Tuesday, June 16, 2009

WHATEVER TEN...



Dahil masyado akong naaliw sa pakulong Whatever Ten na nag originate kay Chicksilog na ni rectify ni Badoodles na tunay na Idol namin ni Pablong Pabling na meron ding version ng 'Whatever Ten' at na pansin kong si Chorva ay meron din Whatever Ten { Syempre inde ko na babanggitin lahat ng may Whatever 10 kasi baka maging 50 pages tong entry ko} So here you go ang sarili kong pakulo.

Mamimigay ako ng premyo {Korak! tama ang nabasa mo parekoy merong premyo ito} ang premyong ipamamahagi ko ay tumataginting na.... jan jararann....200 Pesos worth ng CELL phone load {Wag ka ng Choosy sa premyo di mo mapupulot sa kalsada ang 200 noh?!} kung ikaw ay sosyal at nakalinya na katulad ko bibigyan kita ng isang box na Krespe Kreme pero kukunin mo sa office namin sa Ortigas yan ang Catch :-D

Sa mga di nakaka knows ng mekeniks madaling madali lang 'to kosa. Mag susulat lang ako ng sampung details about ma self {slang talaga para conyo} and then aalamin mo ang isang hindi Totoong detalye sa sampung list..Mag iwan ka lang ng comment kung anu sa tingin mo ang sagot at kapag tumumpak ang hula mo sayo na ang premyo syempre ang mananalo ay isa lang, pero pag malaki laki sinuweldo ko kay Sir Manny sa paglilinis ko ng kubeta nila baka pwede kong gawing dalawa...

Here we go { Wag ka ma excite basahin mong mabuti kasi tricky to! Ok?!}

1. Sobrang bopols ko talaga sa asignaturang Mathematics kaya ako nag take ng Engineering degree. kaya pag tungtung ko sa Mapua nung college, para akong grade 1 na ipinasok sa pang grade 5 class. Nangamote ako ng todo! Kaya first Semester palang bagsakers kagad sa Physics 1 at Trigonometry... Naisip ko nga mag shift nun at mag Agriculture nalang at umuwi na ng probinsya at mag tanim ng Palay pero ayaw ni Papi at ni Mama ko.

2. Pag na ngungulangot ako pinapahid ko sa mouse ng mga officemates ko. Nung high school ako pinabahid ko sa Arm Chair ng klasmeyts ko. Nung bata ako kinakain ko ito medyo maalat alat ng konti.

3. Pag tumatae ako binabasa ko ang sahig pati ang toilet bowl kaya hindi ako tumatae kung saan saan lang, pag hindi ko na kaya mas gugustuhin ko pang tumae nalang sa salawal ko kesa tumae sa inodoro na hindi ko binasa pati ang sahig nito.

4.Pag ka graduate ko nag try ako mag apply sa Convergys para easy money {isa itong call center na malaki mag pa sweldo nung time na grumaduate ako} hindi ako pumasa bilang Technical Support Representative. After one week nag re-apply ako ulit dahil di ko matanggap na hindi ako pumasa tapos nung mag tatake na ko ng exam at ipinapasok sa computer ang name ko para sa test ayaw tanggapin yung name ko. Tinanong ako ng HR representative "Did you applied here for the past six months?" Ang sabi ko "No I did not..." Nag try sya ulet ayaw talaga tanggapin ng computer yung name ko. Tumayo ako sabi ko mag CR lang pero umeskapo na ako. Gusto kong lumubog sa kahihiyan {syempre may pride naman ako ng konti}

5. Nakapunta na ko sa Amerika na sakay ng North West Airlines Via Manila-->Japan, Nagoya---->Detroit, Michigan---->Knoxville, Tennessee. Naka business class ako. Hindi ko alam ioperate ung upuan ng business class kaya kahit pwedeng humiga ng todo, nag tiis ako ng 8 hours na isang position lang ang chair ko, nahihiya kasi akong mag tanong sa Magagandang Flight Attendant baka isipin nila tatanga tanga ang pinoy, kaya pag dumadaan sila nag iismile lang ako kahit masakit na likod ko.

6. Nung Elementary ako gustong gustong ko na ma-nominate na class president pero lagi nalang akong nagiging Sgt at Arms. Nag papacute pa nga ako pag nag sisimula na ang election para inominate akong Presidente ng mga klasmeyts ko pero wa-epek talaga pang Sgt at Arms lang daw ako peace keeper, e ayoko nga ng ganun! parang alipin lagi nalang inuutusan bumili ng chalk sa kanto bag ubos na ni Mam ung chalk.

7. Naging Lakandiwa ako ng isang balagtasan nung hiskul at sa stage na limutan ko ang lines ko ang ginawa ko nag himatay himatayan ako kaya nag karoon ng komosyon.

8. Naging extra din ako sa pelikulang Darna ang Pagbabalik na si Anjenette Abajari ang bida {Ang sexy nya pag naka hero suit na sya ng Darna}. Ako ung isa sa naghihila ng kalabaw dun sa lahar site na pinag shootingan nila. Ang bayad sakin 100 pesos.

9. Nung elementary first time kong nahipuan sa Betlog ng klasmeyt kong babae. Na tulala ako saMath class kaya pinukpuk ako ng Math book nung hindi ako tumayo para sa board work.

10. Pangarap ko talagang maging backup singer kaya pinag pre-pray ko parati k Papa Jesus sana ma discover ako sa isang malaking singing contest para inde ko na kelangan mag trabaho at pumasok sa work para mag blog.

Whew! Ang hirap pala talagang gumawa ng Whatever Ten. Gusto ko rin sanang gawan ng badge ang mananalo dito kaso inde ako magaling mag php or mag html kaya tama na ung price ko...

Alin dyan ang kwentong eklabu? Sagot na para mag ka load!!!!! Your comments are highly appreciated... Tenchu!

22 comments:

  1. Ang sagot ay 10.

    bakit back up singer? main act na dapat. kung ikaw naman yung mananalo sa singing contest. davah?

    ReplyDelete
  2. no comment muna hintayin natin ang sagot ng iba :-D para masaya

    ReplyDelete
  3. number 4 sana ang una kong sagot dahil di ka naman pwede mag apply ulit pag di pa tapos ang six months. :)

    number 10. pangarap maging backup singer. . . pwede rin naman maging pangarap un. :) backup singer ng pinaka sikat na singers. :) nakakakatwa pumasok sa work para mag blog. hhaha

    number 2 at 3 kadire eh. haha

    . . .di ko alam isasagot ko. ahaha

    5 minutes na ata ako nag pabalik balik sa mga sinabi mo.. .

    eto nalang sagot ko.

    number 6. =)
    nag papabili ba talaga ang teacher sa kanto ng chalk pag naubos? wala bang stock sa loob ng paaralan. :)

    ayan number 6 po ang sagot ko. hahaha. at saka baka presidente ka naman talaga. :)

    ReplyDelete
  4. natawa ako sa sagot mo ang daming explanation...

    Mag hintay pa tayo para maganda ang competition... :-D

    ReplyDelete
  5. sigo (siguro lang at eto talagang hula lang), 2? o kaya 10!

    ReplyDelete
  6. So anu final answer? dapat isa lang *Evil Grin*

    ReplyDelete
  7. ung nahipuan ka sa betlog. hindi totoo yun... kasi wala k naman bayag. ahahahahahah

    ReplyDelete
  8. sheeet...

    ang hirap din ah...

    nakakatawa tong version mo Jepoy...

    ang pinagpipilian ko yung Kulangot, lakandiwa at darna...


    hmmmmm


    numbr 1 na lang hehehe


    sayang ung load sana may consolation prize na pasaload.. hahaha

    ReplyDelete
  9. sa tingin ko number 8 filing ko eh ayaw mong mging supporter o extra lng sa pelikula..kung mgaartsta k man ay lead role k kgad hehehe

    ReplyDelete
  10. Ang hirap in fairness ha, para kasing totoo lahat. :D

    Sige my guess is # 3.

    Hehe.

    ReplyDelete
  11. Salamat sa inyong lahat mga prens at ka blog mag hintay pa tayo ng kaunting panahon bago ang napaka sosyal kong price. Okey??!!!

    ReplyDelete
  12. Sirit na...Ibunyag mo na ang katotohanan..lolz!

    ReplyDelete
  13. Wag ka ma excite kablogie darating din tayo dyen... :-D

    ReplyDelete
  14. gusto kong sabihing number 7.. number 7.

    ReplyDelete
  15. Salamat Binibining Chickletz :-D Chill

    ReplyDelete
  16. hmmm...magaling ka pala kumanta... sali ka sa next PDA season 3... malay mo!

    ReplyDelete
  17. ako ung number 2. kadiri masyadow eh.

    sana di truvalu yun de vah?

    yey! panalo na ang tunay na veykla!

    ReplyDelete
  18. cge ka, pag inamin mong trulili ang Number 2, eh wa ka na friends bigla. Haha. Joke. Ok lang ung pagwet sa floor pag dumudumi eh kse normal sa most pinoys yan. Pero ung No. 2, eeeewww. :) Hehe.

    Basta no. 2 ang choice kO. yEY! Akez ang load! :0

    ReplyDelete
  19. Ahahaha! Lets wait and see :-P

    ReplyDelete