Friday, June 26, 2009

MRT vs Officemate

Na kakaboring ang araw ngayon...

Alam ko wala namang bago doon dahil para sakin lahat ng work related ay nakaka boring, laging sa umpisa lang ang excitement lalong lalo na kung first job mo pa 'to.

Meron akong kukwento senyo mga pare koy. Pero 'indi ito nakakaaliw or funny or something near to that ang istory. Medyo naalibadbaran kasi ako kahapon at naiinis ng kaunti.

Ganto kasi yoon.

Nag MRT ako kasi coding. At ganto ang Eksena sa loob ng MRT. Merong tatlong mag tro-tropa na nag uusap usap while si Jepoy ay nakakapit sa safety hand rail. Dahil masyadong sensitive ang aking tenga sa sound kahit merong tugtug na "poooopooopoooker face.." e na over heard ko parin silang nag uusap.

*Usapan Nila*

Boy1: Pare did'ya watch na ba the transformers?! Parrre, it's so cool I mean super ganda ng effects unlike the baduy Pinoy movies it's so kadireee I mean Eiwwww.
Boy2: Yeah your right Paree. Have you check na ba my new generation Iphone that my Dad gave me from States, Look oh (sabay taas nya) it has all the features that I am expecting, I'm sure all the pulubi girls sa campus will gonna' make papansin nanaman sakin tommorow.
Boy3: Yeah you bet pare. Kashe naman don't make kindat to them while walkin' sa campus.
Boy1: Hahaha you two are so kulet. Napansin nyo ba the weirdo Orc boy who's ordering cheese burger sa Mcdo while we are on the pila, He smells funny pare. It was like third grade Ck smell.
Boy2: Oo Pare I almost faint na nga because of that funny smell..
Boy3: Same here Parrree

*then*

Hindi ko na kinaya ang naririnig ko!!!! Parang gusto ko ng manuntok ng tao at gripuhan ang mga maarteng ito, mga buset!. Tumayo ako at dalidaling bumaba at sa pag daan ko sa kanila sinabi ko sa kanila...

That Orc your talking about?! He is the family bread winner sending his brothers and sisters to school to have a good education because they don't have parents assholes...

Pero syempre imbento ko lang yun kasi feeling ko kelangan nilang makunsensya... Hindi sila Conyo. Maarte lang talaga sila kasi kung Conyo sila hindi sila nasa MRT at pumipila sa mcdo para bumili ng cheeseburger small fries and small drinks. Dapat nandoon sila sa steak house... Asar!

Yan ang kwento ko end of story!

But wait..Hindi pa tapos ang Entry ko for the day (kala mo ha!) dahil may kasunod pa 'to.Kanina lang nag tanong sakin ang ka office mate ko ng isang walang kwentang tanong pero ang hirap sagutin. Sinumulan nya sa easy level lang.

Easy Round

Officemate: Jepoy kung ma mamatay ka ano ang pipiliin mo ang mamatay sa Lunod o mamatay sa sunog?
Jepoy: Wala ka nanamang magawa sa buhay mo kaya ako kinukulit mo! Pero ang pipiliin ko sunug nalang siguro kasi para hindi na bibili ng kabaong Mama ko at least ash na ko kagad after ng sunog.

Intermediate Round:

Officemate: E kung bibitayin ka ano pipiliin mo, i gagarote ka ng mapurol na blade. Mga six times ang bagsak bago maputol ang ulo mo or itatali ka sa gitna ng may sampung gutom na gutom na buwaya?
Jepoy: Ewan ko sayo! wag mo 'kong kulitin nag blog ako! Buset!

Difficult Round (Ako na ang nag tanong ang kulet nya kasi)

Jepoy: E ikaw anung pipiliin mo Umulan ng tae ng isang linggo or Humangin ng Utot ng 3 weeks?
OfficeMate: Baboy! (sabay balik sa station nya)

Pasensya na ulit wala nanamang substance ang contribution ko today.lol Para sa inyong lahat na nakibasa Happy Weekend and Godbless....


Enjoy the rest of the week with your love ones....

20 comments:

  1. adik ung co-worker mo! haha! natawa ko sa MRT experience mo. sarap nga manakit ng tao pag ganun sila magsalita. haha!

    ReplyDelete
  2. @Chikletz buti ikaw kahit nasa Tate ka inde ka ganun mag salita :-D

    ReplyDelete
  3. Man, those three guys are so, like, ka-badtrip! Like, kapikon, ye know? Wahaha.

    Kadiri ang tanong ng officemate mong adik pero napaisip din ako dun in fairness pero shempre hindi ko na inattempt sagutin. :D

    ReplyDelete
  4. Jepoy mga social climber mga yun..akala mo kung sino sila magyabang eh..ako nga di ko pinagyayabang yun ferrari ko ginagamit ko lang pamalengke hahahaha...

    Gusto ko yun tanong mo..ulan ng tae isang linngo ahahaha..tawa ako..putek! ahahaha...

    ReplyDelete
  5. haha! i love this!

    tigil tigilan kamo nila ang ka-eklavuhan nila. kurutin kamo sila ng pinong pino sa singit ni Anufi at ng sanrekwang mga tunay na veyklas. :)

    ReplyDelete
  6. omigas! parang waz akey napili dun sa tae or utot. kalerki.

    ReplyDelete
  7. kilala ko ba yang officemate na yan? heehee...

    mga trying hard conio ung mga un... sana pinalunok mo sa kanila ung iphone nila... mga buset. naiimagine ko kung gano kasakit sa tenga ang pakinggan sila...

    ReplyDelete
  8. @ Angel Like your one of em' huh ahahaha

    Kadiri talaga ang question noh aahah

    @Kablogie ang kulet diba?! hehehe

    @Anufi VEyklas Walang anuman! ang premyo ay para saiyo :-D

    @Stell ka shift nyo sya walang iba kundi si Depante ahahaha maaga kasi pumapasok un pag may class sya sa Masteral nya :-D

    ReplyDelete
  9. first time koh ditoh.. naaliw naman akoh sa post moh.... nemen 'ung mga nasa MRT... devah nagdudugo ilong nilah katataglish.. make up their mind... eenglish bah silah or tatagalog? they're so maarte naman! hehe.. nakigaya... eniweiz... 'ung tanong nang mga ka-officamate moh eh sarap makisagot... teka makisagot.. akoh siguro lunod... kc for sure dead agad akoh don since i can't swin... 2nd. hmmm.... parang walah akong gusto.... parehong so painful eh... 'ung tanong moh... i guess tae... ahehe... kc ang utot kakamatay agad... tae... kadiri lang naman... ano daw? parang ang eww! nang komentz koh.. lolz... naaliw kaya napa-essay... laterz. Godbless! -di

    ReplyDelete
  10. @Dhianz Salamat sa pag bisita at sa pag comment :-D

    Balik ka ulet :-D

    ReplyDelete
  11. ahaha :D

    natawa naman ako sa entry na 'to Ü
    pareho kayong adiQ nung co-worker mo. lol!

    and about the three boys lol
    arte nila.
    tinalo pa nila babae. ahaha :D

    pwede naman magsalita ng isang derechong tagalog. lol

    ReplyDelete
  12. @Kryk Sa susunud na makikita ko sasabihin ko na mag tagalog nalang sila ahahha :-D

    ReplyDelete
  13. kasi nung nasa pnas pa ko sa probinsya ako nakatira kaya un.. hehe :)

    ReplyDelete
  14. @Chikletz kaya pala :-D

    ReplyDelete
  15. hehe nagenjoy ako sa binasa ko.haha

    ReplyDelete
  16. @pinkynote salamat sa pakikibasa balik ulet ha :-D

    ReplyDelete
  17. Una kala ko asawa ko... nung next round naisip ko.. baka si Ohlee.... tapos di na kinaya ng powers ko kung suno....Yun pala .. Si Depante!!! LOL ADIK!

    ReplyDelete
  18. @ Peaches Adik talaga si Depante ahahahaha

    ReplyDelete
  19. Kulto ah.. (cool toh) - Natawa ako parang naka rugby opis-meyt mo hahaha (dyok lang)

    =)

    ReplyDelete
  20. @Goryo Oo tama ka naka rugby nga sya ahahaha

    ReplyDelete