Saturday, November 28, 2009

Chrismas Gift

Ang Saya!

Dahil nabili ko na ang Christmas gift ko sa sarili ko, Yay! After 3 years ay mapapalitan ko na rin ang aking mobile phone na mukang pang-kaskas ng yelo ng halo halo. Pero dahil wala akong pambili ng black berry, settle nalang tayo sa Nokia E71.Atleast, may nabili ako para sa sarili ko this Christmas Season. Madalas kasi ay binibigay ko kay Mudrax at pina mumud-mud sa mga loving inaanaks and relatives ang lahat ng aking extra budget pag Pasko (Parang Santa Klaws lang?!). Salamat sa kakaramput na 13th month pay. Bow!

Pinigilan ko talagang wag ikas-ikas ang credit card ko, pero sadyang mahina ako. Tao lang at hindi kayang lumaban sa mapusok na mundo ng punong-puno ng tukso, kaya naman nilabas ko ang aking credit card at pinag masdan ang pag kas-kas ni Ate sa Nokia Store. Mixed emotions of happiness and sadness ito.


Si Manang Sales Lady/Mambobola ang may kasalanan 'nun. Ginayuma nya ako. Pero wag kayo mag alala dahil new years resolution ko ang walang utang kahit singko pag dating ng 2010 ay pikit mata akong nag withdraw at binayaran ang kalahati sa bangko after makas-kas ang Card, tapos plano kong sa susunod na sweldo ang kalahati ulit. hihihihi eh hindi pa naman 2010 ang next payday diba?! so pwede pa (Gudluck Sakin)

Anyways toothpaste, edi yun nga nabili ko na ang E71. Nag ikot-ikot narin ako sa MOA (favorite Mall ko) namili narin ako ng Toys para sa inaanaks (Play doh tsaka Transformers ang request ng mga tsanaks) Dahil loving ninong sinuyod ko ang Toy kingdom para mabili ang pinaka murang Play doh at Transformers, aba mahirap ang buhay ngayon kaya dapat laging 'ung pinaka mura. Tapos napadaan ako sa power books. Powthangena! Napabili na nanaman ako ng 2 libro! Buset!

Tapos dumaan ng starbucks. Kahit lunch time na eh hindi ako nag lunch para diet. Umorder lang ako ng season drink ng Starbucks para madagdagan ng sticker ang promo card ko. After nun', nag decide na akong umuwi kasi napapagod na ako tsaka napupuno narin ang mall ng tao. Nag lakad na ako pababa. Napadaan ako sa Krespe Kreme. Narinig ko na tinatawag ako ng mga doughnuts. Kaya bumili muna ako ng box of six.

Sa bahay...

Excited na 'ko sa E71 ko. Shet! kinikilig ako hanggang betlog.

'Lam mo 'ung feeling na nabilihan ka ng Nintendo Family computer tapos meron kang bala na Super Mario 1?! Ganun na ganun ang feeling. Last na na-experience ko 'yun eh nung nabili ko pa ang laptop ko two years ago. Tagal na diba?! So Eto na nga..

Pindot pindot. Kalikot. Basa ng Manual. Sync ng Contacts. Sync ng Pictures. Nag pra-practice mag text kasi na ninibago. Hanggang sa dumating sa point na gusto ko ng i-test ang connectivity nito sa Router ko.

'King inang Syet! Ayaw kumunek! Yari....

Edi umandar ang pag ka tech chuport ko. Trabulshut ako ng trabulshut. after 2 hours and a couple of text sa mga friends. Ayun! ayaw parin kumunek. Anak baka talaga! Gusto ko ng ibato ang bago kong fon. Nangigilid na ang luha ako at gusto ko ng sugurin si Ate nokia sales rep.

Bali Ganto ang nangyayari; nakikita ng fone ang router pero nag kaka error ng "invalid WLAN access point churva"... Inshort, hindi maka pag browse. Pero kanina sa Mall napa kunek naman ni Ate, may sa mangkukulam ata sya. So nag basa basa ako ng forums at ganito ang natagpuan ko.

"Stupid! You are using an incorrect router password to connect, change it and you will be able to browse..."

Hindi ko matanggap na mali ang password ng router eh ung laptop ko kuneketed nga eh, Gagu ba sya?! So kinalikot ko pa ang router setting, disable ng security, gumamit gamit pa ko ng MAC address at kung anu anu pang DNS. Ayaw parin, pak shet talaga!

So ni-rest ko ang password ng router.

Boom!!! Coco Crunch!Finally, Ayaw ng kumonek ng laptop ko sa router. Na-loko na! Lalong nag kanda letche letche na. Fuck talaga!

Lalong nachallenge ang technical ability ni Jepoy. CISCO Router nga na co-configure ko eto pa kaya *Angas!* joke lang ang pag configure ko ng CISCO Router. So, nag connect ako using ethernet wire tapos gumamit ako ng software hacker para makuha ko ang password. Guess what?

Mali nga ang password na ginagamit ko.

After 'nun all is working fine na.


------------------------------------
(nung Sunday ko pa ito nagawa delayed Post, Thanks to Glentot, sabi nya iblog ko daw ito kaya binlog ko narin)

Friday, November 27, 2009

Emo Emohan

Meron akong kakatapos lang basahin na book. Can't help my self to blog about it. Nag emo emohan tuloy ako ng bigla after reading it, na durog ang puso ko, I'm not prepared. my heart broke into a million pieces. Kill me now! (Drama lang)

Ok, si Nicholas Sparks ang Author nitong book na ito. Walang warning kasi 'yung nag bigay ng book sakin na mabigat pala sa puso ito, parang the Time traveler's wife lang din. Para sa hindi na kaka-alam si Nicholas Sparks ang writer ng book-turned-into-movie na " A walk to Remember", "The Notebook", tsaka "Message in a bottle".


This is the first love story novel na tinapos kong basahin ng 2 days lang, usually kasi inaantok ako or kinatutulugan ko ang mga ganitong tema ng babasahin. Medyo iba lang siguro ang effect sakin ng book na ito.

Simple lang ang story, pero siguro striking lang ang paraan ng pag kwe-kwento ng author, first person parati ang approach nya ng pag kwento, napaka effective. Parang gusto kong i hagis ang libro at mag kulong sa kwarto magyosi at uminom ng redhorse at mag depress-depressan buong araw matapos kong basahin ang book. Medyo mabilis kasi akong ma impluwensyahan when someone's starting to open up. I'm more of a listener than a talker kind of guy, so ganun' ang effect sa akin ng book, parang may nag kwe-kwento lang at humihingi ng advice sakin real time.

I know this type of book is not what most of the guys would look forward reading to, but maybe some will like it anyway, I like it though, punong puno kasi ito ng sitwasyon na nalalapit sa puso ko (Meganun?!) kung baga sa teleserye sa Telebisyon, isa itong Darna, joke lang! isa itong... Uhhmmm, wala akong maiisip, basta heavy-gat ito parang Coney Reyes on Cam lang (Sana inabot nyo pa 'yun).

Sana mabasa nyo din ito, specially kung mahilig kag mag basa tulad ko. Highly recommended!

Syempre meron mga lessons learned dito, para naman hindi sayang ang pag babas ko kung walang napulot na gintong aral mula kay lola Basyang, right? So eto ang mga realizations ko after reading it.

1. 90% of long distance relationship will not end up on a happily ever after ending. (I'm sorry this is just my opinion nothing against those who are in this situation) But, it can bring big lessons in life that you will treasure the most and not regret about it.

2. When you love you should be ready to make sacrifices.

3. Hindi manghuhula ang partner mo para malaman ang tumatakbo sa isip mo when you act weird. Don't give them a face, don't act strange to them. Say what you feel. Mas masarap ang bed scene after ng away. LOL

4. Isang patunay ang Novel na ito na hindi nag e-exist ang happy ending (Bitter?! LOL)

5. There are always two sides of every story, you got to hear them both first no matter how hard for you to listen and take it, else,next thing that will probably happen will not gonna be very nice for both of you. You might regret what you will about to say or do.


Btw, magiging motion picture din nga pala ito by next year if you wanna see the trailer click here. 'Yung gaganap na Savannah ay yung bida sa "Mean Girls" tapos yung gaganap na John eh yung Bida sa GI Joe. I just hope ma justify ng movie ang kagandahan ng libro.

Again, thanks for reading you guys and Happy weekend!

Thursday, November 26, 2009

My Own Blog Chronicles

Mula ng mabasa ko ang kauna-unahang idol ko sa mundo ng blogosperyo na si badoodles (sumalangit nawa) ay nag simula akong mag sulat ng pansarili kong records ng sulatin. 'Nung simula ay nag papanggap pa akong mag sulat sa salitang english kahit na nag tatalsikan ang dugo sa ilong at tenga ko pero sige parin ako ng sige.

Hindi ko akalain na maadik pala ako at maisasakatuparan, somehow, ang pangarap kong maging isang manunulat (minus the wrong spelling and grammar error, incoherent phrases and sentence structure)

Once upon a time in a far away land ay naligaw ako sa blog ni Badoodles at napatawa' talaga ako dito ng bonggang bongga, 'yung tipong tawa lang ako ng tawa na parang bawal ng tumawa kinabukasan. Halos lumabas ang tae ko sa kakatawa habang nag babasa ng post nya. Araw araw kong inaabangan ang bago nyang post, wala akong paltos sa pagbisita sa bahay nya. Hindi ako nag iiwan ng comment sa mga entries nya kasi mahiyain pa ako noon, ni hindi nga ako naka link sa blog roll nya eh, pero hangang-hanga talaga ako sa panulat nya, para syang kamaganakan ni Bob Ong (Kung di mo kilala si Bob Ong ay Ewan ko sayo! baka taga Pluto ka)

'Di lingid sa akin na hindi lang pala nag iisa si Badoodles, napaka rami palang blogger na champion mag sulat gaya nalang ng mga nasa blogroll ko.

Nang lumaon dumami ng dumami ang mga babasahin ko hanggang na dagdagan ang grado ng mata ko dahil sa kakabasa at sabay rin dito ang pag baba ng productivity ko sa opis. Dumami rin ang nakaka appreciate ng mga sulatin ko, naks naman! tatlo lang naman sila pero para sakin madami na 'yun at na ta-tats talaga ako hanggang betlog.

Naisip kong ang blog ay isang napakalaking medium para mailathala ang gusto mong sabihin na hindi mo kayang i-express sa totoong life, nagiging vessel din ang blog para mawala ang pait ng puso mo (meganun?!). Dito walang rule. Kahit ano pwede. Kahit may sustansya o wala ang panulat go lang ng go.

Isang taon narin ang lumipas mula ng simulan ko ang Pluma ni Jepoy. Nasa Amerika pa ako noon kaya English ang pag susulat ko. Naka tatlong Header narin pala ako ang unang title ay, "Just so you know" (Pinaka Corny) ang pangalawa ay, "A Cheezy one" (Corny) ang ang pinaka recent ay ang "Pluma ni Jepoy" (Beri Beri Corny), ang cocorny ng header noh? Pero who cares because I care.

Tulad ng recent post ni Drake nag papasalamat ako sa masipag na nag babasa at nag co-comment sa mga walang ka kwenta-kwenta kong panulat. Mahirap mag catch ng attention ng isang mambabasa para pag tuunan ng panahon at basahin ang isang article kahit ako man ganun kung kaya lubos akong nag papasalamat sa mambabasa kong ta-tatlo. Mula sa kaibuturan ng puso ko Salamat sa inyo. Salamat din sa nag bibigay ng award at nag tatag. Salamat po.

Salamat din sa mga sponsors ko. Nike USA. Lacoste.Channel.Louis Vuitton.Versace.Fitness First. Golds Gym.Rolex.Bath and Body Works. Face Shop.Guess USA.Chillis.Sharila Plaza.SM SuperMalls. Thank you po. At higit sa lahat maraming salamat Papa Jesas.

Joke lang ang sponsors except kay Papa Jesus the Author and Finisher of my Faith. Amen

Bow!

Tuesday, November 24, 2009

Headache

Head ache.

Maraming pwedeng pagmulan nito. Kaninang umaga sumakit ang ulo ko ng bonggang bongga, kala ko may cancer of the brain na 'ko. Medyo weird kasi, hindi naman ako nag e-english para sumakit ang ulo ko ng ganun. Medyo iritable pa naman ako pag nakakaramdam ng hindi maganda sa katawan. Well, sino nga bang hindi, right?

baka naman masyado lang ako dedicated sa trabaho ko lately kaya ang after effect ay headache. O baka sobra lang akong mag isip sa pag solve ng physics, chemistry, calculus ganyan-ganyan kung kaya sa sobrang talino ko ay sumasakit na ang ulo ko. Jowk lang! Ang sabi nila baka daw stress. Baka nga?!

Teka...anu nga bang ginawa ko, maka pag back track nga baka doon nag mula ang headache ko.

Sunday Activity:

4:00 AM- Nagising ako, kinuha ang laptop nag fezbuk, nagbloghop, nakipaglandian sa chatrum, nag chat sa OFW friends para maalala ako sa nalalapit na krismas, uuwi kasi sila sayang naman ang toblerone white, Old Navy Shirt, at perfume, tpos nag porn sabay tikol, na-nood ng Grey's Anatomy, nag email sa friends, at nag basa ng libro.

7:00 AM- Nakaramdam ng antok at ng konting hungerness pero mas pinili kong ihiga ang likod sa kama at mag bilang ng tupa sa isip, nag kamot ng betlog at nakatulog ulit habang nag kakamot ng betlog.

9:00 AM- Gumising na ang cute na Prinsipe! ang mga cobra sa tyan nya ay nag re-reklamo na. Nag toothbrush at bumaba para bumili ng twenty pesos na pandesal. Nag prito ng pulang hotdog at scrambled egg na meron sibuyas na puti. Lumafang ng konti sabay sip ng coffee at nag smile. Yes, kasali ang pag smile doon. Wait lang, may natira sa pandesal ha, hindi ko inubos lahat 'yun (defensive?!)

9:30 AM- Nag shower habang umaawit ng po-po-poker face po-po-poker face. Kinuha ang lufa. Kinus-kus ang katawan para maalis ang dead skin cells. Nag shampoo para mabango ang hair. Nag deo at nag bihis na. Pag hahanda sa pakikipag kwentuhan kay Papa Jesus.

10:00 AM- Ini-start ang kotse, pinunasan ang maalikabok na windshield. Hinintay ang kasama. Nag drive papunta sa charch pero sumegwey muna sa gas station. Pota! ang mahal na-naman ng gas! Nag pa hangin ng gulong at dumiretso na sa charch. Walang parking slot. Umikot-ikot. Ayun! meron bakante kaso parallel parking. Pinaikot-ikot ang manubela. Konting atras konting abante ng paulit-ulit. Bali mga 15 minutes ang lumipas para shumut lang ang kotse habang pinag pa-pawisan ang singit ko ng butil-butil. Dag dag pa siguro ang Porche at BMW sa tapat at likuran ng paparadahan ko. Ayokong isipin at tangkaing gasgasan sila. Tama ka! wala kasi akong pambayad.

10:45 AM- Nag praise and worship. Nakinig kay Pastor at ninamnam ang mensahe. Nag kamustahan. Nag pray ng taim-tim kay Papa Jesus. Sabi ko sa Kanya, "Papa Jesas Sana po ay magkaroon na ng world Peace"

12:00- Nag punta ng MOA. Nag lakad lakad. Lakad at LaKad pa ulet. Oo walang kamatayang lakad. tapos, nag lunch ng bonggang bongga sa French Baker eto inorder ko: isang bowl ng soup ung naka lagay sa Bread, Hikcory Spare ribs,Isang basong Four Seasons, Isang Manggo Crepe but wait theres more isang blue Berry Danish, yes hindi ako masyadong nagugutum nyan. Then, Nagpunta ng Power Books at nag basa at bumili ng book.

4:00PM- Nag punta ng Birthday Party. Nag panggap na clown. Nakipag kwentuhan.

7:00PM-Bumalik ng MOA. Nag starbucks.

8:45PM- Bumili ng Popcorn. Nanood ng New Moon ulet.

11:30PM- Nag hatid. Umuwi. Nag basa. Natulog.


Kinabukasan-Lunes ay nag ka headache na 'ko. Tapos pag pasok ko sa opis ngayon lalong sumakit ulo ko, nakita ko kasi ang tambak ng trabaho. Katanggap-tanggap ba ang headache sa mga Sick leave? hihihi Sana maniwala sila totoo naman eh. Siguro kelangan lang ng rest. kaya eto nag susulat ako para ma relax. hihihi

Salamat sa pakikibasa!

Friday, November 20, 2009

New Moon Unleashed :-D

i-papalabas na ang "New Moon" pero anu naman paki mo lalo pa't hindi ka naman interested sa palabas na ito na hango sa isang Novel ni Manang Stephanie Meyer. Kung ikaw ay hindi fan ng "Twilight Saga" ngayon palang ihinto mo na ang pag babasa at i click ang small "x" icon sa taas kasi ma bu-buset ka lang. Kung ikaw naman ay curious sige lang makibasa ka kung trip mo ang movie or book sige lang basa lang. Kung wala kang idea tapos ayaw mo ng make-keso ay wag mo naring ituloy kasi makeso ito.

Para sa mga curious ang New Moon ay continuation ng kalandian ni Bella Swan na merong konting twist this time. Meron sya kinakalantari ngayon dito pero hindi pa nya accepted sa sarili nya na kinakalantari nya pero halata naman, ito ay si Jacob Black na isang werewolf. Bali yung ka labteam nya dito ay si Edward Cullen na isang Vampire na hindi ko alam baket kumikinang pag na sikatan ng araw. Ma kikilala din dito for the very first time ang high class Vampire, sila ang Volturi at duon iikot ang saya :-D

Simple lang story nito, two different creatures na nag ka inlababuhan tapos 'yung isa ayaw nya ma-pahamak ang vulnerable being ng mahal nya at nag let go at nag pakalayu-layu ng bonggang bongga without knowing 'yung isa naman hahabul-habulin nya kahit ikamatay nya pa ito, ganun ang drama or something near to that effect. kung 'di mo pa alam ang kwento and you're into watching. I suggest Nood ka nalang. Sa book medyo madaming draging scene pero ayos lang naman ito.

Hindi naman review ang entry ko ngayon. Share ko lang ang mga pictures ng mga ilan sa gaganap na isabuhay ang aklat.

Bukod sa gusto ko ang ang book na ito, natuwa din ako dahil si Dakota Fanning na dating kido lang sa mubi na "I am Sam" at "War of the Worlds" ay ganap ng dalagita. Wag nyo kong pag bintangang pido, ok.

Gusto nyo picture? Eto oh

New Moon Pictures
Create Twilight and New Moon pictures.

Panalo diba?!

So eto sya sa movie, ginampanan nya ang isang malditang bata na may malakas na Vampire powers, she has the ability to inflict sa pamamagitan ng thoughts lang nya.

New Moon Pictures

Create Twilight and New Moon pictures.

Meet the other Kontrabida the "Volturi's" Bali sila ang batas sa mundo ng Vampire, all powerful sila at kinatatakutan ng sangkabampirahan. Si Jane ay isa sa mga Volturi. Eto yung iba

New Moon Pictures
Create Twilight and New Moon pictures.

New Moon Pictures
Create Twilight and New Moon pictures.
New Moon Pictures
Create Twilight and New Moon pictures.

Eto naman ang ang mga werewolves with their future Pack leader Jacob (hindi sila complete sa pictures)

New Moon Pictures
Create Twilight and New Moon pictures.>

New Moon Pictures
Create Twilight and New Moon pictures.

New Moon Pictures
Create Twilight and New Moon pictures.


At ngayon eto naman ang mga Vampire na kumikinang pag na silayan ng araw. LOL


at eto naman ang kanilang erpats na Dr. Carlisle

New Moon Pictures
Create Twilight and New Moon pictures.

At ito naman si Bella Swan, medyo nakakairita ang character nya. Kayo nalang humusga pero maganda naman sya diba?!

New Moon Pictures
Create Twilight and New Moon pictures.

Salamat sa pakiki babasa pasensya na at walang kwento today dahil wala akong maisip kaya eto nalang ang shinare ko, kasi na hirapan ako mag hanap ng putang inang ticket para lang mapanood sya later.

Ingats!

Tuesday, November 17, 2009

Boarding house Et Al

College years...

Taon kung saan nag su-sumigaw ang independence ko. Ito rin ang taon na makikita at mahahasa ang pagiging responsable kong anak sa aking magulang at pagiging responsable kong student. First time kong mapapalayo sa aking Mami, Dadi at Bunso para tuparin ang pangarap kong maging isang Engineer. Hawak ang sariling pera sabay walang bantay equals heaven. Ang saya!

Tandang tanda ko pa 'nung inihatid ako sa Maynila papunta sa unang Boarding house ko sa kapusuran ng Quiapo, malapit sa muslim area 'yun. Sakay ang buong Pamilya namin ng Jeep na nirentahan ni Mama para ihatid ako ay binaybay namin ang Maynila. Dala namin ang mga gamit na nai-prepare ni Mama kinagabihan palamang, O.C. kasi yun kaya kumpleto ang gamit namin parati kahit mumurahin lang ito, at gusto nya malinis lahat.

Ang dami nyang pinamili ilan dito ay ang mga sumusunod: Arinola na may pangalan ko sa side, cabinet 'yung may mga aluminum na skeleton tapos parang kapoteng de-zipper. Timba, tabo at batya na may pangalan ko din. Maliit na kaserola, Sandok,Syanse,Rice cooker na naka sulat ang pangalan ko. Halos buong bahay namin ay dala ko na.

Pag dating sa boarding house laking gulat ko ng makita ko ang room namin. walo kame sa isang kwarto. "Oh my effin' God! Buong buhay ko ay mag isa lang ako sa kwarto" bulong ko sa sarili

Matapos ma maitayo ang cabinet kong de-zipper at ma salansan ang mga gamit ko at mga damit. Binilin na ako ni Mama sa Land Lord kong Lawyer, tapos halik halik na ganyan gayan aral daw akong mabuti para daw hindi sayang ang pag kaka sanla ng kalabaw namin. Teary eyed naman ako. Sabi naman ni Papa tipirin ko daw ang allowance ko wag kong ipang iinom at wag daw akong mag drugs para daw makatapos ako kagad.

'Di lingid sa aking ulirat na punong puno pala sila ng expectations. Scarry!

Tawag namin sa Land Lord ko at Kuya Andrei, mabait sya matalino at mataba. Pinakilala nya ako sa mga house mates namin. Hindi ko na sila halos matandaan pero majority students, sakabilang room puro law students kame naman sa kabila halo halo. Merong adik, mag nanakaw, at sugarol.

Bali dalawang kwarto ang apartment namin na ito, walo isang room so all in all 16 kameng lahat. Hindi ko lubos maisip kung paano makakaraos ang isang rush-hour sa 16 katao para sa isang CR na magkasamang paliguan at taihan. Ang pinaka shocking na news pa ay bawal tumae at maligo ng MWF kasi walang tubig.

Ang dami rin naka paskil na reminder sa bawat wall ng bahay. Doon sa may bandang lababo merong naka paskil na "Putang ina mo! Hugasan mo ang pinag kainan mo" sa may loob naman ng CR ay may nakalagay na reminder "Itapon sa trash can ang Sachet ng Shampoo at pag nag tikol ay paki buhusan ang sperms hanggang ma drain, paki flush narin ang tae ng maigi wag magiwan ng mani at corn nakakasuka kasi- Management"

Sobra talaga akong na culture shock noon. Nahirapan din akong mag adjust, naisip ko nalang na nag sasakripisyo ang mga magulang ko kaya dapat ay mag sakripisyo din ako, naisip ko ang sinanla nilang kalabaw at maluha-luha ako. Hindi naman ako pumunta sa Maynila para tumira sa isang magarbong hotel kundi ay para mag aral at makatapos.

Madami akong natutunan sa boarding house namin dahil ako nga ang pinaka bunso noon ako ang baby nila. Natutunan kong mag uwi ng gf t'wing alas tres ng hapon kasi walang tao noon at patay na oras 'yun. Dito rin ako Nakatikim ng shabu (one time lang yun promise) dahil doon sa pusher na room mate ko. Dito rin ako nag simulang humithit ng sigarilyo at uminum ng red horse at Weng weng (Ang weng weng ay pinag halo halong alcohol, kaya weng weng ang tawag kasi ma we-weng-weng ka after mong uminom) Dito rin ako natutung mag Disco (ang sikat pa noon sa mga students ay Arts Venue sa may Taft area) at mag punta sa mga club na kumukutikutitap hindi pa afford noon ang Air Force 1. LOL

Marami 'din akong natutunan sa boarding house ko na iyon tulad ng friendship (Sosyal!) Kahit ganoon ang setup namin ay nag tutulungan kame. Minsan nag share kame ng pagkain tapos nag hihiraman ng tshirt pag may date. Nag tuturuan pag may assignment at nag iinuman pag may birthday!

Saturday, November 14, 2009

Babasahin atbp....

Na inggit ako sa recent post ni Glentot kung saan he shared the books he is/was reading ng sabay-sabay.Yes you heard it right! Sabay sabay, parang suminghot lang sya ng chalk na may konting shabu noh?! Anyways, wala kasi akong ma i-share na kapanapanabik na exprience ko today liban sa Manong Guard namin sa opis yesterday na nanigas at nanikip ang dibdib ng bonggang bongga.

Baket?!

Dahil ito sa Cobra. Hindi 'yung snake tanga! 'Yun ano, 'yung energy drink na parang Red Bull. Ang sabi nga ng Doctor sa Medical City 'nung hinatid sila ng officemates ko, Oo "Sila" meaning dalawa silang naningas ng bonggang bongga, at ang panalo 'dun ay mag kahiwalay na instance ito, after mahatid 'nung isa pag dating nila 'yung isa naman ang na ninigas. Ang Chismax sa hospital ng mga malalading Nars ay nag ca-cause daw ang Cobra drink ng stroke or something to that effect, buti nalang sosyal ako at ayoko ng Cobra drink Eiw! Joke lang. Pero ok na ang mga Manong Guards namin, good news ito. Bow!

Kahapon din pala ay na nood ako ng sine kasama si Kumpareng Glentot, yes first blogger EB iyon at si wickedmouth pa ang naka salamuha ko, ang malas! LOL Pinanood namin ang movie of the year na pinamagatang
2012. Habang na nonood kame, nakita ko si Glentot na teary eyed habang nagaganap ang end of the world scene pati sa cheesy part ng mubi. Kasabay din dito ang pag pigil namin na maihi kahit sasabog na ang pantog namin sa lamig na galing sa malamig na coke at humugous na aircon na nakatutuk sa ulanunan ko, sayang kasi kung tatayo pa eh nasa kalagitnaan na ng mubi. Dahil nga first time lang namin mag kita eh hindi ko na sya binatukan habang teary eyed sya baka kasi ma offend at ma-iblog pa ako sa sumisikat nyang blogsite, naging beri beri nice ako sa kanya.

Eto nga pala ang mga libro na pinag kakaabalahang basahin bago matulog ang Baby Jepoy. Oo nag babasa ako hindi lang halata masyado. Eto na (Drum rolls motha fucker) Hindi ito Book review ha! wala lang ito.


Ewan ko ba kung baket medyo sumesegway ako sa mga super natural being Novels lately, isa itong aklat na tungkol sa mga Nehphili.

Anu ang Nephili?

Ewan.

Joke! Ito ay ang mga anak ng Angels at demons. Wag mo na kong tanungin kung nag se-sex ba talaga ang angels at demos ang pervo mo, shit ka! Basta, tungkol ito sa mga Nehphili tapos Kalaban nila si Velentine na dati ring Nephilili na ang tanging layunin ay gawin Shadow Hunter ang human race. 'Yung Shadow hunter ay term 'yun sa isang Nephili na Warrior. Aktuli nakakalahati ko palang yung book pero Ok naman ang kwento so far, kakaiba. Exciting at may sense of humor din, wala masyadong dragging part, well at least for me. Basahin nyo rin, Bilis!
--------------------------------------------------------------------------

Ito naman next book ay pinamagatang From Dead to Worse. Ito ay pang eight Book ni Sookie Stackhouse na gawa ni Dabyanang Charlene Harris. Ito ay continuation ng Kalandian ni Sookie Stackhouse, meron syang Boyfriend dito na WereTiger na biglang nag laho after nilang mag sex please note na nag karoon din si Sookie ng nakalantaring Vampire, ShapeShifter at Werewolf, ang landi diba?! madami din sex scene, Oo nakaka ano description doon, kakaiba! :-D

Bali kasi si Sookie Telepath nga sya, tapos dito ang adventure nya ay mag punta sa isang convention ng mga Vampire sa Hotel Pyramid na kung saan gaganapin ang convention ng mga Vampire, basta kelangan sya doon ng Queen of Louisiana tapos meron tragic na mangyayari, syempre di ko na sasabihin. Pero page turner din ang book na ito, imagine pangwalo ko na itong nabili, nag tatapon ako ng pera shit ngayon ko lang na realize. Hopefully mabenta ko ang book pag complete set na ito. Pang young adult naman ito, I guess ang iba hindi ma gugustuhan ang iba magugustuhan din.
--------------------------------------------------------------------------------------


Ito naman ay isang kapanapanabik na book na galing kay Kuya Dan Brown. Hindi ko pa alam kung anu ito, kasi kakahiram ko lang. At may naunang numenok para basahin. Sinu sya? ito ay ang isa sa kasama ko sa bahay na mangilan-ngalang beses ko ng namention dito, sya yung pinsan ko.pero ok lang next week ko pa siguro ma babasa.


hangga dito nalang muna mga parekoy at sa susunod na tayo mag kwentuhan ulit. Have a happy weekend sa inyong lahat.

Maraming salamat sa pakikibasa!

Wednesday, November 11, 2009

Bawal Basahin Walang Kwenta

Alright, time for new entry.

Wala akong maisip na maisulat. Wala ako sa mood. Umiinom ako ng toffee nut latte para mag ka organizer ako next year at ma-organize ko ang buhay ko, hangsarap sa dila ng mamahaling drink (Oo walang es), ganun talaga siguro pag hindi ka sanay sa masasarap na inumin. Sanay lang kasi ang kissable lips ko sa home made kape na gawa sa pwet ng tutong na kanin. Dahil sa sobrang wala akong magawang matino today naisipan kong mag flashback habang nag su-sulat, parang random thoughts kung baga, anyway highway, blog ko to so walang ko-kontra, parang freely falling body lang ang pag susulat ko ngayon walang patutunguhan. Hindi physics ang tinutukoy ko.

Eto na ang ang kwento ko.

Dear ate Charo,

Isa akong typical na bata na mahilig sa pompoms chucherya at chikadiz isali narin natin ang Peewee. Batang lumaki sa probinsya, mababaw maitim at cute. Nag la-laro ng tatsing. Na ngo-ngolekta ng tansan at balat ng yosi para gawing pantaya' sa tatsing. Nang-gugulo sa mga nag chi-chinese garter at sa nag ja-jackstone na mga classmates kong girls at hindi masyadong girls. Sa t'wing party namin lagi akong kasali sa sayaw sayawan. Sumayaw ako ng Always I wanna be with you and make it harmony harmony ohhhh woooh.. na sinayaw ng UMD. Ginagaya ko din ang sayaw ng streetboys pero hindi ako marunung mag back lift kaya dun nalang tayo sa Always I wanna be with you and make it harmony harmony ohhhwohhh

Mighty kid ang sapatos ko noon. At tatlo ang ang brief ko meron nakalagay na Jepoy sa garter nito. Isang color white yung dalawa green at blue. Twing umaga nilalagyan ako ni Mama ng polbos na johnson and johnson sa leeg, kilikili, singit at likod at meron pa akong sapin na good morning sa likod para wag daw akong ubuhin.

Mahina ako sa Math pero magaling ako sa Filipino at English. Lagi akong most neat and clean. At parati akong kasali sa honor number ten parati (At least meron). Limang piso ang baon ko noon. nag lalakad lang ako papasok ng iskul kaya marami akong kuto dahil narin siguro sa init ng araw. Meron kameng sujek na HELE (Home Economic and livelyhood Eklabu) pinaka hate ko 'yun na subjek. Hindi kasi ako marunung mag running stitch na merong suut na timble. Hindi ko maintin dihan kung baket kelangan pang mag suut ng timble. Sabi ni Mam kelangan daw 'yun para hindi matusuk ang daliri. E mas lalo ako na tutusok pag may timble. Hindi lang 'yun. Gumagawa din kame ng dustpan, ayokong gumawa nun, hindi ko naman pinangarap maging karpintero. Gusto kong maging doctor. Ang favorite kong subject kasi noon ay Science. Manghang mangha ako sa manila paper na may drawing ng digestive system. Tsaka bunganga na meroon ngipin. Parang na aabsorb ko ang turo ni Mam at interested talaga ako dito. Sobrang saya ko pag Science na. Pag music pwede narin, kasi likas naman akong singer at mabilis akong mag basa ng mga so fa si la ba sa limguhit.


Tunay na mababaw at masaya ang kids days ko.

Meron din malungkot na pangyayari. Tandang tanda ko pa ang buong pangyayari na tila ba yesterday lang ito, it has been 48 years and I can still smell the freshness of the pain (Linya ni Rose yan sa Titanic Tanga!) eto na ang totoo... Kakatapos lang ng new year noon at may pasok na kinabukasan. Nag lilinis kame ng klasrum, may mga tira-tira labintador, five star,pla-pla at lusis. kinuha ko ang mga natirang pla pla at labintador. Ang sabi ng klasmeyt ko punta daw kame sa cr at pasabugin ang inodro.

Syempre sabi ko "Tara"

Tumae muna ang klasmeyt ko, sabi nya hindi daw nya flush tapos ako naman daw ang tumae. Edi tumae naman ako. Tapos tinawag pa nya ang lima pa naming klasmeyt. Tumae din sila. Pag tapos nun pinasabog namin ang inodoro.

"Boom Boom Pow" (Oo ganyan ang sound effects parang black eye peas lang)

Sinilip namin ang CR kung anu ang nangyari. Laking gulat namin nang na basag ng bonggang bongga ang toilet bowl ng CR at nag dikitan ang tae sa ding-ding.

Makalipas ang ang kalahating araw. Nag resign lahat ng Janitor dahil ayaw nilang mag linis ng CR.

Guess what kung anu ang nangyari?!

Oo tama ka. Kame ang nag linis ng CR at nag donate ang Tatay ko ng bagong inodoro. Ang pagalit sakin ni Papa ay ibang istorya na ng buhay ko.

Lubos na Gumagalang,

Jepoy

Salamat sa pag babasa! Kung binasa mo ito tapos hindi ka nag comment strong bones ka sobra ka birtch tree full cream powder milk. I hatechu!


Saturday, November 7, 2009

MRT Kwento kanina

Like the usual routine. Late nanaman akong nagising. Pilit na iminumulat ang mga mata habang ini-istretch ang kamay para patayin ang analog- A/C- na-panahon-pa-ng-dinousour-age pero in all fairness, sobra parin mag buga ng lamig ito. Pag tapos kong mag struggle para patayin ito, tinignan ko ang cellphone.

5 messages received.

Tinignan ang messages *Pindot.. pindot... pindot* Pota lahat ng txt galing sa Citibank wala man lang care txt.Peste!

Tumingin sa Oras.. Powtanghenang shiyet! 9:30 PM na!!!! malalate nanaman ako.

Dali dali akong lumabas ng kwarto. Kinuha ang tuwalya. Binuksan ang shower at sumigaw ng "Tanghena ang Laaaaaaaameeeeg!" Kinuha ang dove na sabon kinuskus ang betlog para fresh. Kinuskus ang kilikili para fresh din. Nag shampoo. Kinuha ang St. Ives at kinuskus ang fez para pogi. Nag banlaw habang tumatalon-talon kasi ang lamig lamig talaga, Pasko na kasi. Pag labas ng banyo nag bihis na at nag lagay ng wax sa hair. Tingin tingin sa salamin "Ang pogi mo talaga Jepoy, Hanep!". Kinuha ang Pabango. Nag spray sa likod ng tenga . sa dibdib. At sa dalawang pulso ng kamay. Voila! Ready to face another boring day at the office.

Pag dating sa hagdan ng MRT...

Nakakaramdam na ako ng gutum. Pag akyat ko nakita ko ang Dunkin Donut stand. Hmmmm, maka pag donut na nga lang muna.

Si Ate nag liligpit na ng mga donuts at kaha ng lalagyan ng pera kasi nga late na at malapit narin mag sara ang MRT. "Hindi ito maaari", dali-dali 'kong nilapitan si Ate-Dunkin-Donut-hot-moma.

"Ate mamya ka na mag sara pabili muna ako ng breakfast ko"

"Sir, Baket breakfast e mag 1o:00 PM na"

"Eh kasi gabi ang trabho ko Ate, at kakagising-gising ko lang"

"Ah.. Call center?!"

"Lahat ba ng pang gabi call center?! HIndi ako sa call center and totoo nyan Macho dancer ako"

"Nyek! Ang taba mo namang macho dancer Sir"

"Ayus ka ah! Ok, that was mean... Akin na nga 'yung donut!!! Dalawang bavarian tsaka isang butter nut ha"

"Ito naman si Sir matampuhing palaka, joke lang 'yun"

"Kaw Ate kung hindi ka lang amoy pawis kiss na kita, O eto na ang trenta keep the change"

"Sir, kaw kaya mean. Sige nga kiss mo ko tsaka anung change ang sinasabi mo e kulang ka pa ng tatlong piso."

"Kaw talaga kiss ka dyan, Sumakay ka naman! Hindi ako easy to get tsaka katawan ko lang habol mo, that I know for a fact. Eto na limampiso keep the change. Alis na ko ma lalate ako lalo sayo txt nalang kita"

"Ingat ka Sir tsaka di po pa alam number ko tange.."

Mabilis akong umakyat ng MRT.

Habang pababa ang majority ng tao ako naman ay paakyat. Amoy pawis sila ako habang amoy fresh pa ako. Friday night ngayon at isang malaking himala ang pangyayari dahil mabibilang mo lang ang tao na nag hihintay ng tren.

"Toooot" Tunog ng tren sabay bukas at labas ng mga tao. Ako ang unang pumasok at na upo sa favorite-comfort-sit ko sa may bandang hulihan ng tren at malapit na malapit sa pinto, para kung kelangan kong mag baks out eh madali itong gawin. Pero not this time. Relaxing ang trip walang hassle, parang wala ako sa pilipinas. Hay sarap!

Dahil sa simoy ng aircon at tahimik ng mundo sa loob ng mrt medyo nakatulog ako ng konti. Konting konti lang naman.

Maya-maya pa narinig ko ang voice over sa loob ng MRT

"Cubao Station..Cubao Station"

Pek pek!!!!!!! Lumampas ako ng Shaw Boulevard. Fowtangena late na ko talaga!

At ayun nga ang nangyari. Late ako at nag taxi pa tuloy. Badtrip!

Thursday, November 5, 2009

Short Post "Baso"

Natabig ko ang paboritong baso ng pinsan ko, kaninang umaga. Nahulog ito at ang sumunod na narinig ko ay... Blagag! Nabasag ito ng pira-piraso. Dahan dahan akong lumingon-lingon para tignan kung nasa paligid lang ang kutchukoy. At sa sinawing palad pag sinuswerte ka nga naman saktong papalabas sya ng banyo ng naka tapis ng twalya kakatapos lang atang mag tikol.

"Kuya, anung ginawa mo sa baso ko.."

"Sorry naman nabasag ko! kasi kung saan saan mo nilalagay e, natabig tuloy..."

"Nananahimik lang ang baso ko sa sulok tapos babasagin mo. Alam mo naman na galing sa gf ko yan diba, meaning mahalaga samin yan."

"Alam ko, Correction nabasag hindi ko binasag. Sorry na nga eh. Papalitan ko na lang ng trentang baso samahan pa natin ng Coke light diba favorite mo yun?! tsaka Mura mura lang nyan sa divisoria."

"Kuya, that's not the point, hindi mo ko ma kukuha sa coke light-coke light this time gaya nung bata pa tayo..."

"I know, Sorry na nga eh, it's not like napatay ko ang alaga mong tarantula diba?!"

"It's the same level, kuya. Hindi ko tatanggapin ang sorry mo. Hindi ako Dyos para patawarin kita"

*Nag Drop Jaw*

"Huy! Malandi ka pa sa parot natin! Bakla ka ba?! Sorry na nga eh. Magkano ba yan papalitan ko nalang"

"2, 500 Plus one week kang mag huhugas ng pinggan for lunch pati dinner tapos libre mo ko ng spa sa Sunday"

"Ulol! Peperahan mo pa ko. Pumasok ka na nga Letche ka at pag ikaw nag kabagsak pa this semester pakukuhanin kita Auto Mekaniko sa TESDA instead of Mechanical Engineering dyan sa USTe, tsaka hindi mo to baso. Baso ni Manang 'tong nabasag, mag ka kulay lang"

"Ok sabi ko nga, bi-bihis na nga ko"


"Bilisan mo! bago pa ko mag incredible hulk dito"

Tuesday, November 3, 2009

www.bittermelon.com

Ang lahat ng tao sa motha neycha ay nagiging bitter at some point ng existence nila ngunit, subalit, datapwat,pero kagaya ng 'di pag amin kung sinu ang umutot sa isang group ay sya namang pag deny na bitter juice sila, sa totoo lang guilty rin naman ako minsan dito. Oo minsan lang naman. At nakaka tuwang makita na sinasabi nilang hindi sila bitter pero ovious naman na ampalaya ang favorite gulay nila.

Dahil likas sa akin ang pagiging observant at tunay na hilig ko ang mag observe tapos i-blog after observing such; nag masid ako ng mga occurrences na pweding kakitaan ng pagiging ampalaya ng ilan sa aking piling piling tropa.

Scenario1:

Nakita mo ang ex gf mo na hindi naman masyado kagandahan pero pwede narin, mga six out of ten ang rating. Nag break kayo for a very lame reason at ikaw ang nakipag break sa kanya. Tapos neto nakita mo syang kasama ang bago nyang bf na lamang sayo ng isa't kalahating paligo tapos very happy sila, mag ka holding hands na may pa sway sway pa. Sakto namang nasalubong mo sa Mall habang abala ka sa pagiging loser mo, ikaw lang mag isa at walang kasamang chick. Take note, velentines day 'yun. Anu ang gagawin mo?!

Bitterjuice Reaction:

Dahil hindi daw sya bitter. Ang ginawa nya lumakad ng mabilis at sinagi ang balikat ng bf 'nung ex nya without saying hi to his ex. (Attitude talaga)

Scenario 2:

Na promote ang office mate mo na hindi masyadong kagalingan.

Bitterjuice Reaction:

Pag ka receive na pag ka receive nya ng congratulatory email na sinend ng bossing sa lahat ng employee ang intial reaction na ginawa nya ay tumayo at nangapit bahay sabay tanong sa officemate, "Alam mo ba kung baket na promote 'yun?!".... Kasunod nito ay ang di maampat ampat na pam ba-badmouth nya na may kasama pa na pag dadabog ng mga folders sa table tapos maya-maya mag aaya ng mag yosi para ituloy ang bitter juice session nya at kulang nalang sabihin na dapat sya ang na promote dahil sa pag hihirap nya at dahil magaling sya.

Scenario 3:

Nakita mo ang kababata mo na merong bagong Expedition. E lagi kang na ikukumpara sa kanya since panahon pa ng taong Java at wala pa kayong mga salawal noon. Anu gagawin mo?

Bitterjuice Reaction

"Mmmp! San naman kaya nya nahiram 'yung auto nya. If I know, kumukulimbat yan ng boggang bongga para maka bili ng ng expedition nya"

Naisip ko lang na merong thin line ang pag ka bitter at pagiging crab. Tingin nyo rin ba?
Well na isulat ko lang naman ito kasi wala akong ma ishare at satingin ko kelangan ko ng mag update ng entry ko para naman sa tatlong nagbabasa ng blog ko. 'Yan lang naman ang akin tots today. More to come. Salamat sa masugid na commenters at readers. Your time is very much appreciated.

Happy Blogging!