Wednesday, May 12, 2010

Para kay Glentot

dahil sobrang nalalapit na ang kaarawan ng kauna-unahan blogger na nakilala at naging tropa ko eh, napag desisyunan kong bigyan sya ng alaala sa blog ko (parang yumao lang) . Wala akong material na bagay na maibibigay dahil una sa lahat kamag anak ko ba sya?! Pangalawa, buti sana kung mag papainom sya kahit isang bucket lang na worth 170 pesos sa Dencios this coming weekend?! diba?! hihihihi

Kidding aside, plano ko talagang i-level up ang fame ni Glentot sa pamamagitan ng pag bibigay ko ng 2 days worth of exposure sa aking walang kwentang blogsite.

Alright to begin with plano kong i-tats si Glentot sa entry na ito para sa kanyang Birthday (Oo nag bi-birthday din ang mga lamang lupa) kaya umpisahan ko ang aking attempt na paluhain ang dwende. Go!

Mag share ako ng picture para exciting. Ang picture na ito ay kuha sa IMAX habang nag hihintay kame ng palabas na Avatar. ako ang may hawak ng ticket. Okay hindi ang double-chin ko ang topic dito kaya wag nyo na akong laiitin lalo pa't hindi naman tayo close duhr! wala na po akong double chin ngayon. Hmp!


Una kong nakita ang blog ni Glentot sa link ni Paps. Uso pa noon ang whatever ten contest. Syempre sumali ako at gumawa din ng sarili kong bersyon. Aba 'nung ni reveal ang winner talo me. And guess what? Wala daw nanalo, Sus ayaw lang ipamigay ang Ferrero Rocher ayaw pa aminin. Ito nga pala 'yung link ng Whatever ten ni Glentot, click mo 'to.

So finally after ng murahan sa YM almost eveyday eh, sumama narin ako para makipag EB, nahiya kasi me 'nung una. At ang EB ay sa bible study nga.

Ininvite ako ni Glentot na sumama sa bible study (Oo hindi ka na mamalik mata Shungaler!) since ako ay Born Again (hindi lang halata) nag ka-interest me sumama sa Bible Study only to find out na Youth Convergence pala ang aking nasamahan. So habang nag pe-perform ang mga kabataan, doon namin na pansin si Mr. Energy punong-puno kasi sya ng energy sa pag awit yun nga lang medyo na wala si Kuya sa tune hihihihi Pareho pala kame ng iniisip kung kaya habang nag pray ay sya namang pigil namin sa pag tawa hindi namin tinatawanan ang mga nangyayari at mga tao kundi na tatawa kame kasi pareho kame ng iniisip, nag sikip ang dibdib ko sa pagpigil ng tawa muntik na me ma utot ng beri beri mild. After nun ay madalas na kameng nanlalait at madalas eh nag kakape kame tapos lalaiitin namin ng beri beri nice ang mga nakikita namin or nababasa naming blogs at books, syempre samin lang 'yun ayaw namin ng gulo. hihihi

Si Glentot ay may pure heart isa nga lang syang sensitive na palaka. Wag kang mag kakamali dahil hindi mo na nanaiisin pang subukan period :-D

Alam nyo sa mundo ng sapot marami ang plastic at karaniwan 'yung nababasa mo sa blog nila eh hindi talaga nila personality iyon. There's nothing wrong with that I respect them pero I consider myself lucky kasi may mangilan-ngilan din namang totoo at mabubuting tao from the inside-out at hindi kasama si Glentot doon. JOke! Syempre kasali sya doon para saan pa itong fame booster entry na ito kung hindi sya included doon?!

Ano pa ba?! Uhmmm si Glentot mag ka wavelength kame nyan pero mag kaiba kame ng gusto na books, ako keso books gusto ko sya gusto nya morbid books, kaya suki kame ng book store syempre ganun talaga ang mga brainy book lovers hihihihi. Madami narin kameng na meet na bloggers ni Glentot madalas nga eh nakakainuman namin sila 'twing weekend.

Mag kaiba rin kame ng gusto na movie ako gusto ko keso movies tsaka kids na movie sya gusto nya yung mga tipong morbid movies, pero dahil adik ako sa movie eh madalas na nonood kame kung wala rin namang kameng sari-sariling lakad.

In conclusion (Parang experiment lang sa high school) what are the things you can expect kay Glentot as a person.

1. Hindi sya na la-late sa lakad. Not once.
2. Ayaw nyang mag palibre kahit pilitin mo. Well at least for me.
3. Mabilis makiramdam 'yan. People person sya alam nya ang tamang asal.
4. Mabilis mag reply pag nag txt ka sa kanya
5. Grammar Police, malalait ang nag gagaling-galingan sa kanya tahimik lang pero kaya nyang sabihin kong bobo ka at tanga ka.
6. Mahilig mag jacket kahit mataas ang araw maka porma lang
7. Bawal ang mga wala sa hulog na comment sa kanya lalo pag so stupid. Makikita mo nalang na wala ka na sa facebook nya. LOL
8. Sweet yan kay Doris (Mommy nya) Sha-Sha fierce (second Mom nya)
9. Meron talaga syang hidden desire kay Khi-Khi ayaw lang nyang tanggapin hihihi
10. He is a great friend.

Happy 24th birthday Asshole!!! Sana mapa sikat ka pa lalo ng 2 days fame booster ng blog ko ang dami ko pa namang followers bwahihihihi! bibili kita ng cake ng goldilocks pag nag painom ka. hihipan mo tapos pipicturan ka namin.

Kampay!

62 comments:

  1. uuuyyy, jan nag uumpisa yan! lolzz

    Happy Birthday naman kay Glentot, at sanay magtagal pa ang inyong paglalandian :D

    ReplyDelete
  2. ehem.. ehem...

    Happy Birthday Glentot!

    ReplyDelete
  3. ang twit naman ni jipoy....

    opposite attracts... uy labteam =)

    ReplyDelete
  4. @LordCM

    Taken na ang puso ko bwahahhaa

    @Kosa

    Sana painom si Glentot nyahihihi

    @Roanne

    Opposite attracts ba parang s amag netesim lang?! LOL may ka labteam na si Glentot si Khi-Khi nga hihihi

    ReplyDelete
  5. see! ang sweet mo tlgng friend..keso!

    pwede b frend mo din aq???haha..

    =)

    ReplyDelete
  6. mabuhay ka jepoy at ang iyong kaibigang glentot!

    natutuwa ako at nakilala ko ang magagaling na bloggers na katulad ninyo... amen? AMEN!

    ReplyDelete
  7. hangswit nyo nemen... ur so swit to glentot... pag birthday ko me ganto den akoh? haha... feeling close... joke lang... anyhoo... naaliw nemen ako sa entry mo as always... 5.5 out of 5 na rating mo saken... wehe... teka naaliw ako kc u met here sa blog lang pala... i thought u guyz are best of friends na since then... kaaliw kayoh... invite nyo kme sa wedding nyo ha... ganda nang lab story nyo eh... wehe...happy birthday kay loveteam mo na si glentot... wabs ko kayoh... sama nyo na ren si kuya drake... ingatz... Godbless!

    ReplyDelete
  8. aww..so sweet..sana may mahanap rin akong friends like you and kuya glen..anyway..Happy birthday kay kuya glen..^_^

    ReplyDelete
  9. kasinungalingan!

    anong EB? di ba yung first time niyong magmi-meet eh dapat mag si-sex kayo? kaya dapat SEB yun, SEB!

    bwahahahahahaahaha

    OMG, how the coffee babies talk about the blogs and bloggers that we love... and love to hate!!!

    ReplyDelete
  10. hangtweet!!!! happy burdey glentots!!!

    naku, kelangan ko palang mag ingat, isa pala sya sa mga grammar nazis hahaha.

    ReplyDelete
  11. kung hindi ko kilala si Jepoy at Glentot iisipin kong may something kayo.
    BAKLAAN NA!!!! hahahaha. joke.

    HAPPY BDAY GLENTOT!!! :)

    ReplyDelete
  12. Ang sweet naman ni Jepoy! So keso ah! hehehe

    Inuman na! Hapi bertdey glentot!

    ReplyDelete
  13. muling ibalik ang tamis ng pag-ibig. wahahahaha.

    waaaaaaaahh magkaholding hands b kayo nung nag EB kayo? ahahahaha. hayeeeepppp.. sabi ko n nga ba eh. ibang iba ang titigan nyo. ahaha. joke..

    ang sweet mo talagang kaibgan pareng jepoy. proud n proud sayo si glentot.


    at nainiwala ako sa nmber 9

    ReplyDelete
  14. ang sweet naman nag dadala ka rin pala ng kaibigan kay papa Jesus

    ReplyDelete
  15. wow..jepoy, publicist ka ba ni glentot?

    pinapakilig mo ang sphincter ko...

    nice..

    mwah..

    ReplyDelete
  16. hmmmm... i smell something fishES in here... LOL

    ReplyDelete
  17. hmmm. prang my naaamoy akong sumthin dito ah!! pag ibig ba tawg dun! eheeh. peacE!

    ReplyDelete
  18. May ganito talaga? Subra!

    First post pa lang ito, iintayin pa ba namin yung mas mga intimate reveals mo Kuya Jeps? *parang The Buzz lang.

    Happy Birthday Glentot! Sana tumangkad ka pa! Yiiiiii! Peace.

    ReplyDelete
  19. ang sweet naman nito, swerte ni glentot sa'yo papa jep, uiiiiiiii....:)

    maligayang araw ng pagtanda kay glentot! :)

    ReplyDelete
  20. @Lhay

    ay sayang wala ka palang blog pero kahit wala kang blog binabasa mo ang blog ko na tatats naman ako ng sobra sobra parang gusto kitang ilibre ng popcorn hihihihi

    Mag blog ka narin kasi. Alam mo noong unang panahon nag babasa lang din ako ng blog hanggang sa sinubukan ko at eto ayaw ng paawat...

    Thanks lhay I appreciate all your comment and effort to back read my previous post.

    @Chingoy

    AMEN!!! Kuya nambobola ka pa. Akala ko nag tampo ka na sakin ng bongga kasi hindi ka na nag cocomment eh.

    @Dhianz

    Ayoko nga pakasalan si Glentot, I mean ang bansot kaya nya bwahihihi.

    Dhi Labz din kita hihihi Pag uwi mo ng pinas let me knnow ng ma libre kita ng ice tea. God Bless din

    ReplyDelete
  21. @Popoy I.

    Poypoy inosentes ikaw ba yan?! Hoy hindi pa ko nakaka move on sa pang iindian mo ng EB dati kala. Baklaan ka pa dyang nalalaman. TSEEEEEEEEEEEE!

    @Taribong

    Sweet talaga me taribong, tenchu so much. Sige pag nanginuman sama ka! the more the merrier.

    @kikilabotz

    Tamis ng pag ibig ka dyan. TSE! Aahahah

    Nung nag EB kame hinolding hands nya ako pero inalis ko kagad kasi hindi naman ako easy to get no. Ahhahahahhaa

    Tama lahat tayo na niniwala sa number 9. Kaya nga isang box ng condoms ang aking gift kay glentot. hihihihi

    @Paps

    Uu iniivite ko yan si Glentot sa Church pero ang daming alibi eh.

    ReplyDelete
  22. @Stone-Cold Angel

    SOrry naman cheesy and mushy kasi ako talaga.

    @Mjomesa

    Yes you are right ako ay publicist ni Glentot. Meron akong question ano ung sphincter?! mahina kasi me sa english eh.

    hihihihi

    @Incedent mind

    Hoist incedent mind bibig mo ang na smell mo kasi amoy fishes.

    Alam mo bang kinocondider kitang maging blogger of the month kaso dahil wala kang profile pics ayoko na.

    bwahihihihi.

    ReplyDelete
  23. @Ayie

    May mas intimate pa ba?! LOL Saka na pag uwi mo sa December para mag ka bondingan naman tayo hihihi

    @Anthony

    Ang tagal mong hindi nag paramdam langya! Sweet ko no parang chicharap lang hihihi.

    Buti naman at nag paramdam na you.

    ReplyDelete
  24. weeeeh!!! ang swet swet mo naman kaibigan kuya jepoy! dyan nagsisimula yan.hihihihi..joke lang..^_^

    ReplyDelete
  25. maligayang bate glentot. hihi

    ReplyDelete
  26. ang sweet naman ng ka-labtim! hehehehehhehe... wala bang kiss jan para sa kanya?! hehehehhehhee

    ReplyDelete
  27. weeee! Brokebackan na to! ahhahaha
    hapi berdey kay glentot! haha

    ReplyDelete
  28. kahit sino mata touch sa mala-Oscars na tribute na to, hehehe. sana tumagos sa puso ni glentot ( binabasa ko rin sya pero di me nagco comment masyado kasi baka malait ako, hehe)

    hapi bday glentot at mabuhay ka jepoy sa iyong pagpapakita ng kahalagahan ng isang kaibigan.

    ReplyDelete
  29. ang sweet naman ng nabuong pagkakaibigan sa blogging. makasali nga sa gala ninyo pag mapadpad ako diyan sa maynila ha? hehe...wag niyo sana akong lait-laitin huhu..haha

    happy birthday glentot..greet na rin kita sa blog mo maya teka haha

    ReplyDelete
  30. exposure? parang mabenta tong blog mo. at nagb-bday ang lamang lupa? kapistahan tawag dun di ba? di bale immortal naman. (hagikgik sa worship experience; can relate)

    ReplyDelete
  31. hangswet naman...

    inisnab talaga ng mga commentors ang double chin mo...hehehe, joke...

    hapi bertday na lang po ke glentot & meri xmas na rin....

    ingat...

    ReplyDelete
  32. @ oliver: BB-an woot-woot

    @ ayie: honga?! may part 2 pa?! iboycott na suka na kami

    @ myself: oy di mo to blog

    ReplyDelete
  33. ang sweet mo naman! haha i can imagine how much effort this post took. lol

    "Madami narin kameng na meet na bloggers ni Glentot madalas nga eh nakakainuman namin sila 'twing weekend."

    sabihan mo nga yan si glentot, kahit 1 bucket lang sa weekend o! haha

    ReplyDelete
  34. PUTANGINA MO 23 LANG ME!!!!!!!!

    ReplyDelete
  35. bat ganun di na teen pero parang pre-teen

    ReplyDelete
  36. Tang-ina mo Jepoy humanda ka sa birthday mo sisirain kita sa buong blogosphere bwahihihi

    Maraming maraming salamat sa trubute post na ito. Hindi pa naman ako mamamatay may ganito na.

    Salamat po sa lahat ng pabate at isa ito sa mga napakasayang birthday ko dahil maraming bumabate sa akin, dati kasi ako lang ang nagbabate sa sarili ko.

    MWAHCHUPAHXXX

    ReplyDelete
  37. @Darklady

    Actually, I was kinda looking for some libre coming from glentot. Simula ng alen? Pag iibigan? Negative! LOL


    @Chimmie

    Sige bate-in mo bate-in si Glentot hanggang labasan sya ng...Ngiti sa labi hihhihi

    @Xprosaic

    Kiss?! Eiw! Like kadireeee! jijijijiji

    @Olyabut

    Sige kayo nalang mag brokebakan LOL

    ReplyDelete
  38. @Weng

    Weng sobra ng nakakatats ang comments mo miss weng sana mag ka profile picture ka na para makita na kita hihihi

    @Sendo

    Sige ba sali pag napadpad ka ng maynila basta may panlibre ka go!

    @RS

    CHEEEEEEEEEEEEEEEE! Yung txt mo super delayed! Sumama ka sa sabado ha!

    @Scofield

    True, pinansin mo pa kasi. Baket sexy ka ba?! Hmp! LOL

    ReplyDelete
  39. @RS

    Ikaw nanaman, blog mo ba 'to?! baket ka nasagot

    @Citybuoy

    LOL. Himala hindi nag skip read! LOL Mag papainum daw yan si Glentot mayaman naman sya eh

    @Glentot

    You're welcome. Putangina mo kang bansot ka! So ungrateful! Dahil dyan isang bucket ang ialay mo samin hihihi

    ReplyDelete
  40. bakit wala ang comment q? nwla? hmmm

    anyweiz uulitin q nlng... ehehe
    my sumthin b?? aminin!! ehehe

    ReplyDelete
  41. Aling comment?!

    Something alen? kung meron aaminin ko kaso wala eh. Nakakatako palang mag appreciate ng kaibigan dito sa blog mapagkakamalang brokebakan.

    ReplyDelete
  42. un o!kakatouch nman..whehe!d nman kcng adventureous ng lyf mo ang lyf q..d rin aq creative writer..wla rin aqng frend na kgaya ni glentot..haha!bitter lng ulit..bk langawin lng ang future blogsite q..badtrip nman un db..=)

    popcorn lng?!db pede smhan n rin ng 1.5L na coke??!=D

    ReplyDelete
  43. Wow how sweet naman ni pareng jepoy! Iba ang tandem nyo parang batman and Robin.

    Isang maligayang bate para kay Glentot!

    Ililibre ka ni Jepoy sa weekend daw sabi nya kanina, sakto sweldo daw kasi..madaming pera si Jepoy..45k/mo

    ReplyDelete
  44. di naman ako nagsi-skipread! minsan lang. haha at tinigilan ko na no!!!

    @glen ang bastos! haha

    ReplyDelete
  45. @Lhay

    Ganto yan lhay, you don't have to write para sa iba. You primarily blog coz you wanna share you're thoughts. Yung readers bonus lang yan.

    When you start to write because you want readers eh mag puplish ka nalang ng books or mag bloghop ka ng isang buong araw tapos sabihin mo basahin nila blog mo tignan mo meron at meron mag babasa.

    Basta sulat mo lang thoughts mo forget about the readers. Do it for your self hihihi

    @Steven

    45K /mo ka dyan!!!! Shadap!

    @Citybuoy

    I agree bastos talaga yang si Glentot

    @YJ

    Wag ka ng mag tampo! Ang hirap pala ng madami ng comments bago mag reply meron akong na kakalimutang sagutin. Wag ka na mag tampo, go! Bili kita ng isang slice na cake tapos kiss ka ni Glentot? How's that? hihihihi

    ReplyDelete
  46. @Kcatwoman

    Yes sa blog lang po talaga. Close na kame kasi matagal na pong panahon yun last year pa hehehe

    Salamat sa pag bisita

    @Superjaid

    Sorry na skip ko comment mo. Friend mo naman ako ah, actually isa ka nga sa mga unang readers ng blog ko. DIba lagi ako nag iinvite ng EB dati pero busy you parati

    God Bless!

    ReplyDelete
  47. naku sinadya yang kay YJ. lumalabas na ang tunay na galit.

    ReplyDelete
  48. ang ganda naman ng entry mo, parang nakilala ko na rin ng todo si glen. parang ang sarap niyang makatambay sa MOA at manlait ng mga dumaraan.

    sama ako sa inyo minsan pagbakasyon ko dyan sa pinas.

    ReplyDelete
  49. too late too late....

    you have to say and do more than that.... kidnapin mo si Ahmer para sakin.... NOW NA!

    ReplyDelete
  50. Sweet ka nmn pla pareng Jepoy eh...Glentot deserves a kiss from you hehehe...

    ReplyDelete
  51. @Random Student

    Are you acting like a catalyst?! Damn you. hihihi

    @Kaitee

    Sige kiss ko Mhuachupaa times two. Pwede na po ba iyon?

    @NObenta

    Sige sama ka minsan, let us know para maka bonding ka namin with other nice blogger friends over a bottle of San Mig Lights.

    @Yj

    HIndi na kailangan kidnapin si Ahmer isang invite lang dun sasama na! Go!

    @Jag

    Baket kiniss mo ba si Xrposaic nung nag kita kayo?! Uy Brokebakan na..Joke!

    ReplyDelete
  52. uy baka san mapunta yan ah.. haha! joke! haberday kay glentot na kras ko! ayieeee!!

    ReplyDelete
  53. Kras mo si Glentot?! OMG yuck! Ikaw pwede ba kitang maging kras? hihihi

    ReplyDelete
  54. haberday glentot!! talagang luv na luv ka ni jepoy ah!

    btw luv ur pix..parang koreano lang..LOL

    ReplyDelete
  55. ui!thanks sa advise..and sa effort..

    haba ng expalanation, pkiulit nga pleaseee..peace!=)

    ReplyDelete
  56. pano po ba maglagay nun?

    ReplyDelete
  57. @Hearleschiq

    Korean talaga yan si glentot nag papanggap lang na dwende hihihi

    @Lhay

    ay ganun, ayoko ng ulitin LOL

    @Weng

    Simple lang, kung may gmail account ka mag sign in ka sa blogger kahit hindi naman talaga mag blog tapos sa profile mo mag lagay ka ng picture tapos everytime mag comment ka sa mga blog gamitin mo ang blogger sign in mo before ka mag comment tapos un na lalabas na picture mo at blog name every time na mag comment ka like mind.

    ReplyDelete
  58. uy, ang sweet namang kaibigan. happy birthday kay glentot! :)

    ReplyDelete
  59. ay jepoy, wala ksi akong gmail account eh......add na lang po tau sa fb, ok lng ba? kasi dun po my pic n ko....sensga na ha, hindi kc ko masyadong marunong sa mga ganyan.....

    ReplyDelete