Saturday, May 22, 2010

Mo-Hawk

Madalas kapag wala akong magawang matino sa buhay ko, ang pinag didiskitahan kong pag tripan ay ang aking buhok.

Dahil matagal ko ng plano na mag pa mo-hawk ngunit dahil sa kaganapang hindi inaasahan kung saan nag kamali si Manong Barbero sa pag tabas ng likod ko kaya nauwi nalang sa semi-kalbo ang aking bunbunan last time. Pero ngayon hindi na ako nag patumpit-tumpit pa at pina tabas ko na ito ng tama. Dumarami na kasi ang ang nag papa Mo-Hawk at ayokong makisabay sa uso dahil hindi naman ako ganun. Gusto ko lang talagang mag mukang wrestler.

So last Saburdey habang nag wiwindow shopping ako ng white shoes napadaan ako sa isang Salon na pag aari ni Vina Morales, biglang may lumabas na bumbilya sa bunbunan ko na nag sasabihing ito na ang tamang panahon para mag pa mo-hawk.

And so, nag bigay ako ng matinding instruction kay Ate kung ano ang do's and don'ts para hindi na ako mabigong muli. Although, hindi parin nya nakuha ng todo ang instruction ko dahil may pagka tanga sya or baka effort lang at hindi pa sapat ang kanyang kapangyarihan upang maisakatuparan nya ang aking wish. Pero as a result, pwede na rin. Kahit na nung nakita ni Glentot at ni Kikilabotz ang aking mo-hawk eh isang malaking Bwahihihi ang inabot ko mga hinayumak talaga. Maiitim ang budhi! Walang kaluluwa at maitim ang puso.

Anyways, pwede narin naman daw. Dahil gusto kong ishare kung ano ang outcome sa tatlong masugid na mambabasa ko eh naisipan kong mag lagay ng picture. Okay hindi ako artistahin at wala akong dapat ipag malaki sa mala siopao kong face kundi ang makinis kong kutis at malinis kong puso. Inshort panget lang ako kamuka ko si Shrek.

Eto ang ilan sa mga pictures ng bago kong Mo-Hawk, Yay! (feeling teenager?!)

Picture#1 Kuha ito sa habang nag lalakbay kame papuntang Olongapo. Hirap mag camwhore sa kotse, nag titinginan ang mga tao sa labas ng traffic LOL




Picture# 2 Kuha sa mumunti kong tahanan Mo-Hawk side view. Laki ng tenga ko no?! Lahi namin ang may malaking tenga parang Mickey Mouse lang (may pag eexplain talaga sa tenga)...


Picture#3 Rear View Ito ang medyo fail, pinilit ko kasing ipa mo-hawk kahit hindi pa dapat kasi maiksi pa, kagagaling ko lang sa Semi-Kalbo kung kaya makikita nyo ang puyo. Fail! Pero pwede narin pag tsagaan sa pictorial ng bago kong Prime time Soap hihihi

Picture#4 Wag nyo ng pansinin ang Coffee table na green at ang kung ano anong shit na naka kalat doon. Closer look ito ng side view ko. Para lang akong peacock or pinatabang rooster. Pero naman ang kutis walang pahid ng pimples, salamat sa Papaya Soap na may Gluta at Apricot Joke! Water rinse lang yan hihihihi


Picture# 5 ang pinaka malupit sa lahat. Presenting... My blogger profile pics. Front pa-cute view with my Ninoy Glasses grade 50-75 near-sighted and my blue francism shirt habang nag kakamot ng betlogs. At pansinin nyo naman ang sahig, sobrang dumi dahil one month ng hindi na wawalisan.

Muka akong naka Army cut na parang rooster na peacock na ewan. But you know what? Someone said it's cute and I got a kiss (GUMAGANONG LEVELLLLLLLL???!)

Joke lang ang last statement.


Okay so anong aral ang mapupulut sa entry na ito? Edi gaya ng dati wala. Kelangan pa bang i memorize yan? Pero ang sabi nga nila na ang buhok daw ay ang crowning glory ng isang tao eh paano nyan wala na akong buhok wala na ngang crown wala na ring glory. Haist!

Pero if you wanna do something to express your self do it. Basta hindi ka nangaapak ng kapwa at hindi mo pinag lalaruan ang ibang tao then go ahead and do it. Life is short. Don't wait na sabihin mo isang araw pag nasa wheelchair ka na na sana ginawa ko ang bagay na ito when you actually had the opportunity to do it. Oh well, what I am saying here?! I would just like to share my new do, that's all...

Happy Weekend Friends and Enemies. May the Good Lord Bless you abundantly! I speak peace and blessing.

See you Monday.

Kthanksbye!

55 comments:

  1. ayos ang buhok mo! Parang bulbol lang sa kapal. hahah! Joke lang!

    =)

    ReplyDelete
  2. ang laki nga ng mouse...este ng tenga.jejjeje...

    na try mo ba sa bench fix? kasi dun ako nagpa mohawk last month...at isang sabi lang kuha agad ni madonna(hairstylist)..hehehe...

    pero ngayun iba na ang hair do ko...rapunzel na.ahahha

    ReplyDelete
  3. what can i say..... mo-hawk lang pala ang makakapag pa in-love sakin sayo.....

    aaaaaaaaaaaaaaaaaaagh! (nasuka nanaman

    nyahahahahahahaha..... ahmishu jepoy, may nasagap akong intriga tungkol sayo.... siempre iba-blog ko later para malaman ng buong mundo... lagot ka!

    ReplyDelete
  4. cute at may mkinis na kutis..

    yan cguro ang reason kya mrmi k followers.. ehem!

    aside sa post mo, ang isa png inaabangan ko ay ang mga comment ni glentot sau..=D

    ReplyDelete
  5. tama..mas majangas magpagupit sa fix. :) pero oks yan pikpik.hahahah bagay sayo. :)

    ReplyDelete
  6. naks! lakas ng loob mag Mo Hawk. Wooot!

    ReplyDelete
  7. hmmm... ako din kaya magmohawk... hmmm..

    ReplyDelete
  8. waaaa..

    ang sarap pisilin ng cheeks mo..

    wahahah..

    parang di ata maganda ang likod..


    but cute ka sa hair mo..parang na-emphasize yung kacute-an ng face mo..woooooo

    ReplyDelete
  9. gusto ko ang picture no. 5. ang cute cute!!!!!!!!!!!!!!!!! ^_^ sinasabi ko na nga ba e may tinatago kang angking ka cute-an.ahahahahaha..

    ReplyDelete
  10. ang cute....i know, cliche, hehe.....pero cute talaga at bagay sa yo ha! i agree, gawin mo ang makakapagpasaya sa yo as long as wala kang inaargabyadong tao....iba ka talaga jepoy....iba ka!

    at in fairness, makinis nga....hhhmmmm belo o calayan? hehe

    ReplyDelete
  11. cuuuuuuuuuuute! parang bear hihi. gusto ko yung picture no. 4! :))

    ReplyDelete
  12. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  13. natupad din sa wakas ang pangarap... walang paki-alamanan ng trip respeto sa nakatatanda...

    ay anung klase nnmn ang comment ko... wala na naman sa hulog hahaha

    ReplyDelete
  14. do you watch glee? Puck used to have a mo-hawk hair style too.

    ReplyDelete
  15. mas okay yan kung medyo pinahaba mo muna. pero ayus na rin.

    \m/\m/

    ReplyDelete
  16. Puro cute na lang ang nabasa ko sa comment,wala na tuloy akong masabi...LOL

    Pero sige na nga,wala akong maisip na ibang descripti0n e..haha

    Ang CUTE! Sarap pisilin ng pisngi,nakakagigil! Hahaha

    ReplyDelete
  17. Cute cute mo na Jepoy! Ano nah?!

    ReplyDelete
  18. hindi joke ung sinasabi ni Jepoy na last statement. asa twitter ang lahat! hahaha.
    natawa ako dun sa pinatabang rooster, =p
    so ikaw na ba si Puck ng Glee? hehe

    ReplyDelete
  19. i thought may bagong nag follow sa akin - kasi may nakita akong bagong bloger profile pix hehehe - lupet, astig, presko, at angas tignan - bagong jepoy ;D

    ReplyDelete
  20. ang cute ng picture no. 5!.. parang bata..hang kyut kyut pisilin.. haha.. :D

    ReplyDelete
  21. super pa kyut- este super cute

    ReplyDelete
  22. Hangkyut kyut!pramis! sarap mong tirisin joke! hehehe...

    ganyan n ganyan din ang buhok ng amo kong japanese tpos pina-spike p hehehehe...

    nice! bagay nmn sau...

    ReplyDelete
  23. Ang cute naman ng rooster ang lusog lusog! hehehehehehehhe... jowk lang! peace! nyahahahhahahaha... pakurot nga... malaman na pisngi... hehehehehehhehe

    ReplyDelete
  24. Matapos ang pag-skipreading sa post na ito ang masasabi ko lang ay Nice maganda ang structure.

    Bwahahahahha! bolbol mo mohawk!

    ReplyDelete
  25. ang kyut..hahaha....kelan ang sabong? sabi na ang lahat ng pangarap ay natutupad eh..

    ReplyDelete
  26. kuya jepoy bagay sayo buhok mo pwera usog. pramis

    ReplyDelete
  27. nagtext si lars, magwalis-walis ka daw ng bakuran haha

    ReplyDelete
  28. hangkyut naman, parang ganyan ganyan lang...

    ReplyDelete
  29. hmmm... pwde ka na sa glee parekoy! ganyan din ang buhok ni puck! buti ka pa, hindi kasi bagay sa akin ang ganyang buhok saka di ko kayang dalhin! wahahaha.

    ReplyDelete
  30. syet. ang cute ng profile pic. seryoso. ang sarap kurut-kurutin ang pisngi.

    dapat talaga kasama ka sa mga hottest blogger ni ate kayedee. tara welga tayo. taraaa. wahahaha.

    ang cute talagaaaa.

    so yun pala ang mo-hawk.

    magpapagupit na nga rin ako.

    ReplyDelete
  31. Jepoy, bagay naman sayo ang MoHawk. (nagpipigil ng tawa) ahihihi.

    huy, i just wanna ask kugn san mo NABILI o napagawa yang Ninoy Eyeglasses mo? i want i want!!! :) pakimessage ako ha? or pakitxt ako bitch THANKS :)

    ReplyDelete
  32. Fan ka ng Glee no? hahaha! Minsan ko nang naisipang mag mohawk.

    Buti nalang di ko ginawa.

    JOKE LANG!!!!! naku, kung papayagan ba namn sa trabaho ko why not chocnut!?? Mag momohawk din ako. LOL

    ReplyDelete
  33. nasan ng comment mo????LOL

    atat lng..

    =)

    ReplyDelete
  34. @Stone Cold Angel

    So ang kapal namang ng bulbol mo Pre parang ulo ko lang hihihihi. Joke lang din..

    @Maldito

    Ang landi landi mo! Wala nga kasing fix sa MOA, hayaan mo't sa susunod hahanapin ko na ang fix shet fucker azzhole na yan at dun naman ako mag papa tirintis ng bulbol bwahihihi

    @YJ

    Gumaganown???!!! Amishu too YJ specially you're sleepy drunk eyes ahahaha. Ano nanaman chismaks yan?! Nanahimik me dito. Sus josko!

    @Lhay

    Awwwwwww! Salamat sa pag sabi ng kyot me kahit napipilitan kalang... BWahihihi


    Konti kaya ng followers ko ahahha. Ehem!

    Wag mong abangan ang comment ni Glentot dahil wala kang mapapala 'dun. hihihi

    ReplyDelete
  35. @Caloy

    Kamuka ko na ba si Echong dee bwahahaha. Okey next time try ko sa fix meron bang libreng patikol dun?!

    @Nimmy

    Uhhhhm hindi ko alam kung sarcasm ung comment mo at panlalait or positive comment.

    per ganun pa man I thank you bow!

    @Gillboard

    Sige Pre bilis, samahan kita! Basta libre mo me burger

    @Mjomesa

    Sige pisilin mo chick ko basta mag tira para sa loveones ko ha bwahihihi

    Salamat sa pag sabi ng kyot ang hair ko at specialy sa pag sabi na na ephasize ang cuteness ko.. Kinikilig me baka masyado na akong maniwala nyan.LOL

    ReplyDelete
  36. @Darklandy

    Thanks Thanks! Na overwhelmed ako sa pag sabi nyo ng kyot parang gusto ko na maniwala. HOMAGASH!

    Tinatago talagang ka cute-tan?! ahahaha natawa ako dun

    @Weng

    Una salahat pasensya na at hindi ko na sagot ang YM mo nung Saburdey about sa panaginip mo kasi sporadic ang aking mobile internet sa pampanga...

    Hihihi Chat tayo ulet later, okay hihihi

    @Keso

    Okay na sana yung cute baket may parang bear sa dulo. Hmp! Muka ba akong bear?! Yung picture four sarap kagatin no. Papakagat ako sayo gusto mo hihihi *Malandi mode* joke!

    @Roanne

    True Salamat at natupad din sya. Oy hindi walang kwenta ang comment mo ha. Nappreciate ko ito. Thanks Schoolmate :-D

    ReplyDelete
  37. @Ailee Verzosa

    Yeah I watch glee! I know Puck used to have this hairstyle, and I got the idea from him on their season premmiere hihihi

    @No Benta

    Onga pre, dapat talaga pinahaba ko pa ng konti. Salamat sa pag sabi ng okay naman. Na appreciate ko ito

    @HartlessChiq

    At sinabi mo parin ang cute pwede naman na puge kaso hindi mo maatim noh? Okay lang I understand kasi kamuka ko si Shrek na pinatabang rooster. hihihi

    @Ayie

    Cute cute karin eh, thanks Ayie. Anong ano na?! Pag kaka perahan ba yan.

    ReplyDelete
  38. @Olyabut

    Cheeeeeee! Alam ko namang muka akong pinatabang rooster.. Hmp! Hindi ako si Puck ng Glee mas cute ako sakanya CHOs!!!

    @Ollie

    Ikaw naman Sir nakakita ka lang ng ibang picture kinalimutan mo na ako, hindi porket may abs ka dyan ha. LOL Thanks Thanks sir a appreciate your comment from the bottom of my heart.

    Muahchupa!

    @Leng

    Oi First time ka po dito tapos sinabihan mo na akong cute, hindi po me parang bata. bata po talaga ako like 7 years old po. EYOW FpHoh?! K4mhuztha pfo khayo

    @Paps

    Sige na ako na ang pa cute ikaw na ang cute ikawww naaaaaaaa!!!!!

    ReplyDelete
  39. @Jag

    Bulero ka!!! Hmp! Tenchu Pre san na ang pasalubong ko galing ng Japan??! Like gummy worms hihihi

    @Xprosaic

    Oist ikaw nilalait mo na ako. Ayaw mo aminin ang cuteness ko. Dikita ililibre pag pasyal mo ng maynelaaaaaaaa chee!!!!

    @Glentot

    Bolbol mo long hair. CHE! Skep Ridir ka!

    @kikilabotz

    Bag boboholen ko bolbol nyo ni Glentot.. TSE! Ikaw na ikaw na ang magandang lalaki ako na amg matabng rooster hmp! hihihi

    ReplyDelete
  40. @Jason Master

    Salamat Jason. Iadd kita sa blogroll ko ang ganda basahin ng blog mo..Thanks ha! God Bless

    @The Reviewer

    nakakatakot naman ang name mo! Sino po si lars? Hindi ko po sya kilala. Si Glentot nalang po ang pag wawalisin ko sa bahay ko. Tenchu!

    @Scofield

    Tenchu naman sa one liner na comment mo ahahaha

    @Kcatwoman.

    Parang puck lang eh noh hihi. Thanks ha first time ka ata dito sa bahay ko. Ingats po!

    ReplyDelete
  41. @Mr nightcrawler

    Oi slamat sa pag balik sa bahay ko kala ko di ka na babalik lol

    @Eloi

    Oist friend kita kaya. Hmp! Peyborit kaya kita kaya dalas dalasan mo ang pag blog mo.

    Ayaw ako ni Kayedee kasi panget me.

    Cute talaga ha! Ingat ka baka mainlove ka sakin pumapatol ako sa student bwahihihi joke1

    @Lars

    take ka din!

    @popoy

    nag iba ka kaya ng number, naka post paid ka na diba. Che!

    ReplyDelete
  42. @Toilet Thoughts

    Fan ako ng glee, yes. Masama ba?! Pero matagal ko na talagang mag pa mohawk.

    Sige ikaw na ikaw na ang ayaw mag pa mohawk at high class society. Hmp! Baket ano ba work mo?

    @Lhay

    Ayan na nga sumagot na me...

    ReplyDelete
  43. hahaha talagang inipon mo muna mga comment namin ah...

    BTW, sang banda diyan si shrek??


    papisil ulit ng pisngi..hihihihi

    ReplyDelete
  44. astig yan! \m/

    2 kong brothers nakamohawk din ngayon.

    ReplyDelete
  45. @HartlessChiq sige pisilin mo na basta mag tiraka para saiba ha... Parang prutas lang ahahhaha

    ReplyDelete
  46. @Chyng

    Whoa! Talaga ayos! Apir!

    ReplyDelete
  47. napipilitan ba aq???ndi rin..*winks*

    love q tlg ang bahay mo..

    =)

    ReplyDelete
  48. hi lhay

    Thanks ha na tats me :-D

    ReplyDelete
  49. ang kyut!
    parang...
    parang...
    parang gusto ko ding magpasemikalbo.hehe

    tapos magpapamo-hawk pagkatapos ng ilang linggo..

    ReplyDelete
  50. iba talaga pag artistahin, kahit anung gupit babagay----kaso kawawa si buhok....nanahimik pero napagtritripan. mahirap maging amo ang artista.lol

    ReplyDelete
  51. feelingera ka rin what a faggy loser from the province --

    BWAHIHIHI

    ReplyDelete
  52. @Pusang Kalye

    pag kaibigan talaga parating bulero hihihi. Oo nga kawawa si buhok na pudpud na

    @Larness AKA Glentot

    Umayos ka Glentot LOL

    ReplyDelete