Saturday, September 19, 2009

Ang Mumunting Request ni Jepoy

This day is the 19th of September which happens to be my birth date yun nga lang next month pa ang birth month, pero malapit na ‘to! ‘Yey! But, the sad thing is mada-dagdagan nanaman ang aking age. Hindi na ako debutante. Haiz!

Owenoh naman kung mag-bu-burtdey ako?

Wala lang naman, meron lang akong isang simple wish sa inyong lahat [Insert Beautibul eyes here para maawa sa batang paslit] Ok let me explain, ‘di ba nasabi ko sa last post ko na beri beri slight lang ang pagkainggitero ko? Well, ngayon namumunga na at na mumutiktik pa ang pag ka inggitero ko dahil gagayahin ko si Gasul sa pakulo nya nung birthday nya, ginawa rin pala ‘to ng ibang bloggers.


So what’s with the inggit thing?

Kasi nga, once upon a time habang na mamasyal ako sa bahay sapot nyo ay saktong napadaan ako sa bahay ni Gasul at nakita ko ang ginawa nyang video na kung saan meron syang collection of pictures ng mga blogger friends nya pati pamili and friends greeting him happy bertdey in a very creative way, ‘yung iba may hawak na papel tapos may happy birthday na nakalagay, ‘yung iba naman card, basta nakakatuwa panoorin at dahil doon gusto ko rin mag karoon ng ganung collection. Natuwa ako sa craft nya. Fine! Na inggit ako, kaya sabi ko sa cute kong face gagawin ko rin ‘yun pag malapit na ang burtdey ko. So, eto na nga ang hinihintay kong moment-Ang burtdey ko. Gagawa din akong ng bidyo na compilation ng mga picture greetings nyo (i-wish). Pero, magagawa ko lang ‘yun kung mag sesend kayo ng pektyur nyo greeting me happy bertdey. Gets?!

Kung hindi mo parin ma-gets, ‘di ko na alam paano ko ito i-e-explain dahil hindi ko na kinakaya ang katangahan mo.

‘Yun nga, puh-leeeezzze wag na sana kayong mahiya at mag send na kayo ng picture greeting nyo sakin, Oo pati ikaw na napadaan lang kasali ka, kala mo! Pwedeng maging creative sa pag-gawa neto. Pwedeng i-edit nyo para good looking naman kayo, pwede rin mga photoshop-photoshop ganyan ganyan or anything you wanted kahit walang face or kahit anung drama pwede, wag lang nude kasi hindi porn site ang blog ko, ok?! Lagay nyo narin ang link ng blogsite nyo for beri beri slight promotion. Tapos send nyo sa email ko iamalivingsaint@gmail.com. Mag madali at kumuha ng proof of purchase sa inyong suking tindahan at i-drop sa pinaka malapit na dropbox (Ay ang corny na) Basta point is email nyo ang picture greeting saken [Insert nag mamakaawa face here]

Mag tatampo ako ng bonggang bongga pag wala akong na receive kahit isa sa inyo lalo ka na Chikletz kahit busy ka, kung hindi i-flood kita ng message sa facebook.LoL. Matagal-tagal pa naman ito at meron pa kayong one month para mag picture perfect. Nga pala, wag mong sabihin wala kang kamera dahil ang ang mga cell phone sa panahon natin ngayon meron cam, kung walang cam ang cell fon mo tapon mo na sa recycle bin, I hatechu! at higit sa lahat si Manong Mag Tataho ay may kamera at nakita ko nag pi-picturan sila ni Manang Yosi Vendor ng headshot para I upload ang picture nila sa facebook nilang dalawa. Kayo pa kaya?! Oo may facebook si Manong Magtataho wag mo na tanungin kasi busy sya sa farm town pag restday nya.

Ingats kayo at i-e-expect ko ang burtdey gift nyo sakin na picture greeting. Pwede rin cash donation, pasok nyo nalang sa savings account ko, ok. Isitibi kung sakaling napapasilip ka dito sa entry ko dalhin mo ang DSLR mo at picturan ang close friends natin sa office na may hawak na papapel na nag sasabi ang pogi ni Jepoy este happy 22nd birthdey daddy Jepoy, tapos paki email sakin tapos ipho-photoshop ni Mel para maisma ko sa video, kung gusto mo ikaw narin gumawa ng video, ok Ahahaha. Hindi ako demanding Istibi, jowk lang iyon pero half ment.

Happy Weekend sa inyong lahat mga Parekoy kasama ng mga lovelife nyo at Pamili... Mwah!

35 comments:

  1. ok payn..kahit same month tayo pinanganak and im sure pareho din tayo ng zodiac sign na ginawang movie ni anna marie gutierrez sige gagawa ako ng munting kahilingan para sa bardagul na katauhan ni Jepoy the birthday boy!

    ReplyDelete
  2. @Kblogie E-expect ko yan kuya kablogie ha :-D Umayos ka!

    ReplyDelete
  3. hahaha.. hanep sa wish, sige, sendan kita.. sana maalala ko bago burpday mo.. :P

    ReplyDelete
  4. Hahaha special mention ah! Sana lang hindi tamarin ang mga readers mo sa paggawa ng picture greetings. Kasi ako dati talagang namilit pa. LOL

    Kelan ba deadline neto?

    ReplyDelete
  5. Ahahahahhahaha... kelangan ba ang picture ay naaayon sa zodiac niyo... kelangan naka **** jijijijiji... burpdei mo na! jijijijiji

    ReplyDelete
  6. @Raye Wag kang mag alala ipapa-alala ko sayo. Meron ka bang one month. Ipost ko ang video sa araw ng bigday ko which is one month from now :-D

    @Gasul and deadline nito ay October 18...Hindi sila pwedeng tamarin at ikaw din, hindi ka maaaring tamarin. Kukulitin kita kala mo. :-D

    @Xprosaic Hindi naman kelangan naayon sa zodia, gaya ng sabi ko basta hindi nude pwede. Maging creative ka Xprosaic. I eexpect ko ang picture greeting mo umayos ka!

    ReplyDelete
  7. ok lng ang mainggit!
    natural sa katawan yan!
    haha
    pede bang maki-usyoso?

    akchuli, hindi ko p binasa yung post mo..lols pero dahik starring si pareng gasdude, parang alm ko n to.

    so kelan ang deadline? lol

    ReplyDelete
  8. @kosa October 18 pa naman, pero gawin mo na para hindi mo makalimutan :-D Mag tatampo ako pag di mo ginawa lolz

    ReplyDelete
  9. maaasahan mo kio jan kuya, kahit di mo ko ginawan nung bertdey ko :( hahaha.. echos lang! basta mga piktyuran, oks ako jan! :D

    ReplyDelete
  10. naku...naku...

    advance hapi bday...
    galit-galit muna tayo! lolz!

    ReplyDelete
  11. oo na! LOL! kelangan ba talaga makita ang feys ko sa picture??? reply ka sa shoutbox ko kasi baka makalimutan kong balikan to eh. haha!

    ReplyDelete
  12. MEGANUN!Ano na namang kapuwitan yang nalalaman mo na yan!

    Sige na nga papadala ako para sa iyo! Intayin mo before october 18, naks!

    Ingat pre

    ReplyDelete
  13. babati narin ako jep
    hapi bertdey pakain nlang ako hehe

    ReplyDelete
  14. pareng jepoy... hapi bertday in advance. parehas pala tayo, next month na rin bday ko eh. hmmm... maghahanda na ako para jan sa pakulo mo. hehe. :P

    ReplyDelete
  15. kikita ba ako ng pera pag ginawa yun?

    ReplyDelete
  16. dahil masunurin akong bata at malakas ka sa akin kuya jepz, gagawin ko to, wait mo na lang, ngapala please wag kang matatakot sa pagmumukha ko huh,hehehe Ü

    ReplyDelete
  17. lufet ng wish mo, lolz!!

    sige, ivivideo ko ang opismeyt kong Indiano, tapos papabatiin ko siya sau ng bonggang bongga as u wishhhh...

    ReplyDelete
  18. Ang cute ng wish mo baby jepoy..hehe Sige na nga padalhan kita ng picture pero hwag mo iedit ha baka kasi gawin mo akong nude dun..hehe

    ReplyDelete
  19. 19th of oct ka pala.

    28 ako. ano naman sa iyo.

    haha

    ingat ka po lagi jepoy!

    ReplyDelete
  20. here's one for you.

    send ko nalang sa FB mo. scary eh.
    i hope di to makita ng bf ko! haha

    ReplyDelete
  21. teka paano ba ipapadala?

    ang haba kasi ng post taena eh

    daming pasakalye!

    ReplyDelete
  22. sori ha di ako makapagbibigay ng picture greetings para sa iyo.. happy birthday na lang kahit "we have only one birthday, all the rest are anniversary"..

    ReplyDelete
  23. 'MUNTING HILING MULA SA BARDAGUL NA KATAUHAN NI KUYA JEPOY'

    SEND TO: VICKI BELLO OF WIZZ KO LANG

    HAHAHA...YOUR WISH IS YOUR WISH NOT MINE....

    SIGE KUYA PADALHAN KITA NG TALKING F@*%?#NG DOLL PICX SAYING HAPI BURTDAE DUDE...

    SERIOUS...COUNT ME IN...I'LL SEND YOU ONE...

    ReplyDelete
  24. so deadline yung oct 18?
    sige sige isisingit ko sa busy kong schedule before oct 17..lols

    ReplyDelete
  25. wish naming lahat na mag asawa ka na sa lalong madaling panahon... next week LOL. or p'de ring magpakita ka naman ng full body shot dito.

    ReplyDelete
  26. gasdude, next year promise makakasama na ako sa bday request mo...

    jepoy ... try ko :P video akin :P

    ReplyDelete
  27. aba astigin to ah. sige paghahandaan ko ito. pwede namang r-18 yung pic diba?lalagyan ko na lang ng blur yung di pwede makita.
    ahay!

    ReplyDelete
  28. @Kox Hindi ko naman kasi alam na gusto mo rin pala ng picture greeting e. Hintayin ko ang picture greeting mo!

    @Azel Anung naku naku. Hindi maaari kailangan mong mag bigay sakin ng picture greeting! Thank you in advance. Mwah!

    @Chikletz Syempre naman baket mo kelangan itago ang maganda mong face. Pero kahit na anong preference mo pwede basta maging creative :-D

    @Drake Ang kapwitan na tinutukoy mo ay picture greeting. Hihintayin ko yan before October 18 kala mo!

    ReplyDelete
  29. @Jettro Well salamat sa greeting pero hindi mo pa sinasagot ang request kong picture greeting. Hihintayin ko ang picture greeting mo para sakin parekoy :-D

    @Mr Night Crawler I will expect your picture greeting then, Yay!

    @Anthony Hindi ka kikita ng pera dito sa pinapagawa, I hatechu! Kung gusto mong kumita ng pera mag hosto ka!

    So, hihintayin ko ang picture greeting mo. Wag ka ng mag dahilan pa. Fine! Ingats

    ReplyDelete
  30. @SuperJaid I know I can count on you bunso. Hihintayin ko ang picture greeting mo para sakin :-D

    @BatangHenyo Ok lang yun Sir, kung yun pa ang nilalaman ng puso mo para sa mumunting request ko. Pero mas ok kung ikaw ang babata kasi hindi naman sila ang nasa blogroll ko pero kung sila ayus lang din yun. :-D

    @Ruel Wag kang mag alala hindi ako marunung mag edit ng picture. So, padala ka lang ng picture greeting at yun ang makikita sa video file na gagawin ko

    @Paps So October karin pala kaya pala ang mag kasing pogi tayo. Hanep!

    Pero Hindi mo sinagot ang mumunting request ko. Inuulit ko kailangan mo lang akong sendan ng picture greeting galing sayo before my birthday! Ok... Umayos ka!

    ReplyDelete
  31. Ahahahhaha matagal pa pala ang deadlyn eh... nyahahahhahha... di ko pa kasi mahanap yung pinaka da best (pinaka na, da best pa! o ha! jijijiji) kong peyktyur... jijijijijiji

    ReplyDelete
  32. actually nakuha lang ni gasul sa akin ang ideyang yan na ninakaw ko lang din mula sa isang blogger ma si sir jon cabron. lol. K. gagawa ako at padadalhan kita. frotal nudity gusto mo? ahihihihi.

    ReplyDelete
  33. @IamXprosaic Hoy Umayos ka! Hanapin mo na!

    @Popoy Inuulit ko bawal ang sensored lolz Bilisan mo ang pag gawa sa picture greeting excited na ko

    ReplyDelete
  34. Lintek! haha. kala ko tapos na. Sige gagwa ako. haha! Lintik talaga!

    ReplyDelete
  35. I-tag ko na lang sa facebook mo, dun mo na lang kunin. haha!

    ReplyDelete