Monday, August 24, 2009

Walang Title

Last time na i-kwento ko na nabili ko na ang The Time Traveler's Wife. 'Nung Sunday ko lang natapos ang book dahil medyo marami-raming part na medyo naging dragging para sa akin dahilan para hindi ko matapos kagad ang pag babasa', pero nung lumampas na ako sa kalahati ay tuloy tuloy na ang pag babasa dito.

Ang sakit sakit ng puso't balun-balununan pati bituka ko dahil na apektuhan ako ng istori. Parang gusto kong mag depress depressan, gusto kong mag sabi ng "
You had me at my best, she had me at my worst...." na tumutulo ang luha sa isang mata ng dahan-dahan lang habang merong background song na I'll never Go , Oo tama! sa isang mata lang ang pag patak ng luha! at slow mo iyon [kung trip mong pakinggan click mo to]. Parang ang lungkot lungkot ko tuloy ng umagang iyon. Hindi naman ako masyadong fan ng love istori pero medyo tinamaan ang araw ko ng napaka unusual istori ng book na napapatungkol sa Isang Manong na my genetic disorder, nag ti-time travel sya ng hindi nya mapigilan pero sa hindi ma ipaliwanag na pangyayari sa twing sinusumpong sya ng sakit nya 'doon sya sa iisang babae na papadpad sa ibat-ibang panahon at doon umikot ang love istori nila. Parang gusto kong i email ang author at sabihing baket ganun ang ending ang panget, nakaka emo! kaya lang baka kako yun ang goal ni Manang writer; Ang ma-depress ang mambabasa nito. Pwes! Congratulations Manang Writer dahil nag tagumpay ka sa katauhan ni Jepoy...

kaya nga ang ginawa ko nalang ay na nungkit ako ng Buko sa likod namin at uminom ako ng malamig na buko juice. Baket buko juice? Wala lang! ang init eh, para refreshing naman ang feeling.

Baka lang po gusto mong masilip ang trailer ng mubi kahit hindi naman kataasan ang rating ng mga kritiks eh, i lalagay ko parin dito. Kumita naman ang mubi kahit papano hindi nga lang kasing laki ng G.I. Joe, Harry Potter at kung ano ano pang recent na pelikula sa pinilakang tabing. Di ko pa masabi 'kung ok ba o hindi, kasi hindi ko na papanood. Sa Saturday pa ang date. Pero parang UP nalang muna ang uunahin namin :-D






Sensya na Wala akong maisip na i kwentong barbero ngayon. Tsaka nag tratrabaho ako ngayon. Ispiritu ko lang ang nag blo blog ngayon :-D

37 comments:

  1. nakakatakot naman to, espiritu ang nagboblog..yikes!but anyway, mukhang maganda ngang panuorin to, kazo papanuorin ko ata muna ung up at the proposal, hehehe Ü

    ReplyDelete
  2. @Superjaid lol Ang aga mong nagigising ah! :-D I appreciate you taking time to comment parati ;-D

    ReplyDelete
  3. Sabi nga diba "Kung para sayo, ibibigay Nya yun sayo" ...Kahit anong panahon pa yan, o kahit anong pagkakataon kung talagang para kayo sa isa't isa, pagtatagpuin at pagtatagpuin kayo ng tadhana...

    May sense ba? lolzz

    ReplyDelete
  4. i haven't read the book or seen the movie pero gusto ko tlaga. if im not mistaken merong sinabi ung babae na it's hard to be the one waiting keme ata.. basta ang ganda, nakakdala ung movie. buti kp nabasa mo na. peram book hehe

    ReplyDelete
  5. @LordCM na gets ko yung point mo. So meron sense yan :-D

    @Elay Basahin mo narin kasi yung book. Papahiram ko sana sayo kaso may nakapila na e :-D

    ReplyDelete
  6. I know! I still can't get over this book! I heart Henry! :(

    ReplyDelete
  7. Naks! buti ka pa haba ng patience mo sa pagbabasa ng ganyang libro... jejejejjejeje...

    ReplyDelete
  8. kelangan talagang mala-judy anne ang EMO isang mata ang lumuluha at slo mo pa...try ko rin ngang mag-EMO ng isang mata lang ang umiiyak...hehehe...nice book talaga yan kuya...

    ReplyDelete
  9. ei jepoy... may book version palah syah.. pag napanood moh 'ung movie... favor.. tell meeh kung alin ang mas maganda.. pag sinabi moh ang book eh babasahin koh muna agn book.. awwww.. naiyak kah???? wow.. now i wanna read it...gustong gusto koh yon.. pag napapaiyak akoh... and love story pah.. yan mga tipo koh.. update moh akoh ha... kahit nde tayo close mag-fefefeeling close akoh.. kahit alam kong marami pagn nakapilang book na babasahin koh eh lookin' forward of readin' dat book too... ha... salamat... ingatz. Godbless! -di

    ReplyDelete
  10. makapanood nga rin niyan

    dapat pati yung LOLS may trailer dito haha

    ReplyDelete
  11. ganyan pala yang kwento niyan,kala ko yan yung lalaking nagttravel tas napupunta sa ibang mundo,may travel din yung pamagat ng libro,pambatang libro, oo yun gullivers travel,hahaha

    nakita ko na dodo niyan eh ni rachel,haha

    ReplyDelete
  12. haha.. natawa ako sa pag-inom mo ng buko juice..bakit kaya?? ;)

    i havent read the book kaya wala ko maicomment..hihihi!
    an dami rin nagrrecomend sakin ng time travellers wife... mabasa na nga... hopefully soon... :)

    ReplyDelete
  13. baka naman mahal 'ang bayad sa mobi n 'yan parekoy.. alam mo nmn kami, kailangan namin ng maraming PERA...peace!!

    ReplyDelete
  14. sige ba hintayin ko matapos ung nakapila basta ba papahiramin mo ako kuya,,,

    ReplyDelete
  15. nabasa ko na yung bok although i havent seen the movie yet... the story.. its a thumbs up for me..
    hehehe
    wala lang.. napadaan lang..
    parang gusto ko rin ng buko juice... teka nga.. makabili sa kanto hehehe

    ReplyDelete
  16. parang gusto kong mapanood ang movie na to. interesting eh..

    ReplyDelete
  17. maganda ba yung book?
    okay din ba yung movie?
    i have to choose 1 lang kasi.

    normally kasi, if ive read the book, i don't watch it's movie adaptation.

    ReplyDelete
  18. mukhang maganda nga...SOULMATE sila!

    ang mahirap minsan sa akin pag nabasa ko na yung book eh hindi ko na maappreciate yung film..tulad na lang ng "the vinci code" at " angels and demons"...sa book kasi nakukuha mo lahat ng emosyon ng bawat character at mapapaulit ulit mo pa ang eksena pag kinikilig ka,hihihi...

    ReplyDelete
  19. Sa sobrang depression mo talagang nanungkit ka ng buco juice... hehehe

    Uyy, yung line na "You had me at my best, she had me at my worst...." di ba line yan dun sa One More chance nina John lloyd at Bea? hahaha alam ko yun kasi ewan ko ba kung bat peyborit ko yung mubi na yun...

    Hmm, interesteing ang book hah, mabasa rin nga... gusto ko kasi ng depress depressan na books eh. hehehe!!!

    ReplyDelete
  20. Hindi ako mahilig sa book eh, coloring book lang ang alam ko!hehhehe

    ReplyDelete
  21. Nakakinis ang book. Nakakaiyak. :(


    Talagang umiyak ka na mala-Judy Ann Santos?

    ReplyDelete
  22. Ah..so nagkadurog durog pala puso mo at bituka sa istori na yan...wala bang arabic version yan book na yan hehehehe..

    ReplyDelete
  23. espiritu lang ba? mala-sprite? LOL

    ReplyDelete
  24. ang pogi naman ng espiritong nagbblog!ahehe.

    napanuod ko na ang movie, maganda siya para sa akin kasi mahirap i execute yung may timetravel sa story.

    balak ko pa lang basahin yung book. pag sinipag.
    zzzzzzzzzzzz

    ReplyDelete
  25. @ Angel ang hirap talaga maka get over sa book na to lolz

    @IamXprosaic Hilig lang Pre, pag hilig mo kasi hindi ka mababagot

    @Scofield junior Oo kelagan talaga mala judyanne lolz

    @Dhianz Sure sure u-update kita, dahil dyan close na tayo ngayon. Pakiss nga mwah LoLz

    ReplyDelete
  26. @Paps Sige Sir panoorin mo mag sama ka narin ng chiks mo na yayakap sayo pag naiiyak sya :-D

    @Sablay ang bastos! Dodo nanaman sinsabi mo! LoL natawa ako sa Gulliver's travel mo LoL Pinapanood ko rin ung cartoons na yan dati sa Channel 2

    @Gesmunds Basahin mo na bilis! Ok naman sya :-D

    @BatangHenyo Gumaganun pa!!! Wag kang kumain ng isang araw para may pang panood ka ng mubi, ako nga hindi ako kumakain e lolz

    ReplyDelete
  27. @Elay Sure Sure malakas ka askin, sipag mo kasing mag basa ng blog ko :-D

    @Ynna salamat sa pag daan, balik po ulet! :-D

    @Chikletz Sige, panoorin mo na. Samahan kita gusto mo?! hihihi

    @Raye Piliin mo nalang ang book kasi laging overrated ang movie, sa tanang buhay ko hindi pa ko nakabasa ng book na pag isinapelikula e mas maganda ang movie

    @Powkie Pareho tayo! Wala pa ako actually nababasa na pag ginawang movie e nagustuhan ko.

    ReplyDelete
  28. @Yannie Tama ka dun nga galing yun! Yung utol ko kasi ilang beses nyang inulit ulit yun, syempre babae dapat pag bigyan lolz

    @Drake Magsimula ka ng mag basa ng book, yung coloring book gusto ko rin :-D

    @Acrylique I agree, nakakainis dahil nakaka depress depressan talaga

    @Kablogie Ikaw na kaya ang gumawa ng arabic version ng book na ito?!

    ReplyDelete
  29. @Random Students true mala isprite talaga lolz

    @Manik Papanoorin ko palang ang mubi dahil muka nga syang maganda.

    At salamat sa pag sabi mong pogi ang nag blog! Nag sasabi ka talaga ng totoo. I loveeet! LoL

    ReplyDelete
  30. Time travellers wife...looks interesting ah...tnx for the info

    ReplyDelete
  31. dahil wala akong time magbasa, pinanood ko na lang. ayos naman ang pagkakagawa ng movie. :P

    ikaw ba ang nagtanong sakin kung ako ang lablayp ni kuya gasul? my gosh! HINDI po. kuya ko yun. ^_^

    ReplyDelete
  32. kuya.. i wanna watch that.. hehehehe... kelan po ba yan ipapalabas? ahahahahaha..

    ReplyDelete
  33. Hilda Koronel.... isdatchu?

    yeiz... bago pa man gawin yan ni Juday, si Hilda Koronel ang orihinal ng istilong yan... pag umiiyak siya, isang mata lang ang tutuluan ng luha...

    bongga ang soundtrack ng movie.... at lintek hindi ko pa napapanood dahil sobrang busy hmmmmmmmmmmp

    ReplyDelete
  34. @Patola Showing na po sya ung sabado pa lolz

    @YJ Hilda Koronel talaga lolz

    ReplyDelete
  35. peram din ako ng book kuya jepoy! pls.. hehehehe... gusto ko din manuod nyan, hahanap muna ko ng kasama. hahaha =))

    ReplyDelete