Byernes nang gabi alas syete ang flight ko hinatid ako ni Pudrax tsaka ni Tito ko papuntang airport. Mahaba ang pila as in sobrang haba. Hindi ako makapag emote masyado na-iiwan ko na ang Lupang hinirang at ang Pamilya ko for sometime dahil mas kinakabahan ako sa immigration officer kung papalampasin ako o i-ho-hold at i-interrogate at hindi papayagang umalis. Maaga akong nakapag check-in, SQ921, bayad ng airport tax tapos pili na sa immigration kakaba-kaba.
IO: San final destination mo?
Jepoy: Check mo kaya sa Ticket
IO: Ano gagawin mo sa Singapore.
Jepoy: Mamasyal
IO: Iang araw ka doon?
Jepoy: It's there on the ticket 3 days...
IO: May kasama ka?!
Jepoy: Wala po
IO:Sigurado
Jepoy: Like, yeah!!!
IO: May booking ka ba ng hotel?
Jepoy: Meron
IO: Baket one day lang? Hindi ka matutulog?
Jepoy: Mamasyal ako sa Malaysia via bus tapos balik sa Changi Airport lipad sa Pinas uwi.
IO: Hindi ka pwede umalis, punta ka dun sa loob ng room.
Jepoy: @#$%??!!!! *syempre sa isip ko lang yan*
Iterrogation room:
IO: Ano work mo?
Jepoy: Engineer
IO:Patingin ng ID
*Jepoy Showing ex-company id*
IO: Sigurado kang hindi ka mag hahanap ng work mo doon?
Jepoy: Baket naman ako mag hahanap ng work doon Sir, Ayoko hong mag abroad.
IO: Mag kano dala mong pera
Jepoy: Saktong lang
IO: Anong sakto lang. Magkano?
Jepoy: *K SGD
IO: Sige, siguraduhin mong babalik ka ha!
Jepoy: Sus! Syempre naman Sir *On his dreamssss!!!!!*
Pawis na pawis me at kinakaban. Nakalusot na me sa potang Immig officer! Gusto ko sanang pak-you-hin kaso wag na. Diret so na me sa Waiting area at nag pasalamat kay Papa Jesas dahil hindi nya me pinabayaan.
Delayed ng one hour ang flight ko dahil malakas ang ulan. Kawawa naman ung mga susundo sa akin sa Airport. Mga 8 na kame nakalipad, sa sobrang stress ko sa IO experience ko, naka 5 glasses ako ng Orange Juice. 3 Glasses ng wine. 4 nuts. At main course dinner ay simot sarap. Pag dating ko sa Singapore! Gusto kong lumandag sa tuwa. At sumigaw ng this iz ettttttttttttttttttttttt!
Dumiretso ako sa bahay na titirahan ko, para mag pahinga kasi kinabukasan pre-employment medical check-up ko kasi. Tapos lunes ang first day ko sa trabaho.
Kinabukasan...
Dumiretso kagad sa Clinic for Medical Check-up. Tatanga-tanga yung medtech! Naka limang tusok bago ako nakuhanan ng dugo. Gusto ko nang sabihin na, Te' me nalang kaya para hindi ka mahirapan in chinese. Tapos X-Ray tapos, vision, weight, height tapos ang pinaka kinatatakutan ko BP. Pag check ng BP high blood me. Sabi kelangan kong bumalik sa susunod na araw para ma check ulet kasi mataas daw. Sabi ko hypertensic ako at nasa lahi namin yun, biyan nalang nya ko ng gamot para bumaba (Oo, marunung pa ko sa Doctor! LOL) sabi nya NO CAN NOT! which means hindi pwede. Na longkot me baka ito ang maging dahilan para umuwi ako ng Pilipinas ng wala sa Oras. I'm SCARED!
Itutuloy...
Inom k na gamot saka pahinga ka para bumaba bp mo. Wag ka magpastress masyado. Bakit ganon? Naharang ka ng bongga sa immigration?! Di bale im sure maclear
ReplyDeleteka din sa medical mo. God bless!
ganun ba ka-istrict ang immigration sa singapore? kelangan di nila knows na malapit ka na mag work sa kanilang mother place?
ReplyDeletebitin ang kwento. more.
omg antagal ko bang di nakadalaw sa blog mo? NASA SINGAPORE KA NA?!?!?!
ReplyDeleteAkala ko OFW bakit ganun? Anyways, congrats!
ReplyDeleteAng Pluma ni Jepoy ay nasa Singapore na! Yes, ako pa ang naunang mag-greet!
Sa lahat ng kinatatakutan ko sa med exam eh yang nagkakamali ng tusok. Takot me much sa needles, kaya pag naka ilang ulit den sila saken sa pagurok eh baka sa suntukan kame mauwe. Haha.
ReplyDeleteGoodluck sa Singapore Jepoy. :)
Good luck Jeps! :D
ReplyDeleteat last nanjan ka na parekoy.. gudluck po sir... panibagong pakikihamok sa buhay... :)
ReplyDeleteDo not worry Jeps, hindi ka papababayaan ni Papa God. At kung papauwiin ka nila sa Pinas mawawalan sila ng cute na empleyado! :P:P ahaha...Aja!
ReplyDeleteHindi yan! God is good sa mga taong mabubuti din. :)
ReplyDeleteDasal lang.
Ganun pala sa Immigration. O.O
wow nasa sg kana kuya jepoy..
ReplyDeletenice to hear from you jepoy. God bless sa bago mong tahanan.
ReplyDeleteKaya mo iyan, Jepoy. Isang hakbang na lang, dakilang OFW ka na.. Ahihihi.. :D
ReplyDeleteHindi yan. Takot lang nila na mawala ang isang magaling na bagong employee nila. Nakss... Nagsimula ka na pala today? Wow. OFW ka na talaga. Grabe! Congrats and God bless. :)
ReplyDeleteawwww don't be afraid na po.....everything's gonna be okay! smile :)
ReplyDeletehehehe sinunod mo ba ung "bawang tip" ko?
hahaha no can not..hihihi ingat ka sa pakikibaka mo sa SG kuya..=)
ReplyDeleterelax ka kasi para di mataas ang BP at wag ka papaBP kagad after mglakad.magpahnga ka muna....|At marunong ba talga magBP un?hahahahaha!!!
ReplyDeleteSana di maging sagabal ang pagiging hypertensive mo sa tuluyang pagpapayaman sa SG.God bless Jeps and good luck...:)
pre good luck sayo jan, yakang yakang yan!!
ReplyDeleteser jepoy, dis is really is it na talaga!Ow Ef Dabolyu ka na, good luck! ako ang isa sa masugid mong mambabasa...:)
ReplyDeletebumili ka na lang sa pharmacy ng OTC na pampababa temporarily. hindi naman makikita sa urine. bili ka ng captopril or coapprovel. wait ano ang last BP mo? hehe.
ReplyDeleteSabihin mo kakatapos mo lang magmarathon para kunyari hindi likas na mataas ang BP hehe
ReplyDeletewow, congrats. Ikaw ay isa ng Bagong Bayani. :)
ReplyDeleteinom ka marameng water kuya...
ReplyDeletebawasan din ang stress and pagkain ng fats....
kaya mo yan kuya! we are with ya all the way!
:)
waaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh.... anjan ka na pla sa ibang lugar kuya jepoy... Good luck po
ReplyDeletebaka kasi kinakabahan ka nung BnBP ka.
ReplyDeleteor hot ung nurse?
aminin.... hahaha
Konting tiis na lang. Malapit ka nang maging bagong bayani.
ReplyDeleteKonting tiis na lang. Malapit ka nang maging bagong bayani.
ReplyDeleteNgayon ko lang nabasa tong immigration experience mo! Hahaha! Pakshet naalala ko tuloy ulit yun experience ko right before going here. Bwiset silaaaaaa!
ReplyDelete