Una sa lahat pasensya na kung ang bukang-bibig ng blog ko ay ang Singapore Employment ko. Hindi naman ako namimilit na basahin nyo 'to. Click mo lang 'yung "x" button kung na buburat ka na sa kakakwento tungkol dito.
Anyhu mabahu...
Tunay na malakas talaga ang Jepoy kay Papa Jesus, dahil naging mabuti daw ang puso kong 'sing linis ng Wilkins kaya binigay nya ang ultimate wish ko. Opo mga bloggers isa na po akong undeclared OFW. Baket undeclared? Kasi hindi ako dumaan sa POEA. Ang haba kaya ng Pila tapos ang init-init tapos yuck pa yung mga nakapila like eiw so cheap. JUKKKKKKKK!!! Ang totoo wala na kasi akong time para dito. Doon nalang ako sa Singapore mag paparihistro na OFW na me.
Lilipad na po ang Jepoy next week para simulan na ang pag tra-trabaho para maipatayo ang dream house ni Mudrax. Gusto daw nya ng Bahay na may second floor. Sa kubo lang kasi kame nakatira kaya gusto naman daw nya yung gawa sa bato.
ito ang pruweba na legal na akong trabahador sa Singapore. Praise God! Mag tra-trabaho nga pala ako sa isang Oil and Gas Industry bilang isang Director/ Model. CHOS! Bilang isang simpleng Application and Service Engineer. Oo ako na! Hindi ko alam kung paano ko gagampanan ang trabaho. Seriously! Kaya pag pray nyo me ha. Nakuha ko lang kasi sila sa pamamagitan nang aking Charm and pefect smile na sinamahan ng konting tatas sa pag sasalita ng English. Oo ako na ulet! Ako na! Baket blog nyo ba to? Hmp!
Nag dra-draft ako nang resignation letter ko ngayon dito sa Kumpanyang pinag trabahuhan ko, only to find out na nakaleave yung potang Boss ko. Well Kebs... I don't give a damn. Iiwan ko sa mesa nya ang resignation letter ko at e-email ko rin, para may time stamped. Sayang wala sya, balak ko pa sanang i sungal-ngal iyon sa bunganga nya. Juk lang powz Lord!
Masyadong maikli ang two weeks para makapag prepare ako. Ang hirap pala ng iiwan mo 'yung mahal mo sa buhay. Hindi pala madali. Nag text si Mudrax sabi nya inaayos na daw nya yung cabinet ko tsaka yung luggage ko daw nililinis na nya, sabi nya mag iingat daw ako doon at parati daw akong tatawag sa kanila pag daw may nangapi sakin dun uwi nalang daw ako ng Pinas. Bigla akong nag emo. Kaya ngayon hindi na po ako humor blog. Emo blog na po me.
Ang dami kong tanong bigla sa sarili ko, sa sobrang dami gusto kong mag luto ng Sinigang na baboy. Matapos nang lahat-lahat ng ito baket ko ba gustong mag abroad?! Eh hindi naman ako nagugutum sa Pinas. May Kotse. Naka Condo.Nakakakain naman sa Jalibi kung gusto ko.Nakakanood ng Sine. Nakaka punta ng Boracay at may mangilan-ngilan na tunay na kaibigan...Baket pa, diba?! Dito sa Pinas may nag lalaba ultimo underwear ko. Ni hindi ko nga nakuskus ang skidmarks sa brip me. Dito sa Pinas nandito si Mudrax at Pudrax at si Bunso. Happy Together naman kame during weekend, kahit hindi ganun kadami pera. Kelangan ko ba talagang mag abroad?!
Yan yung mga emo mode questions na tinatanong ko sa sarili ko. Yan ang mga questons na sisira nang pagiging humor blog ko. Dapat mag palit na ko ng header, "Pluma ni Jepoy a Journey of a lifetime" Chos! Sagwa ampota! Pero seryoso, ang hirap kasing umalis ng comfort zone.
Pero ginusto ko 'to. Nakayanan ko naman din dati noong panandalian akong tumira sa Amerika. So I think I will do great. Siguro papayat ako at magiging super hot. Magkakaroon me ng sixpack abs at dahil wala akong makakain papayat me at mawawala ang double chin ko. LOL. At mag titipid ako ng one month dahil wala pang sweldo, kakainin ko lang ay Ahm at lugaw. Yay!
And now my Singapore kwentong katarantaduhan starts right here...
Salamat sa walang sawang pag tangkilik. EB tayo bago sana ako umalis kaso wala akong pang libre. Purito much kaya nahiya me mag invite.
Yown lang! God Bless!
congrats and good luck sa SG. :)
ReplyDeletenaks P2, so meaning ang sahod eh 2500-7000 SGD...
ReplyDeletehahahahaha...
nakikisawsaw lang...
gudluck sayo parekoy, mag iiba na ang environment mo, panibagong pakikisama, mas madugo ito sa ibang lahi na, ganun pa man, kaya mo yan.. kaya mo yan parekoy...
ReplyDeletenice. atlist di ka na makikipagkiskisang siko sa mga nakapila sa POEA.
ReplyDeleteMahirap nga talaga magstep-out sa comfy zone. It takes a lot of courage... as in a lot.
TC sa pagbyahe sa singapore. :D
Hoy 'pag andito ka na 'wag ka masyado magpaka-EMO baka agawan mo pa kami ni Bulakbolero ng readers. DYOK!
ReplyDeleteGood luck sa pagpapapayat mo dito. 25-30 lbs. nga pala ang itinaas ng timbang ko simula ng pumunta ako dito sa Singapore. Wala lang. LOL!
weee... Godbless sir jeps kung saan ka man dadalhin ni Lord.. wahehe
ReplyDeletekala ko pa naman bibisitahin mo na ko dito.. hahaha! ipon kang limpak limpak. LOL!
ReplyDeletecongrats and god bless, jepoy. kayang-kaya mo yan. ikaw pa! :)
ReplyDeleteWag kang makalimot sa pinanggalingan, Jepoy. *Naks, insert Maalala mo kaya theme song here,* iiyak ako ng 1/4 sa kaliwang mata pag umalis ka,, pramis.. :D:D:D:D:D:D:D
ReplyDeletecongrats!!!!
ReplyDeletepwede naman kkb pag nag eb hehehe tara na
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletehoy jeps nakakataba din ung ahhhmm at lugaw ah..feeling baby oh!hahah
ReplyDeletecongrats naman at lalangoy ka na sa mas nakalulunod na salapi ng singapore!wag ka na maemo,isipin mo na lang para naman sa mudak mo yan..kayanin mo lintek!galet? happy trip jepoy...muah!
uy! ingat kung saan ka man tutungo... hehehe!
ReplyDeleteGood luck, jepoy!
Pambihira.. next week na pala alis mo.. Wala na palang chance na makapagmeet tayo at maibigay ko sayo yung request mong pabango.. Nabilhan na kaya kita! tsk..(ako nalang gagamit LOL).. dibale I'm marami pang next time! and I'm sure hindi lang house ang maibibigay mo kay mother dear mo.. hehehe
ReplyDeleteCongrats and God bless you ser jepoy!
congrats. segurado maeenjoy mo ang bago mong work na yan.kahit na may mga iiwanan kang di mo madadala sa singapore isa na ang pulang sasakyan mo at ofcourse ang iyong pamilya at mga kaibigan.Iba yon pero ang maganda may bago ka namang experience na mararanasan.at malalaman pa rin namina ng mga kaganapang ito. Mabrook.Jepoy.
ReplyDeleteGod bless
congrats at good luck sa SG!
ReplyDeleteMasaya ako na nakamit mo na ang iyong ultimate wish ngayong taon. XD
ReplyDeleteYayaman ka na LALO!!!! XD
Congratulations, and good luck!
Awww....Happy trip!Puro instant noodles na kakainin mo don..hahaha!!!Aabangan namin ang paglabas ng abs mo.
ReplyDeleteIngatz!Hangad namin ang tagumpay mo...weh?!hahahaha!Good riddance este good luck.:)
finally...:) I'm so happy for you. magingat ka sana sa pagbiyahe mo at pag andun ka na rin. May God be with you always.....:)
ReplyDeletenakakalungkot naman tong balita mo jepoy. sana may mangyari at di ka matuloy. joke! haha :))
ReplyDeletegood luck sa bagong kabanata ng buhay you. excited na akong magbasa ng mga singapore chronicles mo! aja! :)
have fun sa bagong kaganapan sa buhay mo!
ReplyDeletesige pag may meeting ako sa Sg, huhuntingin kita. hahaha! by that time, may sweldo ka na. manlilibre kana. hahaha!
God bless sa new life mo sa SG kuya jepoy..sana makapagblog ka pa rin kahit magiging busy ka na sa life mo doon hehehe =)
ReplyDeleteinireport ko pala sa DFA at POEA itong blog mo, sana mabasa nila, hahaha.
ReplyDeletegud luck! meet tayo bago ka umalis.
Goodluck pareng Jepoy..sana wag mo kaming kalimutan at mamaliitin pag bumalik ka dito sa pinas. Ikaw na ang nasa Oil and Gas at kumikita ng xxx,xxx/mo.
ReplyDeleteBawal din ang pagPETIKS mo dun unlike here todo blog hop ka at tweetdeck. wahaha!
At saka may utang ka sa amin na pakain sa isang mamahaling restaurant.
congrats and good luck :)
ReplyDeleterepost hangkomentz! =P ingatz lagi jepoy... isang *big hugz* for yah... =)
ReplyDeleteEB tayo sa singapore!!! takte! punta raw bah nang Singapore... ahhaha.. EB ko kayo ni kuya dude... teka!!! humabol kah Jepoy... aalis ka nah 'la kang remembrance saken... lolz(deleted 'ung part... haha... mahirap masyadong sikat page moh...lolz)....*churi* emo bah dapat reply koh?... nde yan! kaya moh yan JEPOY!!! *aja* you'll be fine... baka andon si cinderella moh... naks... you can do it Jepoy!... i believe you'll be as funny as ever... we love yah... naks... you'll be fine! God is w/ yah... gudlak sa new journey... nd we all be w/ u too... Godbless! -di
Potaaashet pinagtyagaan kong i-skipread itong entry mong puro typo. Sa iyo lang ako nakakita ng spelling ng am na may h. Ahm??? Malandi???
ReplyDeletePero you should know, sabi nga ni Miss New Yo: is a first impression of every someone, to each and everyone that you can never expect for something else beyond!
ayan nagwork na ang mga prayers...im so happy for you jepoy..Goodluck and Godbless sa bago mong buhay....(hindi ka ba nashoshock at parang ang seryoso ng comment ko?lols)..
ReplyDeletekaya mo yan....una lang yang mga tanong.....ang importante masaya ka sa desisyon mo...go lang ng go!
nakakainggit!! haha. basta wag kang papauto sa mga taxi diyan sa sg. lupit nilang manggoyo. hehe.
ReplyDeletePag andito ka na, libre mo na ko ha? :) congrats po.
ReplyDeletecongrats Jepoy! Goodluck sa SG and wag mo kami kakalimutan pag sikat na saikat kna sa Singapore ah! ahahhaha :P
ReplyDelete"Siguro papayat ako at magiging super hot. Magkakaroon me ng sixpack abs at dahil wala akong makakain papayat me at mawawala ang double chin ko. LOL. At mag titipid ako ng one month dahil wala pang sweldo, kakainin ko lang ay Ahm at lugaw. Yay!"
ReplyDeleteparang hindi halata na nagpaparinig ka sa mg bloggers ng SG...paging bloggers from SG...lolz! joke.
Anyways, Good Luck ang congrats sayo!
ahmmbilis talaga ng mga pangyayari..
ReplyDeletecongrats!
ingat sa byahe...
Good for you Jeps that nagbunga na rin ang paghihirap mo..char may ganoon?haha
ReplyDeleteAnyway, keep praying to Papa Jesus & good luck. Bon Voyage!
Naks... Congratulations Jips.
ReplyDeleteWag ka na maemo, napakalaking blessing niyan at ang tagal mo hinintay. Kaya pak lang! Bright side na lang: Lalangoy ka na sa salapi. Haha.
At hindi ko kinaya ang abs, am at ang hotness transformation mo. Haha. Parang gusto kong macomatose. Ingat ka dun. God bless. :)
Wow! Congratulations to the max! You deserve it. Ganyan din ako bago umalis noon. Tinatanong ko sarili ko kung kailangan ko nga bang umalis. Sa lagay mo ay talagang nasa comfort zone ka di katulad ko na walang kotse, nakikitira lang at walang ibang aasahan kundi ako. Kaya nasagot din ng aking inner-self (konsensya) ang aking tanong.
ReplyDeleteIn your case, I think kailangan mo pa rin. Ikaw na ang may sabi na bukang-bibig mo ang Singapore, it means your heart desires it - so you should go. Saka na yung regrets, atleast you've tried. Di naman masama maging OFW, kaya nga nagiging bayani sila eh.
O di ba pag-apak mo ng Singapore halos ka-level mo na si Jose Rizal hehe! Kulang na lang ang barilin ka haha!. Baka umiyak ang bespren mong si glentot niyan haha!
God bless and congratulations ulit.
Aww! Lilipad na. Ingat sir jepoy! Mga bagong adventure na ang sunod naming mababasa sa'yo. Paraffle mo muna yung maiiwan mong kotse sa blogosphere. Hehe.
ReplyDelete. . . applicable ba ang magpa- stag party sa ganitong pagkakataon?
ReplyDeleteingat ser at sana ma-meet ko kayong fellow bloggers dito sa singapura, hehehe!
ReplyDeletewow, good for you!
ReplyDeleteweehee, pagpunta ko jan sa May, alam ko na kanino ko makikitira ^_^
chorls!
Ayokong maka relate kasi hindi naman dpat.. haha,, hindi naman dpat kasi di namn ako mangingibang bayan,, pero I agree with you mahirap iwanan lalo na ang kinasanayan.! wala kang ibang aasahan don kundi ang iyong sarili lamang.. pero lahat naman nakakasanayan!..
ReplyDeleteEenjoy mo lang..lapit lang naman nag SG ilang tumblings lang yan.. abangan mo lage ang seat sale ah..
goodlucks!
Congratulation much!! Happy for you! Grabe,.. hindi lahat ng tao may oportunidad..pero totoo yun.. bakit pa tayo aalis sa Pinas..masaya naman tayo sa mga tao dun... hayy x( Napapa-emo din tuloy ako.. ay whatever.. dapat maging happy!! Goodluck sa lakbayin
ReplyDeleteAwww... Aalis ka na pala. I'm so happy for you Jepoy at ang minimithi mong pangarap eh abot-kamay mo na (naks!). Sayang di man lang tayo nakapag-EB bago ka umalis. Congrats ulit and Good luck sa yo dun! :)
ReplyDeleteCongratulations, Jepoy! Viva Mapua!! hehehehehe Hala bira!!! Pit Señor!!!!
ReplyDeletemaraming salamat powz sa lahat ng inyong commentaryo! Tenchow beri many!!!! Tinatamad me isaisahin kayo eh. Next time powz. LOL
ReplyDeletecongrats! blowout nman jan..
ReplyDeleteUy wow! Congrats Jepoy! Dis is it! ikaw nga! hehehehhehe... Wish u all da best! o ha! hehehhehehehe
ReplyDeleteyahuw congrats
ReplyDeletenakow iiwanan ang bespren glentot
God bless Kuya Jepoy! Panibagong adventure na naman...See you soon!
ReplyDelete-Yna
jepoy!!! hapi nyu nyir muna...
ReplyDeletecongrats na din pala!!
bakit ka pa nga mag aabroad?? bakit?? bakit???? ang sarap sa pinas...
aalis ka na...aabangan namin blog posts mo sa SG...ingat sa SG...at sana pagbalik mo eh super hot ka na haha...makaka EB mo sina bulakbolero at gasul dun..lol..hehe..at congrats sayo ^^ gusto ko rin sa SG magwork! haha.... ^^
ReplyDelete