Ako ay sumusuporta din sa Pinoy bloggers...
Masarap din palang magsulat na gamit ang salitang parati mong bitbit sa araw araw, lalo na ung mga salitang ginagamit lang ng naayon sa panahon ngayun. So, yun nga na inspire ako ng mga pinoy blogger kaya nga na pa-entry tuloy ako ng ganitong istilo ng pag blog, nag flash back tuloy bigla sakin ang karanasan ko nung nasa highschool palang ako... yun yung nag represent ako ng School namin sa Journalism tapos Feature filipino ang category ko at syempre ako ang nag first place sa lahat ng cluster school (Nag yabang lang ng konti), mula noon nag ka interest na akong mag sulat sulat ng mga bagay bagay. Well, sa palagay ko napapanahon naman ang gantong pamamaraan ng pag blog kasi nga Araw ng Kalayaan ng bansang Pinas today.
Proud Pinoy
Kahit napakadaming sablay o di naman kaya panlalait ng ibang lahi sa Pinas e proud na proud parin ako na maging isang Filipino. Sayang nga at hindi pa uso ang three stars and a sun shirt nung time na nasa Amerika ako, naka pag angas sana ako ng todo sa pamamagitan ng pag display ng shirt sa aking pag lilibot-libot doon. Sayang naman!
Naalala ko din tuloy habang kame ay na mamasyal kasama ang aking mga tropapits sa Walmart para bumili ng delatang pampasalubong sa Pinas. Parati kame nag tatagalog at nag hihintay kame ng tao na lilingon at mag tatanong kung Pinoy kame, kasi nga madalas merong nakaka pansin sa amin. Usually ang tawag namin sa nakikita naming Pinoy ay"Standard" yun narin ung code namin para ma identify sila. At sa bawat Pinoy na nakaka usap namin ang pakiramdam namin kamag anak talaga namin sila, parang tipong may pag kaka kilanlan talaga. Naisip ko lang, baket kaya pag nasa labas ka ng Pinas na aapreciate mo ung mga Pinoy? Samantalang, pag nandito sa Pilipinas kung maka irap ka sa mga manang at manong sa Airport na ngongotong sayo feeling mo e parang wala ng bukas sa pang mamata mo sa kanila. Hindi ko rin talaga ma explain baket ganun, pero sa kabilang banda meron sigurong mas malalim na pinanggagalingan ang ganung pamamaraan ng madami sa ating kababayan na nag trabaho sa labas ng Pinas. Ganun pa man, saan man ako mapadpad parang merong pride na kaakibat pag nag papakilala ako sabay sabi na I'm from Filifins (with ef syndrome).
Anu nga bang dahilan baket ako proud Filipino? Una, ang bilis nating maka adopt sa environment ng mga banyaga, napaka linguist kasi natin, nasa dugo na yata natin un. Kapag kasi natutunan natin ang isang banyagang salita nagiging experto tayo dito, na halos hindi na nga makita ang diperensya sa orihinal at hindi, sabi nga ng mga puti "Filipinos are great Imitator" yan ang Pinoy!. Meron ba silang Manny PacMan Pacquio you know?!. At dahil nga sa hirap ng buhay kaya nating maging masaya, parati tayong naka smile kahit na kumakalam na tyan todo saya parin. Totoong matatalino ang mga Pinoy, sige nga sinong nag kalat ng iloveyou virus?! Oh diba?!Marami pang ibang dahilan kung baket ako proud Pinoy pero ang isa sa pinaka favorite ko ay ang pagiging close sa Pamilya, Isipin mo pag nag reunion diba ang dami mong minamanuhan pero inde mo naman kilala ang mga tanders na minamanuhan mo?
Ang sarap talagang namnamin ang pag ka Pilipino natin at salamat dahil naging malaya ang bansa natin kasi sayang naman ang pagod ni Bonifacio kung inde tayo naging malaya. Buti nalang likas na merong Unity ang mga ninuno natin, sana lang sa panahon natin ngayun hindi ma isang tabi ang pag hihirap ng mga bayaning nag pagal para ipag laban ang kalayaan ng ating Bansa.
Mabuhay ang ang mga nag pagal para sa kalayaan ng Pilipinas! Chos!
No comments:
Post a Comment