Thursday, June 25, 2009
Notice To The Public...
Yehey!!!! Sa wakas ay naging successful ako sa pag papalit ng temflate (Yes, 'ef talaga yan). Syempre kinulit ko ang graphic artist namin (Thanks for the cool header Kat Chang) para mabago ang site ko ng konti. Kaya' for now, under construction muna ito mga parekoy. Also, Maraming Salamat din sa Tulong ni Acrylique sa link kelangan may special mention talaga sya.
Jepoy appreciates your patience mam,sir
Dahil dyan ang entry ko ngayun ay napapatungol sa peborit kong ngatngatin habang na nonood ng mubi or dbd- ito ay ang dragon seed o mas kilala sa tawag na butong pakwan.
Baket?
Wala lang pake mo...
'Diba't Napapanahon ngayon ang A(H1N1) at dumarami na ang case infected nito? So kung kakain ka ng butong pakwan mapupunta ang isip mo sa pag bubukas nito. Lalo na kung ang nahugot mong piraso ay balibaliko. 'dibat ang hirap noon buksan? Nakakagigil diba? effort pa. E sakto namang 'pag kagat mo ay nahati sya into half. So mas mahirap na kunin ang laman nya, lalong lalo namang tataas ang level of irritation mo at mawawala ang isip sa current issues kasi nga basa na nga ng laway mo ang magkabilang pisngi ng butong pakwan na binubuksan mo tapos 'di mo parin makuha ang inaasam mong laman nito. O diba readers iba ang effect? Minsan naman iipunin mo muna lahat at pag isang dakot na ito dedekwatin ng utol mo at isusubo ang pinag hirapan mong bukasan ng 4 na oras. Ewan ko lang kung 'di mag dark ang paningin mo...
Minsan naman parang mararamdaman mong nangangapal na ang labi mo dahil sa kaalatan nito. That only means one thing. Medyo marami ka ng nakakain kaya dapat ng tigilan mo na ito. At paalala lang parekoy, hindi kinaakin ang balat nito dahil bukod sa matigas sya masyado rin itong maalat. Kamusta naman ang kidney diba (Health buff?!).
Ang hindi ko lang maintindihan minsan ay baket pinangalanang dragon seed ang packaging ng isang sikat na butong pakwan brand? anu naman kuneksyon ng butong pakwan sa dragon?! Pero in all fairness, ang dragon seed ay mas manipis ang balat at malutong compared sa mga nabibili sa Quiapo or sa Divisoria na bukod sa sobrang maalat na e mamasamasa pa'to blended with kakunatan. Ang hirap kaya mag bukas ng makunat na butong pakwan. Pinag papawisan ka na hindi mo pa nakukuha ang laman. Buset!
Hayyyyyyy wala nanamang katuturan ang aking entry of the day. Dapat pala ang title ko ay Butong Pakwan Chronicles :-D
Sana bukas mas matino na.
Na tatats ako sa pag basa mo sa blogsite ko. Salamat kosa! tutal umabot ka na hanggang dito kelangan mo ng mag commento ok! Oh lulusut pa..Click mo ung comment sa baba tapos comment na, gets?! :-D
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
CHILLIS my FACE pala ha?? Sige.. fine.. tatandaan ko yan... LAST NA YUN EVER!
ReplyDeleteAnd may I add.. next time wag mo na ako kulitin sa blogger XML stuff ok?
XML YOUR FACE TOO!
Ahahahaha!
ReplyDeletecongrats! naayos mo na din :D
ReplyDelete@ Binibining chikletz sa wakas naayos din :-D Nakakaliw din pala pag naayos ahahaha
ReplyDeleteHaha.
ReplyDeleteCongrashuleyshuns!
Kapag hindi ko mabuksan ng maayos ang butong pakwan, dahil nadudurog lang ang laman nito. Sinisipsip ko na lang. Pag wala na akong masipsip na alat. ibibigay ko kay nanay. haha!
Kaya butong kalabasa na lang pinaglalamayan ko. :)
@Acrylique ang kalabasa pwede kainin ang balat ahahahah
ReplyDeleteSalamat sa link ulet :-D
Binabati kita! Labis kong ikinatutuwa na nasolusyonan mo ang hinanaing mo!
ReplyDeleteNyahahah!
Kongrats!!!!
@Kokoi salamats so much :-D
ReplyDeletehuwaw congrats sa bagong temflate... sana may graphic artist din ako!
ReplyDelete@wandering commuter thanks :-D Madali lang sir kayang kaya mo rin yan
ReplyDeleteayan na dito na ko magcocomment! hahaha! cool naman nitong blog mo! i'll be checking this everyday na promise! ang arte may ganun pa! lol!
ReplyDeleteAba aba kathy meron ka palang blogspot dahil sa comment mo sakin masasali ka na sa napaka prestiryosong blogroll ko :-D
ReplyDeleteWow! ganda ng site! ^^
ReplyDelete@PinkNOte salamat po sa pag appreciate :-D
ReplyDeleteganda dito, bago. more blogging years para sayo!
ReplyDeletecheers!
wow nainggit naman ako dun sa header ganda pulido astig ayos!
ReplyDeleteAnak ng tipaklong! Nabago mo rin ang skin ng blog mo...akala ko for life na ganun ang skin mo hehehe..kindah baduy yun una ahahahah!!!!
ReplyDelete@Stupidient Thanks dude!
ReplyDelete@Hari ng Sablay Ako din natuwa kahit papano :-D
@Kablogie pinaghirapan ko yan :-D Inde ako naging productive ng isang araw dahil dyan :-D
natuwa naman ako sa entry mo. first day ko sa blog mo eh. hanga ako. galing mong sumulat ah.
ReplyDeletetsaka, hirap nga talagang magpalit ng template. yung template ng blogs ko, halos one week kong pinagtyagaan. ako ako lang kasi eh. hehe.
ganda ng blog ah! miss ko na rin ang dragon seed! bibili uli ako pagdating kong pinas. takot ako sa h1n1 na yan pero uwi pa rin ako. miss ko na pamilya ko eh.
hugs!
@Maxi Velasco Salamat sa comment nakaka tats naman sige exchange link tayo..keep up!
ReplyDeleteakalain mo yun.. ako ay isang stalker lang dati sa blog na to.. at ngaun nagcocomment na ako.. eh sabi mo kasi e... musta naman ang butong pakwan? hahaha.. ala lang.. keep it up jeps! ilabit! ur entry makes me wana wana.. hahaha..
ReplyDelete@Rose Salamat naman sa comment mo Rose Iloveeet :-D
ReplyDeletenawala na yung kotse... saan mo na pinarada?? hehehe
ReplyDelete@Chorva Pinamigay ko na yung kotse ahahaha
ReplyDeleteTaray ng layout! Clap clap for you. Pansinin mo pa rin ako kahit bonggang bongga na ang bloggie mo ha? :D
ReplyDelete@Angel syempre naman ang saya kaya ng iyong panulat. Idol :-D
ReplyDeleteAt hindi ako makakahindi sa isang chik na katulad mo (Gumaganun pa!) ahahhaa
paano ba mabuksan ang butong pakwan pag walang ngipin sa harap?
ReplyDeletenapadaan lang jepoy
@Jettro salamat sa pag daan. Balik tayo sa tanong mo ang sagot ay ang canine or mas kilala sa tawag na pangil lol :-D
ReplyDelete