Wednesday, May 19, 2010

Pinaka Walang Kwentang Entry ko Wag Basahin

Mareklamo akong tao, aminado naman ako doon. Madalas naman nag rereklamo lang ako sa mga taong ka close ko na, kaso nga lang minsan na papalakas talaga ang boses ko. Minsan naman Kapag nag order ako at feeling ko sobra na sa threshold time eh wala pa ang order ko nag hahanap na ako kagad ng manager, or mag tatanong na kagad ako sa crew. Por eksampol

"Excuse me! Sabihin nyo lang kung next week pa darating ung order ko para kukuha muna ako ng mani pampalipas gutum."

Simple lang naman ang banat ko diba? Demokrasya parin.

Sa MRT naman pag nadidikitan ako ng ibang tao tapos pawis na pawis sila tapos damang dama ko na may malamig na something na dumikit sa balat ko eh saktong namang papasok palang ako sa Opisina at fresh na fresh pa ang get up eh talaga namang naiirita ako. pero syempre kelangan maging nice parin.

"Eiwww like your arms is so wet, what the hell?!"

Syempre joke lang 'yun nasa taas. Eto ang totoong sinabi ko.

"Tangina naman oh! Pahid mo kaya sa tshirt mo yung pawis mo. Matagal na pong na imbento ni Caruso ang panyo, shit ka!"

Syempre joke ulet 'yun. Ang totoo nyan titignan ko lang sya ng masama at hindi ngingiti. Baket tropa ko ba sya para ngitian?! And besides pag nag reklamo ako sa MRT mababara lang ako dahil una sa lahat kung ayaw kong madikitan ng pawis eh nag taxi nalang sana ako papasok kaya wala akong karapatang umatittude. Mabilis naman ako mag isip kahit papano.

Bukod sa reklamador ako meron din akong pag ka maselan. Kahit mahirap lang kame at walang flush ang inodoro namin sa bahay tunay na tunay na malinis ito, pwede mo ngang idikit ang dila mo sa bowl eh. Joke!

Ayoko talaga ng maduming kubeta at urinal. Umaatras ang ihi at tae ko pag madumi ito. Kahit no choice na titiisin ko nalang. Meron akong bad experience na hindi ko malilimutan. Taong 2000 sa Bulacan naganap ang Youth Camp, syempre madaming delegates at konti ang CR. Dahil nga youth camp hindi naman iyon bakasyon kaya meron time lahat. Pag ligo sa umaga sa pagkain at sa mga kung ano anong programs pa.

One fine morning gumising ako ng maaga para mag toothbrush. Syempre saan ako pupunta edi sa lababo. Pag dating ko sa lababo pag bukas ko ng gripo putangina meron tae ang laki mga 3 long pieces sya. Naisip ko paano kaya tumae si kuya sa lababo? May pag ka akrobatik sya! Nilunok ko nalang ang toothpaste at bumalik ng camp room.

Okay hindi mo naman kailangang maging maselan para mandiri sa ganong experience. Pero sa case ko, maselan talaga ako. Ayoko nga ng may sisipsip sa straw ko na kahit sino, pag may sumipsip bibigay ko nalang sakanya yung drinks ko. Kahit na ninigarilyo ako ayoko ng nakakaamoy ng usok ng yosi lalo na pag galing sa iba tapos hindi naman ako nag yoyosi ng oras na iyon. Bawal manigarilyo sa loob ng kotse ko. Bawal din kumain. Kung nagugutom ka at sasakay ka sakin eh malamang papababain kita ng slightly bongga.Maarte na kung maarte!

Ayoko ng kainan na sobrang daming tao, promise! alam ko naman na kung ayoko ng matao eh dapat sa pluto ako mag hanap ng restaurant pero ang point ko ayoko ng pipila ka na nga sa counter tapos saka ka mag hahanap ng mauupuan at dahil sa sobrang daming tao wala akong maupuan, feeling ko napapahiya ako ng ganun. Yan ang dahilan kaya ako na uubusan ng pera kasi na papa punta ako sa medyo may ka mahalang kainan na tulad ng Jalibee hihihi. Ayoko lang ng masikip dahil siguro ma taba ako at mabilis maiinitan.

Ayoko rin ng pinapawisan sa leeg at kilikili pero sa singit at betlogs carry lang, Joke!

Grabe wala palang saysay much 'tong entry ko. Pero feel ko paring mag patuloy nakaka enjoy eh. Kung ayaw basahin edi wag, kebs!

Ano pa ba?! Uhhhmmm hindi ako maarte sa pag kain (Ovious ba!) pero choosy talaga ako sa lugar ng kakainan ko. Ayoko ng mainit kaya nga kahit ginagatasan na kame ng putanginang Meralco eh naka on parati ang aking pipitsuging A/C kasi po tanghaling tapat ako na tutulog, kamusta naman ang kasagsagan ng init diba?!

Ayoko ng friends na panget wala akong friends na panget choosy ako eh, like eiw! JOKEEEEEEEEEEEEEEEEE!

Wala na akong masabing matino. Oh ayan Stibi nag update na ako. Wag ka ng mag reklamo na ang tagal tagal ng update ko. Hmp!

Kthanksbye!

37 comments:

  1. awww...
    ako ba ang una?
    sandali comment muna bago basa... hehe:D

    ReplyDelete
  2. buti na lang hnd ako nag skip read.. binasa ko lahat. kung gusto mo magtanong k pa. 1-10 sasagutin ko eh. hehe

    ReplyDelete
  3. Murneng jepoy! Agap magp0st ah?pampaantok ba o pampagising?hehe

    daming kaartehan sa buhay,parang ayaw ko na tuloy magc0mment baka maselan ka rin,lalo na pag nagskip read..LOL

    kanya-kanyang trip lang yan,pdeng ang maarte sa'yo ay ktanggap tanggap sakin and vice versa (ayokong sabihin na may arte ako sa ktawan. :D) Lahat naman e reklamador, wala na lang basagan ng trip para walang gulo..respeto ika nga :)

    niweiz pareho pala tayo,madalas sa hindi ayoko din ng mainit at masikip..haha

    ReplyDelete
  4. rich kid ka siguro... dami mong arte..

    peace!!!

    ReplyDelete
  5. Oh yeah, ngayon lang ako sinipag magcomment sa dinami-dami na ng post mong nabasa ko. Hehehe. Bale 'yung blog mo at blog ni glenn ang pinagkakaabalahan kong basahin mula 'nong May 14, 2010. :D

    Ako din ayoko ng maruming CR saka naninigarilyo sa tabi ko. Yari lagi sa akin si Tatay 'pag tumabi habang naninigarilyo. Tatapunan ko kasi siya ng bonggang-bonggang simangot eh. Hehe.

    Ayun, sana madami oang updates. :D Tabasubaybay mo 'ko.

    Byeness!

    ReplyDelete
  6. hindi nman wlang kwenta..

    nice post!

    =)

    ReplyDelete
  7. PMS much? Joke!
    Pareho tayo. Ayoko ng CR na madumi. Pag nagbabakasyon or pupunta sa resort something gusto ko may sariling CR. Kahit fan lang ung room basta may sariling CR ok na sakin.
    Ayoko din ng maduming CR. Kadalasan sa mga outing ako ung huling naliligo kasi nililinis ko muna ung CR bago ako gumamit and after.
    At bilib/diri ako sa tumae sa lababo. Nakaya nya un?

    ReplyDelete
  8. isa lang ang masasabi ko,

    "UMARTE KA NG NAAAYON SA IYONG ITSURA!"

    in english, ACT YOUR FACE!

    ano daw?

    nyahahahahaha nagustuhan mo ba ang bago kong picgreet kay Glentot? aminin mo!

    ReplyDelete
  9. hindi naman kaartehan to eh..^_^ dapat mo lang namang alagaan ang sarili mo..sige nga, sino ba ang may gustong pagkatapos mong pabanguhin at linisin ang sarili mo sa banyo sa loob ng halos isang oras eh diki dikitan ka alng ng mga malilibag at pawis na pawis na mga tao?wala naman di ba?tsaka nakakadiri naman talaga ang mga cr na marumi at mabaho..

    hehehe pareho lang tayo kuya jepoy..pero ako no choice but to tiis tiis kasi di ko afford magtaxi at kumain sa fine dining lagi..hehehe

    ReplyDelete
  10. dahil masunurin akong bata, hindi ko talaga siya binasa. promise! wahaha

    ReplyDelete
  11. naniniwala na talaga akong mayaman ka. Nung una nilapitan ka ng hildaper kasi tingin ng holdaper mayaman ka tapos ngayon sosy kasi astang mayaman hahaha...

    pero gruesome naman tlga yung ebak sa lababo? ano un? kahit ako mato-trauma hahaha!!!

    ReplyDelete
  12. umayos ka. may binabagayan ang pag-iinarte. sayo? hmmm.... wala na akong sinabi!

    ReplyDelete
  13. dapat kasi 7.00 na lang din ang fare sa taxi para can afford ng lahat

    ReplyDelete
  14. @Kosa

    Hindi ka na bumalik ulet. Aha Skip reader much?!

    @Kikilabotz

    Aha isa kapang skip reader much! Hmp!

    @HartlessChiq

    Pampaantok ang post ko, pero eto gising nanaman haist. ANg hirap talagang matulog ng dirediretso. I hatechit.

    Tama ka kanya kanyang trip lang yan. Minsan masarap din ung mainip at masikip if you know what I mean hihihi

    ReplyDelete
  15. @Gillboard

    Oist hindi ako richkid, yung kaartehan lang naman na yan hindi mo ma hahalata sa akin, promise! naiblog ko lang...

    @Anonymous

    Oist salamat naman at nakikibasa ka pala. Tenchu Tenchu ha.

    Naku pano pag nanigarilyo ako sa tabi mo, ayaw mo na me?!

    natats naman ako kasi akala ko tatlo lang ang taga subaybay ko tenchu ha.

    @Lhay

    Oist talaga?! Thanks ha, dahil dyan eto ang kiss para sayo muahchupa!

    ReplyDelete
  16. @Oliver

    Ikaw kaya ang maarte much!

    Hanggang ngayon hindi ko parin malubos maisip kung paano nagawa ni kuyang tumae sa lababo ang taas ng lababo ha, at nasa entrance door sya, paano pag biglang may pumasok? Hindi ka makaka pag ligpit kagad kaya.

    @YJ

    I am acting my face! CHE!

    Na iblog ko lang naman pero pag kasama ma mo ako wala kang maririnig sakin tatahimik nalang ako, hindi ako mag rereklamo. Kung baga sa loob look ko lang ang reklamo ko because I act my face! teka I act my body pala not may face ang pogi ko kaya ahahhaha

    @Superjaid

    Bunso pareho nga tayo, hayaan mo pag ikaw ay nag tra-trabaho na ma aafford mo ring mag cab at mag fine dining parati baka nga makabili ka pa ng isang magarbong sasakyan kagad hihihi

    ReplyDelete
  17. @Mr. Night Crawler

    Good! Buti naman naging masunurin ka dahil wala kang mahihita sa post na ito LOL

    @Jag

    Wag kang maniwala na mayaman ako! Nilapitan ako ng holdaper dati dahil no choice na sya.

    Hindi ako astang mayaman. Naishare ko lang ung nasa isip ko. Hmp!

    Gruesome equals nosebleed ahahaha

    @Indecent mind

    Oist kuya indecent mind hindi naman ako nag iinarte in public nohhhhhhhhhhhhhhhhhhhh! I just put these thoughts in writing. I hatechu!

    @Anthoy

    I agree sa suhistyon mo. Kaso nga lang baka lalong mahirap na mag taxi nun, what do you thought? hihihi

    ReplyDelete
  18. hanuu ba yun, pati banaman sa lababo?! dun pa naman hinuhugasan ung mga plato. yay! lol


    ayoko din ng madidikitan ng pawis lalo na nga't bagong ligo ka! sarap manapak e!

    ReplyDelete
  19. uy, hindi ako naka comment dun sa post before this, dito na lang ako magcomment ha, pero binasa ko rin un, sa katunayan eto pa nga ung favorite part ko:
    "Maikli lang ang buhay kaya dapat yung mga walang kwentang tao hindi binibigyang ng opportunity na sirain ang buhay mo dahil maraming tao na may kwenta na pwede mong paglaanan ng energy level mo."
    so true and essential in times like this, hehe......

    and regarding naman sa mga kaartehan mo, hehe, halata naman sa personality mo na mejo vain at sensitive ka. ewan ko, pero I'm not that surprised na may mga ganito kang ugali.........

    pano tayo magdi dinner? pag-uwi ko? hehe.......

    ReplyDelete
  20. rich kid ka nga siguro. pero honestly, marami tayong kaartehan na pareho pero hindi ako rich kid.

    kahit na lumaki akong mahirap ay alam ko gumamit ng tawas at magpunas ng pawis. ayoko ko rin ng marumi at amoy taeng banyo at tao.

    at bukod sa lahat ay ayoko rin ng mga pangit na kaibigan. can we be friends?!! lolz

    ReplyDelete
  21. rets kid si jepoy oh. sesyal! sino ba namang may gusto sa gusgusong kubeta. ewness yun di ba?

    ReplyDelete
  22. @Keso

    See diba normal lang naman pala ang kaartehan ko kasi nag react ka rin how I exactly reacted bwahihihi.

    @Weng

    Ay ikaw pala ay nasa abroad. Again maraming salamat sa iyong pag subabaybay na niniwala na ako na isa ka sa mga alipores ng Pluma ni Jepoy (gumaganown?!)

    Aya kala ko makakapag dinner tayo anytime soon, nasa abroad ka pala kasi naman yung info mo sa facebook kakarampot eh LOL buti nalang maayos ang profile pix hihihi

    @NObenta

    KOYA HIndi ako rich kid. Promise!!! Tanong mo pa kay glentot sobrang hirap lang namin as in. Ngayun Uhhhhm medyo mahirap nalang.

    Ay tama ka dyan tayong mga pinoy malinis kaya nga so fresh always eh... hihihi

    @Sakpin

    Oi first ka ka dito ah! Salamat at nag take ka pa ng time na mag comment.

    Ano ung gusgusong kubeta?! LOL

    ReplyDelete
  23. naknakan ka ng arte prang aq lng!! ahahha.
    eh cnu b nman magtotooth brush sa my tae noh!! cnt imagine! superrr eiwwwww..

    Ayoko ng friends na panget wala akong friends na panget choosy ako eh, like eiw! natwa ko d2!! BWAHHHH

    ReplyDelete
  24. @Kayedee

    Hindi naman kaya Miss Kayedee, slightly bongga lang naman po ang pagka arte me.

    True ayoko ng friends na panget, pag panget delete kagad sa facebook bwahihihihi

    ReplyDelete
  25. cute ng mohawk..

    finally!d n ngkmali c kuyang barbero?!

    =)

    ReplyDelete
  26. @ jepoy: manigarilyo sa tabi ko? ay, magiging snobers lang ako ng konti 'pag ganon. hehe. teka nga, nabasa 'ko 'di ba gusto mo ng tumigil/bawasan ang paninigarilyo kasi kamo hindi ka na bumabata. :D

    ReplyDelete
  27. @Lhay

    thanks thanks :-D hindi na nag kame kasi nag bigay na ko ng instruction na maayos LOL

    ReplyDelete
  28. Ganyan talaga pag artistahin... dami kaartehan sa katawan...

    hahaha! =)

    ReplyDelete
  29. ay pasensya na po kasi hindi ako marunong mag-ayos ng profile......opo nasa thailand ako, pero kakabakasyon ko lang....inabutan ko pa ng ung eleksyon eh....kung napaaga sana ung invitation mo hehehe

    at opo, isa ako sa masugid na alipores........

    ReplyDelete
  30. nadalaw uli jeps...

    grabe andamimo plang do'sand dont's parang commandments lang hahahha..

    ReplyDelete
  31. Haha Maarte 2010 dapat ang title nito. Next time pag hiningan ka ni Stibi ng post, magpost ka tungkol sa kanya ahahahaha

    ReplyDelete
  32. @Stone Cold

    Ganun nga pre artistahin kasi me LOL

    @Weng

    Tenchu Tenchu sayang naman umuwi ka pala. Dibale sa susunod na uwi mo nalang hihihi

    @Rico

    Maraming salamat sa pag dalaw. Ingat kaw

    @Glentot

    Naku baka magalit hihihi

    Heypi birthday ulet!

    ReplyDelete
  33. pareho tayo--umuurong tae ko pag madumi ang CR...tapos diko naeenjoy maligo....hehe. basta. I think yung lababo at CR yung dapat isa sa pinakamalinis na part ng bahy. hehe

    at least alam na namin selam mo Jepoy---naku---di na kita iimbetahan sa bahay ko.maselan ka pala. mahirap na.lol

    ReplyDelete
  34. @Pusang Kalye

    Sus inde ako masalan kunyari lang yun, bilis na mag invite ka na ahahaha

    ReplyDelete
  35. okay lang na mag-inarte ka doon sa tae sa lababo. pati ako masusuka dun. pakshyet. kadiri. naiimagine ko nga eh. crap.

    syaks. lahat ng friends mo gwapo at maganda. so di mo ako prend. awts. i'm sad.

    ReplyDelete