Tuesday, January 25, 2011

Update Part-2

Sa sobrang takot ko nung nalaman ko na 160/120 ang bp ko na depress ako ng buong weekend. Sa sobrang depress ko nag Church ako sa Christ for the Nation at sobbbbbbbbbraaaang naghilom ang mga takot sa puso me. Haist! Love na love talaga ako ni Papa Jesas! Actually love naman nya tayong lahat 'di lang natin na kikita ito madalas. Sa mga panahong fragile ang isang tao mas madali kasing makita ang grace ni Lord. Okay hindi ako mag preach! Go!

Kasama ko nga pala si Gasul nag church, sino pa nga ba ang yayain kong ilibre ako kundi ang mga kadugong bloggers natin sa Singapore?! Late nga lang sya sa tinaktadang Oras..Fine! Tapos, 'nun niyaya namin ang iba pang malapit na bloggers sa amin. hihihi ito ang pruweba!

Kahit malungkot ako noong Sunday hindi masyadong halata dahil mag kakasama kami maghapon nag kukulitan lang na parang mga kids. Nag lakad kame ng 3 weeks para makahanap ng pwesto sa starbucks (courtesy of feeble mind) tapos nag padinner si Bulakbulero tapos nag pa drinks si Gasul (Sila na mayaman!) Nga pala libre din yung lunch ko courtesy of Bulakbulero ulet... Worth it ang pag dadala ko ng Chizwheez!!!! Bulakbul kung hindi ka nag skip read paki claim nalang ung Cheezwhiz mo sakin kasi malapit ko nang ipahid sa Gardenia ko sa sobrang gutum pag umaga.

Nag uwian na kame bago pa mag sara ang MRT lane. Ayaw namin lahat mag taxi tsaka lunes kinabukasan, lahat kame may work! AWwwwwwwwwwww Im so OFW na!

First Day of Work....

Medyo sad ako kasi nga yung medical ko hindi pa tapos pero kailangan ko nang mag report sa Opis. Hinatid ako ng napakabait-kong-roomate sa office, door to door itwu (parang first day of school lang pag kinder)

Pag dating sa office late yung kasama mo, tagal kong nag hintay sa conference room punyeta! Tapos, after 30 min dumating si Gago at inumpisan na akong sabihin kong ano ang magiging work ko habang hinihintay ko ang Shengen Visa ko para sa aking Training sa Paris (AKO NA!!!) Pero sad parin me kasi nga iniisip ko parin ung medical ko, baka mamya may HIV ako tsaka TB. Im so scared!!!!

Edi si kuya nag salita na tungkol sa gagawin ko and stuff, binigay na yung laptop ko, badge tsaka kung ano-ano pang shit. Tapos iniwan na ko at mag trabaho na daw ako. NYETA lang!!!! Syempre ako lang ang pinoy sa grupo kelangan mag pa bibo...hihihi Hindi rin ako nag Honda-dot umuwi more-more extension kunyari dahil hard working and all that shit. Pero iniisip ko parin medical ko. Haist!

Kinabukasan...

Maaga akong pumunta ng Clinic kinakabahan dahil hindi na sagot ng company yung pag balik ko ng clinic kasi pre-existing daw. Fine! Pumila ako at huminga ng malalim at imuno ng sampong Pineapple Juice in can (UHAW?!)

Pag kuha ng blood presure! 120/90..

Sabi nung doctor, CAN! (which means pwede)

Natuwa me, naiyak,natae,naubo lahat na!!!! Negative ako sa HIV at negative ako sa TB..I am so getting my WORK PASS this week...Makakabili na ko ng Iphone4! kagad! Awwwwww!!!!

Tenchow beri Many sa lahat ng nag pray! Kiss ko kayo *SMACK*

34 comments:

  1. ang galante talaga ni febblemind! = )

    ReplyDelete
  2. Ikaw na talaga ang dakilang OFW, Jepoy! Gift ko sa bday ko ha, malapit na,, Kahit pic lang ng Singapore, para feelingerong nakapunta na rin ak ng Singapore.. Ahihihihi.. :D:D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  3. wooot woooot!

    bait bait naman ng mga singaoura bloggers....eeeeeeeeeeee

    ReplyDelete
  4. Epekto to ng pineapple juice kaya di ka na highblood LOL pero ganyan BP ko highblood pa din yan e LOL

    ReplyDelete
  5. happy for you.Ang saya naman parang nasa manila lang daming friends.

    ReplyDelete
  6. sabi na eh. sa hinaba-haba man ng prusisyon, sa singapore din ang tuloy. make your co-bloggers proud, jepoy! congrats! \m/

    ReplyDelete
  7. Wow. Great news! Congrats Jeps. Simulan mo na ang pagpapayaman para sa susunod ikaw naman ang manlilibre sa kanila. Haha. Baka kabado ka nga lang nung una o pagod ka sa byahe kaya mataas. Yebeng! Matapos sa SG, peParis naman. Ikaw naaa!

    ReplyDelete
  8. isa ka ng ganap na OFW kasi sabi ng doctor ay CAN. hehehe.

    ReplyDelete
  9. goodluck Jepoy!! makakayanan mo yan..isipin mo lang na ilang tambling lang ang layo ng pinas dyan..madaling makakauwi!!

    weeh di nga?? kailan ang Paris?? EB ulit tayo don ha,hihihi

    ReplyDelete
  10. Ayos! nasa Singapore ka na pala..

    ReplyDelete
  11. iphone4 kagad. amp. LOL. kuya, pwede bang pag nasa paris ka na ako naman ilibre mo? bwahahaha.

    ReplyDelete
  12. miss na kita Jepoy... ingat dyan palagi. Mel

    ReplyDelete
  13. Sobrang blessed mo Jepoy! Ikaw na talaga ang mabait..

    Grabe talaga yung Paris training. Wew. At, it's official OFW blogger na talaga. SG blogger pa. Ang mga blogger na bigtime! Idol! Stay healthy jeps! Ü

    ReplyDelete
  14. buti naman ok na. inabangan ko talaga kung ano na ang kinalabasan ng medical mo! yey!

    ReplyDelete
  15. saya! :) nasubaybayan ko na buhay mo. hehehe.

    ReplyDelete
  16. bakit kahit nakatakip ung mukha ko gwapo pa din? wahaha...

    woist. layo ng sa inyo, sa kitakits nalang ulet saka ko kunin ung cheezwhiz. can?

    ayus ah. galeng di ka na highblood. o may daya un?

    salamat pala sa inyong 3 at napasaya nio din ang malungkot na linggo ko. hehe.

    ReplyDelete
  17. yun naman o iPhone 4 kaagad! Hope to see you around ser!

    ReplyDelete
  18. Congrats sa negative HIV at negative TB!

    ReplyDelete
  19. Congrats to the max!!!! :D

    ReplyDelete
  20. Naks! galing galing naman! ramdam na ang buhay OFW! hehehehhehe... mabuti at wala nang aberya! at sinama pa ang iphone4 ah ahahahahahhaha

    ReplyDelete
  21. naks naman kaw na kuya jepoy hahah..

    ReplyDelete
  22. Nax naman!!!May Paris pang nalalaman....Turista?Joke!Wag masyado iniistress sarili para di tumaas ang BP.langya 160/120!!!Pambihira ka!lol

    ReplyDelete
  23. Teka, nag-comment na ba ako dito?? Hindi ko maalala, pero comment pa rin ako para sigurado.. Isa ka na talagang dakilang OFW, Jepoy.. Ahihihihi.. :D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  24. ang galing ni papa Jesus!!!! Weeeeeehhh!!! more goodlucks sayo!!!

    ReplyDelete
  25. I'm just glad everything's okay with you now. God is really, really good ano? At may church ka na rin pala jan, another blessing for you.....:)

    peyborit mo cheezwhiz? ako rin...hehehe

    ReplyDelete
  26. alabyou all pasensya na hindi ko kagad na uupdate ung comments nyo, naka block kasi lahat ng external website sa office kong bago. I hayerrreet!!! LOL

    Salamat sa inyong comment natutuwa ang mataba kong puso!!!!

    ReplyDelete
  27. wow!training sa paris?wow!talaga..ingat ka po lagi dyan kuya?ikamusta mo na alng ako sa mga SG bloggers..=)

    picture greeting ko ah kuya?hihihi

    ReplyDelete
  28. miz ka nanamin jepoy balik k na dito. hahahaha.

    ReplyDelete
  29. Welcome to the world of OFW ngayon alam mo na ibig sabihin ng "homesick"

    ReplyDelete
  30. Welcome to the world of an OFW ngayon alam mo na ibig sabihin ng "homesick"

    ReplyDelete
  31. first time kong mabasa blog mo, itong latest post mo.. walang kwenta hehe joke...NAPALIGAYA mo ako ngayong madaling araw na napaka lungkot..hang kyot mo! :)) slurpslurp mwah.

    ReplyDelete
  32. maraming salamat sa comments nyo! Busy parin me sorry at hindi ko na babasa ang blogs nyo. Busy lang po talaga lately! I'll talk to you all soon. Arte?!

    ReplyDelete
  33. SARAP NG BONDING AH ;)
    NICE POSTS YOU HAVE HERE.

    ReplyDelete
  34. ayos ang kwento mo jepoy-na aliw ako hehe

    ReplyDelete