Friday, August 14, 2009

Five School Facts

Naitag ako ng kaibigang PinkNote sa Five School Facts. Simple lang naman ang siste ng tag na ito, pipili lang ng facts about sa iskul experience mo, wala itong limitation pag dating sa details anyone can write about whatever stuff they wanted to write. So ito naman ang version ko ng tag ni Pinknote (Pasensya na Pinknote at medyo na delay ng konti)

1. Dahil sa sobrang cute ko nung grade one ako, maraming mga batang hampas lupa ang naiingit sakin. Sa iskul namin meroong cleaners assignment kada araw at dahil nga ako ang pinaka cute at ako ang kauna unahang natu-tong mag basa ng mabilis sa English at Tagalog ako ang inatasan ni Mam Antonio (Sumalangit Nawa) na mag turo sa pisara ng babasahin ng buung klase sa 'twing meroon syang meeting.

So back to cleaners, nang minsan na-lingat ako habang nag-lilinis ang mga hampas lupa kong classmate nilagyan ng 4 na bunot ang bag ko, kaya pala 'nung pauwi ako nag tataka ako dahil sobra bigat ng bag ko at pag bukas ni Mama ng bag ko bumulaga ang apat na malalaking bunot.

2. Sa Math class namin noong Grade six ay nag wi-window card kame (sa mga hindi nakakaalam kung anu ang window card ito yung folder na may butas at papasukan mo ng cocomban tapos merong timer mag sosolve ka ng MDAS, sa kada butas meron kang iaad, minus,multiply or divide) Ginagawa namin ang window card skill sa kada simula ng Math class para makita ang progress mo everyday kung bumibilis ka bang mag solve o hindi. At hindi lang 3 beses kong nakakalimutang mag dala ng window card noon, kaya ang ginagawa ko everytime na mag start na ang clock ni Mrs. Camba (Teacher ko sya) Sabay hahablutin ko ang window card ng seatmate kong babae at ako ay mag sisimulang mag sagot na as-fast-as-I-can. Syempre, hindi sya papatalo sasabunutan nya ko at hahablutin nya ulit and window card pero ako wala paring tinag sa pag sagot ng mabilis. So ang ending sa time na 2 minutes ang score naming dalawa ay tumataginting na 50% which is ang pinka lowest sa buung klase.

Noong college years namin pag nakakasabay ko sya sa Bus paluwas ng Maynila hindi ako maka tingin ng diretso sa kanya kasi Naaalala ko pa ang pinag ga-gagawa ko noon, e nag transform na sya into a very yummy lady, so ako hindi makalapit at makapag offer kung gusto nya ng chicharon na may suka habang umaandar ang bus sa NLEX papuntang Maynila.

3. 'Nung first year college ako nahihiya akong mag pakilala sa mga blockmates sa 'twing mag start ang class kasi ang gagaling nilang mag english, na iintimidate si ako. Dahil "B" nag start ang last name ko lagi ako nasa first row, Potanginang yan! e ayaw ko nga ng pakipakilala pero no choice. Naging memorable experience sakin ang pag papakilala sa Algebra Class namin. Eto ang account:

Student1: Hi I'm ***** you can call me ****, I graduated from Mapua High School. I am expecting to get to know you more and hoping to become a better Engineer in the future.
Student2: Hi classmates I'm ******, I graduated from Don Bosco Makati, I am expecting good stuff and more Math subjects to come and hopefully become a Chemical Engineering soon
Student3: Hey Guys I'm **** I came from St. Scholastica Manila and hoping to become a successfull Industrial Engineer in the future
Student4: Hi people my name is ********* I'm from Chiang Kai Shek and hoping to become an Astraunot in the near future.
Jepoy: (Naku yari! bulong ko sa sarili)*Nanlalamig ang kamay* Hello po, I am *****, my friends call me Jepoy *Shaky voice* I graduated from ammmm ammm Barangay High School (Namumula na at umupo na) I expect to learn Algebra today.

4. Hindi ko kinahihiyang nag take 3 ako sa subject na Mechanics, hindi ko sya makakalimutan kahit hanggang ngayon bigyan mo ako ng truses kaya ko paring i-solve ang kahit na anong problem dito, basta wag ka lang mag hocus-pocus ng given, dapat provided and necessary info para masolve ito. Hindi ko ma intindihan dahil itong subject na ito ay hindi ko Major pero pinahirapan ang buhay ko ng tatlong semestre. Kung makakasalubong ko ang dalawang naging prof ko na ito, black eye ang aabutin nila sakin. Imagine five units ang walang karelarelasyon na subject kong ito sa course ko letche talaga. Dahil din sakanya naka overload ako ng last term ko. LoLz

5. Ako ang leader ng design class namin. Kuhanan na ng graduation picture noon hindi ko parin alam kung gra-graduate ba ako o hindi, naka hingi na ako ng graduation fee sa Mama ko pero hindi ko pa sure kung nasa list of graduates ang pangalan ko. Kaya nung graduation picture taking wala akong tulog at may eyebugs, kaya singkit ako sa picture. Eto ang pics ko, nag halungkat din ako katulad ni Deth. Yung picture ko parang si Jose Rizal lang na nabusog ahahaha.


Yan ang mga maliliit na school facts na nais kong i share sa entry na eto. Ako ay nag papasalamat sa pag tag ni Pinknote sa Pluma ni Jepoy. Gusto ko rin sanang marining ang five school facts ng mga nasa Blog Roll ko. Pero alam kong tamad ang iba or hindi interested ma mimili nalang ako. Gusto kong itag ang makukulit na writer na talaga namang parang kinikilit ang tumbong ko pag binabasa ko ang entry nila tulad ni Drake, Usapang lalake, Ate Powkie,wikedmouth


Salamat po Ulit sa walang sawang pagbabasa at pag kukumento sa walang saysay kong blogsite!

33 comments:

  1. sow, isa ka palang teacher's pwet...pet pala. Naks! Kinakawawa mo ang iyong mga kaklase, dapat lang na mag higanti sila sa yo. hahahaha!!

    Hayup sa picture ah..balita ko meron pang version nito na kita ang braces..bat d yun ang pinost mo? hahaha!

    ReplyDelete
  2. @Istibi Talagang hobby mo lang talagang i-murder ako ha pareng istibi?! Porket mas mataas lang ang grade level mo sakin pwede mo na kong apihin ahahahah

    ReplyDelete
  3. astig!
    kahit kelan talaga the best, very light at nakakatuwa ang mga childhood memries ng bawat isa sa 'tin.

    oo nga parekoy, busog na buso si rizal...lols

    ReplyDelete
  4. @Kosa talagang super impose ang pag ka busog ni Rizal ah. nang aanu ka e! LoLs

    ReplyDelete
  5. natawa naman ako sa comment ni kuya kosa, hahaha pero infairnez..may point sya kuya jepz..mukha kang busog na busog na rizal,hehe peace!Ü

    ako kaya, magkakaroon kaya ako ng graduation pic?hahaha

    ReplyDelete
  6. @Superjaid Isa ka pa LoLz malapit na kong mahiya aalisin ko na ang grad pic ko dyan...

    Oo naman makaka graduate ka!!!! Gusto mo pang tuition fee ?! ahahaha Basta aral ng mabuti at gayahin mo si Jepoy nag sunug ng kilay mabuti walang kalokohang ginawa nung college :-D

    ReplyDelete
  7. ampude mu nman kuya...heheeh....same istori pala tau sa mechanics n yan kaso ako teyk 2 lang. dahil jan ngkaletse-letse sked ko pero nabawi ko naman at nkgrad naman ako ng hnde ngextend ng taon.

    ReplyDelete
  8. eto na bumanat na si jepoy...ahahaha.

    una pinasoli pa ba ng mama mo yung mga bunot? ahahaa
    ako good girl din nung elem tagalista ko ng mga noisy tska standing.

    nakalimutan ko na nga ang tawag sa window card buti inexplain mo at nasabi ko "aaaahh uu nga yun nga pala tawag dun" - yummy pala ah

    ano nga ba expect mo sa algebra class e di to learn algebra! Lufet!

    hmmm...buti na lang di ako nagtake 3 ng physics! baka mabaliw ako ng tuluyan...ahahaha

    wag tatanggalin ang pics ah...pauso natin yan:D

    ReplyDelete
  9. sana sinabi mo...

    today i expect to understand why the hell we need to learn stupid stupid algebra....

    hahahaha wala lang tanga ako sa math eh....

    ReplyDelete
  10. yeees pinaka cute sa klase at kinaiinggitan ng mga hampaslupa haha nakakarelate ako kasi ehem ehem ako rin ung pinaka cute sa klase namin dati hala grabe pramis maniwala kayo please hehehe.. so yun teacher's pet din ako nung elementary pero pagdating ng hayskul hindi na. Tapos nung college hmm, mejo self-confident ako kasi keri ko lng mag english tapos ung mga classmates ko ang hindi maxado, bilang lang ung kaya. Journalism students eh so unlike broadcasting ms mgling daw magsulat kesa dumaldal, ako naman blessed magaling sa dalawa (magsalita at magsulat) yeeeeeeeeeeeeees hahahahhahahah nagbuhat ng sariling bangko. Uy joke joke lang hehehehe

    ReplyDelete
  11. hahaha natawa naman ako dun s abunot! naalala ko tuloy yung class mate namin pagbuks naman ng bag sa skul may lumabas na ipis, nagtakbuhan kami lahat! hahaha

    ReplyDelete
  12. tol, promise, serious, at walang bola, wag mong tanggalin si rizal-- este, yung pityur mo. ang cute mo dun.

    ***ladies, dito po ang pila para kay jepoy. pumila lang po ng maayos.

    hehe pero totoo pre, ang cute mo nga dun. that's coming from a very straight guy haha

    ReplyDelete
  13. hahaha sobrang natawa ako dito lalo na sa piktyur mo parang kumain sa Eat All you Can si Jose Rizal at nabusog nang husto hahaha

    ReplyDelete
  14. parekoy galing mo talaga mag kwento
    pati pic ni rizal nabusog haha

    ReplyDelete
  15. ahahahaha.. nakikipag hablutan ka pala nung grade six ka.. sana nakipaghablutan ka rin nung nakasabay mo sa bus yung si girl.. hehehehe

    ReplyDelete
  16. salamat naman at nakaladkad na naman ang naglulumanding p0kw4ng sa tag na ito...gagawin ko pwamis! as in now na!

    ReplyDelete
  17. Yehey! buti naman at alam mong tamad ang iilan na nasa blog roll mo... *wink* jejejejjejeje... Ang saya naman ni Rizal! Parang kakagaling lang magbreakfast buffet... jejejeje *peace*

    ReplyDelete
  18. ako pretty ako noong grade one ako. nakita ko sa class picture namin noon. nang tumanda na ako bakit nag-iba yata ang itsura ko? hahaha!

    love,
    nobe

    www.deariago.com
    www.iamnobe.wordpress.com

    ReplyDelete
  19. @So na biktima karin pala ng Engineering Mechanics?! LoL Salamat sa pag visit at pag comment. Hindi ako makapag comment sa dotcom mo di ko alam kung baket.

    @Deth Hindi na sinauli ng nanay ko ang bunot, ginamit nalang namin sya sa bahay lolz. Tama window card nga ang tawag dun lol. Sige pauso natin ang grad pic sa tag na ito :-D

    @Yj natuwa naman ako sa comment lolz. Baka sinapok ako ng prof ko pag sinabi ko un lol

    ReplyDelete
  20. @Elay ang hangin naman sa comment box ko binabagyo ako lolz. Pero tama ka teachers pet ako nun :-D Lagi kasi akong amoy Johnson&Johnson baby powder habang ang classmate ko ay amoy sukang paumbong

    @Pinknote aba ipis lang ay nag takbuhan na kayo.

    @Usapang lalake lang Rizal ka dyan! I hate you.

    Salamat sa pag papapili mo sa chiks ahahaha

    @Kblogie I hate you! ikaw na ang katawang pang bench at ako na ang katawang sebo lolz

    ReplyDelete
  21. @Jettro Uy nakaka platered naman ang comment mo (Parang plato lang?!) Salamat sa pag kumento pre

    @Postsquared Oo masarap makipag hablutan lalo pag nag slomo na lolz. Uy first time ka yata sa bahay ko, salamat sa pag bisita balik po ulit.

    @Ate Powkie Aabangan ko ang tag mo, now na!

    ReplyDelete
  22. @IamXprosaic Isa ka pa I hate you! lolz

    @Nobe Oi salamat sa pagbisita at pag komento, balik po ulit

    ReplyDelete
  23. buti ng gantihan ka ng mga classmate mo ay bunot lang ang nilagay sa bag mo..dapat sana niyog..hehe

    okey lang iyong take 3..mabuti nga iyon makakabisado mo lahat sa subject..
    nice pic..ewan kung nakita na ito ni chikletz..

    ReplyDelete
  24. *ubo-ubo* 'di na ko sanay na makakita ng angelic pic fr u. nasanay na kasi akong nakakunot noo mo sa pic haha

    ReplyDelete
  25. @Arvin Hindi pa nakikita ni Chikletz baka daw ma suya sya kasi mamantika lolz

    @Random Student Well masanay ka na kasi angelic face talaga ako lolz

    ReplyDelete
  26. yes naman.. uy favorite ka ni mam? haha! sa picture mo pa lang na malusog ni rizal ay kelangan na talaga nilang mainggit! wala silang binatbat!

    ReplyDelete
  27. @Chikletz di ko alam kung natatawa habang sinusulat mo ang comment mo. LoLz pinanindigan talaga ang Busog na RIzal lolz

    ReplyDelete
  28. wui, gwapo mo dito uh?

    ReplyDelete
  29. @Egat Nakuha mo! ikaw ang kumumpleto ng araw ko... Ayabyuu Mami mwah LoLz

    ReplyDelete
  30. Parang nakakrelate ako sa college day ha. Hello Im Chyng from ---. classmates: san daw yun??

    ReplyDelete
  31. @Chyng Diba?! Di mo alam kung mahihiya ka o anu lolz

    ReplyDelete
  32. Pre isusulat ko yan!salamat sa tag!!Ngayon ko lang nabasa to pre,hehhe

    ReplyDelete
  33. joe.. este jeps.. hehehe...

    ang kyut kyut naman ng grad pic mo... pero ayoko yang pa-usong ganyan... hahahaha, ampangit ko kasi sa grad pic ko eh, dipa kasi uso ang photoshop magic noon hahahahah!!!

    ReplyDelete