Wednesday, June 17, 2009

Wag Basahin Walang Kwenta

Habang nag hihintay ng result sa Whatever 10 champion ko naisipan 'kong lumikha ng isa pang blog entry ang kaso nga lang wala akong maisip kaya come what may nalang ang effect {Oo may ganun talaga klaseng entry}

nagmunimuni ako kanina sa office habang nag tratrabaho ako na realize ko na mabuti pala akong anak ni Papa Jesus kasi pag merong mga instances na pwede akong magamit ay nagiging instrumento ako para hindi mapahiya ang kapwa ko sa ibang fifol {Oo ef talaga yan} Sabi nga ni Red Cross abasadress "kapwa ko mahal ko.." {Parang palabas lang} yan nga din pala ang reason kung baket ang blogsite ko ay iam a living saint kasi inde lang sa langit meron saint dito sa lupa meron din. Sinu pa nga ba edi si Jepoy.

Eto ang mga sample scene at tignan ang mga response ko baka pwede nyong i apply kung kinakailangan.

Scene1: Nakasabay mong mag lunch ang long time kras mo (this is it parekoy!) nung medyo nag kiskisan kayo ng siko tinanong mo sya kung meron ba syang dalang ketchup. Nung sumagot sya naamoy mong bigla ang hininga nya. Sobrang majontot at feeling mo meron syang halitosis halos masuka suka ka. Panu na nyan?!

Jepoy: Meron ka bang keytchup {Na may halong pa cute at byutipul eyes}
Girlet: Ay Oo wait lang nandito sa side {sabay ito sa pag langhap mo sa hininga nya. Eiwwww}
Jepoy: Meron akong tanong sa'yo ok lang ba? {Medyo nagcocontemplate pa}
Girlet: Sure, Anu un Jepoy
Jepoy: Hulaan ko kung anu breakfast mo kanina
Girlet: Sige nga what's that?
Jepoy: Tae ba ba ulam mo? Amoy kasi e

Scene2: Sik-sikan sa MRT at meron kang nakatabing construction worker na umaalingasaw ang kilikili power. Anu ang gagawin mo

Jepoy: Manong eto po po five pesos oh
Manong: Baket aanuhin ko yan
Jepoy: Mura lang po tawas sa divisoria tatlo piso po , yang five pesos pwede na pang one month. Para smell fresh kayo pag galing sa work.

Scene2:Nakita ko ang klasmeyt ko nung college na super ganda as in ba-baba-boom. E ang tagal na naming di nag kikita, sakto naman nakita ko sya sa Fridays sa kabilang table nag lulunch kaso nga lang mern syang kanin sa pisngi anu ginawa ko?

Jepoy: May manok ba kayo sa bahay, siguro wala noh?
Klasmeyt: Baket naman
Jepoy: Kumakain kasi ng mumu un manok

Kaya nag papasalamat ako k Papa Jesus sa talent na binigay nya sakin at least na kakatulong ako sa iba. Kayo anu gagawin nyo sa tatlong scene na yan kung sainyo nangyari yan? Pwedeng mag comment libre lang :-D

14 comments:

  1. ahaha..natawa ako dun sa ulam ng girlets..Naku pag ginawa mo talaga yun dalawa lang ang kapupuntahan mo..ospital or sementeryo..malaking away yun pag nagkataon lalo na sa construction worker eh bato bato katawan nun...hahahaha..

    ReplyDelete
  2. Kung ganun anu ang iyong gagawin

    sa Scene 1, 2 and 3??!! Go! :-D

    ReplyDelete
  3. Scene2: Sik-sikan sa MRT at meron kang nakatabing construction worker na umaalingasaw ang kilikili power. Anu ang gagawin mo?

    Wala. Pero makikita mo sa mukha ko na nasusuka na... Or pag ndi na nakayanan aalis bababa sa sunod na station. Para ka kasing pinapatay nang dahan dahan sa amoy e

    ReplyDelete
  4. Na iimagine ko ishtel ang fecial expression mo ahahahha! Para mo narin syang minura! ahahaha

    ReplyDelete
  5. Naku, jombagan ever ang ending ng mga to. haha

    ReplyDelete
  6. Acrylique Nyahahaha :-D Ayos diba?! :-D

    ReplyDelete
  7. It might work but I won't even attempt! Hahaha. :D

    ReplyDelete
  8. loko loko. totoo ba to. ahahaha
    aw. ang mean mo lols.

    ReplyDelete
  9. Paps itry mo sa isang klasmeyt mo kaya..Bilis!! :-D

    ReplyDelete
  10. @ Angel kaya pala Angel ang name mo :-D Inde ka lang mukang Angel pari attitude Angel din Naks! (Dahil dyan mag recommend ka pa ng books na babasahin ko)

    ReplyDelete
  11. hahaha lolz... tanong ko lang totoo ba lahat ng yan?? ehehehehe

    ReplyDelete
  12. Yes totoong trulalesh po ang lahat ng yan...

    Take Note Walang nagalit ni isa

    Baket?

    Nasa pag dedeliver yan ng lines at motibo ng puso mo. Gusto kasi ni Papa Jesus clean ang motibo like ni Jepoy fresh and clean :-D

    ReplyDelete
  13. Sige sige you'll be the first to know if I discover new treasure reads : )

    ReplyDelete
  14. Yey! hintayin ko yan :-D

    ReplyDelete