Malapit na ang ika-labing apat na taong annibersaryo ng pag sabog ni Manong Pinatubo. Kaya mag sha-share si Jepoy ng mumuti nyang adventure nung nag major erruption ang galit na galit Bulkan.
Malapit na ang umpisa ng klase nasa grade school ako noon, syempre pag chikiting ka excited ka dahil mag papasukan gusto mo kasing ipagyabang ang pencil case mong bago na napakadaming lalagyan at may pantasa pang labas-masok sa loob nito {Yan kasi ang pangarap ng lahat ng bata sa panahon namin- hightech Pencil case. OO hightech na yun sa lagay nayun}.Papaimpress ka rin sa girlets classmates mo ilalabas mo ang krayola mo na 16 colors dahil malamang ang krayola nila VIBGYOR lang ang kulay samantalang ang akin super astig 16 colors itey hindi tulad noong last iskul year, niyayabangan ako nung isa kong klasmeyt gusto ko na ngang bangasan. Ayaw akong pahiramin ng yellow-green color wala kasing yellow-green ang Krayola ko tuloy matingkad na green ang kulay ng dahon ng puno sa art subject namin sakanya yellow green pero this year babawi ako madami na itong additional colors humanda sya at mag aangas ako kinabukasan at tatalunin ko na sya sa Art class.
Napakanormal na weekend lang noon tandang tanda ko. Si Mama ko papuntang palengke at mamimili ng lulutuing ulam namin pang isang linggo, Si Papi naman nag lilinis ng bakuran. Ako at ang kapatid ko busy din sa pag aayos ng gamit kasi kinabukasan na ang bigday for us. Matapos namin iayos ang gamit napansin kong merong komosyon sa labas, ang mga Chikadorang kabitbahay ay nag tatakbuhan sumisigaw ng delubyo. Natanong ko tuloy sa sarili ko "Ano ung delubyo?" {Hindi pa kasi ako masyadong smart nun} lumabas ako at kapatid ko para maki usi { Oo bata palang ako usi na ako} pag labas namin laking gulat namin dahil sobrang kapal ng usok sa himpapawid as in OA sa kapal talaga. Medyo na nindig talaga ang balahibo ko at lumiit ng konti ang betlog ko, natakot kasi ako. tanong ko kay Papi " Anu ung nasa taas Papi?" sinagot nya ko ng di rin daw nya alam at pumasok nalang daw kame sa loob ng bahay kasi amoy asupre na sa paligid at nakaka sophocate na ang amoy {bad for the lungs ang eksena}. So ang siste pumasok kame sa bahay sabay dating naman ni Mama ko na humahagod kasi daw sa Palengke ang eksena nag tatakbuhan ang mga tao kasi feeling nila pag na tapatan ka ng makapal na usok na amoy-asupre e mamamatay ka parang ung sa 10 commandments na movie ung old school, diba merong scene dun na all the first born will die tapos merong usok pag nadaanan ka ng usok pag first born ka ma deadbol ka, so feeling nila ganun {Medyo ganun talaga sa probinsya namin wag ka ng komontra} e si Mama ko number one nerbyosa talaga, pinainom ni Papi ng tubig at sinabihang wag matakot wala lang daw yun.
Kinabukasan...
Yey! Monday na at first day of school. Syempre maaga akong nagising dahil excited ako. OK na ang lahat. Nag init na si mama ko ng tubig na pampaligo at ready na ang breakfast na Pandesal at gatas ng cow pampatalino. Reding redi na 'ko. Syempre dala 'ko ang pencil case kong bago this year pati ang 16 colors kong Krayola. Masaya ako talaga kasi hindi every year bago ang pencil case ko, hanggat hindi nasisira kasi ang pencil case na luma ayaw ni Mama ko bumili ng bago ang hindi nya alam pinasagasaan ko sa daan ung pencil case ko na gawa sa lata na ang design ay thats entertainment artist para mapalitan ito, inshort succuessful naman ang plan ko on changing my pencil case next school year, I got a new pencil case this time.
Sa iskwela....
pag pasok ko sa gate diretso ako sa classroom para icheck and name ko. Agad ko namang nakita ang pangalan ko at umupo sa pinaka harap kasi gusto ko this year mag first honor ako kaya dun ako pumwesto. Pag pasok ni Mam sinabihan kame na kelangan na daw namin umuwi dahil sinabihan sila ng mga scientist {Check! scientist ang nabasa mo, kasi scientist ang tawag nila sa taga PHILVOLCS} na Meron daw sasabog na bulkan any moment from now ang susuka ng Lava baka daw malapnos ang sensitive skin naming nga chikitings. Nag panik kaming lahat, pinag fall in line kame na naka arms forward palabas ng klasrum {Imagine ang cucute naming mga nakapila na parang bulate}, sobra talaga akong disappointed wala akong kamalay malay na ang susunud na mga mangyayari ay babago ng tuluyan sa buhay ko...
5:00PM same day...
Ang lakas ng ulan sobrang lakas talaga, sabi ni Papi normal lang daw yun kasi June daw talaga ang tag ulan pero ang tunog ng bagsak ng ulan sa bubungan namin ay parang may nag babagsakang asteroids. At ung kulog OA sa lakas talaga nakaka takot talagang nakakaliit ng betlog. Nag decide si Mama ko na tabi tabi kameng matutulog that night kasi meron talagang hindi tama sa mga nangyayari sabi nya. Syempre nung gabing yun na nood muna ako ng favorite cartoons kong Ewoks at Captain planet sa RPN 9 bago ako matulog.
Kinabukasan 8:00AM
Nag luluto ng breakfast si Mama ko medyo maulan parin na may araw ng kaunti. Maya maya lang ang konting liwanag ay na balutan ng kadiliman, promise sobrang dilim talaga sabay kidlat na matatalim na kulay Red at sunud sunud na Lindol na susundan ng tunog ng nag tatakbuhang kabayo ang 'di namin alam major erruption na pala ni Manong Pinatubo nag wawarla na pala sya. Si Mama Ko nag nernerbyos na ulet, sabi nya takpan ko daw lahat ng salamin ng tela at sabay nag wiwisik sya ng suka sa bintana sabi nya ganun daw ang practice ng mga ilocano pangontra sa kidlat na malalakas. Maya maya ba nag iikot na ang base announcer { Sa loob kasi kame ng base nakatira dahil nasa Air Force and parents ko} ang sabi Abandon base na daw dahil dangerous.
HUWAAAAAAAAAAAT??!!!! yan lang ang nasabi ko. Wala kameng sasakyan sarili noong panahong iyon. At lahat ng mga tao ay nag tatakbuhan pa labas ng bayan samamtalang kame di makaalis kasi walang karlalu. Si Papi nag iisip ng paraan panu mai lalayo ang pamilya nya sa tiyak na kapahamakan. Sabi nya bigla "Aalis narin tayo wag na kayong mag dala ng gamit dalhin nyo lang ang pera at importanteng gamit..." Sa labas umuulan ng buhangin nag lalakad kaming apat inde pa mag ka partner ang tsinelas ko badtrip! tapos ung flashlight mag lolobat na. Sobrang kapal ng buhangin na ulan, nakita ko si Papi nakikiusap dun sa dyip na isakay kame buti nalang mabait ung driver sinakay kame at inihatid sa simbahan. Mula sa simbahan dumating ang Rescue na track para ilipat ang lahat sa safeplace para kameng mga pulubs nasira ang japorms pero syempre dala ko parin ang pencil case ko at krayola ko hanggang maka pag evacuate kame.
To cut the long story short {Napapagod na kasi akong mag type}....
Nasira ang bahay namin pero himala namang naka survive ang mga gamit namin at ang aso kong si Puppy. Pansamantala kameng tumira sa Bahay nila Papi sa Cavite at nag aral ako dun ng 3 months. Nakabalik ako sa school that same year pero inde ako nag first honor wala rin ako sa Top ten ng klase. Bumalik kame sa Base after maitayo ung nasira naming bahay at until now bahay parin namin un. Gusto ko sana mag lagay ng picture pero nahihiya ako muka kasi akong gusgusin nun pero cute parin. Pag palik din namin wala na sa mapa ang Porak Pampanga at parating nag lalahar sa Pampanga kahit na ang pinatubo ay nasa Zambales. Ang karanasan sa Lahar ay ibang istorya naman. Next time nalang pag sinipag ulet.
Yun lang... Salamat sa pag basa kosa
sa pamp. din ako, buti dito hindi msyadong na natbunan ng lahar puro mga buhangin lang at nasira mga puno.
ReplyDeletemaswerti parin tayo at buhay na buhay.
Cabalen!!!! Onga salamat k papa Jesus Dahil buhay parin tayo...
ReplyDeleteSalamat sa comment :-D
Haaayy.. nandun din ako.
ReplyDeleteKala ko katapusan na ng mundo. Umuulan ng asteroids. at itim na snow.
Salamat talaga mabiye tamu pa. :)
Wa pen ne :-D
ReplyDeleteAng saya diba?!
Salamat sa comment :-D
Pangalan ng aso mo Puppy? Hahaha.
ReplyDeleteNatatandaan ko din to, sa Alabang pa kami nakatira nun. Grade 5 ako tapos nasa park kami tapos 3:00pm pa lang pero mukhang 8:00pm na. Tapos hindi kami makadilat ng mabuti kasi lagi kaming napupuwing. Yun pala ashfall na yun. Nung sinundo kami ng yaya ko with matching payong parang binudburan ng powder yun payong. Intense.
taga san ka sa pampanga, jepoy.
ReplyDeleteonga naalala ko nun nanonood pa kami nina angel ng basketball ata yun or sumthing basta di kami umuuwi miski may ashfall pasaway talaga.
Taga Floridablanca Pampanga ako, 30 minutes away sa San Fernando {Merong explanation talaga na 30 min away sa San Fernando kasi usually Unknown ung town namin hehehe)
ReplyDelete