Friday, October 22, 2010

Sign of Aging?!

Gusto ko na yatang maniwala sa sinabi ng kumadronang naka kwentuhan ko sa Taft na kapag tumatatanda daw eh umiiksi ang pasensya. Sign of aging kung baga. Buti nalang ang haba-haba ng ng patience ko. Jowk! Pero na-observe ko lately parang ang bilis ko na ngang magalet kahit sa mababaw na mga instances lang, dati naman kayang-kaya ko lang palampasin ang mga ganoong pangyayari pero ngayon parang hindi ko na maatim na hindi marinig ang aking opinion. Siguro nga opinionated lang talaga ako. Ewan!

Scene 1 sa KFC

"Sir anong pong order nila"

"Bigyan mo nga ako manang ng Spugeti"

"Ay sir wala na po kameng spugeti"

"Sige 2 pcs chicken nalang 'yung tigh part ha tsaka yung hot and crispy"

"Ay wala na po kameng tigh part tsaka 20 minutes pa po yung hot and crispy"

"Uhmm sige 'burger nalang.."

"Sir wala na po kameng bun, pasensya na po.."

*kumislap ang poot sa mga mata ni Jepoy*

"Manang mag sara na kaya kayo?! Lahat nalang wala?!!?!! Ano lang meron?!

*luminga-linga si ate sa kasamahan nyang crew*

"Manang nakikinig ka ba? Sabi ko ano lang meron?!

*nakatingin lang sya sa'kin*

"Tanga-tangahan tayo dito manang?! fries na ngalang tsaka coke"

"Sir wala pong coke pepsi products lang" *muka na syang naiiyak*

"Ay pota sige cancel mo na. Hindi na ako na gugutom, hindi ako kakain ng one week"

Scene 2: Sa Shangrila Mall sa Ortigas

Nag mamadali akong pumasok dahil 10 minutes nalang eh late na ko. Ayokong bigyan ang bossing ko ng reason para mag karoon kame ng short conversation 'nung araw na 'yun dahil baka ma ipalunok ko sa kanya ang puncher sa sobrang sama ng loob ko sa kanya.

Nag mamadali ako sa pag lalakad para umabot pa ako sa Oras. Nangbiglang... may humarang na dalawang babae na ang bagal-bagal mag lakad habang nag kwe-kwentuhan at nag hahagikgikan na parang iniipit ang mga tingkelbels nila sa may escalator. Mano manlang magbigay ng daan ang luwag-luwag naman sa escalator?!

"Ms Excuse me makikiraan"

*Deadmeat ang dalawang bilat*

nilakasan ko ng konti ang boses ko, "Ms. Excuse mehhh Makikiraan lang"

Lumingon 'yung isang babaeng mukang talampakan ng turtle at umusog ng konti. 'yung tipong daga lang ang mag kakasya sa space na binigay nya.

"Miss can you give space there are people at back trying to pass through, malalate na kame" Napaenglish ako ng konti kasi Shangrila Mall hindi naman SM, Kung SM 'yun baka kinapampangan ko pa sila mga de pota. Nag bigay naman ng malaki-laking daan ang mga hitad habang nag bubulungan.

Babalikan ko sana at pag sasabihin kaso naisip ko may karapatan naman silang mag mabagal kasi nasa mall sila. Kaya pinalagpas ko na.

Happy Weekend mga Kaibigan! Enjoy your weekend kasama ang inyo-inyong family and friends...Stay safe for me will ya?!

Kthanksbye!

41 comments:

  1. "Ay pota sige cancel mo na. Hindi na ako na gugutom, hindi ako kakain ng one week"

    The best!

    ReplyDelete
  2. grabe naman si KFC girl, mukang wala ata silang stock nung oorder ka.

    hahah. natawa ako ng napa-english ka sa 2 girls. Sarap sipain minsan ung mababagal maglakad :p

    ReplyDelete
  3. Ang puso mo!Relax lang...magdadala kasi ng baril at sabay tira sa bubuwisit ng arw mo.hahaha!!

    ReplyDelete
  4. long time no comment ako dito ah.

    ang bobo naman nung nasa KFC. hahahaha.

    ReplyDelete
  5. nagtampo ka agad jepoy at one week kang hindi kakain... :D

    ReplyDelete
  6. Hindi sign of aging 'yan. Kulang ka lang sa SEX. LOL!

    ReplyDelete
  7. puso mo! ang puso mo! Hinga muna.... madalas akong ganyan, tumatanda na rin kasi... lumiliit ang pasensya.
    Kalma lang, mahirap yan baka magkasakit tayo.

    ReplyDelete
  8. relax! heheh naks sa english. paderpakinshit

    ReplyDelete
  9. agree ako kay Gasul...noon kasing beergin pa ako sobrang ikli ng pasensya ko...minsan nga talagang wala..pero noong lagi na akong...alam mo na...natuto na akong magkaron nyan..hihihihi

    dito naman automatic na sa escalator na sa kanan ka tatayo pag di ka nagmamadali kasi yung left side eh para sa nagmamadali yun at bawal tumayo lang don...

    ReplyDelete
  10. NGAYON LANG AKO NAKACOMMENT DITO.. WAHEHEHE... PERO KAHIT NGA AKO PAG NO CHOICE NANG MAGALIT, MAGAGALIT TALAGA AKO, KASI MAY NABUBUHAY TALAGA SA MUNDO NA TANGA.. WAHEHEHE

    ReplyDelete
  11. Kahit naman siguro sino ay maiinis kung wla lahat hehehe... Dapat lahat may nakalagay na "Not Available" heheheheh

    ReplyDelete
  12. naku, ganyan talaga sa kfc madalas. kaya nga delivery na lang ako palagi sa kanila. kung di lang masarap manok nila.

    hay.

    happy weekend!!!

    ReplyDelete
  13. hahaha agree ako sa sinabi ni Gasul bwahaa.. kaya ako msyado akong patient e bwahahha...

    ching!

    ReplyDelete
  14. @Spiral Prince

    Oi first time ka dito sir ah. Thanks sa pag comment. May the best ka pang nalalaman hihihi

    Balik lang ulet

    @Khantotantra

    UU paharang-harang eh hihihi sa susunod tatadyakan ko na ang papanget naman kala mo magaganda bwahihihi

    @2ngawzki

    Naka move on na ko ati hihihi

    @Goyo

    Oi sir onga di ka na nakakadalaw ah! Tanga-tangahan si ati kasi. Tuliro much yata

    ReplyDelete
  15. @MarcoPaolo

    Ganyan talaga ako mag tampo koya! LOL

    @GASUL

    Sige ikaw na sagana sa SEX! Ikaw na nagpapaputol all day all night! Ikaw na manwhore!

    @Mokong

    Naka hinga ng maluwang sir ahaha. Pinahahaba ko na nga patience ko para hindi mag ka wringles sayang naman ang kutis kamatis ko ahahaha

    @Mots

    Sows ayoko mag relaks na iirata me. ahhahaha

    ReplyDelete
  16. @Powkie

    Sige ate mag sama kayo ni gasol, kayo na ang mga sex machine!!!! tag tuyot ka kaya ate ngayon, diba si paparatzi mo nasa maynila so maikli patience mo?!

    Dibale weekend naman na hindi na iikli ang patience ko bwahahahha


    @Kikomax

    Oi salamat sa pag koment mo ha na tats naman me. Marami talagang nag kalat na tanga sa earth haist. Buti nalang we're not one of them bwahahaha

    @Klet Makulet

    Onga eh nakakasar lang talaga. Dibale naka move on na me..

    @Gillboard

    Honga baket nga ganyan sa kepsi noh?! LOL kundi lang talaga masarap ang manok nila matagal nang eliminated ito sa list natin eh no. LOL

    Happy weekend sayo kaibigang Gibo!

    @Soltero

    Sige na mag sama kayo ni Gasul at ate powkie kayo na ang newest sex machine! Kayo na ang nag papaputok all day and all night. Kaya mahaba ang patience nyo. LMAO!

    happy weekend koya josh 'yun IHOP ko wala parin?! Sows!!!!

    ReplyDelete
  17. Kalma Koya.
    Minsan kasi, nananadya ang tadhana. Kung kailan hindi dapat tsaka titira ng pambwisit, tao lang tayo kaya mabubwisit naman. E di pak! Galit na galit na.

    ReplyDelete
  18. yung naka-dilaw ba? ninakaw lo lang yung graphics sa un sa zedge. heheh

    ReplyDelete
  19. stress lang yan jepoy. ayokong umagree na sign of aging yan. gawain ko din yan e!

    ReplyDelete
  20. mga ilang linggo na rin akong nagbabasa ng blog mo :3 ngayon lang ako nag comment, hahaha

    ReplyDelete
  21. nag like ako sa comment ni gasul..kulang ka lang talaga sa sex...ahahahhahahaha...


    iwasan na kasi kumain ng matataba...kasi naman nakakahighblood yun..

    start eating pechay....NOW NA!hahahahhaa

    potang kfc yan.pero mahal ko parin yan....ever.lols.

    yung dalawang babae na naipit ang tinglebells...ahahaha..wala lang...ang sarap pakinggan.lols

    ReplyDelete
  22. naimagine ko toh jepoy... wala lang... ang cute mo siguro magalit pero nakakainis nga kapag ganyan ung scenario...
    so far, nacocontrol ko pa naman haha thank gulay! :P alam mo secret ko ? eto para matanggal init ng ulo mo: protein bar.

    ReplyDelete
  23. dapat kasi kepampanganan muna la mu para dinanan dakang malwalas a dalan.

    e bali potang aku n aing presidenti pagawa kung dalan para keka hehehe

    haberdei ulit sir jepoy, stay safe and cool kahit minsan nakakainis ang sitwasyon, syempre mas madaming maskles ang nagagamit kapag naiinis tayo kaya be happy sabi nga ni manong enrile.

    be blessed sir, blessed weekend nga pala sa atin diyan sa Pilipinas

    ReplyDelete
  24. Ang taray! May regla ang putang-ina. Bigtime na kasi kaya nang-aaway ng mga taong hadlang sa daan nya! ahahahaha jk

    ReplyDelete
  25. Sana kanin at gravy na lang kinain mo tutal yun lang naman masarap dun..


    Ako pag tanga kausap ko yung Manager ang tinatawag ko, make sure they know kasi uulitin nila yun....

    Ako never ako nakikiusap
    makiraan... pag ayaw nila tumabi... bigla na lang silang tatalsik saken buwahahaha!


    Ako din walang patience.... hindi kasi ako doctor eh... juk! Hwehwehwe korny mais! hahaha

    ReplyDelete
  26. Ahahahahaha tama si kumagcow sana kanin na lang at gravy lang... hehehehe naalala ko tuloy yung eksena namin sa Cebu... kaso hindi kami yun... foreigner xa...hehehehehehehe

    ReplyDelete
  27. hahaha! tang inang KFC branch din kasi yan. kahit sino siguro, mapapaaway dun. actualy madami ng mga ganyan na mga establishments. kulang sa seminar yang mga potang crew nila, kaya keri lang na mang away ka jepoy! dapat nga mas maging mataray ka pa eh!

    ReplyDelete
  28. huwaw! tumataas ang highblood mo koya! hihihi.. Stay cool lang.. pag di na kaya Inhale-exhale sabay mura! hahaha joke lang..

    happy weekend sir!

    ReplyDelete
  29. restaurant ba yan or what? lahat ng lang wala.KUng maiinit nga naman ang ulo mo talaga naman.

    buti di nagtaray si ate. nagtanga tangahan lang.

    ReplyDelete
  30. kuya jepoy, ang sungit moooo! hakhak!
    pero okay, cute ka naman! wohohoho!

    may karapatan magsungit ang cute! *kindat*

    mas maikli pa ang pasensya ko so ibig sabihin takte lang, oh hindeeeee!

    ReplyDelete
  31. awww napapa-ingles ka pala kapag galit :P

    dito ang right side ng escalator e para sa mga nagmamadali. mga tao kasi dito lagi nagmamadali kaya may lane para sa kanila.

    ReplyDelete
  32. ang songet naman ne koya, haha. XD

    ganun madalas sa kfc (o kahit sa ibang fastfood) pag malapit na magsara, inuubos nalang yung mga pagkain kaya madalas ubos na yung gusto mong orderin.

    dapat tinanong mo si ate kung pwedeng siya na lang ang orderin mo, haha. XD

    ReplyDelete
  33. ang songet naman ne koya, haha. XD

    ganun madalas sa kfc (o kahit sa ibang fastfood) pag malapit na magsara, inuubos nalang yung mga pagkain kaya madalas ubos na yung gusto mong orderin.

    dapat tinanong mo si ate kung pwedeng siya na lang ang orderin mo, haha. XD

    ReplyDelete
  34. kung ganyan din siguro ang maexperience ko... sabihan na ako na matanda pero ubos talaga ang pasensya ko hehe

    ReplyDelete
  35. ayan sir updated n ko. bwahahahaha..

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  36. ayan sir updated n ko. bwahahahaha..

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  37. ayan sir updated n ko. bwahahahaha..

    -kikilabotz

    ReplyDelete
  38. Irate customer...
    set lang :)

    ReplyDelete
  39. ahahah! this is the first time I've visited your blog at natuwa ako ng bongga. pamatay boredom sa weekend. aaraw arawin na kita. =) Meron din akong post na related sa babagal bagal sa daan kaya naka-relate ako talaga.

    ReplyDelete
  40. tanga-tangahan talaga??? ahahaha.
    badtrip din ako sa mga ganyan na ambabagal naman maglakad. lalo na sa LRT o MRT. haynaku.

    ReplyDelete