Wednesday, January 19, 2011

Jeep

Umuulan kanina. Sumakay ako ng Jeep. 'Yung Jeep na 'sing haba ng train ang passenger's seat sa likod. Okay, exag na! Basta, mahaba sya compared sa regular Jeepney. Walang ibang taong sakay ang Jeep kundi ako lang syempre kasama driver wag kang pilosopo gri-gripuhan kita dyan. Pinili kong pumwesto sa pinaka hulihan nito, para relaks mode. Kebs sa banga kahit malayo sa driver. Inisip kong may sasakay rin naman maya-maya.

Umandar ang Jeep...

Tama ako!

I'm such a genius! Ako na ang apo ni Einstein! Pagdating sa susunod na kanto...Sakto! May sumakay kaso nga lang pumwesto din sya sa dulo, 'dun sa tapat ng kinauupuan ko. "Punyeta! paano ako mag babayad?!"

Hindi ako kumilos at nakiramdam saglit.

Sya yung huling sumakay, mag papanggap ako na bayad na me para pag nag abot sya ng bayad, iaabot ko ang pamasahe ko, the moves! ALABET! Sounds like a good Plan.

But, NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! Dumukot sya ng pamasahe nya tapos sabay na iniabot sa akin, on my fucking cute chubby face sabi nya, "Bayad ho"

Nag panting ang tenga ko!

Hindi nag process kaagad sa kukote ko na sa'kin nya iniaabot yung bayad nya. Ang wolongyoh! inuutusan akong i-abot ang sarili nyang pamasahe kay manong driver, it's so happening right now... Hindi ko napigilang mag salita.

"Kuya baket mo sa'kin inaabot 'yung bayad mo???!! Cashier ba ko?! Cash Register ba ko?! Teller ba ko?! (Ang daming sinabi) E'di i-abot mo kay manong yung bayad mo barya, Eiw!!!"

Buset sya! Nakakasira ng araw. Una sa lahat, hindi naman sya babae na maputi makinis at balingkinitan para i-abot ko ang bayad nya. Kumag ampotah!

Nahiya si Koya kaya lumapit sya sa driver para iabot yung pamasahe nya. Pag abot nya ng pamasahe...

Ako naman nag sabi ng, "Kuya bayad ko ho makikiabot please" Sabay abot ng pamasahe ko with puppy eye. Ang sama ng tingin ni Koya sa akin. bwahihihihi




38 comments:

  1. nakaganti ka dun sa koya.

    ganyan sa jeep, pakiramdaman lalo na pag konti ang sakay. :p
    malas ang uupo malapit sa driver... taga... taga-abot ng bayad

    ReplyDelete
  2. Bastos ampotah. Hahahaha. Kala nya siguro kundoktor. Hehe. Pero ayos ha, sya nautakan mo. Hahahahaha. Natawa ako with matching ubo.

    Base ba to? Wew. First time. Hehe. Ü

    ReplyDelete
  3. bwahahaha.... yan ang what goes around comes around.... :))

    ReplyDelete
  4. ang utak lang!!! Di ba nakakatunaw yung tingin ni Kuya?hahaha for sure minumura ka na sa isip nun.belat sa kanya. :))

    ReplyDelete
  5. bwaahahahahahha! sira ka, buti hindi ka grinipuhan sa tagiliran nung pasahero!

    adiiiiikk!! may experience din ako sa ganyan. yung boyfriend nung babae saken inabot yung bayad eh magkatapat lang kmi sa jeep. Sabi ko: "amputah ka, samang sama mong lalaki saken mo iaabot ang bayad! pumunta ka dun kay manong!!" (in batangenyo accent) lol

    shy much ang gago. bwahihihi

    ReplyDelete
  6. Bwahahahhahah hayuf!!! buti na lang di kayo ang nakakasabay ko sa jeep...lol... Pero malas niya mas mautak ka nga! bwahahahhahahaha

    ReplyDelete
  7. Totoong nangyari 'yung ending?!

    ReplyDelete
  8. nag bitch fit sa nagpaabot ng bayad?tama yan!bad trip kaya umasog sa jeep ng pahilahod ang pwet!nice one!

    ReplyDelete
  9. haha, pagkamalan ka ba namang kondoktor e, ayos lang yan, haha

    at least nakabawe you...

    :D

    ReplyDelete
  10. check mo kung nandyan pa celphone mo. baka ginantihan ka haha!

    ReplyDelete
  11. hahaha... style parekoy... at walang nagawa si kuyang... aba syempre papayag ba naman tayo malamangan hahaha.. cchheerrzz

    ReplyDelete
  12. Ano ka kamo kundoktor?!Hahahaha...Nakakasuya nga ang maging taga abot ng bayad.e ayos ka din,pagkatapoz mo barahi si kuya pacute ka pang nakipaabot.hahaha!!Iba ka talga!!!!

    ReplyDelete
  13. uy mami miss mo yang pagsakay ng jeep , as far as i know walang jeep sa sg hahaha.....astig talaga ang style mo!

    ReplyDelete
  14. Haha gawain ko rin yan madalas, nakakatamad naman kasing lumipat from dulo to the seat malapit sa driver..

    ReplyDelete
  15. ok lang sa akin mag abot ng pamasahe sa driver

    bait ko lang hehe

    ReplyDelete
  16. Dalawang araw na lang dimo na magagawa yan lahat LOL

    ReplyDelete
  17. labet. hehehe...ang naghahangad ng kagitna, sansalop ang nawawala. Konek? hehehehe

    ReplyDelete
  18. The moves ka lang, Jepoy, ah. Personally, isa akong dakilang citizen at lagi akong umuupo sa malapit sa may driver para mag-abot ng bayad ng iba... JOKE!!!! LOLOLOLOL.. :D

    ReplyDelete
  19. adik!!!! hahaha kawawa naman si kuya hehehe

    ReplyDelete
  20. LOL...pamatay ang puppy eyes mo ser jepoy, nadala si kuya..hehehe

    ReplyDelete
  21. hahaha... sa makaisa lang.. hahaha

    ReplyDelete
  22. Sana hindi ka na lang nagbayad, tapos kumandong ka sa kanya.

    ReplyDelete
  23. hahahaha! laftrip naman yon, sobrang sama siguro ng loob ni kuya, hahaha.

    ReplyDelete
  24. pag saakin inabot ang bayad ibubulsa ko bakit ba.pag nagtanong bayad ko yan bakit saakin mo inabot.
    hay utakan lang.maasar ang talo

    ReplyDelete
  25. hindi naman ako parang tanga sa pagtawa sa comment ng hayuf na glentot!! mabenta??

    badtrip yun pag ikaw lang ang pasahero...pwersadong iangat ang pwet punta kay manong driver,huhuhu

    ReplyDelete
  26. bwahaha... buti walang sinabi si koya? :D

    ReplyDelete
  27. hahaha...it is so annoying talaga pag ganyan ang mga pangyayari...i experienced it too, ang walang hiyang kuya na hindi naman kagwapuhan ako ang pinaabot ng bayad niya knowing na pareho kaming malayo sa driver..imagine kalalaking tao, hindi siya gentle dog..pffttt

    ReplyDelete
  28. wahahah ang kulit talaga oh

    ReplyDelete
  29. Hindi ka pa naman kasi magbabayad eh, nagpaabot na. Haha. Kundoktor ka Kuyang? Haha. Ayoko din ng ganyang sitwasyon, one time, same situation pero ako nautusan dahil puro matatandang senior citizen na may discount ang kasabay ko. Watdapak?! Haha.

    ReplyDelete
  30. Iritang irita ako sa mga uupo talaga sa bandang dulo tapos tatawagin ka pa para mag paabot ng bayad. Ganon ganon yung ginawa mo ke Kuyang sumakay, kaso ikaw may kasamang puppy eyes kaya natawa ko ng beri beri big. Hahahaha.

    ReplyDelete
  31. huuuu gaganyan ganyan ka... mamimiss mo rin yan.. walang ganyan sa singapore. hahha!

    kala nya siguro kaw ung kunduktor :P

    ReplyDelete
  32. napatawa ako pagkabaaa ng last line... matching with hagikgik... lol

    kawawa naman si koya.. siya na nga nag-abot siya pa ang nautusan lol...

    nice move lol

    ReplyDelete
  33. uuuy something sila ni koya!!!nangaway tapos magpapaaabot din nang bayad. . .mga the moves . .

    ReplyDelete
  34. you're so mean pero tama lang un.. apir!
    visit me back and add me to your blogroll please..thanks..

    ReplyDelete
  35. . . . ano daw, magpakandong? susmaryosep!

    ReplyDelete
  36. ang ginagawa ko, umuupo ako sa likod ng driver. Natural utusan, taga abot ng pamasahe. Pero ang ginagawa ko naman, hindi nako nagbabayad. Sa dinami dami ba naman ng inabot ko kay manong, malay nya kung ang isa dun sakin. Bwahihi. Libre!

    ReplyDelete
  37. hahhaa you're bad! actually nakakamiss magride sa jeep

    found your blog through ate salbehe. babalik ako dito promise!

    ReplyDelete
  38. kapal ng mukha hehe updates na ng SG dali!

    ReplyDelete