita mabigyan ng exact amount kasi ung girlet ang nag asikaso. So maghanda ka ng 9K /PAX nandun na lahat ng trip nyo

    1. City tour sa puerto princessa
    2. Honda Bay Island tour (amazing)
    3. Dos Palmas (Day Tour)
    4. Crocodile Park
    5. Under ground river

    Take note malalayo yan bawat isa so mag van at boat ka, sila na mag aasikaso nun. Meron karing option na pag punta mo Palawan diretso hotel tapos ikaw na ang mamimili ng tour na gusto mo depending on your budget. Merong mga gumagawa nun, sabi nila mas mura daw yun. Yung airfaire nyo mag abang ka ng cebupacific seat sale. Check mo rin ang Palakbayan promo ng PAL.

    Sana nakatulong... YM mo ko pag may question ka mag re-refer ako sayo ng contact person mo doon.

    Enjoy!

    ReplyDelete
  13. tingin ko,
    ikaw ang may Balat sa Pwet.

    at dahil sa patalastas at puro paruring ito sa Palawan eh baka sakaling maligaw ako dun kapag nakawala ako sa malasumpang kinasasapitan ko dito ngayon... panrelax.

    anu pa ba masasabi ko?
    andaming pics.
    angsaya!

    ReplyDelete
  14. Namiss ko naman ang Dos Palmas pagkabasa ko nito. Medyo naluluha pa konti. Shocks! Naalala ko yung 6 days na bakasyon namin ni Mr. Flowers. Hahay! At yun nga, panalo talaga food sa Dos Palmas lalo na yung salad na may shrimp. Hmmm, yum yum yum! Nung birthday ko may mega libreng wine pa at harana. :-) At kaya mahal ang resort kasi mga 5 times nila nililinis ang room sa isang araw, bongga.

    Buti nag-enjoy pa din naman kayo. All is well that ends well. Glad you had a safe trip too.

    ReplyDelete
  15. ako rin di pa nakakapunta ng palawan...

    kelangang marating ko na ito sa lalong madaling panahon

    ReplyDelete
  16. Salamat sa info parekoy, kung sakali man sa fb o dito sa blog mo sabihan kita :)

    ReplyDelete
  17. ayun nmn pla! muka ngang enjoy n enjoy ka ha kht na prang mnlas kau ng very very slyt heheh.. = )

    ReplyDelete
  18. wow.
    enjoy naman talaga.
    sa susunod na uuwi ang tita ko sa bahay nila sa palawan, sasama na ko.
    kainggit eh.
    :)
    anyway, congratz at nalampasan nyo ang lahat ng problema.
    hehe.

    ReplyDelete
  19. wow nman. mukang nkkenjoy. hihi.
    gusto ko din mkpunta ng palawan. ampp.:)

    ReplyDelete
  20. wow ang ganda talaga ng palwan huhuhu ingit ng ingit na talaga ako..huhuhu

    ReplyDelete
  21. awww namiss ko tuloy trip namen. sarap bumalik! sarap nga ng food noh?! tumaba ako ng bonggang bongga jan eh.

    dika kumain ng tamilok? hehe.

    ReplyDelete
  22. sensya na. now lang uli napdpad. busy. kahit naman sino magdidilim ang paningin (or in your case mabibingi) sa balitang nawala ang reservation mo./ talagang naka-chronicle pa ang pag-s*hit ha hehe./ baka naman maging ama ka na nyan after 8 months yahoooo! sino kaya sa kanila? hmm....

    ReplyDelete
  23. @Kosa

    Ang dami ba masyadong pics sige babawasan ko.

    Sumpang kinasasapitan talaga? Sarap nga dyan mas snow! Sige pasyal ka na sama mo si Sunshine mo. Go!

    @Kessa

    OMG! 6 days kayong nag stay dun ni Mr. Flowers?! Huwaw ang yaman!!!!! Yeah super saya, I'm planning of a second visit there :-D

    Thanks!

    @Chinggoy

    Kahit US pa pwedeng pwede kang mag visit :-D Sensya naman at hindi ko na sagot ang tawag at message mo. Medyo busyness sa next trip kasi :-D

    ReplyDelete
  24. @LordCM

    Sure Sure. Just let me know...

    @Khekz

    Yeah enjoy naman kahit namalas ng konti hihihi

    @D-Younker

    Thanks :-D

    ReplyDelete
  25. @Keso

    Oo naman nag enjoy kame. Sige go punta ka narin

    @Superjaid

    Makakarating ka rin dyan im sure

    @Achie

    Sobrang sarap ng food. Lalog na dagdagan ang beer belly ko lol. Hindi nga ko na kakakin ng tamilok sayang. Next time next time... Pampaano daw yun diba?! LOL

    ReplyDelete
  26. @RandomStudents

    Ayaw mo lang talaga akong dalawin dito. I hatechit!

    Bastush mo po! Hmp!

    ReplyDelete
  27. nakakainggit naman! it looks like bawi naman in the end.

    ReplyDelete
  28. wow naman your so sasyal make bawi talaga....hihij


    Yeah enjoy naman :-D

    ReplyDelete
  29. Potah, bakasyunistang bakasyunista ang puwet!

    Naks, mukhang enjoy na enjoy ka h! Hanggang singit ang ngiti!!

    Tungkol sa hotel na yan, dapat dyan binibigyan kayo ng pakunswelo de bobo dahil sa aberya! Pero kung wala, dapat inuwi nyo na lang yung kumot at tuwalya, makabawi man lang!

    Nasa boracay ka ngayon puwet no! Yaman mo!

    ReplyDelete
  30. nakakaawa ang itsura nyo kuya jepoy nung nasa hotel na kayo. puro kabadtripan na nga kayo mula nung sa airport..

    sinundan ko talaga lahat ng parts nitong summer escapade mo

    mula sa pag iintay mo sa dalawang seksing girls, naiwan ng airplane, at iba pa!

    ReplyDelete
  31. hindi ko na binasa itong part na ito kasi sa pekpektyurs pa lang eh busog na ako,hihihi

    hongganda Jepoy!! as in hong gonda talaga!

    ReplyDelete
  32. @Drake

    Pano mo nalaman na nasa boracay ako?

    @Jason Hamster

    All went well naman hihihi Thanks sa comment

    @Powkie

    I hatechu nag skip read ka ng bongga!

    ReplyDelete
  33. Natawa naman ako sa picture number 5 parang sa kalagitnaan ng pagkain eh tumigil pa kayo para picturan ang foods!

    Mukhang malas kang kasama sa mga outing kasi puro malas ang inabot ninyo.

    ReplyDelete
  34. @glentot late ang response mo nakakatamad na mag comment back LOL

    ReplyDelete
  35. hi, can i get your contact person on your palawan trip...

    ReplyDelete