Monday, May 17, 2010

Sunday Adventure...

Last Sunday nagpunta kame ng Olongapo kasama ang mga ka opisina ko para makiramay sa isa naming ka-Opisina na namatayan ng tatay.

Pag mga ganitong pag kakataon hindi ko pinapalampas na makasama dahil alam kong ang presensya ay more than enough to show them na we have concern, and this really matters to them specially this time of grieving. Iba yung na gagawa na yakap at sabay tapik sa likod na nakikiramay kame.

Maaga ang usapan namin at matino ito. 9:30 ng umaga.

Dahil malandi ako ng slightly bonga na nood ako ng last full show ng gabi at natapos ito ng 11:40 tapos nag bloghop all you can pa ako pag uwi sa bahay. Maaga akong nagising mga around 5:00 at sumasakit ang ulo ko talaga. Nakatutuk kasi sa ulo ko ang buga ng A/C. Bumangon ako at kumain muna ng six slices ng gardenia na may Peter Pan Peanut butter at dalawang baso ng fresh milk (kamusta ang dietttttttttttt?!) tapos uminom ng EDVIL (advil) sabi ko sa sarili ko matutulog ako ulit at gigising ng 8:30 AM pero pag masakit ang ulo ko hindi na ako sasama sa Olonggapo isapa ayokong mag drive, ang layo kaya!

And so nagising ako ng mga around 9:00 dahil tumatawag na si Ohlee (opismate) tinatanong kung nasaan na daw ako. Eh Pothangena hindi pa nga ako na kaka toothbrush Kinamshit! Nag toothbrush ako naligo. Nag sabon ng singit.Ng betlogs. Nag facial wash. Nagboodyscrup.Nag milkbath.Nagfootscrub. (Ang dame?!) Tapos nagbihis na ko. Time check 9:15.

Nag reply back ako kay Ohlee sabi ko, "Pre nasa Magallanes Station na ko, San na U?" Style ko lang yun. Pag suut ko ng sapatos naramdaman kong na tatae na ako. Pothangena wrong timing shit!

Hindi ako tumae.

Pag dating ko sa Trimonya este Trinomic pota korni Trinoma nag kita kame ni Ohlee. Ang get up ni Kumag black shirt, shorts, northface shoes, tapos aka northface bag.

"Puta ka! Complete gear?! Just so you know makikiramay tayo pre hindi mamumundok"

"Sus! Alam kong makikiramay tayo masama mag suut ng ganito. Tara yosi muna tayo"

"Ayoko mag yosi baka matae ako"

Nag lakad kame papuntang meeting place. Nandun na yung bossing ko at isang ka office mate ko nag hihintay. Maya maya meron bad news . Sumabog yung gulong ng van ng isang kasama namin. What a day! Sana tumae nalang muna me.

Pero dahil hindi ako tumatae kung saan saan eh nag cofee nlang kame. Hazelnut frappe ang aking inorder. Nakaka tatlong hikop palang ako. Nag karambola na ang mga jerbalets sa tyan ko. Natatae na me talaga.

"Sir may malinis na CR ba dito, natatae na ko. Penge wet wipes"

"Tangina mo wala akong wet wipes"

"Putakels kayo"

Hindi me tumae. Mayamaya pa dumating na ung Van. So nag convoy kame papuntang Olongapo pero huminto muna kame sa NLEX para mag lunch. habang nag lunch tinanong ko sila kung alam ba nila daan papunta dun sa bahay ng office mate ko. At sa kabutihang palad naman ay hindi nila ito alam.

Hindi ako nag drive papunta. Kaya ang trabaho ko ay mag patawa (clown?!) at mag tumawag kay Albert yung ka office mate kong namatayan ng erpats.

Busy sya hindi sumasagot. Mahaba naman byahe at smooth. Aba ang boss ko pag dating namin sa SCTEX medyo ganador 190 km/hr ang aming takbo. Puta parang lalabas lalo tae me.

Mabilis kameng nakarating sa bahay ng officemate ko. Subalit, hindi parin ako nakatae. Nakiramay kame sa kanya pinasaya ko sya ng kaunti sa pamamagitin ng mga cory jokes ko. Para malimutan nya yung lungkot. Kasi biglaan na matay tatay nya :-(.

Maikli lang ang buhay kaya dapat yung mga walang kwentang tao hindi binibigyang ng opportunity na sirain ang buhay mo dahil maraming tao na may kwenta na pwede mong paglaanan ng energy level mo. Life is short. Wag mag atubiling iparamdam sa mahal mo sa buhay na mahal mo sila. Ma swerte tayo dahil kasama natin ang ating mga mahal sa buhay parati kaya don't waste time. Kaya lahat ng friends ko dyan kitakits hihihi. Teka nag kwe-kwento pala ko noh?! na wala ako sa track sorry naman.

'yun nga...

Tinatamad na 'ko mag kwento wala na me sa mood.

Ang ending lang naman nito madaling araw na 'ko nakaraing sa bahay saka tumae. End of story.

Kthanksbye!

38 comments:

  1. Adik! Dati eh hindi ako nakakatae kapag hindi sa inidoro ng bahay namin. Maarte ang wetpaks ko dahil namamahay lagi. Buti ngayon eh mas nasanay na ko wala ng pinipili kahit sa banyo ng opisina pwede. Saka lagi na akong me baong wet wipes.

    ReplyDelete
  2. Naman! Adik! Nasaan ang climax? lolz!

    My condolences na lang sa family ng friend mo...

    ReplyDelete
  3. @Gasdude

    Hindi ko mahuli kung nag skip read ka ba o hindi. LOL


    Buti ka pa nasanay na, ako hindi talaga kaya Pre. Oist mag blog ka na nga ang tagal tagal na marami ka ng kwe-kwento from the Yoga to the Phuket trip :-D

    ReplyDelete
  4. @Jag

    Walang climax kaya wag kang mag hanap, Sus! LOL

    Salamat sa iyong condolences :-D

    God Bless you Bro...

    ReplyDelete
  5. pinatagal mo pala ng isang arae ang jerbox mo. naranasan ko na 'yung nagpigil ng ganyan katgal. pagputok ko sa inidoro, humalimuyak ang pinakamabangong amoy na kahit ako ay 'di ko makaya!

    sarap tumae, dapat hindi pinipigilan.

    ReplyDelete
  6. Tinatamad na 'ko mag kwento wala na me sa mood.

    onga! hahaha

    hanep sa wetpaks... nag drive all u cn na kayo, napigil nya ang wonder tae! mabuhay!

    ReplyDelete
  7. Ang galing ng muscle control mo! Biruin mo napigil mo ang tae mo mula umaga hanggang madaling araw the next day?!

    =)

    ReplyDelete
  8. Tae ka wala akong naitindihan kelangan mo sigureong itranslate sa chinese... nyahahahhahaha... o siya sige condolence na lang sa pwend mo... hehehehhehe

    ReplyDelete
  9. matagal tagal ang pagpipigil mo! hahahaha ang tibay!

    ReplyDelete
  10. wow! pang-Pilipinas Got Talent!

    ReplyDelete
  11. Ang kapal! Oi hindi ako nag-skip read no! Binasa ko kaya buong entry mo. Hmpf.

    ReplyDelete
  12. mula ngayon, TAE BOY na itatawag ko sayo!!!

    buti nalang hindi ka sumunod sa eksena kagabi, baka sa harap ka pa namin natae... nyahahahahaha

    ReplyDelete
  13. no ba yan puro tae nabasa ko.

    agree ako ke stonecold, claps on your muscle control.

    kamusta naman nang nagtext ka about watering hole eh nasa reunion ako

    ReplyDelete
  14. gusto mo bang tumae kasama si kris aquino?

    ReplyDelete
  15. kala ko naman natae ka sa daan.
    im disappointed, tsk tsk tsk.
    hehehehe.
    hold on talaga!

    ReplyDelete
  16. parang more on jebs 'to at hindi about sa pakikiramay. hehe.

    yet, you really have a good heart for showing sympathy. :)

    ReplyDelete
  17. Bakit iba ang kwento mo sa totoong nangyari? Diba nagtae ka rin sa EDSA? Just like Rose Marie...

    ReplyDelete
  18. korek life is short. . . .

    wala ka sa mood mag kwento - hindi detalyado masiyado

    ReplyDelete
  19. binayaran ka ba ng mga produkto na nabanggit dito sa entry mo? lol pakisabi sa kanila pwedeng-pwede din akong mag-advertise sa blog ko. lol

    ReplyDelete
  20. bat ba ang hilig hilig mo sa tae jepoy?ahhahahhaha...

    nakikiramay din ako. Base sa aking karanasan, ang pag inum ng gatas sa umaga ay tae inducer. Weee!

    sayang no, next month pa naman ang father;s day. Lungkot me much.

    ReplyDelete
  21. grabeng pagpipigil ng tae yan ha....record breaker.panalo buti dika utot nang utot?hehe

    ReplyDelete
  22. naglalaan talaga ako ng oras sa pagtae kapag may mga malayuang lakaran. mahirap at nakakahiya yung papara ka ng sinasakyan mo at ang sasabihin mong dahilan eh natatae ka. sobrang hassle.

    kelangan talaga yun. minsan 45 minutes ang nilalaan ko sa pagtae ko lang sa bahay. ganun ako kaarte. ayoko ng feeling ng natatae.

    tsaka kapag ganyang malayuan, hindi ako kumakain ng mga food na feeling ko eh makakairita sa tiyan ko.

    hindi magandang kombinasyon ang Peanut Butter at Gatas. LOL

    Pakyu ka Jepoy :P

    ReplyDelete
  23. Olongapo? Dun ako pre!!! lolzz

    Pero astig ah! biruin mo yun napigilan mo ng ilang oras, di ka naman nilamig? o mejo nagtayuan ang balahibo? :D

    ReplyDelete
  24. wla aq ntandaan sa post mo kundi tae..

    whehe!peace!

    anyhow, condolence sa friend mo..i know the feeling na mwalan ng erpats..

    its a good thing na may friend xang kgaya mo..

    nmiss q mgcomment..=)

    ReplyDelete
  25. Puro na lang tae tae tae... Sunday Adventure pala ng tae mo ito. Talagang nagpasikat muna bago lumabas.Artistahin ang jebs mo ha!Maarte rin.. ahaha

    ReplyDelete
  26. asan n yung nag add sayo na mgnda sa fb? ahahahaha.

    yoko pagusapan ang tae kumakain ako eh. haha

    ReplyDelete
  27. imbis na makiramay ako sa officemate mo, nandiri ako na isang buong araw mong pinigilan ang jebs mo. kadiri ka. hahahaha!

    ReplyDelete
  28. Nakadungaw na jebs? Wahahaha. :P Buti umabot ka pa.

    ps. di ako nag skip read ha.

    ReplyDelete
  29. Nakadungaw na jebs? Wahahaha. :P Buti umabot ka pa.

    ps. di ako nag skip read ha.

    ReplyDelete
  30. Nakadungaw na jebs? Wahahaha. :P Buti umabot ka pa.

    ps. di ako nag skip read ha.

    ReplyDelete
  31. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  32. Sir, hindi daw maganda ang tumae kapag may pupuntahang lamay...

    kaya naman ayusyan.. atleast eh napigilan mo..

    ReplyDelete
  33. bitin ampf! pero bilib ako nakatagal ka ng ganun. haha!

    ReplyDelete
  34. Sa lahat ng ng comment sa entry na ito.

    Tinatamad akong isa-isahin kayong lahat. hihihihi

    Para sa akin etiket ang pag rereply isaisa sa lahat ng nag take time to read pero sorry naman dahil tinatamad talaga me. Bawi nalang ako sa next post.

    Hindi ko na iipunin promise.

    Mahal na mahal ko kayong lahat dahil ang sipag nyo mag comment MEHEL KE KEYENG LEHET!

    KThanksbye!

    ReplyDelete
  35. ank ng putakte! akala q nman my babangitin ka bout sa gapo! ghahaa..

    datz my place kc! ahihihhi..
    na likey mo b ang teritoryo ko? ehehe

    ReplyDelete
  36. @Kayedee

    talaga taga Olonggapo ka pala! Nice place nice place :-D Pasyal mo ko dun minsan ha

    ReplyDelete
  37. kwentong tae....naalala ko tuloy nung di ako natae dahil talagang kinontain ko ito sa aking colon for 4 days! apir...tae boys na tayo nyaha

    ReplyDelete