Monday, March 29, 2010

Makapag Update lang...

Mahilig akong manood ng mga documentaries pag naka steady lang ako sa bahay mag pa hanggang sa ngayon, nag simula ang facination ko sa mga documentary shows sa palabas na, "5 and up" na nakaere sa ABC 5 tsaka sa GMA 7 noong 90's. Para itong counter part ng "Probe Team" pero this time pang kids ito.

Sa kanayunan namin hindi uso ang cable at ang aming telebisyon ay de-pihit pa ang pag lipat ng channel, walang remote remote at Oo 14 inches ang TV namin na bigay pa sa tatay ko ng isang US Army na nadestino sa'min. Tandang tanda ko pa na kapag sabado ng umaaga ginagawa ko na ang lahat ng tasks ko para makapanood lang ng "5 and up". Gigising ako ng 6:00 AM para mag walis sa labas, mag babalat ako ng kamote at hihiwain ito para gawing kamote que sa hapon ng sabado. Mga bandang 8:30 AM ready na akong ma-nood ng TV. Kaso nga lang since mag kaiba ang frequency ng channel 7 tsaka Channel 5 kinakailangan ko pang umakyat ng bubung para pihitin ang aming antenna para makuha ang Channel 5, sabay din nito ang pag dadasal ko kay Papa Jesus na wag umulan sapagkat kung bubuhos ang pukang amang ulan wala ng signal na mahihigop ang putang Antena namin, which only means end of Saturaday telebabad for Jepoy.

Nakakita ako ng isang episode sa youtube ng "5 and up" at naaliw talaga ako, naalala ko ang mga panahon na marami akong napupulot sa documentary show na ito at talaga namang tumatak sila sa aking murang brain cells.

Bali farewell episode ito ni Atom tsaka ni Chynna sa show. Itong mga kids na makikita nyo sila yung mga favorite reporters ko, I wonder kung nasaan na kaya sila ngayon? kilalang personality lang kasi dyan ay si Atom at Chynna kasi na papanood pa natin, syempre si Maxene Magalona nandyan din as in Nene pa sya dyan. Uhhhhm, nandyan din si Jolly tsaka yung isang kasama nya. Kung fan kayo ng "Battle of the Brains" na show sa channel 9 noon sila yung nag champion sa Elementary level. Alam nyo ba na dapat mag audition ako dito sa palabas na ito noon bata pa ko, meron nga akong video copy na ipinadala ng tita ko sa Probe Production noong nag pa audition sila. Pero syempre hindi ko ilagagay dito kahit na saksakin nyo pa ko, masyadong kahihiyan na iyon.






Pag dating naman ng afternoon, 'di ko na matandaan kung Saturaday or Sunday palabas naman ang Battle of the brains. Kunyari nag tatalitalinuhan kame ng kapitbahay namin at sa tuwing ma ririnig na namin ang signature music ng show na sya ring hudyat na simula na ang patalinuhan, meron pa kameng dalang notebook at sumasali sa pag sagot sa mga tanong kung sinong pinaka maraming tamang sagot sa amin eh sya ang bibiling ng Samalamig kay aling Pekta. Nangarap kaming makasali sa Show na ito noon kaso wala lang kameng pamasahe paluwas ng Maynila. Panoorin nyo ito nakaka tuwa lang maalala.




29 comments:

  1. wow naalala ko tong mga to haha.
    pero mas naaalala ko ung digital lg quiz kasi sumali ung barkada ko doon at nanood kami ng taping...

    ReplyDelete
  2. @olybut

    Baket ikaw di ka sumali? hihihi Bilis mag comment ah kaka upload ko lang, online ka parati noh LOL

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. kasi laid back ako nung hs, barkada ko lang sumasali tamang, tigasagot lang on the side. Malas lang kasi ung winning question alam ko ung sagot sya hindi, ahha.
    petiks sa work,tapos na projects haha. kaya nagbbloghop ng onti ^__^

    ReplyDelete
  5. @Olybut

    Zuzyal! Minsan sama ka samin pag nag lumaklak kame ha :-D Isang bucket sayo! :-D

    ReplyDelete
  6. Request naman oh..Pakipost mo naman yong video mo..lol

    ReplyDelete
  7. Kung iuupload mo ung audition video mo, sige.
    Malay mo, baka kunin kang host ng Ating Alamin!

    ReplyDelete
  8. naalala ko naman tuloy ang minamahal kong 5 and up:(

    hindi ko kilala ang rpn..lols
    hindi abot ang signal sa amin.hehe

    ReplyDelete
  9. ang comment ko ay walang kinalaman sa topic haha...

    pero nakasabay ko si atom sa BUS from ortigas. ung bus papunta fairview. sobrang down to earth! at gentleman pa kasi he'd rather stand para ibigay yung seat nya sa matanda... naka white shirt, jeans, and backpack. take note.. sikat na siya nyan... 2007 lang yun... share ko lang hehe

    ReplyDelete
  10. di ko ito pinapanuod kasi halatang conyo kids ang bida, eh probinsyano ako hehehe

    pero obviously, malaki ang nadevelop nitong show sa mga host na sina Atom at Chynna.. (at maxene)

    ReplyDelete
  11. sabi ko na edge na ng kalendaryo si olyabut eh haha! inabot ko rin yang 5 and Up LOL! meaning, yan si poy ay edge na rin haha!

    ReplyDelete
  12. nyeta ating alamin?! wahhahahaha! tele aralan ng kakayahan na lang!

    ReplyDelete
  13. uy naalala ko rin to. sa lugar namin sa probinsya ako lang ang nakakaapreciate nito pati yung battle of the brains...parehas din tayo ng ginagawa, imbes na yung pihitan ng tv ang pipihitin mo yung antena ang iikutin mo para sa signal...hehehe...si rayver at rodjun dito din nagsimula sa "5 & up". pinakasyet peborit ko ang battle of the brain ni david celdran.

    hayyyys bringing back the old days...aylabet.

    ReplyDelete
  14. @Kosa

    Natawa ako na walang RPN sa inyo! Hindi ba kinaya ng antenna yung signal ng RPN? ahahaha

    @Roanne

    Naks naman! Pero muka ngang mabait si Atom kasi nandun ako sa UP nung nagkakampanya sya na maging presidente ng Student Council eh

    @Chingoy

    COnyo ka dyan! Eh conyo ka kaya

    ReplyDelete
  15. @Rnadom Stud

    Yan nanaman sa mga ganyang banat eh, hoist mid twenties palang ako noh. TSE!

    @SCofield

    Oi kala ko ako lang ang gumagawa ng pag pihit ng antena sa bubung :-D Kakatuwa maalala hihihi. Tapos ka na mag hiatus?

    ReplyDelete
  16. 5 and up? at Battle of the Brain?

    Grabe ang tanda mo na pala Jepoy! Kasi ako ang naabutan ko na eh yung Sineskwela!

    Gurangers ka na pala Jepoy, hindi lanng sa isip pati sa katawan na rin!LOLS

    Utot mo blue

    ReplyDelete
  17. I remember! hahaha.. My school here in cebu even sent delegates for the Battle of the brains and they won! How cool is that! ;)

    ReplyDelete
  18. naks. nakasali pala ang school ko nung highschool. -cavite institute.

    di ko naabutan yan. anong year yan?hehe

    ReplyDelete
  19. finally found you---and na-add na rin kita blog roll ko. ngyn , me time nako para tibakin ka sa mga comments.jok. salamat pala ng marami nung sat ha. I am really thankful and sowi narin kung para akong snob ( parang lang ba???---hehe) , masyado akong self-preoccupied. It was not about you or the group, it was me, sowi talaga. what time nga pala kayo nakauwi from inuman? hehe

    ReplyDelete
  20. isip ng iba no brainer tong mga ganitong palabas, but if you look at it closely , it''s made for sensible people......lavit

    ReplyDelete
  21. Ayos tong post mo Jepoy. Pero di ko masyado pinansin tong mga palabas na ito dahil puro cartoons ang mga pinapanood ko noon. Dumadaan lang ako sa mga ito.

    Pero gumawa kami ng parang "5 and up" show dahil sa masscom subject namin nung college. Awa ng Diyos, naka uno kami sa grade. hahaha! =)

    ReplyDelete
  22. dahil ang title ng blog mo eh "Makapag Update Lang," ang gagawin ko eh makapag-comment lang.

    pasensya na friend, di ko na kayang basahin pa ang post mo dahil hayuf na hayuf wala akong tulog ng 40 hours straight. putanescca di ba? o sya babalikan ko to para basahin. haha

    ReplyDelete
  23. di ako maka relate sa 5 and Up pero yung battle of the brains pinapanood ko yan.

    ReplyDelete
  24. @Drake

    Ikaw kaya ang gurang. Wala pa kaya me bulbul hindi pa natubo. Hmp!

    @Dhon

    That was cool! I always wanted to join Battle of Brains back then... Assa mode

    @Keso

    Sus taga cavite ka pala hindi ka nag paramdam samin nung pumunta kame ng tagaytay sa cavite kame dumaan edi sana pinikup kita hihihi

    ReplyDelete
  25. @Pusang Kalye

    You're welcome, that's cool no worries. We finished up around 3 AM ata.

    @Stone cold Angel

    Angas naka uno, isang beses lang ako naka uno nung college at ROTC pa ito hihihi

    @Andy

    Eh paano mo eexplain ang pag fafacebook mo kanina. TSE!

    @Ahmer

    Fine ikaw na ang hindi alam ang 5 and up hahaha

    ReplyDelete
  26. anak ng tokwa may video ka pala eh. ipost mo na dali dali. hahahaha

    ReplyDelete
  27. hindi ko masyadong naenjoy ang 5 and up kasi ang tanda ko baka mga 2 years old o 3years pa lang ako nun. kartwons ang hilig ko noon.
    ang nasa utak ko lang eh yung sineskwela, mathtinik, hiraya manawari, bayani... mga ganun ba.
    at yung digital lg quiz, yun ang peborits ko every sunday ata yun eh.
    tuwang-tuwa nga ako kapag nakakasagot ako ng mga questions tapos yung mga contestants hindi nila alam. ay kayabang ko nun!

    ReplyDelete
  28. @Kikilabotz

    ayako!!!! Isang malaking kahihiyan

    @Eloiski

    I feel old!!! I hatechu!

    ReplyDelete