Wednesday, August 5, 2009

Call Center Chronicles


Matagal akong binuhay ng industriyang ito. Hindi ko kailan man pinag sisihan na nasadlak ako sa sumpang ito-Ang mag take ng Calls 8 hours a day, minsan Mandatory OT pa ng 2 hours, at Rest Day Work pa, at sobrang swerte ka pa kung ang shift sched mo ay 3AM with jackpot Tuesday and Friday off. Pero hindi ko inalintana ang lahat ng yan dahil nag eenjoy naman ako.

Toot.. "Dell Desktop" sabi ng IVR...

"Thank you for calling Dell my name is Jep, can I have your service tag please..." Ang mga katagang walang humpay kong binibigkas araw araw minuminuto.

Hanggang dumating sa point na parang nanginginig na ang aking kalamnan sa t'wing naririnig ko ang TL ko na nag sasabi ng "Please Autoin" Habang nakikita sa Queue Master na nakadisplay sa bawat parte ng opisina ang 200 Calls waiting.

*Back trak*

Nag sign na ako ng Job offer sa Titolong Technical Support Representative.
At nag karoon ng sign in bonus tamang tamang panlibre at mag mayaman sa pamili.Hindi pa masyadong uso ang call center noon at tanging talented lang ang hinahire nila para sa trabahong ito (Oo talented ako, shudap!)

Nag simula na ang first day of work, sa wakas hindi ako napabilang sa mundo ng Unemployed after my graduation, at sa umpisa ng training day meron kagad Accent training. English Englishan talaga ito, isang sikat na DJ ang Accent trainer ko. Tapos during the training, binigyan na kame ng headset. Takang taka ako kung baket ako binibigyan ng headset e hindi naman operator ang pinasakukan kong trabaho.

Dinala kame sa tinatawag nilang "floor" na kung saan nagaganap ang production line ng industriyang ito. Manghang mangha ako dahil ang daming naka upong tao tapos may headset at ang gagaling mag English. Muntik nangang sumirit ang dugo sa ilong at tenga ko.

Sabi ng trainer namin after daw ng training ganun daw ang gagawin namin.

Huwwwwaaaat?! My Gawd! Hindi ko alam na mag ca-calls pala ako, Powthangenang yan! (exag lang hindi talaga ako nag mumura in person, blimey!)

Oo hindi ko alam na call center pala ang pinasukan ko.

*lumipas ang dalawang taon*

Naka tatlong Call Center na ako, Medyo hindi na masaya sa work pero masaya sa mga tao sa loob ng industriya. Medyo nag didilim na ang paningin ko pag nakakakita ako ng AVAYA. Parang gusto kong mag amok ng away pag naririnig ko and toot toot ng telepono. Parang gusto kong sumigaw ng "Noooo" pag naririnig ko ang irate callers. Gusto kong i disconnect ang lahat ng tawag pag nakikita kong 200 calls waiting sa Queue.

Nag leave ako ng matagal mga 2 days (matagal na yun kasi samin mahirap mag leave, kelangan mo munang lumunok ng blade at tumawid sa pisi ng sinulid) para mag isip isip. Nasa bus ako, tahimik na nag mumunimuni habang pauwi sa Probinysa. Nang biglang nag-ring ang phone nung babaeng nasa tabi ko.

sabi nya, "thank you for calling Sonny this is Mia".

Pinilit kong namnamin na hindi sya nag tatake ng calls habang nasa bus dahil hindi ito maaari!. Pero, ang katotohanan ay nag tatake sya ng calls sa bus. PHowtangenang shit! Gusto kong pumara para mag backlift sa NLEX dahil sa sobrang inis. Pati ba naman sa Bus!

Pag dating ko sa probinya, nakita ko ang classmeyt ko noong high school. Lumapit sya at nag tanong "Pre, diba sa call center ka nag work?! Mahirap ba mag tinda ng pagkain ng aso't pusa pati ng hanger sa Americano?!" What the?!... Lahat ba ng tao sa call center ay nag titinda, Ha?!!! yan ang gustong sabihin ng isip ko. Pero, syempre sabi ko hindi ako nag titinda bagkus ay nag aayos ng PC. Lalo akong na depress noong time na yun.

Itutuloy... [Galing dito ang image para mabasa mo]

27 comments:

  1. Hehehe :D Buti na lang at di ako nag call center, siguro ubos na dugo ko sa katawan lolz

    ReplyDelete
  2. ang nabalitaan ko, madaming lonely callcenter girls na pwedeng i-take-advantage for a free sex dahil wala silang social/love/nightlife? true? nabalitaan ko lang namn. wala naman akong balak gawin yun hehe

    ReplyDelete
  3. hehe kawawa ka naman kuya jepz,may trauma ka na sa mga telepon..hehe maganda ang work mo, pero as a part time lang..pero kung as a permanent job, naku naman!mahirap yan..go,go,go kuya jep!Ü kung kailangan mo na ng career change then go, wala ng kwenta ang pagtatrabaho kung ginagawa mo lang yun dahil sa pera..

    ReplyDelete
  4. gusto ko din mag call center, hahaha.. echos! kaya lang baka mahimatay ako. hahaha =)) gudlak n lng boy! haha

    ReplyDelete
  5. Now I appreciate my last job even more. No calls at all, just internet and really out of the box thinking.

    May opening pa ba sa inyo? Wahaha.

    ReplyDelete
  6. hahaha. wasak men!
    ako man ay isang taon naging agent. at yan din mga naramdaman ko noon. langyang avaya yan, ayaw umawat sa pagring. haha.

    ReplyDelete
  7. anak ka ng jueteng kaya nga ayaw ko sa mga call centers eh... wala akong talent sa english at tangin computer lang ang alam kong gawin... hahahaha

    masaya na ako sa work ko na taga bilang ng halos 1.2 million na kahon ng URC products araw araw... hahahahaha

    ReplyDelete
  8. kuya,sabi daw nakakapagod daw yun tlalo na kapag graveyard shift... sandamakmak na eyebags at pimples daw sabi ng kaibigan ko... hehehe...

    pero kaya mo yan kuya! :)

    ReplyDelete
  9. @LordCM dapat tinry mo rin lolz

    @Usapang lalake Yan ka nanaman eh!!

    @Superjaid Salamat sa Sympathy wala na po ako sa call center matagal na :-( Na ishare ko lang ang istorya nayan dahil wala akong ma post lolz

    ReplyDelete
  10. @Kox pwede mo rin naman i try :-D Masaya din naman

    @Angel Meron balik ka ahahaha Wala na ko sa Call Center after so much hard in trying to find equal salary job lolz

    @ManikReigun Tama ka pre, pero aminin mo na miss mo rin ang pag calls ahahahaha! Yan kasi ang una mong ma miss pag wala na sa call center :-D

    ReplyDelete
  11. @SaulKrisna Pwede parin naman itry maraming nag kalat ngayon dyan kahit saan meron

    @Salamat Dra Patola well matagal tagal narin po akong wala sa industriya ng call center pero night shift parin ako sa work ahahaha Kelangan kasi e kaya no choice :-D

    ReplyDelete
  12. awts... sa language training lang ako. ayuku magtagal kaya after 3 weeks, terminated, not for rehire ako.. nyahahah

    di ko na nipasa training kasi may bond e. bagsak ko na lang para wala bond.. :D

    ReplyDelete
  13. kakaaliw ang photo.. sooooo true...

    mahirap talaga siguro sa baligtad na mundo noh?

    pero sanayan lang yata yan. hihintayin ko ang sequel jepoy...

    ReplyDelete
  14. Naku ganyan talaga! minsan kasi di pa lubusang naiintindihan ng ibang tao ang trabaho pag sinasabing call center... at isa na ako diyan noon... jijijiji... pero ngayon nalaman ko naman iba iba din pala kayo... jiijijiji.. slight lang... jijijiji

    ReplyDelete
  15. "Toot, XPS"

    Kung ayaw nila ako bigyan ng pagkakataong mag-leave, gagawa ako ng sarili kong leave. haha

    Auto-in ka diyan. Kaya nga inimbento Ang AftercallWork para gamitin, duh!

    Potah, di ko na ma-penetrate ang lintek na firewall. Grrr! Ang blog ko! Wala akong buhay. Hayz.

    Agree, lalo na nung mga first few month ko mag-calls. Kahit sa panaginip sinasabi ko SPIEL ko! Sumpa!

    ReplyDelete
  16. hahaha! buti na lang ka-jepoy at hindi ka na sa isang call center pumasok..kundi sa......yon.

    Mukha namang mas mabuti ang iyong trabaho ngayon sapagkat ikaw ay isang full time blogger na at sideline mo na lang ang iyong current job..joke...hahaha!

    ReplyDelete
  17. @Acrylique Sumpa talaga?! ahhahaha Buti nala cool ang mga tao doon

    @Istibi Fulltime blogger ka dyan! Ikaw kaya isang fulltime mag sasaka! Mat trabaho ka nga inde panay farm town lang lolz

    ReplyDelete
  18. oist ung Dell ko may topak. hehe. jk!

    saya naman ng call center. nakakaburaot pag ring ng fones. haha!

    buti nakasurvive ka :D

    ReplyDelete
  19. "Thanks you for calling T-Mobile, this is Angela from the Flexpay department, how can i assist you today?"
    Taena mahigit 2months lang ako, diko kinaya! (FYI:Angela name ko sa floor...hehe)

    ReplyDelete
  20. Muntik nako dyan... haha! Good thing someone rescued me... XD

    Nagttraining nako nun eh. Tapos ayun, kinuha ako nung hinihintay kong company... ^^ yey!

    ReplyDelete
  21. alam mo gusto kong maranasan ang maging call center agent...

    para kasing hindi ako in sa mga KABATAAN hehehe

    kumusta na ang nalalapit na kasal jepoy?

    ReplyDelete
  22. @Chikletz naka survive ako dahil sa mga tao, cool kasi at dito ako gumaling mag English! ahaha

    @Pinknote Meron ka pang Angela na nalalaman at nag T-Mobile ka pala ahahaha

    @Rich Sayang naman hindi mo na experience Awwwwwwwww

    ReplyDelete
  23. @Mulong Una sa lahat bago ang profile pix mo ahahha at secondly hindi pa ko ikakasal kunyari lang yung kasal post ko... :-D

    ReplyDelete
  24. aww done there been that nyahahaha agree ako sa lahat ng sinabi mo... kapag nakakakita rin ako ng Avaya eh parang gusto kong maglaslas.

    ReplyDelete
  25. @Glentot Naks wala narin sya sa sumpa! :-D

    ReplyDelete
  26. jepoy salamat. antok na ako, nagising mo ko. galeng. sumirko ako sa babaeng nagtetake ng calls sa bus, tska sa pagdilim ng paningin mo whenever you'd see an avaya. congrats sa mga two day vacations mo. or isang 2-days lang 'yun? *kamot-ulo*

    ReplyDelete
  27. @Random student baket gising ka pa?! matulog ka na :-D

    ReplyDelete