Friday, June 19, 2009

Baket mo kelengan basahin to?

May mga bagay tayong hindi malilimutan simula pa lamang noong tayo'y mga chikiting palamang. Gaya ng pag papaiyak mo sa klasmeyt mo o kaya naman vice versa. Ewan ko sayo pero ako, napaiyak na ko ng klasmeyt ko noon dahil pinag bintangan nya kong tumae sa classroom. Eh' samantalang hindi naman kaya ako ung tumae ung katabi nya kaya ung tumae, Hello!. Ang hindi ko maintindihan e baket gigil na gigil syang ako ang pag bintangang tumae, pakshet pala sya eh (Oo hanggang ngayun hindi parin ako nakaka move on. Buset!) So papalamang ba naman si Jepoy?Aba aba syempre ang ginawa ko Sinakal ko sya hanggang machoke sya. Nang bigla nalang... Pota! sakto namang paparating si Titser Sungit, Yariiiiiiiiiii!?!!??!!!! ....At ayoko ng ikwento ang mga sumunud na pangyayari. Kill joy na kung Kill joy!

Nasabi ko lang yan bilang intruduction sa entry ko today {Oo dapat everyday meroong entry!} sabi nga ng coach ko sa Journalism noong high school, dapat daw strong ang lead mo pag gumagawa ng feature article. Teka lang, Nalalayo nanaman ako, sorry mga kosa sakit ko talaga to. Sige mag fofocus na ko *Jepoy concentrating* Noong mga 80's hindi pa masyadong uso ang high tech gadgets at konti lang ang TV channels, nung 90's ganun parin diba?. So, ang tanging libangan lang nating mga behave and bright bagets ay manood ng TV or mag tatsing sa labas okaya mag tagu-taguan at mag bahay bahayan ng walang malisya {Oo dapat talagang sabihing walang Malisya diba boys?} okaya mamboso sa palda ng klasmeyts para malaman ang color ng panty nila, kung minsan nagiging pustahan din ito *umamin ka kosa!* So today mag li-list ako ng ilan sa mga sikat na bagets TV hits na tunay nga na nakapag bibigay saya at lungkot sa puso ko nung musmus palang ako. lalagyan ko rin ng kaunting description na ayon sa observation ko noong na papanood ko palang sya, para ang effect you can see what are my thoughts during that time {Syempre dapat paminsan minsan mag English diba?!}

Princess Sarah

Isa itong program sa ABS-CBN na pinapalabas tuwing 4:00 ng hapon. Sya ung isang batang babae na malaki ang mata na puro noo na merong shungang best friend na ang pangalan ay Becky na alipin sa dormitory na inaapi din ni Miss Minchin na tunay talagang Biatch at kinakainisan ng lahat ng bagets Noon {Super affected talaga lahat}. Meron ding love interest si Sarah dito sya si Peter na malaki rin ang mata at maraming freckles. Meron din Biatch na kaaway dito Si Sarah ito ay si Lavinia isang Malditang chikiting na klasmeyt nila Sarah na tunay na nagpahirap ng buhay nila.

Julio at Julia Kambal ng Tadhana

Based ito sa chinese history na medyo iniba ng konti. Isa itong simpleng pervert cartoons! kasi nga diba si Julio at Julia ay mag kapatid tapos sa dulo nag sex sila ay... nag tanan lang pala, pero ganun narin un. Anyhow, Meron silang kapangyarihan dito, pag nag holding hands sila meron silang powers na ang level ay 1 to 7 {Wag ka ng mag tanong basta merong ganung leveling}. Pero hindi ko na ma recall ung exact powers basta ang naaalala ko ay tinatawagan nila ang kapangyarihan ng liwanag at kung anik anik pang powers at ang pinaka makapang yarihan ay ang number 7 dahil nagagawa nilang mag replicate ng image tapos hina-hinaan factor sila pag ginamit nila un. Syempre pag hindi sila nag hoholding hands wala silang powers. Ang ending niligtas nila ang China sa tyak na kapahamakan. Talagang nag aabsent ako at nag sasakit sakitan para sa cartoons na ito. Dahil dito na discover ko na ang pag lalagay ng bawang sa kilikili ay nakaka pag cause ng high temperature sa katawan.

Voltron

Sinu bang bata ang hindi makakaalala sa Voltron defender of the universe {With british accent} basta yan nalang na tatandaan ko sa mahabang english introduction nya pag nag sisimula. Di ko na masyadong ma recall ang story neto basta ang alam ko merong Tiger tapos meron silang sinasabing "form feet and legs...Form Arms and Body..{tapos ung leader) and Now I form the head" yan nalang naalala ko. Manghang mangha ako talaga dyan as in tulo laway hanggang makukurot na ko sa singet kasi ayaw ko pang mag dinner kakapanood ng cartoons.

Voltes V

kelangan ko pa bang idescribe ito?! basta ako si Big Bert dati pag nag dradrawing kame sa lupa ng sarili namaing voltes V tapos kunyari dinadrive namin ito tapos pag uulan na mag drawing kame ng araw para hindi matuloy ang ulan.

G-Force

Maraming hindi na kaka alala sa cartoons na ito pero ako alalang alala ko ito. Kasi nag tataka ako pag lumulundag sila nakakalipad sila sabay buka nung wings nila sa kilikili. Naisip ko noon na pang glide lang naman un panu sila nakakalipad {May logic na ko noon kaya} pero ganun paman pag hapon ginagawa namin ito ng mga kalaro namin nag lalagay kame ng sako sa kilikili namin tapos pupunta kame ng bukid mag lalaro ng g-force kunyari lumilipad kame. Sarap!

Sailor Moon

Bakla ang nanood neto period!

RayEarth

Medyo bakla ang Nanonood neto period

Dog of Flanders

Ito ay nakapagpadurog ng puso namin ng mga tropa ko. Nangigilid ang luha namin noong namatay si Patrash at inapi si Nelo. Tahimik ang lahat sa loob ng bahay namin nandon ang mga kalaro ko kasi kame ang may pinaka malaking TV sa baryo kaya lahat ng tropa ako ang leader ay nasa bahay. Meron pa kaming meryendang dragon seed at cheese dog (ito ung chucherya na click na super alat dahil puno ng msg pero click na click samin).

Bioman

Alltime fave! walang tatalo!!!!!!

Shaider

Si Shaider at ang first Kras kong si Annie :-D. Basta pareho silang Pulis pangkalawakan na kalaban ang kampon ni Puma Lei Ar :-D

Machine Man

Makakalimutan ko ba si buknoy the fighting ball ng machine man?! ahahaha

Zenki

Lagi akong sumisigaw ng gintong palakol di diva sabay sipa sa kapatid ko kaya ako na papalo dahil yan sa cartoons na Zenki :-D

Masarap talagang mag balik sa pag kabata. Actually, ang dami pang list talaga ilan lang yan sa mga na aalala ko today.

Wala man akong lego at mamahaling robot noong bata ako dahil nga hindi naman kayamanan ang magulang ko. kering keri narin ang mga mga toys na baril barilan na gawa sa drumsticks na may balang goma at panonood ng bioman at iba pa. Na enjoy ko ang aking childhood ng sobra. Ikaw na enjoy mo ba?

30 comments:

  1. candy candy pa rin! lol

    ReplyDelete
  2. @ Jay yan ba ung merong kanta na "She's a girl pretty girl with ribbons on her hair..She's girl with lots and lots of friends to share.." {Kabisado?!) pag tapos kasi nyan mask rider black na sa channel 13 ahahahaha

    ReplyDelete
  3. watda!.. hindi ko na alam.. basta maganda un.. love story. kaso bitin hindi tinapos

    ReplyDelete
  4. at nakakalimutan mo ata ang peter pan pagkatapos ng ang tv.

    ReplyDelete
  5. Ayaw talaga paawat?! ahaha

    ReplyDelete
  6. hahaha. ayos.

    naalala ko tuloy nung grade 1 ako.

    napagkamalan ding ako yung tumae e yung seatm8 ko nman pala yung tumae.

    mga hinayupak. hnggang nung ngrade6 kmi, ako pa din ang inakala nilang tumae. hayuff. hahaha.

    share lng. nkarelate ako. haha.

    ReplyDelete
  7. At hindi pala ako nag iisa :-D

    ReplyDelete
  8. Uy bakit ba hindi kayo nanunuod ng Sailormoon?? Kaka-tanong lang sa akin ni Vince about yun... hindi nya daw kase kilala and alam yun story... e ang iiksi kaya ng palda nila? Dapat nagwatch kayo non better than Annie sa Shaider yun iksi ng skirt! hahaha Nagcollect pa ako ng cards non e... LOL

    Nakalimutan mo si Peter Pan... crush ko non si Peter Pan at natatakot ako kay Luna! Si Patrache wawa... na-sad ako ng OA (like weeks) di ako makapaniwalang may cartoons na may namamatay!

    ReplyDelete
  9. Actually nakakapanood lang ako ng Sailor moon dahil sa kapatid kong babae, nag susumbong pag nililipat ko ng channel...

    Onga nakalimutan ko si Peter Pan na boses ni Earl Ignacio...Funny!

    At ung k Nhelo at Patrache (ganyan ba spelling nun talaga?!) nakaka sikip ng dibdib talaga ahahaha

    So ang mga sosyalerang gatulad mo Peaches and Paprika na nonood din ng ganyan?! kala ko kasi Puro Walt Disney and Warner Bros lang pinapanood mo :-D

    ReplyDelete
  10. Dapat kasama dito ang Care Bears, My Little Pony and Friends at Rainbow Brite! :D

    ReplyDelete
  11. Miss Angel ang mga cartoons na nasambit mo ay pambakla period!

    ahahahhaha

    pero na pasulyap talaga ako sa carebears dahil meron silang count down. I remember nag drawing ako sa tummy ko ng lolipo tapos ung nagamit ko pala hindi marker pentelpen pala.POta! Ung Rainbow brite di ko carry masyadong pambakla ahahahaha

    ReplyDelete
  12. hoy jepoy nakalimutan mo yun peyborit ko na si He-Man..Master op da Unibers!

    ReplyDelete
  13. Aba syempre naman gusto ko rin un! lalo na ang gray skull I am the power litanya ni He Man sabay magiging super tigre ang pusa nya :-D

    ReplyDelete
  14. Haha.
    Isang malaking check sa candy, candy na maharot at sa opening song nito!

    Teka, nasan sina Cedie at Peter pan?
    hala!

    ReplyDelete
  15. lol. Maharot nga yung si candy na ngangati parati ahahahha

    Oo nga nalimutan ko si Cedie at Peter pan pero check sila sa mga cartoons na pinapanood ko noon!

    ReplyDelete
  16. wow. as in nakarelate ako sa almost lahat ng tv shows. yung g-force e naalala ko lang nung sinundan ko yung link. tapos yung sailor moon e hindi ko masyadong napanood kasi sa ABC 5 yun at malabo reception sa Baguio kaya di ko masyadong napapanuod. hehe. wala pa cable nuon. wahahha...

    nostalgic tong post na to! heheh

    ReplyDelete
  17. Ang pinakapaborito ko sa lahat ay yung Shaider.. Hindi dahil maaksyon o hindi dahil mahusay magkontra-bida si Lai-ar.. Idol ko si idah..

    gusto ko yung scene pag tumatalon na si Annie.. galing hahaha =)

    dyok la-ang

    ReplyDelete
  18. @ Kokoi salamat sa iyong pag bisita at pag basa sa entry kong wala naman masyadong halaga.lol.

    You're right nakaka miss mga old school na kinanalakihan natin :-D

    Bisita ka parati :-D

    ReplyDelete
  19. @ GOryonology una sa lahat ang hirap i pronounce ng name mo.lol. Ikawala maraming salamat sa pag bisita at pag kumento. Pangatlo isa kang manyak at balak mo pang agawin sakin si Annie ahahahahha pero sayo na sya ngayun baka lola na sya :-D

    ReplyDelete
  20. lahat ng show na un peyborit ko nung kabataan ko. haha :) salamat po sa pag vote :)

    ReplyDelete
  21. si julio at julio kambal ng tadhana di susuko sa pag . . . amm ano na nga yun . . .

    pinapanood ko din ito nung bata pa ko. :)

    ReplyDelete
  22. @iamloved walang problema, go ng go sa magagandang katulad mo chos! Walang anuman

    @Pablong Pabling isa ka palang Artista... Eto ang litanyang nakalimutan mo

    "Si Julio at Julia kambal ng tadhana di sususuko sa pag subok.." ahahaha

    Salamat sa pag comment paps :-D

    ReplyDelete
  23. wow zenki...
    nice ako rin

    power rangers?
    hmmm.. ako si yellow dun .. ininum ko pa nga yung tubig na may polbo kasi pampalakas daw yun..
    madami pa sa totoo lang.. nakakatuwa talaga yung post mo :))

    ReplyDelete
  24. hehehe.. naabutan ko pa ung mga yan :)

    ReplyDelete
  25. wow ang sarap balik balikan ang mga dating programang kinalakihan na natin..

    ReplyDelete
  26. hahaha... Jepoy!!!.. nakaka relate ako.... isa cguro ako sa mga ka berks mo...

    nyahaha... same tayu ng mga tv cartoons at programs na pinapanood.

    ReplyDelete
  27. huli man at magaling.. magaling pa din.

    grabe ka mag-reminisce. sila sarah, bioman, at shaider, at machine man, at voltes v lang ata naaalala ko sa kanila.

    talaga tinodo mo ang pag-aalala ah.

    amnesiac kasi ako eh.

    ReplyDelete
  28. Sayo ko lang sasabihin to ah, pero bakla talaga ako! :D

    ReplyDelete
  29. @ Keko pareho tayong favorite ang ang zenki :-D

    @Kox hay salamat 'di pa kong sobrang tanda ;-P

    @Carl Masarap talagang mag balik tanaw!

    @reyane makaberks nga tayo :-D!

    @Chicletz tinodo ko talaga ang pag reminisce to the highest level go go go!

    @Angel Awwwww fake pala ang obaryo mo ahahahhaa

    ReplyDelete
  30. Ilang taon ka na ba jepoy? Hehe. Peter pan paborito ko dati saka 'yung Nelo saka Patras. 'Nung grade 5 naman ako 'yung Remi na may kantang ganto.. "aking ina, mahal kong ina, pagmamahal mo aking ina.. yakap mo sa akin, hinahanap ko, init ng pag-ibig, yakap ng bunso... sa gitna ng pagkakahimbing, yakap mo ang gigising!". oh deva, memorized ko pa! :D

    Ako din si anonymous sa latest post mo na wala kamong kwenta at ayaw mong ipabasa. :D

    Galing! Paborito ko mga sinusulat mo na panahon ng kabataan mo. :) More entries about your childhood to come! :)

    ReplyDelete