Open letter for my one and only Papi
Dear Papi,
Una sa lahat Happy fathers day sayo Papi! Aiyabyu! you know that...
Dahil sa totoong mahirap mag sabihan ng emotion ang lalaki sa lalaki minabuti kong gumawa nalang ng liham para sayo Papi. Syempre bukod dun sa dinner treat ko sainyo ni Mama at pag papareserve ko ng Ticket ng IMAX para mapanood natin ang transformers na 3d, para naman hindi ka masyadong ignorante sa mga ganoon Papi at mapag yabang mo sa mga tropa mong matatanders at sunog baga na nilibre kita. Naisip 'kong mas mabuti parin ang pag sasabi ng nararamdaman kesa naman maisipan kong gawin 'to pag deadbol ka na at least ngayon nababasa mo pa 'to.
Papi Maraming salamat sa pag papainom mo sakin ng Tempra pag may sakit ako. Tenkyu din sa kauna unahang abakadang pinangpasalubong mo sakin nung five years old ako. Alam ko duty ka noon pero dumaan ka pa dun sa book store sa commisary para bumili ng lapis at papel at abakada. Natatandaan ko pa ang kwento mo tungkol kina buchokoy at buchukay na pampatulog namin ni utol pag gabi. Salamat din dahil habang ang mga klasmeyt namin ay hinahatid ng magagarang sasakyan nila, kami namang mag-utol ay naka angkas sa single BMX bike mo at ihahatid mo kame sa pinto ng classroom at ikiss mo pa bago ka mag report sa Duty mo. Papi 'sensya na dahil kinahihiya ko yun noon pero ngayon hindi na. Salamat din sa Maggo Juice na inuuwi mo pag na dedestino ka sa Palawan, at kahit wala ka nung birthday ko noong 10 years old ako ayos lang sakin yoon kasi alam ko na kelangan mong ayusin ang mga eroplano ng gobyernong kakaragkarag.
Maraming salamat dahil sa t'wing sasabitan ako ng Medalya ang gusto mo ikaw ang mag sasabit pero dahil si Mama ko lang ay may bagong damit pag bwan ng March sya nalang ang nag sasabit pero nanduun ka parin at ikaw ang nag kukuha ng picture gamit ang camerang old school na nabili mo pa noong binata ka at kahit hindi natin napapadebelop lahat kasi nga 12 shots lang yoon, masaya parin tayo kasi Meron akong honor at kakain tayo ng ispageti at tinapay.
Salamat din Papi dahil noong college ako ay pikit mata mong binibigay ang pang tuition fee ko, pambayad ng dorm at allowance every week. At salamat din dahil sinisingitan mo ng 500 pesos ang alowance ko pag nakakaluwag luwag ka, sabi mo pa nga gamitin ko yoon pang libre sa chiks at ipampanood ko ng sine pag nagyaya ang mga manilenyo kong klasmeyt. Salamat sa lahat lahat Papi ang araw na ito ay para sa'yo at gusto kong sabihin sayo na kung bibigyan ako ni Papa Jesus ng oportunidad na mamili ng magiging Papi ikaw parin ang pipiliin ko at wala ng iba.
Ang lahat ng meron ako ngayon ay alay ko sainyo ni Mamako... Happy Papi's day sayo!!!!!!
Nagmamahal mong Panganay,
Jepoy
PS: Itong awit na ito ay dedicated sayo
ang saweeet:)
ReplyDeleteSip sip lang :-D
ReplyDelete@Jepoy...panalo sa istori ah! kakatuwa naman yun hehehe..
ReplyDelete@ Kablogie Maraming Salamat naman sa comment 'mong nakaka tats :-D
ReplyDelete"tropa mong matatanders at sunog baga..."
ReplyDelete--natawa ko jan ah. parang natamaan yung tatay ko.
matanong lang. sunog baga din tatay mo? haha.
@ Cheezy 'inde naman sunog baga si papi ung mga tropa lang nya ang sunog baga yung tipong tatlong Gin nalang pipirma mag he-hello na sila k Kamatayan...
ReplyDeleteAy sabihin mo sa Papi mo mag juice nalang sya :-D
Nagayon EMO na talaga ko.
ReplyDeleteAng bait naman ni Papi. Ang sweet ng panganay. :)
@ Acrylique More more emo talaga?!
ReplyDeleteHuwarang anak lang talaga ako *Blushing* ahahaha
aww sweet...preho tayo panganay din ako.
ReplyDeletehapi fathers day,nahuli nako,lols
@ Hari ng Sablay Maraming Salamat sa at belated haffy puders day din sayo!
ReplyDeletehahahaha.
ReplyDeletekala ko sunog baga din.
juice? juice ko diday!
malabo yun. haha.
bakit kaya andami pa rin nating naaalala nung pagkabata pa natin?hehe ako rin ganyan..=) sweet ng letter mo! nu reaksyon ni papi?=)
ReplyDeleteSweeett... sana ganyan din ang daddy ko hahahah
ReplyDeletenabasa na ba to ng papi mo?
ReplyDelete@ PinkNote Ang na tats ang dad ko. 'lam mo naman ang matatanda sensitive na sa mga ganyan. Masaya sya sa libreng diner at transformers ahaha
ReplyDelete@Pickle Minded Oo nabasa na nya :-D