Monday, January 31, 2011

First Week ni Jepoy sa Singapore...

Matagal din akong hindi nakapag update at hindi naka pag bloghop. Oo matagal na yun sa akin dahil adik akong mag blog at mag basa ng blogs. Kahit gustong gusto kong mag blog at mag kwento ng mga experiences ko eh hindi kinakaya ng katawan kong sariwa at bubut dahil na papagod me sa office at byahe. Bago lang kasi sa office kaya kelangan mag pa bibo. Kunyari brainy and stuff hihihihi. Hindi me maka facebook, at blog sa office pero kanina na ilusut ko na yung twitter. Pasensya naman!

Ganito pala sa Singapore. Walang training-training. Pag pasok ko last week first day palang nag e-explain na si Kuya Chekwa about work tapos iniwan na ko. Yun na pala yung training ko sa kanya work ka kagad. Ampf! Syempre kahit tunay at wagas ako reklamador eh hindi ko 'yun ginawa. Nag trabaho me kahit na ngangamote na dahil hello walang training work kagad?! Ayos naman over all kahit hindi naman kayo concern, Hmp! Petiks pa so far, lilipad me papuntang france on the next two months para mag aral. AKo na! Pero hindi ako na excite kasi wala naman me kasama lilipad tsaka hindi naman yata business class. You know, I ain't flying if it isn't business class. Arte lang.

Etwele, wala naman talagang patutunguhan tong update ko kasi na tatae na me. Gusto ko na syang tapusin, kaya sorry naman kung masasayang ang panahon nyo sa pag babasa. Ang hirap palang pumasok ng naka formal parati, like I'm not sanay you knowz kasi sa Pinas lagi lang me naka jeans and shirt dito medyo nag mumuka me tao. Matabang tao nga lang. Naka tucked-in me parati para pogi kaso labas tyan heyret! So far kahit matakaw me, nabasan ako ng timbang dahil sa kakalakad. I lavet!

ito ang nangyari sa akin sa first week ko sa Singapore bilang isang nag sisimulang OFW!

1. Bumili ng plato, kutsara,tinidor,baso,sabon, toothpaste,bactidol, deo,lotion,bodywash,perfumes, and iphone4. Juk lang yung iphone! Ang hirap pala na pinuproblema mo yung mga dating hindi mo naman pinoproblema. Sa pinas kasi si Mudrax ang nag pre-prepare lahat nyan.

2. Sa unang gabi ko wala akong kumot, naluha me. Ang hirap palang maging OFW pati kumot bibilhin. hihihi

3. Ang daming ma kyo-kyontot sa MRT. Pinaka malala yung Indians. Sorry hindi ako racist pero ampotah ang kyontot talaga. Hindi naman lahat pero majority. Lalo na pag sabay-sabay silang sumakas. Pothangena parang mahihimatay me sa loob ng tren. Gusto ko silang sprayan ng Rexona sa fez.

4. Masarap ang byahe, maayos kasi kahit rush hour at madaming dao Steady lang me. Mas malala parin sa pinas. Dito kasi pag nadikit ang balat mo sa kanila matatalim ang tingin nila na parang gusto kang iblade-dan sa leeg.

5. Hindi lang indians ang mababaho. Pati yung mga ibang locals mababaho din ang hininga. Amoy paksiw na binaon sa lupa ng one year tapos hinukay ulet. Ang baho ng hininga! Gusto kong bendisyunan ng mouth wash sila ate at kuya. Amoy tae ampotah! Hindi ako nag mamalinis baka may mangaway sa akin. Pesonal na experience ko ito kahit hindi dapat subjective ang comment nyo. Che!

6. Yung baon ko, ang bilis maubos. Bawat kilos gastos. Buti nalang marami akong friends na nililibre me. Tapos pina sweldo ako ng one week pay. hihihihi Natanggap ko na yung unang cheque me. Mag oopen na me ng account at bibili ng iphone4 next week. Juk lang ulet ung iphone4.

7. Nakita ko rin na dapat ma tindi ang support system mo pag nandito ka. Kasi walang ibang tutulong sayo kundi sarili mo at tunay na kaibigan mo. Masasabi kong blessed ako dahil I have true friends *teary eyed*

8. Mukang masarap mag bloggers EB dito sa Singapore! Kung sino man blogger na napapadaan dito sa aking blogsite na nasa Singapore. Starbucks tayo bilis, libre nyo me!!!!! LOL Kita-kits sa mata gusto nyo?! Bilis!

9. I found a perfect Chuch para mapalapit ang puso ko kay Papa Jesus. Christ for the Nation sa may Vivo City. Affiliated yata sya sa Victory Christian Fellowship sa Pinas. So far im very blessed naman. Ako na spiritual!

10. Ang ganda ng bahay na tinitirahan ko kaso medyo malayo pero magada. Alam nyo naman na laking probinsya me kaya hindi ako sanay sa glass na lababo at sa may bidet na Toilet. At may hot and gold shower. Nalapnos ang balat me nung first time ko nag shower. SOrry naman!

Saka na yung mga kwento taeng tae na kasi me.

See ya!

Thanks pala sa pag basa ha. Comment ka lang kasi na appreciate ko yun eh. Labya *SMACK*


S

Tuesday, January 25, 2011

Update Part-2

Sa sobrang takot ko nung nalaman ko na 160/120 ang bp ko na depress ako ng buong weekend. Sa sobrang depress ko nag Church ako sa Christ for the Nation at sobbbbbbbbbraaaang naghilom ang mga takot sa puso me. Haist! Love na love talaga ako ni Papa Jesas! Actually love naman nya tayong lahat 'di lang natin na kikita ito madalas. Sa mga panahong fragile ang isang tao mas madali kasing makita ang grace ni Lord. Okay hindi ako mag preach! Go!

Kasama ko nga pala si Gasul nag church, sino pa nga ba ang yayain kong ilibre ako kundi ang mga kadugong bloggers natin sa Singapore?! Late nga lang sya sa tinaktadang Oras..Fine! Tapos, 'nun niyaya namin ang iba pang malapit na bloggers sa amin. hihihi ito ang pruweba!

Kahit malungkot ako noong Sunday hindi masyadong halata dahil mag kakasama kami maghapon nag kukulitan lang na parang mga kids. Nag lakad kame ng 3 weeks para makahanap ng pwesto sa starbucks (courtesy of feeble mind) tapos nag padinner si Bulakbulero tapos nag pa drinks si Gasul (Sila na mayaman!) Nga pala libre din yung lunch ko courtesy of Bulakbulero ulet... Worth it ang pag dadala ko ng Chizwheez!!!! Bulakbul kung hindi ka nag skip read paki claim nalang ung Cheezwhiz mo sakin kasi malapit ko nang ipahid sa Gardenia ko sa sobrang gutum pag umaga.

Nag uwian na kame bago pa mag sara ang MRT lane. Ayaw namin lahat mag taxi tsaka lunes kinabukasan, lahat kame may work! AWwwwwwwwwwww Im so OFW na!

First Day of Work....

Medyo sad ako kasi nga yung medical ko hindi pa tapos pero kailangan ko nang mag report sa Opis. Hinatid ako ng napakabait-kong-roomate sa office, door to door itwu (parang first day of school lang pag kinder)

Pag dating sa office late yung kasama mo, tagal kong nag hintay sa conference room punyeta! Tapos, after 30 min dumating si Gago at inumpisan na akong sabihin kong ano ang magiging work ko habang hinihintay ko ang Shengen Visa ko para sa aking Training sa Paris (AKO NA!!!) Pero sad parin me kasi nga iniisip ko parin ung medical ko, baka mamya may HIV ako tsaka TB. Im so scared!!!!

Edi si kuya nag salita na tungkol sa gagawin ko and stuff, binigay na yung laptop ko, badge tsaka kung ano-ano pang shit. Tapos iniwan na ko at mag trabaho na daw ako. NYETA lang!!!! Syempre ako lang ang pinoy sa grupo kelangan mag pa bibo...hihihi Hindi rin ako nag Honda-dot umuwi more-more extension kunyari dahil hard working and all that shit. Pero iniisip ko parin medical ko. Haist!

Kinabukasan...

Maaga akong pumunta ng Clinic kinakabahan dahil hindi na sagot ng company yung pag balik ko ng clinic kasi pre-existing daw. Fine! Pumila ako at huminga ng malalim at imuno ng sampong Pineapple Juice in can (UHAW?!)

Pag kuha ng blood presure! 120/90..

Sabi nung doctor, CAN! (which means pwede)

Natuwa me, naiyak,natae,naubo lahat na!!!! Negative ako sa HIV at negative ako sa TB..I am so getting my WORK PASS this week...Makakabili na ko ng Iphone4! kagad! Awwwwww!!!!

Tenchow beri Many sa lahat ng nag pray! Kiss ko kayo *SMACK*

Monday, January 24, 2011

Update

Byernes nang gabi alas syete ang flight ko hinatid ako ni Pudrax tsaka ni Tito ko papuntang airport. Mahaba ang pila as in sobrang haba. Hindi ako makapag emote masyado na-iiwan ko na ang Lupang hinirang at ang Pamilya ko for sometime dahil mas kinakabahan ako sa immigration officer kung papalampasin ako o i-ho-hold at i-interrogate at hindi papayagang umalis. Maaga akong nakapag check-in, SQ921, bayad ng airport tax tapos pili na sa immigration kakaba-kaba.

IO: San final destination mo?
Jepoy: Check mo kaya sa Ticket
IO: Ano gagawin mo sa Singapore.
Jepoy: Mamasyal
IO: Iang araw ka doon?
Jepoy: It's there on the ticket 3 days...
IO: May kasama ka?!
Jepoy: Wala po
IO:Sigurado
Jepoy: Like, yeah!!!
IO: May booking ka ba ng hotel?
Jepoy: Meron
IO: Baket one day lang? Hindi ka matutulog?
Jepoy: Mamasyal ako sa Malaysia via bus tapos balik sa Changi Airport lipad sa Pinas uwi.
IO: Hindi ka pwede umalis, punta ka dun sa loob ng room.
Jepoy: @#$%??!!!! *syempre sa isip ko lang yan*

Iterrogation room:

IO: Ano work mo?
Jepoy: Engineer
IO:Patingin ng ID
*Jepoy Showing ex-company id*
IO: Sigurado kang hindi ka mag hahanap ng work mo doon?
Jepoy: Baket naman ako mag hahanap ng work doon Sir, Ayoko hong mag abroad.
IO: Mag kano dala mong pera
Jepoy: Saktong lang
IO: Anong sakto lang. Magkano?
Jepoy: *K SGD
IO: Sige, siguraduhin mong babalik ka ha!
Jepoy: Sus! Syempre naman Sir *On his dreamssss!!!!!*

Pawis na pawis me at kinakaban. Nakalusot na me sa potang Immig officer! Gusto ko sanang pak-you-hin kaso wag na. Diret so na me sa Waiting area at nag pasalamat kay Papa Jesas dahil hindi nya me pinabayaan.

Delayed ng one hour ang flight ko dahil malakas ang ulan. Kawawa naman ung mga susundo sa akin sa Airport. Mga 8 na kame nakalipad, sa sobrang stress ko sa IO experience ko, naka 5 glasses ako ng Orange Juice. 3 Glasses ng wine. 4 nuts. At main course dinner ay simot sarap. Pag dating ko sa Singapore! Gusto kong lumandag sa tuwa. At sumigaw ng this iz ettttttttttttttttttttttt!

Dumiretso ako sa bahay na titirahan ko, para mag pahinga kasi kinabukasan pre-employment medical check-up ko kasi. Tapos lunes ang first day ko sa trabaho.

Kinabukasan...

Dumiretso kagad sa Clinic for Medical Check-up. Tatanga-tanga yung medtech! Naka limang tusok bago ako nakuhanan ng dugo. Gusto ko nang sabihin na, Te' me nalang kaya para hindi ka mahirapan in chinese. Tapos X-Ray tapos, vision, weight, height tapos ang pinaka kinatatakutan ko BP. Pag check ng BP high blood me. Sabi kelangan kong bumalik sa susunod na araw para ma check ulet kasi mataas daw. Sabi ko hypertensic ako at nasa lahi namin yun, biyan nalang nya ko ng gamot para bumaba (Oo, marunung pa ko sa Doctor! LOL) sabi nya NO CAN NOT! which means hindi pwede. Na longkot me baka ito ang maging dahilan para umuwi ako ng Pilipinas ng wala sa Oras. I'm SCARED!

Itutuloy...

Wednesday, January 19, 2011

Jeep

Umuulan kanina. Sumakay ako ng Jeep. 'Yung Jeep na 'sing haba ng train ang passenger's seat sa likod. Okay, exag na! Basta, mahaba sya compared sa regular Jeepney. Walang ibang taong sakay ang Jeep kundi ako lang syempre kasama driver wag kang pilosopo gri-gripuhan kita dyan. Pinili kong pumwesto sa pinaka hulihan nito, para relaks mode. Kebs sa banga kahit malayo sa driver. Inisip kong may sasakay rin naman maya-maya.

Umandar ang Jeep...

Tama ako!

I'm such a genius! Ako na ang apo ni Einstein! Pagdating sa susunod na kanto...Sakto! May sumakay kaso nga lang pumwesto din sya sa dulo, 'dun sa tapat ng kinauupuan ko. "Punyeta! paano ako mag babayad?!"

Hindi ako kumilos at nakiramdam saglit.

Sya yung huling sumakay, mag papanggap ako na bayad na me para pag nag abot sya ng bayad, iaabot ko ang pamasahe ko, the moves! ALABET! Sounds like a good Plan.

But, NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! Dumukot sya ng pamasahe nya tapos sabay na iniabot sa akin, on my fucking cute chubby face sabi nya, "Bayad ho"

Nag panting ang tenga ko!

Hindi nag process kaagad sa kukote ko na sa'kin nya iniaabot yung bayad nya. Ang wolongyoh! inuutusan akong i-abot ang sarili nyang pamasahe kay manong driver, it's so happening right now... Hindi ko napigilang mag salita.

"Kuya baket mo sa'kin inaabot 'yung bayad mo???!! Cashier ba ko?! Cash Register ba ko?! Teller ba ko?! (Ang daming sinabi) E'di i-abot mo kay manong yung bayad mo barya, Eiw!!!"

Buset sya! Nakakasira ng araw. Una sa lahat, hindi naman sya babae na maputi makinis at balingkinitan para i-abot ko ang bayad nya. Kumag ampotah!

Nahiya si Koya kaya lumapit sya sa driver para iabot yung pamasahe nya. Pag abot nya ng pamasahe...

Ako naman nag sabi ng, "Kuya bayad ko ho makikiabot please" Sabay abot ng pamasahe ko with puppy eye. Ang sama ng tingin ni Koya sa akin. bwahihihihi




Monday, January 17, 2011

Emo Post Ulet (kebs!)

Pasensya na kung nagiging ma-emo ang mga post ko lately, i-expect nyo na sa mga susunod na araw e ma-emo parin ako hanggang sa maka-adjust ako sa panibagong yugto ng buhay ko bilang isang OFW. Parang larvae lang na malapit nang maging paru-paru.

Pwede nyo namang i-block and blog ko dahil alam kong marami na kayong dapat problemahin at hindi na dapat pang makisaw-saw sa emo shitty-shits dito sa blog ko. Maraming problemang kinakaharap ang mother necha tulad ng global warming at pag taas ng pamasahe ng taxi at ng MRT at LRT kaya kung ayaw nyo na ng emo post you can stop right here, tapos, lipat na kayo sa blog ni Glentot para mabigyang saya ang puso nyo dahil dito emo lang wala nang iba.

Umuwi ako sa Probinsya namin last weekend. Kelangan ko kasing mag empake at pag kasyahin ang lahat ng dapat kong dalhin sa pangmahirap na economy check-in luggage na 20Kgs. Kamusta naman, dalawang jeans ko palang yata yan over baggage na!

Ang ending sa dinami-dami nang nilabas kong damit sa aking aparador, kakarampot lang ang naipasok ko sa aking luggage para dalhin sa aking byahe. All in all, 2 weeks worth of pampasok na damit, kaunting pambahay, kaunting t-shirts, kaunting boxers at mejas. Knorr cubes, Sinigang mix, at lily's peanut butter.

i-winithraw ko narin ang aking last pay at pinapalit ng Singapore Nyollars para may baon ako sa simula ko doon, mag babayad din kasi ako ng titirahan ko doon kaya kelangan mag baon ng bala. Iniabot ni Mudrax 'yung perang inutang nya para pandagdag sa baon 'ko. Ayokong maluha dahil ang lapit-lapit lang naman ng Singapore. Para lang akong lumuwas ng Maynila.

Kumpleto ang pamilya last weekend. Sinundo kasi ako sa Maynila dahil kelangan nang kunin ang mga gamit ko kasi last week ko na this week sa Condo ko.

Gaya nang nakagaawian... Pag tapos kumain sa bahay eh, nag tipon-tipon para mag kwentuhan. Nothing special. Sinabi kong sa byernes na ang alis ko at hindi na ako mag papahatid sa Airport kasi coding ang sasakyan namin. Effort naman kung luluwas pa sila mudrax para lang ihatid ako. Baka gumawa pa ng eksena sa Airport.

Kinabukasan...

Kelangan ko nang lumuwas ng Maynila. Nakahanda na ang aking bagahe. I hahatid na ako ni Pudrax sa Maynila dahil kelangan ko pang pumasok at mag clearance sa Opis. Nagpaalam na ko kay Mudrax hindi na kasi kame magkikita sa araw ng flight ko. Lumuluha sya. Sino ba namang anak ang makakatiis pag lumuluha nanay nya? Tao lang powz.

"Ma' malapit lang Singapore, gusto mo pag uwi ko mag book na ko ng flight pauwi kagad! Kaya nga ito ang bansang pinili ko kahit ang dami-daming offer sa akin eh (chika lang 'to kay mama) para makauwi ako kagad anytime...Pa renew mo na passport mo ha! Papasyal ko kayo ni Pudrax doon sa Birthday mo"

Ngumiti lang si Mama at sinabihan akong mag iingat ka anak.

Putangina!!! Akala ko sa TV ko lang napapanood yung mga ganung eksena. Whutdafuck!!!! Ang sakit sa throat! mag pigil ng luha... Parang gusto kong punitin ang contrata ko at sabihing AYOKOOOOOOO NAAAAAAAAAAAAA!!! CANCELLL NAAAAAAAA!!!!

Kaso sayang ang kaperahan.

Minsan tuloy parang nawawalan na ko nang pagasawa sa lupang hinirang...

Friday, January 14, 2011

Maikling Sulat

Para sa aking cute little girls...


Marahil pag balik ko ni reregla na kayo, pero mag kagayun paman sana isipin ninyo na loves na loves kayo ni Dada. Leanne anak, mag diet ka na ha! wag mashadong sumupsup ng gatas, nakaka jubis yun, tsaka ang mahal, mahal kaya! Tsaka, kelangan mong maging super hot pag dalaga na you, para kumita tayo. Kita mo 'yung sayaw ni Dada ng shembot pag labas ng shower? Ganun dapat ha! Pero sa ngayon Okay lang munang maging chubby ka, cute ka naman eh tulad ni Dada. hihihihi Wag kang mag puke shorts na katulad ng suut mo ngayon ha, nakikita tuloy ang pink mong panty with wings. Wag you malandi! Dahil ayoko nang may nang mamanyak sayo baka makapatay ako ng tao. Chos! Aalagaan mo si Ate Hannah mo ha minsan maldita lang sya kasi mula nang lumabas ka, nag selos sya ng konti.

Gaya, ni Dada at ni bunso dapat mag mahalan kayo. Walang ibang mag tutulungan kundi kayong dalawa lang. Tandaan nyo yan, also tandaan nyo ang kasabihang, "The family that prays together stays together (kunek?!)".

Ikaw naman Hannah, pag napapalingat si Dada or si Lolo at Lola wag mong tutusukin ang mata nang kapatid mo! Alam mo namang may asthma yan, at mahina ang katawan kahit majubis. Bilang nakatatandang kapatid dapat ikaw ang iintindi sa kanya.

Dapat pumasa kayong dalawa ng UPCAT ha, ikakahiya ko kayo kapag nibagsak nyo yun. JUK! Dapat parati kayong mag pray, lagi kayong aatend ng sunday school sa church. Maging active kayo sa mga games at bible verse. Tandaan nyo loves kayo ni Dada.

Pag marunung na kayong mag sulat, sulatan nyo me. Bibili ko kayo nang toys pag na perfect nyo ang exams sa calculus at physics pag hindi walang toys. Hokey!

Seryoso walang halong echos! Ma-mimiss ko kayo :-(

Monday, January 10, 2011

My Work Pass...

Una sa lahat pasensya na kung ang bukang-bibig ng blog ko ay ang Singapore Employment ko. Hindi naman ako namimilit na basahin nyo 'to. Click mo lang 'yung "x" button kung na buburat ka na sa kakakwento tungkol dito.

Anyhu mabahu...

Tunay na malakas talaga ang Jepoy kay Papa Jesus, dahil naging mabuti daw ang puso kong 'sing linis ng Wilkins kaya binigay nya ang ultimate wish ko. Opo mga bloggers isa na po akong undeclared OFW. Baket undeclared? Kasi hindi ako dumaan sa POEA. Ang haba kaya ng Pila tapos ang init-init tapos yuck pa yung mga nakapila like eiw so cheap. JUKKKKKKKK!!! Ang totoo wala na kasi akong time para dito. Doon nalang ako sa Singapore mag paparihistro na OFW na me.

Lilipad na po ang Jepoy next week para simulan na ang pag tra-trabaho para maipatayo ang dream house ni Mudrax. Gusto daw nya ng Bahay na may second floor. Sa kubo lang kasi kame nakatira kaya gusto naman daw nya yung gawa sa bato.

ito ang pruweba na legal na akong trabahador sa Singapore. Praise God! Mag tra-trabaho nga pala ako sa isang Oil and Gas Industry bilang isang Director/ Model. CHOS! Bilang isang simpleng Application and Service Engineer. Oo ako na! Hindi ko alam kung paano ko gagampanan ang trabaho. Seriously! Kaya pag pray nyo me ha. Nakuha ko lang kasi sila sa pamamagitan nang aking Charm and pefect smile na sinamahan ng konting tatas sa pag sasalita ng English. Oo ako na ulet! Ako na! Baket blog nyo ba to? Hmp!


Nag dra-draft ako nang resignation letter ko ngayon dito sa Kumpanyang pinag trabahuhan ko, only to find out na nakaleave yung potang Boss ko. Well Kebs... I don't give a damn. Iiwan ko sa mesa nya ang resignation letter ko at e-email ko rin, para may time stamped. Sayang wala sya, balak ko pa sanang i sungal-ngal iyon sa bunganga nya. Juk lang powz Lord!

Masyadong maikli ang two weeks para makapag prepare ako. Ang hirap pala ng iiwan mo 'yung mahal mo sa buhay. Hindi pala madali. Nag text si Mudrax sabi nya inaayos na daw nya yung cabinet ko tsaka yung luggage ko daw nililinis na nya, sabi nya mag iingat daw ako doon at parati daw akong tatawag sa kanila pag daw may nangapi sakin dun uwi nalang daw ako ng Pinas. Bigla akong nag emo. Kaya ngayon hindi na po ako humor blog. Emo blog na po me.

Ang dami kong tanong bigla sa sarili ko, sa sobrang dami gusto kong mag luto ng Sinigang na baboy. Matapos nang lahat-lahat ng ito baket ko ba gustong mag abroad?! Eh hindi naman ako nagugutum sa Pinas. May Kotse. Naka Condo.Nakakakain naman sa Jalibi kung gusto ko.Nakakanood ng Sine. Nakaka punta ng Boracay at may mangilan-ngilan na tunay na kaibigan...Baket pa, diba?! Dito sa Pinas may nag lalaba ultimo underwear ko. Ni hindi ko nga nakuskus ang skidmarks sa brip me. Dito sa Pinas nandito si Mudrax at Pudrax at si Bunso. Happy Together naman kame during weekend, kahit hindi ganun kadami pera. Kelangan ko ba talagang mag abroad?!

Yan yung mga emo mode questions na tinatanong ko sa sarili ko. Yan ang mga questons na sisira nang pagiging humor blog ko. Dapat mag palit na ko ng header, "Pluma ni Jepoy a Journey of a lifetime" Chos! Sagwa ampota! Pero seryoso, ang hirap kasing umalis ng comfort zone.

Pero ginusto ko 'to. Nakayanan ko naman din dati noong panandalian akong tumira sa Amerika. So I think I will do great. Siguro papayat ako at magiging super hot. Magkakaroon me ng sixpack abs at dahil wala akong makakain papayat me at mawawala ang double chin ko. LOL. At mag titipid ako ng one month dahil wala pang sweldo, kakainin ko lang ay Ahm at lugaw. Yay!

And now my Singapore kwentong katarantaduhan starts right here...

Salamat sa walang sawang pag tangkilik. EB tayo bago sana ako umalis kaso wala akong pang libre. Purito much kaya nahiya me mag invite.

Yown lang! God Bless!

Tuesday, January 4, 2011

Kapirangot na Update lang...

Hindi ako mapakali, masyado nang nangangati kasi ang betlogs ko. Jowk! Sa katotohanan hindi ako mapakali dahil nga sa kakahintay ng update nang aking possible employment sa Singapore. Last time na ikwento ko na 'yung nangyari diba? Kung 'di mo alam skip read kang Putangina ka. Juk!

So hindi ko tuloy maikwento masyado na umuwi ang mga cousins ko from Canada-Ei.

Na miss ko talaga sila...

Sa sobrang miss ko na excite ako sa pasalubong nila sakin at nag nose bleed ako ng tunay at wagas pati gilagid ko dumugo sa kaka-English at di ko rin makwento na naginom kame at ako ang nalasing dahil hindi naman ako manginginom tapos nag suka ako sa may front desk Area sa isang hotel sa makati tapos nakatulog ako nakayakap sa Inodoro. Tapos kinabukasan pinagalitan ako ng Tito ko dahil ako daw pasimuno nang pag lalasing, eh nayaya lang kaya ako?!

So yun nga...Ang hirap kasing mag hintay nang mag hintay nang update galing sa HR tapos paunti-unti yung update, kainip much. Para lang akong tanga hintay ng hintay ng tawag at email.

Last week dumating na ang aking Kontrata (finally) sa aking papasukang Kumpanya sa Singapore. Okay naman ang package pwedeng makabili ng isang Chicken Rice na pananghalian once a day at kaya naman mag load ng MRT card ng isang bwan. Kaso lang 45 minutes lang ang lunch time, talagang naka stipulate sa kontrata, Shayt! Pero pinirmahan ko narin sayang naman. Mag papakipot pa sana ako at hihingi ng increase sa sweldo kaso baka mauntog sila at magising sa katotohanan na mag hi-hire sila nang isang tatanga-tangang empleyado bwahihihihi

So nag email na nang congratulatory email yung HR tapos nag email na sa akin ng instruction upang i proseso ang aking Work Pass. Ang daming forms, nakakatamad mag fill out.

Para lang sa hindi na kakaalam, sa Singapore naka base yung Hiring mo sa Work Pass approval na manggagaling sa Gobyerno nila. So sa madaling sabi, hindi natatapos ang hiring mo sa Job offer mo, kelangan munang magkaroon ng Work Pass ang isang foreign Applicant bago sya tuluyang masabing "Hired" ng Kumapanyang gusto syang kunin.

Nasa stage na ako na pinupruseso yung Work Pass ko. Ang hirap mag explain. LOL

Ang punto ko, nakakaburaot mag hintay... hindi nalang kasi sabihin na wag ka nang umasa di ka pede finish! Okay, naka-reklamo mode On nanaman ako. LOL Siguro kinakabahan lang ako kasi nasa huling pag hihintay na part na ako, at kating-kati na ko mag resign dito sa aking pinag tra-trabahuhan pero ayoko naman mag resign kasi kung ma decline ang Work Pass ko edi patis at kaning lamig mode on ako?!

Hindi tuloy ako makapag kwento nang maayos sa aking precious blog kasi lagi akong nagbabasa ng forums tungkol sa buhay Singapore, syempre ayoko namang maging tanga-tangahan pag dating ko doon. Isa pa, wala pa akong titirahan at medyo mahal ang gastusin doon, kamusta naman ang pag babalik bedspace?! Hindi ko yata kaya kasama ibang lahi sa kwarto. Baka amoy putok na pinag samang utot na shinake ng 2 weeks sa garapon ang amoy nila, like eiw imma die in pain.Arte lang!