Tuesday, January 4, 2011

Kapirangot na Update lang...

Hindi ako mapakali, masyado nang nangangati kasi ang betlogs ko. Jowk! Sa katotohanan hindi ako mapakali dahil nga sa kakahintay ng update nang aking possible employment sa Singapore. Last time na ikwento ko na 'yung nangyari diba? Kung 'di mo alam skip read kang Putangina ka. Juk!

So hindi ko tuloy maikwento masyado na umuwi ang mga cousins ko from Canada-Ei.

Na miss ko talaga sila...

Sa sobrang miss ko na excite ako sa pasalubong nila sakin at nag nose bleed ako ng tunay at wagas pati gilagid ko dumugo sa kaka-English at di ko rin makwento na naginom kame at ako ang nalasing dahil hindi naman ako manginginom tapos nag suka ako sa may front desk Area sa isang hotel sa makati tapos nakatulog ako nakayakap sa Inodoro. Tapos kinabukasan pinagalitan ako ng Tito ko dahil ako daw pasimuno nang pag lalasing, eh nayaya lang kaya ako?!

So yun nga...Ang hirap kasing mag hintay nang mag hintay nang update galing sa HR tapos paunti-unti yung update, kainip much. Para lang akong tanga hintay ng hintay ng tawag at email.

Last week dumating na ang aking Kontrata (finally) sa aking papasukang Kumpanya sa Singapore. Okay naman ang package pwedeng makabili ng isang Chicken Rice na pananghalian once a day at kaya naman mag load ng MRT card ng isang bwan. Kaso lang 45 minutes lang ang lunch time, talagang naka stipulate sa kontrata, Shayt! Pero pinirmahan ko narin sayang naman. Mag papakipot pa sana ako at hihingi ng increase sa sweldo kaso baka mauntog sila at magising sa katotohanan na mag hi-hire sila nang isang tatanga-tangang empleyado bwahihihihi

So nag email na nang congratulatory email yung HR tapos nag email na sa akin ng instruction upang i proseso ang aking Work Pass. Ang daming forms, nakakatamad mag fill out.

Para lang sa hindi na kakaalam, sa Singapore naka base yung Hiring mo sa Work Pass approval na manggagaling sa Gobyerno nila. So sa madaling sabi, hindi natatapos ang hiring mo sa Job offer mo, kelangan munang magkaroon ng Work Pass ang isang foreign Applicant bago sya tuluyang masabing "Hired" ng Kumapanyang gusto syang kunin.

Nasa stage na ako na pinupruseso yung Work Pass ko. Ang hirap mag explain. LOL

Ang punto ko, nakakaburaot mag hintay... hindi nalang kasi sabihin na wag ka nang umasa di ka pede finish! Okay, naka-reklamo mode On nanaman ako. LOL Siguro kinakabahan lang ako kasi nasa huling pag hihintay na part na ako, at kating-kati na ko mag resign dito sa aking pinag tra-trabahuhan pero ayoko naman mag resign kasi kung ma decline ang Work Pass ko edi patis at kaning lamig mode on ako?!

Hindi tuloy ako makapag kwento nang maayos sa aking precious blog kasi lagi akong nagbabasa ng forums tungkol sa buhay Singapore, syempre ayoko namang maging tanga-tangahan pag dating ko doon. Isa pa, wala pa akong titirahan at medyo mahal ang gastusin doon, kamusta naman ang pag babalik bedspace?! Hindi ko yata kaya kasama ibang lahi sa kwarto. Baka amoy putok na pinag samang utot na shinake ng 2 weeks sa garapon ang amoy nila, like eiw imma die in pain.Arte lang!

52 comments:

  1. wow congrats nman jan... good luck bro!

    ReplyDelete
  2. @Keatondrunk

    Salamat tsong. Sana nga! Salamat sa pag daan Sir!

    ReplyDelete
  3. kapiranggot talaga ha..hehehe

    advance congratulations po alam ko tanggap ka na. at sana wag kang makakalimot :P

    ReplyDelete
  4. Dalhan mo ko ng mga tocino at longanisa ha. (Hoy uunahan na kita, hindi ako nag-backread!)

    ReplyDelete
  5. @kletmakulet

    Hi klet makulet. Thank you ha! Hindi ako makakalimut natatandaan ko nga lahat ng kaaway ko eh. bwahihihi

    Thanks *Smack*

    ReplyDelete
  6. @Gasul

    SKIP READERRRRRRR!

    Patawarin mo na muna ang tocino at longganisa marami akong dala hindi ko alam paano mag kakasya ang 30Kgs sapatos palang over baggage na ko. WTF! Yun eh kung maaprub ang pass ko ahaha. Ipag pray mo ko sa NOvena bilis!

    ReplyDelete
  7. tama ang ginagawa mo na pinag-aaralan mo na ang singapore life para hindi ma-culture shock (based sa friend kong nasa singapore na).

    Malapit na ang pagsingapore mo jepoy. :D

    ReplyDelete
  8. @Khanto

    Parekoy Salamat sana nga at mag dilang anghel ka, isang sundot nalang pasok na sa jar. LOL

    ReplyDelete
  9. this is good news. kunti na lang nasa singapore ka na. tuloy tuloy na ang swerte sayo ng 2011.Maganda daw sa doon balita ko.
    God bless na lang Jepoy.

    ReplyDelete
  10. @Diamond R

    Onga konti nalang Sir, sana nga. Maganda din balita ko eh, sana nga sir. Salamat sa pag basa at pag back read sir hanggang 2008, grabe nakita ko ung comment mo. Salamat sir

    God Bless din...

    ReplyDelete
  11. In love, waiting is the sweetest stress. Wala lang. Epal lang para mukhang nagskip read. Haha.

    Eh kalma lang kasi, atat ka naman eh. Ipagdasal mo ng mataimtim at buong pwersa para di maunsyami at dumating na yung shitty work pass mo. Lilipad ka din, wag kang excited. Haha.

    ReplyDelete
  12. @Yow

    Gusto kong ma excite eh, baket ba?! alam mo excitement pag malapit nang lumabas ganun. Juk! Wag kang bastos hindi un tinutukoy ko.

    Ikaw na nag uumenglish!

    ReplyDelete
  13. para maiba naman, papangitain kong hindi matutuloy yan! Boooo! Booo! Wahahaha.

    Gudlak. Congrats.

    ReplyDelete
  14. Ikaw na iyan, Jepoy! Isa kang kapita-pitagan at nag-uumapaw sa kahusayan na pantas ng sangkalawakang-space.. Ikaw na ikaw na iyan! Isa ka nang dakilang OFW! LOLOLOLOL. :D

    ReplyDelete
  15. sana ay maapprove na ang iyong work pass ASAP! XD

    congratulations ulet jepoy!XD

    ReplyDelete
  16. ganyan talaga, sabi nga nila, isa sa pinakamahirap gawin ay ang maghintay, pero don't worry na kasi, malakas ang kutob naming mga supporters mo na sungkit mo na ang matamis na trabahong gustong gusto mong makuha, kaya lang....maghihintay ka pa ng konting konti na lang naman hehehe.....God is with you.....:)

    ReplyDelete
  17. hala malapit na maging OFW si jepoy... congrats nyan men...

    ReplyDelete
  18. Jepoy make sure you read pinoysg na forums para may guide ka kahit pano, andun din mga kasama sa flats etc kung wala ka pa kasama sa bahay... i wish you all the luck, matutuloy to mabait ka naman eh =)

    ReplyDelete
  19. bilhan mo ko ng Sg tumbler pagdating mo dun ha? kthanksbye

    ReplyDelete
  20. Ayun nga sa The Secret - claim it and it will be yours.

    Claim it! Pasok ka na dyan! :)

    ReplyDelete
  21. sisiw lang yan jepoy. fight fight fight. pasok na yan.. kamutin mo muna pangangati mo. haha!

    ReplyDelete
  22. Makukuha mo na yan jepoy, konting antay pa daw..mga 48 years..lol

    ok lang kht konting update muna sa ngayon,basta magpopost ka pa rin kahit nasa sg ka na ha! ;D

    Congrats.Good Luck.Happy Trip.Ingat.God Bless.Enjoy SG!

    ReplyDelete
  23. Singapore. Wew. Ang isa sa pinakamasarap pagtrabuhahan na bansa. Wala nga lang akong ideya kung masasarap din ang mga bebot dun.hehe.. Ingat ser!

    ReplyDelete
  24. Binigkas ko ng malakas ang Canada-ei. Feeling ko ang sushal sushal ko na! Shet! :))

    Goodluck sa Singapore! Kaka resign ko lang. Sana may mahanap den ako sa ibang bansa. Gusto ko sa Iraq! Para laging may adrenaline rush!

    ReplyDelete
  25. tiis tiis lang muna kasi kuya im sure naman pakukuha mo rina ng work pass mo eh..tulad nga ng sabi ni sis chiks kamutin mo na alng muna yang pangangati mo hehehe

    ReplyDelete
  26. konting prayers na lang yan kuya jepoy,! congratz po happy much me, hehehe

    :)

    ReplyDelete
  27. jepoy you are so galing talaga! si gasul nabanggit niya sa akin dati na may mga apartment na parang government monitored mas tipid daw yun. congrats talaga! hihihi! =)

    ReplyDelete
  28. Good things come to those who wait Jeps..so be patient and i-pray mo lang yan sa lahat ng santo na ma-approve yung work pass mo. :D

    One more thing, be always positive and the universe will conspire to bring you what you desire in your soul. ^^

    God bless you!

    ReplyDelete
  29. parekoy sa lahat talaga ng nakakainis ay ang maghintay. nakaka bwesit diba haha.. wag mo munang isipin ang shake hake boom boom na pianghalong amoy na yan, isipin mo na lang pagsakay ka na sa airplane hihih... gudlick parekoy

    ReplyDelete
  30. Hi Jepoy! :)

    Tara, usap tyo. Matagal na ako dito sa Singapore e. Goodluck sa pass. :D

    ReplyDelete
  31. . .. size 8.5 shoes here!

    ReplyDelete
  32. wag kang masyadong atat, darating din yan. wala namang weight limit sa employment pass, hahaha
    wala akong kwentang magcomment ngayon, lutang utak ko ngayon hahaha.

    ReplyDelete
  33. Lol. di ko alam kung nagbasa na ba ako dati o ngayon lang... pero siguro ngayon lang.. di ko lam kailan kita finollow..

    at sana maging maganda naman kahantungan ng mga worries mo sa paghihintay... hehehe...

    sana nga maging okay lang..kase sabi mo nga di ka pa hired hanggang walang work pass...

    goodluck much.

    ReplyDelete
  34. Ang ganda ng structures.

    Haha overracting kayo, hindi ka naman inaway eh...

    ReplyDelete
  35. Wow! Congrats ha! hehehe.. sana ma hire ka.. tapos.. sasampalin mo kami ng Singapore dollars.. lol..

    Anyway, bakit mo alam ang amoy ng utot na hinalo halo sa garapon? hahaha..

    ReplyDelete
  36. maraming salamat sa inyong mainit na bati, sing init nang lugaw ni manang. Gusto ko sanang isa-isahin ang inyong mga comment para personal na mag pasalamat kaso tinamad me. Kaya dito lang kayong lahat para combo parang chicken joy lang.

    Bibigyan ko kayong lahat ng isang sweet kiss.

    *SMACK*

    ReplyDelete
  37. sus, edi makitira kila jowell. hahahahaha.. goodluck parekoy. masigabong buhay singapore para sayo. ikaw na ang ofw..haha

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  38. nakapagcomment n b ako?
    -kikilabotz

    ReplyDelete
  39. congratz jepoy! :)

    Bigyan kita tips.

    HIndi matagal ang pagprocess ng Employment pass dito. 1 to 2 days lang malalaman mo na kung approved or hindi. Straightforward mga tao dito hindi katulad jan na pinapaghintay ka.

    I hope hindi ka nagbayad ng malaking placement fee.

    Napadaan lang :D

    ReplyDelete
  40. Hi Mr Chan

    Salamat sa comment.

    Hindi po ako nag bayad ni Singko. Direct hire po ako. kakapasa ko lang po nung monday ng EPass form na pina fill out sakin ng HR para ipasa nila sa MOM. So hinintay ko po ang HR na mag sabi sa akin kung pinasa na nila sa mom or kung may IPA na ko.

    Salamat po sa comment.

    ReplyDelete
  41. Wow Tagalog na tagalog! I suggest po na mag aral ka ng Baybayin... Reclaim our heritage!

    ReplyDelete
  42. Excited na ako sa mga kwentong SG mo pag andun ka na hehehe...

    ReplyDelete
  43. last time na dinalaw ko etong blogs mo, interview mo palang sa singapore, ngayon lumelevel up na,

    I pray na next time na post mo, at pagdalaw ko d2 hired kana..

    Gudluck

    ReplyDelete
  44. Wala akong makoment kundi isang bonggang jabonggang good luck sa SG!

    ReplyDelete
  45. tiga-singapore den si kuya dude devah.. makitira kah don!... lolz... awww... aalis na u sa pinas... mangingibang bansa ka na ren... awww... eh ganon pa ren naman eh... magkalayo pa ren naman tau eh.. lolz... walang koneksyon mga komentz koh.. maka-type lang... oh yeah pansin koh lang laging may word na "betlog" ang mga entries moh... ahaha... sige gudlak kuya jepoy... kuya eh noh.. 'la pix greeting for muwah?... deadline bukas... lolz.. ingatz... Godbless!

    ReplyDelete
  46. good luck! marami rin naman Pinoy doon kaya im sure hindi ka masyado mahohomesick. :)

    congrats!

    ReplyDelete
  47. wala pang bagong post? balitaan mo kami. mag telegrama ka. char! hehehe.. gusto ko about resignation naman. demanding? hahaha.. good luck! :D

    ReplyDelete
  48. wow.
    99% sure na yan!
    kapag naudlot pa yan eh malamang sa malamang, may balat ka o isa sa kaibugan mo ang may balat sa pwet..hehe

    congrats.

    ReplyDelete
  49. HOY.
    kami nga 30 minutes lang ang lunch! pero ayos lang. kasya naman na sa akin yun kasi kung tatagal pa baka tumaba ako dahil inuubos ko ang oras sa paghihintay sa pamamagitan ng pagkain. good luck sa iyo! tuloy tuloy na yan. kita tayo sa SG sa june! ;)

    ReplyDelete
  50. @XG

    I'll see you soon then. Arte.

    @NielZ

    Nag mamadali you?!

    ReplyDelete
  51. xlink po tayo...

    www.samataniuno.blogspot.com

    ReplyDelete