Thursday, August 13, 2009

Seryoso Entry Naman tayo boi

Dumarating ang isang tao sa point na feeling nya lahat nalang ng gawin nya ay napaka redundant na at napaka boring, wala ng excitement. Isa siguro ako sa classic example ng ganitong feeling, at some point in ma' life. Papasok ng opis mag blo-blog, uuwi at matutulog and then back to pasok ng opis, mag blog-blog at uuwi para matulog and it goes on and on and on.

Hay buhay!

Hindi naman sa nag rereklamo ako, Aktuli, thankful naman ako kay Papa Jesus sa lahat ng blessings na na-eenjoy ko sa kabila ng krisis sa mundo (sabi nga ng office mate ko, blessing in the sky- go figure!) lalong lalo na in this trying times were work is very much important dahil sa hirap ng buhay na sinabayan pa ng recession, sabi nga nila mapalad na tayong mga may pinag kakakitaan kahit kakaramput lang ito.

Pero I'm quite bored na. I need to do something new. Something I haven't done before. Yung tipong kumain ng tae at lumunok ng espada, mga ganung tipo, Jowk lang! Naisip ko na gusto'kong mangibang bansa at mag iba ng field of work at mag feeling OFW, yung tipong maging chamber maid sa isang sikat na hotel sa Las Vegas or maging alipin sa Bunny House ng Playboy Magazine, o'di naman kaya maging boytoy sa bahay ng mga Kardashian, or taga alaga ng sextuplet ni Jon and Kate Gosselin, mga ganung tipo. Gusto ko rin kasing maranasang maging independent talaga.

Sa edad kong ito na 21 (Pota walang kokontra, kakadebut ko lang), masasabi 'kong hindi parin ako masyado independent, kasi nga pag wala na akong makain at wala ng pang laundry umuuwi ako sa Bahay namin sa probinsya para asikasuhin ng butihin kong Mama. At itong si Jepoy ay kukuha nalang ng ma tsi-tsibog sa 'fridge at mag Jua-juan-tamad sa couch at manonood ng dibidi mag hapon.

Pero nung na experience 'kong maging independent noong napadpad ako sa Amerika last year. Grabe! Hindi pala biro ang mabuhay ng mag isa. Imagine, ako ang nag ku-kuskus ng boxers at brief ko, nag iisis ng inodoro pati ng bathtub (Lahat ng appartment doon at may tub ng kasama, walang tabo tabo doon). Dahil hindi naman talaga ako sumusweldo ng bonggang bonga na tulad ng mga puti, ang mga kilos ko at pamimili ay dapat limited lang, while naka kandado ang credit card para ma control ang gastos. Ang mga binibili kong sabon at pang linis ng tiles and kubeta ay nabibili lamang sa One-Dollar-Store. Doon ko nalaman na 'pag mura pala ang sabon ay hinde epektib, talaga namang nag laglagan ang pawis ko sa pag scrub para malinis ito pero walang epek. Actuli naka tanggap pa nga ako ng sermon sa Manager ko na hindi daw ako nag linis ng appartment at ng Kotse bago umuwi ng Pinas pero that's gonna be another story. Doon ko rin naranasan ang kumain ng noodles at spam para tipirin ang dollar para may iabot kay Inay.

Dahil sa experience ko na yun medyo na sabi ko sa sarili ko na mahirap palang maging independent sa lugar na wala kang kaalam-alam. Nag decide ako na pansamantala ay kakalimutan ko muna ulit ang buhay independent at mag eenjoy uli pag uwi ko ng Pinas. At 'yun nga ang nangyari, pero sa kabilang banda anu ba itong nag uudyok sakin para mag adventure muli? 'Di ko lang masyadong sure, pero gusto ko lang sigurong makawala sa comfort zone para i push ang sarili ko to the limit. Marahil ay, gusto kong maranasan at makita ang ibang dimensyon ng buhay na pwede ko pang kaharapin. Ang sabi ng tatay kong matagal na nag silbi sa Phillippine Air Force dapat daw hindi ako ma sa-satisfy sa comfort-zone ko, kasi magiging stagnant daw ang growth ko dito, always find out something new daw. Sa tingin ko may point si Erpats, I think I just needed to find some adventure in a new perspective.

Mag hanap kaya ako ng trabaho sa Aprika?! Or sa India? ay wag nalang doon medyo di ko yata kaya ang Amoy ng karamihan sa kanila. Don't get me wrong, masaya naman ako sa work ko hindi nga lang feeling fulfilled minsan, pero ganun naman talaga ang tao diba walang satisfaction or meroong tendencies to look for more. Well, life is too short we should find our own adventure and just enjoy the ride and have fun.

Baket ko ba naisip mga ganyan?

Kasi I just heared the news from one of my classmate noong elementary, Meron daw News black out ngayon sa Basilan. Ang mga walang hiyang rebelde ay nangambush ng Philippine Army Camp yesterday ng madaling araw and my elementary classmate who just graduated from PMA last year or so is one of the casualties, they say mga 30 daw ang casualties. I'm not sure kung na dala pa sa hospital when they got shot or nalagutan nalang ng hininga ng wala manlang first aid, that I don't know. Asa pa ko sa recue 911 version ng Pilipinas e lilima nalang kaya ang recue helicopter natin, mangagaling pa ng Manila yun. edi Gudluck!

Hindi kame close ng classmate kong ito pero dahil maliit lang ang kumindad namin sa probinsya ma kikilala mo ang mga pamilyang mga pinang-galingan namin. Ako ay nakikiramay sa mga kapatid at magulang nya pati narin sa GF and ex-girlfriends nya. Ang buhay ay hindi talaga fair pero alam kong ang lahat ng ito ay may dahilan.

Naisip kong sabihin na napaka-ikli ng buhay para mag bitter at mag mukmuk. Banat lang ng banat and don't forget to say nice thing to others. If you can't say nice word to your family members, friends or whoever dahil galit ka or disappointed or what have you, better shot your mouth nalang. Teka ang layo nanaman ng mga pinag sasabi, sa sobrang dami kong gustong sabihin nag kahalo halo na, yan ang dahilan kung baket sa IELTS writing test ang pinaka lowest grade ko kahit blogger ay naka kuha ng tumataginting na 5.5 lolz.

Tatapusin ko na ang entry kong ito at sa susunod na entry mag babalik na ang tunay na Jepoy. eto fake Jepoy lang.

34 comments:

  1. kawawa naman ang iyong klasmeyt ka Jepoy..

    Anyway, masaya naman ang buhay sa isteyts ah, unang una, malamig, walang trapik, madali lang maglaba at magpatuyo dahil sa dryer. Masarap ang pagkain, masarap mag shopping. hehehehe. Yun nga lang pag namiss mo ang pamilya mo, e mamimiss mo talaga.

    Sweldo mo maliit? like 50K++ diba?
    21 ka lang? diba 29 ka na kuya?

    peace jepoy! hehehe...pero totoo ba na 5 na lang ang rescue helicopter natin?? kawawa naman tyo.

    ReplyDelete
  2. 21 ka lang ba talaga? hehe..

    ay nako hindi talaga epektib ang mga tig-one dollar na pang linis. nasubukan ko na din yan. LOL!

    makakahanap ka din ng magfu-fulfill sayo :D

    ReplyDelete
  3. Putek!!!21 ka rin?!!!Magkasing...kasing...lake lang pala tayo lolzz

    Mag ikot ikot ka lang pre at makakahanap ka ng challenging na trabaho at hindi na yung tig wa-one dollar lolzzz ang gulo mo!!!

    ReplyDelete
  4. i think, ang mga nakakaranas ng ganyang syndrome kuya eh ung mga di talaga nila gusto ang work na meron sila, kumbaga eh ung mga nagtatrabaho lang para may sweldo di dahil mahal nila yung trabaho nila..kaya kung ako sayo kuya jepz, try to find what you are really looking for, try to find your happiness, walang mangyayari sayo kung lagi kang nasa comfort zone mo..

    "if you don't chase after what you want,you will never have it..if you won't ask,the answer is always no..if you don't step forward,you will always be in the same place.."

    ReplyDelete
  5. @ Istibi Oo nakakaawa talaga. Well masaya naman ang buhay sa isteyts kaya balik na tayo dun lolz

    Ikalawa, wag kang gumawa ng kasinungalingan hindi 50K++ ang sweldo ko, ikaw yun. At hindi ako 29 noh! pota ka! lolz

    Oo ang pagkakarining ko five nalang

    @Chikletz Isa ka pa! Tama nakaka dala bumuli sa one dollar store pati lotion parang tubig na ahahah.
    Sana makahanap na nga sa lalong mdaling panahon

    @LORDCM ikaw ang magulo hindi, i hate your life lolz

    @Superjaid Aba napa tumbling ako sa advice mo, parang hindi galing sa 17 year old young lady hihihi. Pero may point ka, ikokonsider ko rin yan pero sana hindi na dito sa Pinas sana sa Isteyts na :-D

    ReplyDelete
  6. I hate you too!!! lolzz

    Ano ba linya mo talaga pre? kung sa IT ka mas madali para sayong lumabas ng bansa, mas malake pa sweldo :D

    ReplyDelete
  7. Ako rin kaka-debut ko lang. 18 lang ako! haha!


    Tsk. tsk. Kawawa naman pala yung mga casualties at pamilya nila. dapat yung mga nambi-block out na lang ang ginagawang casualties.

    Isipin mo na lang mas masuwerte ka sa kanila. Makakabili ka rin ng spread na fufufill sayo. :)

    ReplyDelete
  8. actually I agree with superjaid hindi mo makukuha ung happiness kapag nasa comfort zone k lng. Parang anu lng yan eh nasa riverside ka tapos sa kabilang side eh ung makakapagpasaya sa'yo now kung hindi mo lalanguyin (kukunin ung risk) hindi ka mkkpunta sa kabilang side, hindi ka magiging masaya, you can stay there doing nothing but staring and thinking about what your life could have become. ayun hanggang tingin lang hanggang "panu kung" and stuff.

    yees ang haba hehehe. kuya 21 k lng pla i thought you're like 27

    ReplyDelete
  9. @Lord CM saang bansa?! At tsaka anung IT ang lawak ng industriya ng IT

    @Acrylique Naki join ka naman sa age bracket ko?! ahahaha Oo kawawa ang casualties talaga, at tama state of mind lang yan

    @Elay Nangaanu ka alam mo un, fine 27 ako lolz Well masaya naman ako sa work ko inde nga lang fulfilling minsan... Actually di ko alam akong anu gusto ko sa buhay gusto ko ma nood ng mubi un lang lolz

    ReplyDelete
  10. darating nga tayong lahat sa puntong yan na parang walang wenta buhay natin..negative man ang ibig sabihin,pro ang positive side nyan eh ibig sabihin, di pa tayo tapos at marami pa tayong magagawa at mafufulfill sa buhay, kaya go lang ng go tayo! mabuhay ang mga 21!XD

    apra sa iyong klasmeyt, sana mabigyan ng justice yon, may he r.i.p.

    ReplyDelete
  11. Programmer lang marami ka na mapapasukan o kaya mag aral ka ng konting database management kasi ung classmate ko dati na ECE yun ang kinabagsakan eh, imbes na sa communication sana sya, punta sya ng IT as database administrator sa Singapore, lake pa ng sahod..

    ReplyDelete
  12. Hi Jeps, di naman sa nagmamarunong ako no, pero sa tingin ko mas marunong ako kasi mas matanda ako sayo ng kalahating taon (yan tuloy lahat humahaba ilong dahil sayo)
    Nakaka-relate kasi ako sa flow of brain cells mo ngayon eh.. like pagpasok mo sa opisina, pati mga ka-tropa sa YM eh nagtataka kung umaalis pa ba ako sa screen ng YM? hehehe...
    sabi kasi nila, being busy is good... kasi an idle mind makes you blind... ata yun?? haha blind kasi naka-magnet na lang ang eyeballs mo sa computer ganun...
    when you take new challenges kasi, mas naa-appreciate mo self mo, mas nagiging confident ka...

    ala lang ... yun lang!

    ReplyDelete
  13. ang daming kwento jepoy.. hindi ko maintindihan saan ako magcoconcentrate.

    pero thanks for the news in Southern part of the Phils. bigla tuloy akong nagclick ng browser to check on the news (kahit pa sinabi mong news blackout!)

    as for your eagerness to explore, go ahead! make the most out of your life! masarap mag-explore... until you retire... at sasabihin mo na lang: "mas masarap pa rin pala ang simpleng buhay"

    ReplyDelete
  14. mtanda ka pala ng dalawang taon sa akin,,,nkikiramay ako dun sa kaibigan mo,lam mo nkakasawa nga yung palagi mo nlang ginagawa pero mas nkakasawa ang walang ginagawa,lols wala ngang cntentment ang tao,nung ngttrabaho ako ortigas 4months lng ako ngresign ako,haha resign kna din, tara abroad na tayo!

    ReplyDelete
  15. buti nga may rescue helicopter tayo. lamuba sabi nung prof ko, pag ginera tayo ng ibang bansa, wala tayong laban. ni wala daw tayong fighter planes (Pero kung ikacount mo ung sobrang luma, meron naman daw...)

    sabi pa ng prof ko ang lakas daw ng Pinoy paalisin ang mga 'Kano. pero wala daw tayo magagawa pag ginera tayo. At least daw kung andito mga 'Kano, may magtatanggol satin... hehehe...

    ReplyDelete
  16. nga pala, ndi makatotohanan na 21 ka. kita ko kaya lisensya mo

    ReplyDelete
  17. antanda mo na jepoy...ako nga 18 lang eh...ahahaha!

    naku bro ako rin sobrang lahat ng powers ko eh inilabas ko na mula nung time na pinagdesisyunan kong lumabas sa comfort zone na yan...sabi ko nga "now or never".

    go! andameng bagay sa mundo ang dapat pa nating iexplore:D

    ReplyDelete
  18. 21 ka lang jepoy?Hindi nga?Wla namang biruan!!hahahahha

    Pre, medyo parang kape ito 3 in 1 ang daming kwento! Hehhe pero kung gusto mong maging OFW, mahirap talaga. Maniwala ka iba pag malayo ka sa pamilya. Dito kasi ako sa abroad for 4 years na rin.

    Basta pre minsan talaga nakakasawa ang buhay, kaya tandaan kumain na lang ng sinabawang gulay para buhay moy maging makulay!!

    ReplyDelete
  19. di mo man alam ang pupuntahan mo o di mo man alam ang gagawin mo..basta gusto mong gawin eh gawin mo na agad ng walang pag iisip...maikli lang ang buhay ng tao..di mo alam kung buhay ka pa bukas para makaranasan mo ang mga gusto mo pang gawin sa buhay mo...GO lang ng GO..pag pumalpak..try ulit ng iba!

    wawa naman ang mga sundalo at sibilyan...kaya para sa akin sila ang mga bagong bayani..hindi ang mga OFW

    ReplyDelete
  20. na-feel ko rin yan...
    it's one of the reasons why i resigned from work... ehehe..

    basta di ka na masaya, try other options...

    btw, condolence sa classmate mo... di talaga natin masasabi kung kelan ang last day ng isang tao..

    ReplyDelete
  21. Hala condolence sa naulilang pamilya ng klasmeyt mo jepoy... kapag may namatay rin an kabatch ko di ko rin alam ano mararamdaman ko... hahayz...

    ReplyDelete
  22. kuya, seryoso. 21? hehe,, wala lng. =) gusto ko din sa esteyts, pero bakasyon lang. hehehe.. gusto ko n ngang magtrabaho eh, palit tau. echos! nakikiramay ako sa kaibigan mu.

    ReplyDelete
  23. Hello jepoy!...pakilala ko lang sarili ko just call me vonfire.

    Actually yang nafefeel mo, naexperience ko na rin. Yun bang dahil sa usual na itenirary activities mo sa araw-araw ay sometimes iwiwish mo na sana may something extreme na mangyayari sa yo para maiba lang!...Pero in my case, buti na lang i just discovered blogging dahil kahit papano ay nagkaroon ng excitement ang walang kalatoy-latoy kong buhay (kahit na I find it na late na ko sa pagboblog pero okey na rin).

    Well..with ur personality and base sa entries mo dito e that will take for awhile! ;}

    Have a nice day!

    ReplyDelete
  24. @ManikReigun Maraming salamat sa pakikiramay.

    At mabuhay ang mga 21. Nga pala tama ang sinabi mo go lang ng go

    @LORDCM nasan ka ba?! nasa isteyts ka ba?

    @Yanie WoW napaka lalim ng iyong advise i labit!!!! Pero tama ka tayong mga 21 lolz dapat go lang ng go!

    ReplyDelete
  25. nakakarelate ako, pre. same feeling.

    sama age pa.

    ang galing.

    ReplyDelete
  26. Mejo bored din ako. Wala akong nilu-look forward lately. I dont crave for anything too. Weird. Anlungkot nga ng ganun.

    Ano gagawin naten?

    ReplyDelete
  27. @Azel go lang ng go to explore new life! Sama mo ko dyan sa bansang pinag sisilbihan mo :-D

    @Hari ng Sablay Dapat talagang i super impose na mas matanda ako ng two years?! Ikaw na ang bata ako na ang gurang, I hate your life! lolz

    @Ishtell at nasilip mo pala ang license ko buset! ahahaha Tama ka ang arte arte ng gobyerno natin na paalisn ang amg American Soldiers e sila nga nakaka tulong satin. dapat ibalik ang visiting Forces Agreement. Isang example ang clark Airbase dati super ganda nun noong nandun sila ngayon wala ang fangit na

    ReplyDelete
  28. @Drake Parekoy Ovious naman na 21 lang ako, titigan mo picture ko basta wag ka lang maiilab dahil di tayo talo lolz

    Nasaang lupalop ka ba ng daigdig? Refer mo ko dyan bilis!

    @Powkie Napa hands down ako sa comment mo serious mode din hihihi ilabittt1 I so agree ang bagong bayanni ay ang mga sundalong nag tatanggol sa basilan na hindi manlang nabibigyang importansya ng ating gobyerno

    @Raye Salamat sa condolences mo at tama ka dapat laging masaya sa work para maging effective ka

    ReplyDelete
  29. @IamXprosaic kakaiba talaga ang feeling pag meron batchmate na namamate na kakapanghina. So alam mo ng hindi lang sex ang nakakapanghina! lolz

    @Kox tara mag bakasyon tayo sa esteyts palibre tayo kay chiklets

    @Vonfire Thanks for the comment at welcome ka parati sa Pluma ni Jepoy at sa mundo ng blogosperyo (Parang ako lang mayari e noh?!lol) It's never too late to do blogging so sulat ng sulat, I appreciate the comment much :-D

    ReplyDelete
  30. @Usapang lalaki lang di pala ako nag iisa

    @Chyng hayz onga ano ba dapat ang gagawin natin, sundin nalang nating mga advices sa comment dito :-D

    ReplyDelete
  31. I get your point. I actually feel the same now... Yung parang medyo inis na din ako sa ginagawa ko dito kasi super dami tapos di naman tama yung pay. LOL XD pero alam naman natin na mahirap kapag magooverseas ka pa... ganun kasi dad ko kaya alam ko gaano kahirap yun... T.T

    I feel sad for your former classmate... :( kawawa naman sya. Life's short nga kaya minsan we should make the most of it. Bka kasi magsisi tayo na di natin nagawa/nasabi yung dapat gawin/sabihin dun sa mga taong we care for...

    ReplyDelete
  32. @Rich exactly! Kaya dapat talagang gawin ang dapat gawin :-D Mwah!

    ReplyDelete
  33. Kuya jepoy hindi ko masyado mabasa yung kulay ng font mlabo kc kulay ng monitor ko haha

    isa lang tuloy nabasa ko yung 21 ka
    kuya jepoy. marami pang paluluhain hehe

    ReplyDelete
  34. Oh, I so know what you mean! Sometimes we really need a major boost to jump start our lives. Isang buwan pa lang ako dito sa Singapore and already I miss the noise and the chaos of home. Singapore is a great place to work and live pero shempre it's not my home. Working abroad away from your family, surrounded by strangers, it's tough. Kudos to all the OFWs who have been at it for decades.

    Maybe you just need a really grand vacation. : )

    ReplyDelete