Wednesday, March 31, 2010

Pamamaalam

Matagal tagal ko naring itong pinag isipan at mahirap mag give up ng bagay na gustong gusto mo talagang gawin na kung saan naka-kilala ka ng mabubuting friends na kasing pogi ko na kung saan nakakahiligan din ang pag susulat. Dahil sa kagagawan ko ay nag sara ang isa sa naging pinaka malapit kong kaibigan sa mundong ito. Kaya isasabay ko narin ang pag sara ng aking kuta na kahit papaano ay nakapag bigay ng konting saya sa inyong mga puso.

Maraming maraming salamat sa lahat ng tumangkilik ng Pluma ni Jepoy. I guess tama ang kasabihan na ang lahat ng bagay ay may katapusan. Tulad ng isang pag kakaibigan na nag tatapos din. Parang dahong tuyot na kusang nalalaglag sa pag ihip ng hangin. Tubig na lumalagaslas sa batis patungong kawalan.

Oo mahirap paniwalaan na darating pala ang araw na makakapag decide akong isarado ang aking munting tahanan. Maraming salamat sa lahat ng walang puknat na pag basa ang pakikikulit sa comment box at cbox ko. Maraming salamat dahil na tats nyo ang puso ko. Maraming salamat sa lahat ng naka EB ko at natikman nyo ang alindog ng katawan ko. Maraming salamat sa tawa. sa lunkot. at sa friendship. Hindi naman dito nag tatapos yuun di'ba. Meron parin namang facebook at twitter.

Hindi ko na maiisa isa ang mga naging malapit na blogs sa puso ni Jepoy. You know who you are. Isang way narin ito para mag hilom ang aking pusong sugat. Pusong ni yurakan. Pusong hindi pinahalagahan. Mag papakalayo muna ako sa mundo ng blogosperyo dun nalang muna me sa twitter.

Hanggang sa muling pag kikita kaibigan. I love you all.

Sa lahat ng mga manunulat na nakita ko ng mata sa mata at naka kuskusang siko ko hayaan nyo mag iwan ako ng pahuling mensahe sa aking bahay.

Powkie- Maraming salamat sa panlilibre mo sa facebook nalang tayo mag kulitan. Muahchupa!

Andy- Sana ay tumangkad ka pa! Maraming salamat sa pag punta mo sa MOA para makisabay mag lunch saakin. Kita tayo sa facebook

Kikilabotz- Alam kong muka kang artista at matangkad at kutis labanos pero mas pogi ako sayo sa paningin ng nanay ko. yun lang kitakits sa facebook.

Pusang Gala- Sayang at ngayon lang tayo naing magka blog roll. More power sa blog mo.

YJ- Mag inuman nalang tayo wag na tayo dito sa blog mag laitan dahil wala na akong blog after nito

Chinggoy- Maraming salamat sa iyong comments parati at sa pakikiyosi sa akin kahit hindi ka naman nag yoyosi

Nyl- At nag hiatus ka narin sayang naman ang kagalingan mo sa pag susulat dibale magaling karin naman mag public speach so dun ka narin kumarir

Glentot- Sana ay mapatawad mo me. Ingat ka parati at sana wag ka nang mag tanim ng puot sa iyong dibdib

Drake- Paalam sayo isa ka sa dahilan ng pag close ng blog ko thank you sa keychain. Ingat ka dyan sa Bhagdad ha.

Hangang sa muli mga kaibgan! Paalam!!!!

48 comments:

  1. haaa?!

    ano ba ito? may trending? parang survey.

    ayokong malungkot. :(

    ReplyDelete
  2. What?????!!!1

    totoo ba ito, Jepoy????

    Wag naman ganun... T_T

    ReplyDelete
  3. mapuans never quit...

    i feel this has something to do with the business thing you had before...

    im definitely sure both of you will be back with something greater.. a new image perhaps...

    BTW, did you know that blogs in a little way helps ofw to cope with the homesick feeling? just a thought to ponder for a change of mind.

    ReplyDelete
  4. gaya ng sinabi ko. i think kelangan nyo lang ng time off. Pause kung kelangan nyong magpahinga. We will wait for both of your kambaks!

    ReplyDelete
  5. andami niyo pang ginawang drama... alam ko naman ang punot dulo nito eh...

    d ba sabi ko sa inyo, madaling hulaan kapag ang dalawang bloggers ay may relasyon... nagsisimula yan sa dating, minsan nga kahit hindi nila pangalanan yung blogger na dinedate nila, malalaman at malalaman mo dahil sabay sila magpopost kung ano nangyari sa date... tapos, kapag naging sila na at inlab inlaban, asahan mo lie-low sila sa pagpopost... hanggang sa hindi na nag-a-update.... bilib ako sa inyo ni Glen..... kinabog niyo mga magjojowa sa blogosphere... talagang nag-sara kayo ng blogs!!!!


    well, sana ay maging masaya kayo sa piling ng isa't isa.... hindi niyo ako malilinlang

    bwahahahahahahaha

    ReplyDelete
  6. Nag enjoy ako ng sobra dito . . .

    ReplyDelete
  7. (paranoid) alam ko na to. pagbalik nyo ni glentot eh combined blog na kayo. yan ata yung project na niluluto nyo eh...

    ReplyDelete
  8. ano b ito? waaaaaaaaaahhhhh...

    ReplyDelete
  9. sige sige magsama kayo ni Glentot! parepareho kayo:D
    hehehe. *paece*

    gumaganun!?

    oks lang yan! kailangan nyo lang magnilay-nilay at tuklasin ang inyong mga sarili...
    wag papabalot sa kalungkutan... mabuhay ng masaya dahil masaya ang mabuhay----

    goodluck at kitakits kapag makarating ako sa MOA. isang tumbling mo lang nasa MOA ka na di ba?

    ReplyDelete
  10. ay nauuso ang pamamaalam sa blog ha?

    ako nga din magpapaalam na. hehehe.

    leche ka jepoy, bumalik ka kundi lilitsunin ka namin.

    ReplyDelete
  11. is this for real?!?!? :(((((((

    nakakalungkot naman... i've been your follower, since bago ppa po ako magtayo ng sarili kong bahay, at nakakalungkot po dahil, mawawala na ang isa sa mga blogs na araw araw kong inaabangan ang mga post... hindi man po ako laging nagkokoment, isa po ako sa madami nyo pang fans! salamat din po sa pagseshare ng mga kwentong nakakainspire at nakakapagpatuwa sa aking ebri dey layp! goodluck po and god bless!!

    ReplyDelete
  12. Iiwan mo n lng ng ganun ganun..naman kua Jepoy la naman iwanan idolo pa naman kita sa blog tapos bigla ganito waaaaaaa.....

    ReplyDelete
  13. kayo ha, pinapalungkot niyo kami, iisipin ko n lng na april fools' day bukas at isang malaking joke lamang ito. kayo ha, nakuuuuuuuuuu.

    ReplyDelete
  14. ang bilis naman mawala.
    kakaumpisa ko pa lang makipaglokohan sayo dito sa blog mo, paalam agad.

    nakakalungkot naman!
    nakakatuwa pa man din ang blog mo!

    ReplyDelete
  15. Nagulat naman ako sa bilis ng mga pangyayari! Ang dalawa sa pinakapaborito kong blog ay parehong mamaalam na!!!

    Siguro nga baka April Fool's day bukas, kaya may ganyang mga post! Pero kung seryus kayo ni Glentot, eh nakakalungkot talaga!

    Ingatan mo na lang yung keychain na bigay ko sa inyo ni Glentot alam ko kinakalawang na yan (eh mumurahin kasi yan) pero ingatan nyo na lang, sa susunod na pagkikita natin gintong keychain na ang ibibigay ko sa inyo!

    Ingat at maraming mramingn salamat sa binigay na tawa at saya!

    huhuhu =(

    ReplyDelete
  16. Hala anong nangyayari? Bakit may sunog?? Hindi effective ang BFP sa kanilang fire prevention month???

    Bakit ganito? Ngayon pang may mga tatambayan na ako, saka mag-aalisan?!?!? owmaygawd nemen eh

    Eniweys, sana magbago ang mga isip niyo. Malapit-lapit pa naman ang PAsko (ng pagkabuhay. Yeheyyy!!!)

    ReplyDelete
  17. @Chingoy

    Wag na yung malungkot kuya Chingoy, masaya ang buhay parang gulay maakulay

    @Stone Cold Angel

    Pre maraming salamat sa patuloy na pag basa at pag koment, hayaan mo't makakapag inuminuman din tayo minsan

    @Roanne

    VIva Mapua!!!! Thank you for the friendship ang saya saya. I'll think about what you've said...

    ReplyDelete
  18. @Olyabut

    Marahil nga. Maraming salamat at nakahabol ka sa pagiging fezbuk friend ahahha

    Hanggang samuli kamusta mo ko kay Claude :-D

    @YJ

    Ayos ang logical reasoning mo YJ ah! Halinat mag inuman na muna at pag usapan ang nak nak jokes hihihi

    @Anonymous

    Maraming maraming salamat nakakataba ng puso

    ReplyDelete
  19. @Randon Student

    Asa! :--D

    @Kikilabotz

    hihihihi

    @Kosa

    bilisan mo ang pag uwi at wag mong kalimutang dalhin ang gummy worms ko letch ka. See you in MOA ok

    ReplyDelete
  20. @Bad MJ

    :-(

    @Andy

    Maraming salamat kaibigan. Mabuhay ka!

    @Battanggala

    Thank you thank you. I appreciate it so much. Good Luck din sayo!

    ReplyDelete
  21. @Jam

    Thank you thank you. I appreciate it much, again congrats sa kasal mo. Invite mo me ha

    @Keso

    Hayaan mo't magkikita din tayo na mata sa mata at makakapag kiskisang siko din. Salamat sa more than one year na pakikipag kulitan keso!

    @Eloiski

    Maraming salamat din sayiyong pag tangkilik i labet

    ReplyDelete
  22. @Drake

    Go!

    @Taribong

    Salamat sa pag daan sa kuta ko at pag kumento sa last post ko. Ingat ka at enjoy blogging tenchu! Mhuachupa!

    ReplyDelete
  23. wag!!! fav ko p nmn blog nyo ni glen kc nakaka inspire.

    hope maayos yan. ma miss ko mga post nyo :(

    ReplyDelete
  24. tol bakit kaya nagsara? waah..wala na akong mga kabatch kasi nagsisialisan kayo..si chickletz tpos si glen tpos ngaun ikaw..waahhhhhhh wag na kayo magsara

    ReplyDelete
  25. litsonin na yan, andy tusukin mo na

    ReplyDelete
  26. @khekz

    Thank you thank you. Ingat ka parati

    @Rico

    Pre madadalaw ko parin naman ang blog mo eh so chillax ka lang

    @Random Student

    Binabawi ko na ang pag thank you ko. TSE!

    ReplyDelete
  27. Ako ha..ang sabi ko mananahimik sandali...pero hindi ko iko-close ang blog ko! nayhahah!

    Jepoy, ano ba ito? Representation ng break up nyo ni Glentot.

    C'mon,...hindi sa ganito ang dapat na pagtatapos ng isang istorya.

    Pero, desisyon mo yan--desisyon nya yun--bon voyage!

    ReplyDelete
  28. goodluck sa future plans. pare, kita nalang sa FB. :)

    ReplyDelete
  29. bakit???
    ngayun lang aki makikisali eee!!!

    haaayst.

    tumambling pa naman ako sa mga banat mo dito!
    hayst.

    sana magbalik ka!

    kayo!

    ako'y magaantay at aasa!

    ^ - ^

    ReplyDelete
  30. nakakalungkot naman. i hope na sa pamamagitan nina yj at nyl (na mga kaibigan ko rin) ay ma-meet kita someday. at sana magbalik ka rin. ingat always and all the best sa iyong mga endeavors. :)

    ReplyDelete
  31. awww tats ako at may pasasalamat pa,hihihi...

    sumalangit nawa....ang inyong mga blog kung totoo man itong drama pekpek mo!

    wag masyadong magtagal ang pagiinarte ha..balik agad!!

    ReplyDelete
  32. Kung kelan pareho ko nang sinusundan ang blogs niyo, saka naman kayo nawala. Wag naman ganun! Mawawala na ang mga naggwapuhang kalalakihan sa bloghosphere! Paano yun?

    ReplyDelete
  33. Haist. Na-sad ako ng beri beri slight nang mabasa ko pareho ang closing blogs nyo ni Glentot.

    Update mo na lang me sa FB kung magbubukas pa ang bahay mo. Di ako maka-comment sa nangyari sa inyong dalawa kasi bitchesa din naman ako minsan.

    Nag-enjoy ako reading your blogs kaya maraming salamat sa mga smiles habang binabasa mga entries nyo.

    mwah!

    ReplyDelete
  34. April Fool's lang ito right? (Sana)sighs!

    Wag naman ganun parekoy, nagulat ako dun ah. At nalungkot ng bahagya.

    Pero kung di ka n magpapapigil ala n kming mgawa desisyon mo yan. Wish you all the best na lang parekoy! Salamat sa pangingiliti sa amin sa pamamagitan ng blog mo. Certainly I will miss this blog!

    O dili nmn kaya gagaya ka kay Drake na magpapa anonymous? Kaya gagawa ka ng blog on a different domain?

    Ingat! :-(

    ReplyDelete
  35. hmmm... is this for real? wag naman sana... i enjoy reading your posts man.... sana nga april fool's lang ito. keep on blogging man. salamat nagsasalitang ponkan(nakuha ko to kay drake, hehe)

    ReplyDelete
  36. joke joke joke!...si jepoy pa?...nagbibiro lang yan! :D

    ReplyDelete
  37. kasi dapat kiss and make love. hindi kiss lang. gow!

    ReplyDelete
  38. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  39. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  40. how sad nman na masara ang blog mo at lalong mwalan ng kaibigan.. well sumtyms we made mistakes coz we're jaz humans, d most important thing is u know how 2 make ur mistake's ryt! isang sinsiridad na pagpapatawad lang ang kailangan pra maayos ang lahat! gudluck dude!

    ReplyDelete
  41. Totoo nga ba ito? Binasa ko na kasi parehong entries niyo ni Glentot, pati 'yung kay Drake eh binasa ko. Hindi ko matantya kung pang-April Fools o totoo nga na may alitan kayo.

    Kung magsasara kasi kayo, dapat dini-delete mismo 'yung blog. Sige nga, dare nga! LOL

    Pero kung totoo nga eh hindi na ako nagulat kasi normal lang naman sa mga magkaibigan ang nagkakatampuhan. Saka marami na din akong bloggers na kilala na nagsasabing hihinto na sila sa pagba-blog, pero after awhile eh meron na ulit return of the comeback. Hehehe.

    Sana magkaayos na kayo, kung hindi nga joke-joke ito. There's more to life than putting oneself in this kind of situation.

    ReplyDelete
  42. kung ano man yang reason niyo, i know its for good. syempre kayo ang nag desisyon eh, kasi kung ako ang nag desisyon, BEST yun. ha ha ha...

    hahays....april fool days di ba? di ba? di ba?> di ba?

    ay totoo to? sad. :(

    ReplyDelete
  43. @People Di ko na kayo maisa-isa salamat ha. Aris Sure pwede naman tayo mag ka inuman minsan yayain lang natin si YJ Pok POk hehehe. Salamat Salamat sa inyong lahat! Na tats talaga ako! Ingats!

    ReplyDelete
  44. kua jepoy basta kung like mo bumaliuk dito balik ka ha..
    aantayin ko pagbabalik mo.
    -1 blog to read

    ReplyDelete