Pasensya na kung nagiging ma-emo ang mga post ko lately, i-expect nyo na sa mga susunod na araw e ma-emo parin ako hanggang sa maka-adjust ako sa panibagong yugto ng buhay ko bilang isang OFW. Parang larvae lang na malapit nang maging paru-paru.
Pwede nyo namang i-block and blog ko dahil alam kong marami na kayong dapat problemahin at hindi na dapat pang makisaw-saw sa emo shitty-shits dito sa blog ko. Maraming problemang kinakaharap ang mother necha tulad ng global warming at pag taas ng pamasahe ng taxi at ng MRT at LRT kaya kung ayaw nyo na ng emo post you can stop right here, tapos, lipat na kayo sa blog ni Glentot para mabigyang saya ang puso nyo dahil dito emo lang wala nang iba.
Umuwi ako sa Probinsya namin last weekend. Kelangan ko kasing mag empake at pag kasyahin ang lahat ng dapat kong dalhin sa pangmahirap na economy check-in luggage na 20Kgs. Kamusta naman, dalawang jeans ko palang yata yan over baggage na!
Ang ending sa dinami-dami nang nilabas kong damit sa aking aparador, kakarampot lang ang naipasok ko sa aking luggage para dalhin sa aking byahe. All in all, 2 weeks worth of pampasok na damit, kaunting pambahay, kaunting t-shirts, kaunting boxers at mejas. Knorr cubes, Sinigang mix, at lily's peanut butter.
i-winithraw ko narin ang aking last pay at pinapalit ng Singapore Nyollars para may baon ako sa simula ko doon, mag babayad din kasi ako ng titirahan ko doon kaya kelangan mag baon ng bala. Iniabot ni Mudrax 'yung perang inutang nya para pandagdag sa baon 'ko. Ayokong maluha dahil ang lapit-lapit lang naman ng Singapore. Para lang akong lumuwas ng Maynila.
Kumpleto ang pamilya last weekend. Sinundo kasi ako sa Maynila dahil kelangan nang kunin ang mga gamit ko kasi last week ko na this week sa Condo ko.
Gaya nang nakagaawian... Pag tapos kumain sa bahay eh, nag tipon-tipon para mag kwentuhan. Nothing special. Sinabi kong sa byernes na ang alis ko at hindi na ako mag papahatid sa Airport kasi coding ang sasakyan namin. Effort naman kung luluwas pa sila mudrax para lang ihatid ako. Baka gumawa pa ng eksena sa Airport.
Kinabukasan...
Kelangan ko nang lumuwas ng Maynila. Nakahanda na ang aking bagahe. I hahatid na ako ni Pudrax sa Maynila dahil kelangan ko pang pumasok at mag clearance sa Opis. Nagpaalam na ko kay Mudrax hindi na kasi kame magkikita sa araw ng flight ko. Lumuluha sya. Sino ba namang anak ang makakatiis pag lumuluha nanay nya? Tao lang powz.
"Ma' malapit lang Singapore, gusto mo pag uwi ko mag book na ko ng flight pauwi kagad! Kaya nga ito ang bansang pinili ko kahit ang dami-daming offer sa akin eh (chika lang 'to kay mama) para makauwi ako kagad anytime...Pa renew mo na passport mo ha! Papasyal ko kayo ni Pudrax doon sa Birthday mo"
Ngumiti lang si Mama at sinabihan akong mag iingat ka anak.
Putangina!!! Akala ko sa TV ko lang napapanood yung mga ganung eksena. Whutdafuck!!!! Ang sakit sa throat! mag pigil ng luha... Parang gusto kong punitin ang contrata ko at sabihing AYOKOOOOOOO NAAAAAAAAAAAAA!!! CANCELLL NAAAAAAAA!!!!
Kaso sayang ang kaperahan.
Minsan tuloy parang nawawalan na ko nang pagasawa sa lupang hinirang...
hokey lang naman na mag basa ng emo posts, e sa iyon ang nais mong ishare db.
ReplyDeletesa singapore ka na lang mamili ng mga kadamitan.
TC!
Sa una lang yan, masasanay din kayo ng pamilya mo na wala ka. After ng ilang palabas-labas ko ng bansa, nagtataka na ang nanay ko kung bakit nasa bahay pa ako hanggang ngayon.
ReplyDeleteMaiiyak ka madalas pero isipin mo career move ito, kung hindi ka aalis ng comfort zone mo, kailan pa?
God bless!
@khanto
ReplyDeleteSalamat Sir! Sayang hindi ka manlang nakipag EB sakin. Ang ilap you naman ahahaha
@Anna
Tama! Ang galing ng comment! Sunod ka na sakin ha. Irerefer na kita humanda ka na...
Goodluck sir! Mas malungkot yan isang araw bago ang flight, lalo pa hindi mo kasama si mudrax. Pero kaya mo yan, para naman sa pamilya yan. Ü ingat ho.
ReplyDelete@Goyo
ReplyDeleteSalamat brader, balita?! Graduate na ba?! LOL galingan mo sa board exam para mag top 1 ka! tandaan mas magaling ay bumabagsak kesa sa walang bagsak ahahahah
emo nga, anak ng tinapax! hahaha! i had the same feeling, buntis si wifey tapos buong pamilya ang naghatid. but don't worry, once you start furnishing your own unit, at nagsimula na uli magnormalize ang routine mo, madali na lang ma-overcome and homesickness. have a solid group of friends when you're here as your support group! good luck ser!
ReplyDelete@echo
ReplyDeleteSalamat ng marami koya! Pwede bang makikain ng Chicken rice sa bahay nyo para hindi naman ako masyadong malungkot?! LOL
Appreciate the comment sir!
Parang ang lapit - lapit na no? Pero Kapag andun kana, parang ang layo - layo mo na.
ReplyDeletenaku jepoy, sayang di ata natutuloy pagkikita natin..
ReplyDeleteanyway, wag ka na malungkot.. sa umpisa lang yan. pag natanggap mo na yang una mong sahod, pramis, malilimutan mo yang homesick at lungkot na yan. hahaha.
have a safe trip and God bless you always.
All the best parekoy! Aabangan na namin ang pagiging PEBA awardee mo sa taong ito! \:D/
ReplyDeletePagbutihin mo lang doon katulad ng pagsusumikap mo dito sa lupang tinubuan! Taas noo bilang Pilipino!! (pasalubong ha?!?!? hehheehe)
Ayon magigung BAYANING OFW na sya...Lakasan mo lang loob mo at dagdagan prayers. Kalaban mo lang tlga abroad e homesick....Ingatz Jeps
ReplyDeletewala akong maipayo kasi hindi ko pa nasubukang mawalay sa pamilya ko ng matagal. goodluck na lang jepoy. isasama kita, at ang iyong pamilya, sa panalangin ko.
ReplyDeletepasalubong na lang ha!(close? haha)XD
ganyan talaga sa una lahat ng pede tumlo sayo, tutulo yan sa sobrang lungkot.
ReplyDeletewelcome sa buhay ng OFW..
mararanasan mo na din ang ma homesick
mararanasan mo na din ang mag padala ng remittance
gudluck parekoy...
good luck, paalis ka na pala, kala ko makakapaginuman pa tayo, hahaha.
ReplyDeletebasta balang araw, magkikita din tayo dyan at pagsasaluhan natin ang iyong lily's peanut butter, hehehe
good luck, paalis ka na pala, kala ko makakapaginuman pa tayo, hahaha.
ReplyDeletebasta balang araw, magkikita din tayo dyan at pagsasaluhan natin ang iyong lily's peanut butter, hehehe
Kapatid, ayos lang yan. basta wag mo kaming kakalimutan ha, kaming mga friends mo sa blogosphere. kaso anuver, hindi mo man lang kami nilibre bago ka umalis. hahaha (user pala?) oy ayun, ingat ka dun ha..
ReplyDeletesaka bakit lily's peanut butter ang bitbit mo, mas masarap ang luddy's. lol. just enjoy each day as they go. isipin mo na lang ginagawa mo yan for mudrakels and pudrakels. the end will justify the means someday. :D
sayang ang pera...at ipasyal mo rin ako run in the future..kafal fes....ingat u...at God bless..talagang aabangan namin ang SG posts mo ha..mas exciting yan..at mas ma-emo guro ano hehe..
ReplyDeleteuy....alala ko lang..dahil bagong lugar yan..kung maghahanap ka ng simbahan. ..may alam ako...dun sa EVERY NATION sa VIVO City..hehe ^^
ingats Jepoy..rock and roll sa Singapore!
at tsaka magpagala ka kina bulabolero at gasul hehe..wala lang haha
ReplyDeletekuya, paguwi mo ulit..kita kits...or pagpunta ko jan...iyy-ym kita...hahaha! God bless on your journey and I'm so happy for you. Nakaka-sad yung malayo sa family talaga.
ReplyDeleteemo ba talaga to? eh bakit natawa pa rin ako? hehehe....it's your style nga kasi na kahit nakakaiyak na ung kwento mo, nakakatawa pa rin ang pagka-kwento......pero nakakaiyak pa rin sa huli....ang gulo ko diba? hehehe at talagang naisingit ang peanut butter, hehehe.... kayang kaya mo yan, palagi ka magdasal at mahalaga na meron kang support group dun, na sa tingin ko meron naman kaya go lang! sayang ang opportunity, andaming nagdadasal na magkaron nyan pero sa yo pinagkaloob......there must be a reason. cheer up na ha? :)
ReplyDeleteIkaw na ang EMO Blogger ng Singapore. Hmpf. LOL!
ReplyDeletePlease send me a huge bottle of Water Chestnut na paborito ko at ininom mula pagdating ko at pag alis sa Singapore heheh...
ReplyDeletehayyy ingat ka na lang dun jepoy ha.. mamimiss mo kami I'm sure! =)
Ok lang yan chong... dapat ipalabas talaga ang mga ganiong kaemohan bago umalis para iwas home sick.. wahehehe
ReplyDeletekuya jepoy! ingat po, mabilis naman ang araw di mo namamalayan pauwi ka na ulit sa pinas. :))
ReplyDeletewelcome to the club buhay OFW. malapit lang naman talaga ang singapore.yon ang advantage nito compare sa iba.
ReplyDeleteHi Jepoy! Isa ako sa mga bago mong fan sa blog mo! :) napaka emotional nga nitong post mo. Actually, pareho tayo ng feeling nung umalis ako last year. Like you, close din ako sa family ko. Nagdadalawang isip kung aalis. Btw, asa Singapore din ako. Pinili ko din tong place na to para mas malapit sa atin. Lahat ng opportunity na makaka uwi ako, uuwi ako sa Pinas.
ReplyDeleteMakakapag adjust ka din, one year pa lang ako dito pero nakapag cope-up naman na sa homesick. Isipin mo na lang kung anong reason mo kung baket ka nag abroad, isipin mo na makakatulong ka sa family mo. Most importanty, magpakasaya ka na lang, kitain mo ng madalas friends mo. Be HAPPY! walang mangyayari kung parating mag mumukmok diba?
I really love your blog. Parati kong inaabangan new posts mo.
Take care! Hope to meet you here sa SG! :)
goodluck talaga! buti talaga SG ka pupunta hindi middle east area or else mas mahirap umuwi at magpasyal ng mudrax at pudrax. i swear kering keri yan! pag baba mo ng airport, hanapin mo kagad yung carinderia nila. sobrang sarap ng fudang dun!
ReplyDeleteSo hindot naman ang structure.
ReplyDeletena block ko na po blog mo..sabi mo eh.ahahahhaa..joke
ReplyDeleteingat jepoy.....gawan mo ng skype account si mader erth...para chat chat nalang kayo..ang social..
aminin mo umiyak ka ng uber uber...see u at the crossroad jep!
PS: yung problema mo sa blog, mag subscribe ka nalang through email..merong subscribe button sa right side ng page ko..salamat jep!
Kaya mo yan, jepoy!
ReplyDeleteGood luck sayo! :)
tc
Take care and good luck man! Wala akong masabi kasi inuuhog na din ako. LOLZ! God bless!
ReplyDeleteCongrats at good luck sa pagiging OFW Jeps... ingats dun ah! saka maghihintay kami sa marami mo pang posts...
ReplyDeletemakaka-adjust ka din jepoy :) lagi ka lang magdadasal...
ReplyDeletefight! fight! fight!
pasalubong pag uwi sir ha.. pasalubong talaga ang comment... ako kaya kelan ako makakalabas sa lupang hinirang... pwede ba ko jan sir??? hehehe...
ReplyDeleteFriday na pala alis mo? Have a safe flight Jepoy. At wag kang ma-sad pag andun ka na, pag na-sad ka, iskype mo lang ako. Magshoshow ako para sayo para malibang ka. Hahahaha! Mala-animal planet lang :)
ReplyDeleteOnga at least near lang ang SG pwede ka umuwe agad pag nasasad ka pero wag mo namang gaweng Quiapo at baka wala ka namang maipon! Hehehe! Goodluck!
@Kaye
ReplyDeleteNapa comment ako sa reply mo. Gusto ko yung show ahahahha (parang manyak lang ahahah)
Thanks Kaye appreciate it!!!!
at sa lahat nang nag comment i heart you *SMACK*
Sorry naman Kuya Jeps at hindi talaga kinaya ang biglaang pagkikita. Nakakalungkot naman daw umalis, ramdam ko ang sadness. Bite into the bright side na lang, para naman kila Mudrax at Pudrax mo naman yan eh. At isipin mo na lang, yayaman ka na at mananampal ng salapi. Haha. Joke lang. Ingat ka sa flight mo at ingat sa SG. Isa ka na ngang OFW, I can;t believe it. God bless. :)
ReplyDeleteemo or no emo, magbabasa pa din ako ng posts mo.
ReplyDeleteandami niyo na kaya sa SG kaya mahihirapan kang hinde ma-miss na nasa Pilipinas ka lang. do well.
hahaha. natawa ako sa comment ni kaye. hahahaha. share mo yung show ni kaye wag mo isolo. hahahahaha. jeps mahirap talga mag goodbye goodbye pero para sa mga pangarap ko kaya mo yan..
ReplyDeleteblita ko madami daw chix dun. go go go
ang nanay ko kada alis ko na lang umiiyak. pero di niya pinapakita sakin. sinasabi na lang ng kapatid ko kapag pauwi na sila. hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung worth it ba yung perang sinasahod ko dito versus sa oras na kapiling ko ang family ko... kakahawa! pati comment ko emo rin tuloy :P
ReplyDeletehave a safe trip jepoy! pag nadaan ka dito pasyal kita :D
syet! naiyak ako! che! :p
ReplyDeletebe safe lagi kuya. ipon ipon para madala mo parents mo dyan :D
ahahah naku good luck po sa singapore. . at sana maging bongga ang maging life. . . . .
ReplyDeletewaaahhh naiyak din ako..
ReplyDeletedapat pala nung sinabi ni kikz na may eb at kasama ka, sumama ako para nakita kita at nahug ng jabonggang jabongga bago ka umalis. ahihihi
manggugulo na ako dito sa blog mo ulit...
. . . kahit kailang hindi ako nahilig sa anumang pagkain na hinaluan ng knorr cubes.
ReplyDeleteHello! Hehehe.. maraming salamat po sa pagbati saken nung birthday ko! Sobrang naaappreciate ko po kahit simpleng "Happy birthday" message lang, lalo na yung may mga extra message pa. Maraming salamat po ulit! Sana next birthday ko anjan ka pa rin to greet me. :D
ReplyDeleteAt tutal naman, nandito na lang rin ako, plug ko na rin ang blog ko. Sa February, (love month) I'll be publishing all my love posts, at letters na sinulat ko. :)
Thanks ulit! lol. Di po ako makapag blog masyado, it's been a busy week, January is a busy month for me. God bless and world peace! ü
http://twitter.com/nielz01
yahoo messenger: nielz01
http://nielz01.blogspot.com