Saturday, August 22, 2009

Kwentong Barbero lang

Ngayon ngayon lang ako nag 'karoon ng maraming ka-ututang dila dito sa malawak-na-mundo-ng-sapot sa pamamagitan ng mga message box sa site ng mga bagong kaibigan sa kanilang blogsite. Pero lately, 'meron kaunting kaguluhan sa ilan sa mga bahay ng katropa dito sa malawak-na-mundo-ng-sapot sa pamayanan ng blogosperyo.

Hindi naman sa nakikisaw-saw ako sa issue nila.

Wala lang naman. Isa lang akong malaking cute na etchuserong palaka, kasi nga madalas akong nakiki-usi at nag papa-cute sa mga blogger friends sabay nakiki-basa ng entry at nakiki-kumento narin sa aking pamamasyal sa kani-kanilang mga bahay sa mundo ng sapot, in laymans term- EPAL lang ako sa site nila.

Para sa ilan na hindi makarelate kung ano 'yung tinutukoy 'kong kaguluhan eh, wag nyo ng alamin dahil tinatamad akong mag kwento, kasi nga naging kumplikado ang simpleng bagay lang sana.

Pero pag pinilit nyo ko mag kwekwento rin ako (Pampam lang... Ampots!)

Well... Pumunta nalang kayo sa Entry ni PinkNote, CHikLetz, PaPs at LoRDcM at higit sa lahat sa pinaka powerful sa lahat na si Pareng Arvin (sana kayanin nyo sya) . 'Yun na 'yun, don't need to explain further here, dahil pina-plano 'kong maging emo entry ang week ending post ko.

nuni..nuniii..nuniiii...

Oo kailangan mag Nuni Nuni para mag transform ang emosyon ko para hindi maging katawa tawa ang post ko ngayon.

Eto na nga, nag mamadali kasi eh!

Mag sisimula ako sa lead na patanong... Naranasan nyo na bang mapagbintangan sa isang bagay na hindi mo naman ginawa pero hindi mo ma-i-defend ang sarili mo sa di malamang dahilan?

Oo Nangyari ito sa akin last night.

Bago matulog kagabi habang ako ay nag fafacebook at nag me-maintain ng bukirin ko sa farmtown, medyo naramdaman 'kong na ngangati ngati ang aking singit, naisip kong siguro dahil lang un sa masikip na garter ng brip sa parteng singit dahil bago sya dahil hindi ako maaring mag ka hadhad nakaka sulasuk 'yun. Kaya naman after sa thought na yun ay kinuha ko ang aking Ointment na meron label na Dermovate Cream.

Lumingon lingon muna at tinignan kung patay na ba ang ilaw ng mga kabahay ko. Tahimik naman at walang kumakaluskos. Dahan dahan kong ibinaba ang aking shorts at brip at nag lagay ng oinment sa singit. Pataas, pababa at paikot-ikot pa Bumtiyaya Bumtiyaya Bumtiyeye. Hayan! nakakaramdam na ako na ume-epek na ang ointment. Tinaas ko ang isa kong paa at tinung-tung ko ito sa kama for a better position and better vision at sabay bend ng konti sa aking likod para lagyan ng ointment ang kabilang singit ko.

Nangbiglang bumukas ang aking pinto at bumulaga ang Pinsan kong hinayupak...

"Kuya Anung ginagawa mo?! Nag jajakol ka ba??!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Dahil pinagbibintangan nya ko sa 'salang hindi ko ginagawa 'nung mga sandaling iyon. Napaka whole some kaya ng ginagawa ko. Ang dumi dumi kasi ng utak ng mga tao ngayon. SANAMABITS!

"Gago! nag lalagay ako ng ointment sa singit ko!"

"Wuuushoooo! Lumang tugtugin nayan, eh baket may FHM dyan sa Bed mo?!"

"Nakita mo na ngang nakabalot pa e?! Hindi pa nga nabubuksan! Lumabas ka nga sa kwarto ko"


Nanggagalaiti ako sa galit dahil nag sisisigaw sya na alam na alam 'kong naririnig ng mga echuserot echusera naming kapitbahay, shit nakakahiya talaga. Wala na akong mukang ihaharap sa buong mundo dahil sa isang kasinungalingan na likhang isip ng aking pinsan. Nag try akong mag explain sa kanila. Pero tawa lang sila ng tawa. At higit sa lahat binibigyan ako ng tingin ng may pag aalinlangan, alam mo 'yung tingin na may judgement na?! Pak!

"Aaminin ko naman kung nahuli ako e, Pero W-A-L-A AKONG GINAGAWANG MASAMA!"

Tumayo sila at nag hakalpakan ng tawa.

----End Of Story------


34 comments:

  1. haha... natawa naman akoh sa pagkakuwento moh... haha... timing naman kc ang paglagay moh nang ointment... timing na lights off at may FHM pah.. lolz.. nakiepal lang... ingatz. Godbless! -di

    ReplyDelete
  2. wushoooo...

    haha! joke lang po. ang kulet ng insan mo. dapat dnampot mo at binato. isa pang joke un ah. hehe..

    ReplyDelete
  3. dapat ipinakita mo ung singit mo kuya jepz, or ipinasok mo yung mga daliri mong may bahid at amoy ng ointment sa ilong nung pinsan mo kuya, para matahimik..hahaha ankulet!Ü

    ReplyDelete
  4. bwahahahaha.. grabeng pinsan yan! "cute na echuserang palaka" hahaha..
    isa ka din pa lang mag bubukid. mag ffs k din, tapos bilhin mo ko. hahaha

    ReplyDelete
  5. Di nga? pwede na palang lubricant ang ointment? Di ko pa nattry yun ah? haha

    magsarado ka aksi ng door pag you turned off the lights and applied ointment to your singit. hihi

    ReplyDelete
  6. Umamin ka na kasi, kunwari ka pa eh...petrolyum(google ko sana wag na lang) jelly ang gamit mo eh lolzz

    ReplyDelete
  7. @Dhianz Welcome po parati dito, balik po ulit. Sige lang tawa lang Miss Di :-D

    @Chikletz Wushooo ka dyan, pakiss nga! bwahahahah

    @Superjaid papakita ko nga sana e lolz

    ReplyDelete
  8. @Kox Isa ka pa echuserang palaka ahahaha

    @Acrylique Ang panget naman nun Ointment, naiimagine ko ahahaha! Dirty mind ka! Ayaw po ni Papa Jesus ng ganyan

    @LordCM hala ka! Isa ka pa!

    ReplyDelete
  9. Ahahahhahahhaha... Kapag nangangati kasi turuan mo si mariang palad kung saan siya pumunta sabayan mo pa ng kumot para kahit may pumasok eh walang ebeden siya... jijijijijijiji

    ReplyDelete
  10. Pag kati kasi ang umatake kailangan makamot asap, as in now na. Keber na kung lights on or lights off. Wahaha.

    ReplyDelete
  11. @IamXprosaic Isa ka pa! Bashtush ka!

    @Angel I agree, para silang isang hipnotismo na hinding hindi kailanman ma titinag lolz

    ReplyDelete
  12. nyahahah Jepoy wala kang kupas!^^

    Isipin mo naman nakataas pa ang paa while doing the deed, super feel na feel naman talaga yun..hahahahaha

    ReplyDelete
  13. wushoo nga haha. at may end of story pa. epektib ung nuni-nuni, kasi nung sinabi mo un parang napatingin ako sa paligid ligid parang may nagtransform nga haha. teka, ibig sabihin ba ng kwento mo jep eh mali ang bintang kay arvin? *nagkakamot ng ulo (not singit)* nalilito na ko

    ReplyDelete
  14. lock your door kasi.. hahah.

    di maiiwasan na iba iisipin nung nakakita.

    ReplyDelete
  15. eew yuck!haha ako din minsan nangangati singit tsaka gitna ng singit,haha

    siguro nakapikit ka tsaka naglalaway habang naglalagay ng ointment kaya napagkamalan kang nagbabate,noh noh?

    ReplyDelete
  16. tangina jepoy gusto kong maluha sa tawa...

    una...ayaw mong makisawsaw pero ibinigay mo ang lahat ng links para masundan ang mga kwento

    hindi sa lahat wag kangh magpapahuling nagjajakol hahaha!

    ReplyDelete
  17. eew buti't di nakita ang 'bird' moo? hi hi!....

    ReplyDelete
  18. nyahahahaha

    dapat yung title ni Paps ang title ng post mo eh...

    HULI KA SIR!!!! blep

    ReplyDelete
  19. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  20. Hahahaha! Di nga ano ba talaga, naglalagay ka ba talaga ng oinkment or nagmamariang palad ka? hahahaha...Sama ng timing ng pinsan mo!

    ReplyDelete
  21. comment take2: dami kasing typo yung una..

    whoooo.. di nga?! hahahahaha!!! joke lang kuya jepz...

    ang kulet naman ng pinsan mo.. nagkataon kasi na tamang tama yung ambiance.. hahahaha

    ReplyDelete
  22. Ahhmm, Jeps, nakalabas ka naman ng maayos sa bahay niyo ngayon niyan???

    Hahaha, just checking... kasi kung maririnig mo ang tawa ko ngayon eh siguradong mabubulahaw ang mga kapitbahay mo bbwwaaahahah!

    ReplyDelete
  23. Sosyal ka ointment ang ginagamit mo hindi lotion.hahahah joke lang!

    Hayaan mo na yun, at least normal ka! Eh sabi nga nila kung sino ang walang kasalanan sya ang unang bumato.

    Ngayon kung sino ang hindi nag-aano ay sya ang unang umano. (You know)

    Ingat pre, baka hadhad lang yan!hahahha

    Salamat

    ReplyDelete
  24. hahahahaha!

    im reading the highlights na lang ng mga sinusulat kase hindi ko maiwasang hindi mag-ikot sa mundo ng sapot! at natawa ako sa punchline ng pinsan mo!

    harharhar! so di ka talaga guilty????

    ReplyDelete
  25. asus kunyari ka pa eh talaga namang ginagawa mo ang sinabi ng pinsan mo!!
    umamin ka na jepoy!!! amin!!! taas ang kamay!

    ReplyDelete
  26. naman. di mo sinunod ang aking payo. kapag nahuli ka sabihin mong "kesa naman mag drugs ako" kahit na hindi ka talaga nag titikol.

    haha. ingat sir!

    ReplyDelete
  27. pakiss ka dyan.. tse! LOL!

    ReplyDelete
  28. HAHAHAHAHA, di ko mapigilang tumawa kasi nangyare na rin saken toh tapos ung feeling na parang namumutla na ang hirap i explain at depensahan ang sarili haha. panalo!!!

    ReplyDelete
  29. Tip lang:

    iwasan ang mapag-isa sa kwarto kung wala kang ibang mahalagang bagay na gagawin upang maiwasang gawin ang bagay na tila baga ayaw mong gawin pero sa isang banda eh gusto mo rin..

    ReplyDelete
  30. pagulong nalang dito parekoy haha
    kitang kita tuloy yung bulate este ahas pla parekoy haha

    ReplyDelete
  31. @Pinknote Ganun talaga dapat ang pag lagay ng Ointment :-D

    @Random Students Hindi ko rin alam dahil nalilito narin ako ahahaha

    @Raye Yeah, sa susunod mag lock na ko ng door

    @Sablay Hindi ako nakapikit noh lolz

    ReplyDelete
  32. @Mulong Ang bashtush mo po!

    @Vonfire Nakatalikod po ako sa door ng kwarto ko po

    @Yj Onga no!

    @Kablogie Oinkment lang po talaga

    @patola Makulit talaga ung pinasan kong yun :-D

    ReplyDelete
  33. @Yannie nakalabas naman ako nun, pero kinabukasan na lolz

    @Drake Tama ka, pero hindi had-had ito kati kati lang

    @Azel Oo nakaka tawa ang punch line nya, ang bashtush!

    @Powkie Hindi po talaga, promise cross my heart!

    ReplyDelete
  34. @Paps LoL, siguro ganyan ang ginawa mo nung nahuli ka nag titikol noh ahaha

    @Chikletz Eto na kiss mwah! LOL

    @Elay Panalo diba?! LOLz

    @Goryo Salamat po sa tip :-D

    ReplyDelete