Monday, August 31, 2009

Untitled Masterpiece

It has been Years and I thought I have moved On
2AM I was awaken by a dream about You and Me
I am looking into your eyes again, finally!
You gave me a smile and gave your warmest hug
I missed those smile. It was so perfect
I missed looking into your eyes just like that

We were crossing a bridge full of water and mud
You were running and I am following as fast as I can
You looked back and gave me a sad sad look
You weren't saying anything just like before
Not even a word. Just a simple wave of goodbye
I ran so fast not to let you go, but you were gone like a mist
I opened my eyes and realized that I have been dreaming
I thought I have erased you in my head for good
It's not fair for me. I must move forward far from your shadow
I have never been comfortable talking about you to anyone
I hate my self for wanting you more. It's not fair for my future
You can't just conquer my dreams to remind me of the past. That's not fair!

I think I should try harder and double the effort
BUt, honestly I wish I can time travel just like in the book
To go back in time when things are perfect for you and me-And freeze there
But there aren't magic and time passes, people changed. So do I
Now I am facing my future with Optimism. No thanks to you.
When you return to see me sometime, I'll just cross the bridge when I get there

Friday, August 28, 2009

Babala: Walang Kwentang Entry

Ang Barnakels ay ang tawag sa libag na namuu sa leeg. 'Yung kulay black na matingkad kung saan pwede kang mag tanim ng kamoteng kahoy doon at tama ka amoy compost pit ito, Yuck! Ang gross noh!

May parte ng katawan natin na mdalas ay pinag sasawalang bahala natin. Madalas ay nalilimutan natin itong bigyan ng attention. Minsan nga hindi manlang natin naisip na malinisan ito. Pero alam nyo bang merong naidudulut na 'di kaayaaya ang ganitong kapabayaan?...

Dati ko ng na blog ang tungkol dito pero lately parang na e-experience ko nanaman ulit ito. ..

Nakahiga ako sa aking matigas na pang mahirap na bed. Syempre, usually naman kapag nakahiga ka hindi kaagad agad ay makakatulog ka. So, hindi ako exempted sa majority dahil ganun din ako. Habang ako'y nakahiga at nag iisip sa kawalan ang aking subconcious mind. Ang malilikot 'kong kamay ay dahan dahan namang bumaba upang mag kamot ng betlog, madalas kasi masarap itong gawin pag nakahiga habang walang ibang magawa ang kamay natin.

Makailang segundo pa ang nakalipas...

Ay inialis ko ang aking kamay sa shorts para tigilan na ang pag kamot ng betlog, at sininghot ko ang aking daliri... OOOh La La smells good. Amoy Johnson and Johnson baby powder, bagong ligo ang pakiramdam. Maya-maya pa ay napunta ang malilikot kong kamay sa aking di kalakihang tyan. Fine! sa malaki kong tyan, Happy?! Pumaikot ikot ang aking kamay para haplusin ang aking tyan.

"Wow ang kinis pala talaga ng tyan ko, six packs nalang ang kulang pang artista na pwede na akong lumebel kay kuya Piolo.LoLs" Bulong ko sa sarili.

Sa pag lalakbay ng kamay ko sa aking tyan ay sakto namang umabot ang hintuturo ko sa aking pusod. Medyo may kalaliman kasi ito. Nag sumuksuk ang daliri ko sa maliit at masikip na butas ng pusod ko. Maya maya pa ay may naramdaman akong medyo malagkit sa loob nito. Inialis ko ang aking daliri sabay singhot dito...

"What the EFFFF!!!! AMBAHO! AMOY TAEEE! FUCK the WHAT?! What is wrong with me?!!!" Sambit ko sa sarili na tila tuliro.

Dali dali akong pumunta sa CR para maligo at mag tikol mag linis ng katawan. Dahan dahan ko syang nilinis ulit. Pag tapos ay binuhusan ko ito ng alcohol.

"POWTANGENANG SIYETTT! ANG HAPDIIII (OA lang yan, hindi talaga ako nag mumura)"

Tumalon talon ako at nawalan ng lakas, nanghina ako at nanlupaypay. Alam mo yung feeling na naka 5 rounds ka?! Ganun ang feeling.

Dalidali kong hinila ang laptop at sumanguni kay kuya Google, para mag inquire nanaman. Kasi na experience ko na nga dati ito at si kuya Google ang nakakatulong sakin parati.

Nagimbal at natakot ako baka meron akong sakit na malubha, baka meron akong TB, wait lang tama ba yung connection ng TB sa pusod?! Habang ako'y taimtim na nagse-search ay dumating ang pinsan ko na hindi marunung kumatok ng pinto. Pumasok ng basta basta ng walang pakundangan.

"Kuya, TUMAE KA BA DITO?!" Tanong nya

"AMBAHO, YUCK KA!"

"Umalis ka nga dito sa kwarto ko hindia ko tumae baka bibig mo 'yung naamoy mo, mag simula ka ng mag tooth brush kasi, BUSET!"

"Sa susunod susunugin ko ang favorite shirt mo pag di ka kumatakok" Sigaw ko

"Whatever Piggie Oik Oik!" Pang iinsulto nya

Syempre wala akong lakas na makipag away kaya hinayaan ko nalamang sya.

Pag alis nya sinilip ko ang aking pusod.

Nakita kong may malagkit na something. Yuck! Tinawagan ko ang kaibigan kong Nars para gamutin ako upang maalis ang aking takot at pangamba (Pareho lang ba yun?) Sakto namang off nya at hindi nya akong tanggihan ang pag bubutipul eyes ko. Sa madaling salita ay dumating sya sa'amin. At hindi ko na ikwekwento ang susunod na nagyari. Somekinda private na kasi.

*****End Of Story*****

At Bilang Pang wakas kung tatakbo ulit si Gloria Iboboto mo ba sya? Tignan ang picture


HAPPY WEEKENDDDDDDDD MGA BLOGGER BUDDIES!!!!

Thursday, August 27, 2009

kwento kwento lang

Tatlong araw ng nakakaistorbo ang trabaho sa pag blog ko, di ko alam kung anung meron ngayon punong puno ang araw ko nag trabaho. Syempre more more patience dapat, eh paano ko naman babayaran ang mga kinas-kas ng credit card ko kung hindi ako mag tra-trabaho. Oo, mag isang kumaskas ang credit card ko sa counter. Nangangati siguro sila! Kasi naman, pag nag a-accounting na ko ng aking bayarin bigla nalang nagsusulputan ang bills i.e. Tshirt,books,Fridays,Dibidis at ayaw kong nang sabihin ang iba nakakasama ng loob. Para yata akong nag kaka amnisya pag may gusto akong bilihin. Pag nag che-check ako ng online transaction records ang madalas na eksena ay....Huwaaaaaaaaaat! Parang hindi na uubos ang aking credit card bills! SANAMABITS! At kapag sinuswerte pa nga naman makaka jackpot ka pa ng ke-tatangang agent ng Citibank (not all of them though, it so happen lang na hindi maganda ang experience ko sa majority ng nakausap ko). Well, tama na ang mga hinaing. Tumalon na tayo sa main reason baket ako nag sulat ngayon.

Alam nyo ba kung anu ang Barnakels? Hindi ko kasi alam kung ano 'yun. Hindi rin naman tungkol dyan ang entry ko. Naitanong ko lang baka meron may alam.

Eto classic conversation sa isang almusalan, gusto ko lang i-share, kwentong barbero lang wag dibdibin, bunga lang sya ng malilikot na pag iisip.

*EKseNa sa Ruby Tuesdays, Orlado Florida*

Waiter: What kind of coffee would you like, regular or decaf?
Pinoy: No, Big cup!! Big cup!
Waiter: What would you like for your breakfast?
Pinoy: Hameneggs.
Waiter: And how do you like your eggs, sir?
Pinoy: Yes, tenkyu. I like dem beri much.
Waiter: No sir, I mean how would you like them cooked?
Pinoy: Yes, tenkyu. I wud like dem cooked.
Waiter: (with increasing impatience) Would you like your
eggs...fried? poached? hard boiled or soft boiled?
Pinoy: (with increasing uneasiness) Yes, one fried en one hard
boiled or sop boiled.
Waiter: And what bread would you like?
Pinoy: Begyurpardon?
Waiter: What kind of bread would you like? white? rye? whole
wheat? toast?
Pinoy: Pan Americano
Waiter: We don't have that.
Pinoy: Okey, gib me taystee.
Waiter: We don't have that either, sir.
Pinoy: Do you heb pan de lemon or bonete?
Waiter: Sir, you are wasting my time. I shall ask for the last
time, what would you like for breakfast?
Pinoy: Donut plis....

Monday, August 24, 2009

Walang Title

Last time na i-kwento ko na nabili ko na ang The Time Traveler's Wife. 'Nung Sunday ko lang natapos ang book dahil medyo marami-raming part na medyo naging dragging para sa akin dahilan para hindi ko matapos kagad ang pag babasa', pero nung lumampas na ako sa kalahati ay tuloy tuloy na ang pag babasa dito.

Ang sakit sakit ng puso't balun-balununan pati bituka ko dahil na apektuhan ako ng istori. Parang gusto kong mag depress depressan, gusto kong mag sabi ng "
You had me at my best, she had me at my worst...." na tumutulo ang luha sa isang mata ng dahan-dahan lang habang merong background song na I'll never Go , Oo tama! sa isang mata lang ang pag patak ng luha! at slow mo iyon [kung trip mong pakinggan click mo to]. Parang ang lungkot lungkot ko tuloy ng umagang iyon. Hindi naman ako masyadong fan ng love istori pero medyo tinamaan ang araw ko ng napaka unusual istori ng book na napapatungkol sa Isang Manong na my genetic disorder, nag ti-time travel sya ng hindi nya mapigilan pero sa hindi ma ipaliwanag na pangyayari sa twing sinusumpong sya ng sakit nya 'doon sya sa iisang babae na papadpad sa ibat-ibang panahon at doon umikot ang love istori nila. Parang gusto kong i email ang author at sabihing baket ganun ang ending ang panget, nakaka emo! kaya lang baka kako yun ang goal ni Manang writer; Ang ma-depress ang mambabasa nito. Pwes! Congratulations Manang Writer dahil nag tagumpay ka sa katauhan ni Jepoy...

kaya nga ang ginawa ko nalang ay na nungkit ako ng Buko sa likod namin at uminom ako ng malamig na buko juice. Baket buko juice? Wala lang! ang init eh, para refreshing naman ang feeling.

Baka lang po gusto mong masilip ang trailer ng mubi kahit hindi naman kataasan ang rating ng mga kritiks eh, i lalagay ko parin dito. Kumita naman ang mubi kahit papano hindi nga lang kasing laki ng G.I. Joe, Harry Potter at kung ano ano pang recent na pelikula sa pinilakang tabing. Di ko pa masabi 'kung ok ba o hindi, kasi hindi ko na papanood. Sa Saturday pa ang date. Pero parang UP nalang muna ang uunahin namin :-D






Sensya na Wala akong maisip na i kwentong barbero ngayon. Tsaka nag tratrabaho ako ngayon. Ispiritu ko lang ang nag blo blog ngayon :-D

Saturday, August 22, 2009

Kwentong Barbero lang

Ngayon ngayon lang ako nag 'karoon ng maraming ka-ututang dila dito sa malawak-na-mundo-ng-sapot sa pamamagitan ng mga message box sa site ng mga bagong kaibigan sa kanilang blogsite. Pero lately, 'meron kaunting kaguluhan sa ilan sa mga bahay ng katropa dito sa malawak-na-mundo-ng-sapot sa pamayanan ng blogosperyo.

Hindi naman sa nakikisaw-saw ako sa issue nila.

Wala lang naman. Isa lang akong malaking cute na etchuserong palaka, kasi nga madalas akong nakiki-usi at nag papa-cute sa mga blogger friends sabay nakiki-basa ng entry at nakiki-kumento narin sa aking pamamasyal sa kani-kanilang mga bahay sa mundo ng sapot, in laymans term- EPAL lang ako sa site nila.

Para sa ilan na hindi makarelate kung ano 'yung tinutukoy 'kong kaguluhan eh, wag nyo ng alamin dahil tinatamad akong mag kwento, kasi nga naging kumplikado ang simpleng bagay lang sana.

Pero pag pinilit nyo ko mag kwekwento rin ako (Pampam lang... Ampots!)

Well... Pumunta nalang kayo sa Entry ni PinkNote, CHikLetz, PaPs at LoRDcM at higit sa lahat sa pinaka powerful sa lahat na si Pareng Arvin (sana kayanin nyo sya) . 'Yun na 'yun, don't need to explain further here, dahil pina-plano 'kong maging emo entry ang week ending post ko.

nuni..nuniii..nuniiii...

Oo kailangan mag Nuni Nuni para mag transform ang emosyon ko para hindi maging katawa tawa ang post ko ngayon.

Eto na nga, nag mamadali kasi eh!

Mag sisimula ako sa lead na patanong... Naranasan nyo na bang mapagbintangan sa isang bagay na hindi mo naman ginawa pero hindi mo ma-i-defend ang sarili mo sa di malamang dahilan?

Oo Nangyari ito sa akin last night.

Bago matulog kagabi habang ako ay nag fafacebook at nag me-maintain ng bukirin ko sa farmtown, medyo naramdaman 'kong na ngangati ngati ang aking singit, naisip kong siguro dahil lang un sa masikip na garter ng brip sa parteng singit dahil bago sya dahil hindi ako maaring mag ka hadhad nakaka sulasuk 'yun. Kaya naman after sa thought na yun ay kinuha ko ang aking Ointment na meron label na Dermovate Cream.

Lumingon lingon muna at tinignan kung patay na ba ang ilaw ng mga kabahay ko. Tahimik naman at walang kumakaluskos. Dahan dahan kong ibinaba ang aking shorts at brip at nag lagay ng oinment sa singit. Pataas, pababa at paikot-ikot pa Bumtiyaya Bumtiyaya Bumtiyeye. Hayan! nakakaramdam na ako na ume-epek na ang ointment. Tinaas ko ang isa kong paa at tinung-tung ko ito sa kama for a better position and better vision at sabay bend ng konti sa aking likod para lagyan ng ointment ang kabilang singit ko.

Nangbiglang bumukas ang aking pinto at bumulaga ang Pinsan kong hinayupak...

"Kuya Anung ginagawa mo?! Nag jajakol ka ba??!"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Dahil pinagbibintangan nya ko sa 'salang hindi ko ginagawa 'nung mga sandaling iyon. Napaka whole some kaya ng ginagawa ko. Ang dumi dumi kasi ng utak ng mga tao ngayon. SANAMABITS!

"Gago! nag lalagay ako ng ointment sa singit ko!"

"Wuuushoooo! Lumang tugtugin nayan, eh baket may FHM dyan sa Bed mo?!"

"Nakita mo na ngang nakabalot pa e?! Hindi pa nga nabubuksan! Lumabas ka nga sa kwarto ko"


Nanggagalaiti ako sa galit dahil nag sisisigaw sya na alam na alam 'kong naririnig ng mga echuserot echusera naming kapitbahay, shit nakakahiya talaga. Wala na akong mukang ihaharap sa buong mundo dahil sa isang kasinungalingan na likhang isip ng aking pinsan. Nag try akong mag explain sa kanila. Pero tawa lang sila ng tawa. At higit sa lahat binibigyan ako ng tingin ng may pag aalinlangan, alam mo 'yung tingin na may judgement na?! Pak!

"Aaminin ko naman kung nahuli ako e, Pero W-A-L-A AKONG GINAGAWANG MASAMA!"

Tumayo sila at nag hakalpakan ng tawa.

----End Of Story------


Tuesday, August 18, 2009

Randoms and One Word Tag

Kung natatandaan nyo naka pag entry ako dito tungkol sa mga nag papangap na kalyo sa paa ko. Gusto ko lang i announce na magaling na magaling na ang mga talampakan ko at sa wakas ay wala ng bakas ng mga nag papanggap na kalyo. Special mensyon dapat si Patola kasi sya ang nag sabi sakin kung paano gagamutin ang sakit na yun.

Buti nalang gumaling na sya ng tuluyan. Akala ko ay aabot ako sa punto na ooperahan ako para lang sa mga nag papanggap na kalyong ito. Well, short announcement lang naman yan ang totoo neto kasi ay wala akong maisip na maisulat. I'm sure at some point si kuya Bob Ong e nawawalan din ng idea kung minsan. I think, normal lang naman sigurong mangyari 'yun kung minsan sa isang magaling na blogistang tulad ko (Shit! 'di ako sanay mag yabang! hindi bagay)

Meron lang akong observation sa mga ilang blogs na binabasa ko na naging emo emohan lately, baket ang daming nag papaalam na i-close ang blog, nag iisip na i restrict na ang blog para sa kanila lang, meron ngang isa na nawala na talaga. Hindi ko marahil alam ang tunay na dahilan kung baket nila iyon ginusto, pero isa lang masasabi ko ang landi nyo! malandi pa kayo sa kuneho! Jowk lang po. Sana lang wag ganun kasi binabasa ko kaya ang entry nyo. Pero syempre ni re-respeto ko parin ang kanilang mga desisyoness sa life. Dahil yun ang kanilang gusto anu ba magagawa ko e wala nga ko sa blog roll nila asa pa ko. LoLz

Mga Dre, nga pala last saturday na nood ako ng sine kasama ang ilang kaibigan mula pa sa aming probinsya, ang pinood namin ay ang "The Proposal". Wala akong ineexpect sa mubi na ito, feeling ko wala lang syang kwenta. 'Yung tipong cheesy mubi na makakalimutan mo rin kaagad, pero I was so wrong. Halos mailaglag ko ang pop corn ng katabi kong mag jowa at kamontikan pa kaming mag suntukan ng payatot na boybren nung babaeng mukang takong dahil sa kakatawa ko na meron pang kasamang pag stamp ng feet sa floor. Feeling ko bahay ko ang mubi house. Baket, masama ba yun? eh pare pareho lang kaming nag bayad no. Sobrang nakakatawa talaga ang palabas na ito, at kumumpleto ng weekend ko. Panoorin nyo sya! Now na! At kung sa kali lang nga na hindi kayo matawa e siguro mababaw lang talaga akong tao. Simple baga. Syempre dahil nga probinsyano kame pag tapos naming manood ng mubi kumain kami sa Italianis tapos nag dessert kami sa Bizu (lol).


Pag 'tapos nun ay saan pa nga ba didiretso si Jepoy kundi sa fully booked para bumili ng Tokwa ay ng book pala. At ako ay natuwa dahil nabili ko ang book na matagal ko ng hinahanap sa National Bookstore pero lagi akong bigo. Ito ay ang "The Time Travelers Wife" at ang ang "The Lightning Thief". Sinumulan ko kaagad ang pag babasa ng "The Time Trevelers Wife" at nag simulang mag lista ng teleport scene para hindi ako maligaw. Mabagal kasi ang comprehension ko kaya nag lilista ako para hindi mawala sa istorya. So far, cheesy ito pero ayos lang naman. Napansin kong baket kaya pag sa sarili ko halos tatlong beses ko pang iisipin kung bibilihin ko ito pero pag sa ibang tao tulad ng family bigay todo ang gastos. Siguro sadyang mabuti akong anak talaga.


Kinabukasan naman ay nag punta ako sa Charch para mag-simba para laging sasagutin ni Papa Jesus ang prayers ko, para parating safe at may peace of mind, matagal tagal narin kasi akong hindi na kakapag Charch. habang tumutugtug ang music ministry sa Praise and Worship ay talaga namang na tats ako at alam kong na ngungusap ang espiritu santo sakin. Kaya naman tulad ng dati ay binuhos ko ang aking emosyon at sarili sa pag awit ng peborit kong praise and worship song. Kaya ang gaan gaan ng feeling pagkatapos. Feeling ko recharge ako. Kaya naman after nun ay dumiretso na kami sa Seaside sa may makapagal para kumain ng isang kilong Sugpo :-D. Tapos ay bumili ako ng dibidi sa halagang tatlo isang daan. Natuwa naman ako dahil malinaw pa ito sa Blue Ray. 50 pesos naman ang isang series na pinamagatang True Blood Season 1 at malinaw din ito. Pag uwi ng bahay ay minarathon ko kaagad ang True Blood, mmm ok ok din naman ang series na ito sana mag tagal pa sila pero parang replica sya ng twilight na mas pinadaming erotic scene.



At hindi ko na mamalayang lunes na naman pala. SaNaMabits! pasok na naman sa opis ang the story goes on and on and on.

Wait lang, Na- itag ako ni Acrylique so Isasali ko narin sa Entry na ito: Here you go...


One Word Tag


1. Where is your cell phone? Bag


2. Your hair? Confused

3. Your mother? patient

4. Your father? Soldier

5. Your favorite food? Maki

6. Your dream last night? Lighthouse

7. Your favorite drink? Coke

8. Your dream/goal? happiness

9. What room you are in? office

10. Your hobby? blogging

11. Your fear? Palaka

12. Where do you want to be in 6 years? Europe

13. Where were you last night? Philamlife

14. Something that you aren’t? Vampire

15. Muffins? blueberry

16. Wish list item? DSLR

17. Where did you grew up? Pampangga

18. Last thing you did? Eat

19. What are you wearing? Jeans

20. Your TV? Sony

21. Your pet? Dog

22. Friends? 1014-C

23. Your life? Blessed

24. Your mood? Bored

25. Missing someone? YES

26. Car? Honda

27. Something you’re not wearing? Sando

28. Your favorite store? Mall

29. Your favorite color? GREEN

30. When was the last time you laughed? TODAY

31. Last time you cried? loss

32. Who will resend this? Chikletz

33. One place that you go to over and over? Pampangga

34. One person who emails you regularly? Manager

35. Your favorite place to eat? Home



Saturday, August 15, 2009

Bummer!

Kung ikaw ay nag fa-facebook sa trabaho siguraduhing wag kakalimutan kung sino ang mga nasa friendslist mo at mag ingat sa status message. Huwag tutularan ang example screen shot kasi baka bukas makalawa sira ang career mo. lol


Happy Weekend sa inyong lahat!!! Inyong tatandaan na ang buhay ay parang gulong lamang minsan masaya minsan hindi wait lang may kuneksyon ba ang analogy ko?! Basta 'yun na 'yun.

Mangag Ibigan tayo nang mag karoon ng world peace! ciao :-D

Friday, August 14, 2009

Five School Facts

Naitag ako ng kaibigang PinkNote sa Five School Facts. Simple lang naman ang siste ng tag na ito, pipili lang ng facts about sa iskul experience mo, wala itong limitation pag dating sa details anyone can write about whatever stuff they wanted to write. So ito naman ang version ko ng tag ni Pinknote (Pasensya na Pinknote at medyo na delay ng konti)

1. Dahil sa sobrang cute ko nung grade one ako, maraming mga batang hampas lupa ang naiingit sakin. Sa iskul namin meroong cleaners assignment kada araw at dahil nga ako ang pinaka cute at ako ang kauna unahang natu-tong mag basa ng mabilis sa English at Tagalog ako ang inatasan ni Mam Antonio (Sumalangit Nawa) na mag turo sa pisara ng babasahin ng buung klase sa 'twing meroon syang meeting.

So back to cleaners, nang minsan na-lingat ako habang nag-lilinis ang mga hampas lupa kong classmate nilagyan ng 4 na bunot ang bag ko, kaya pala 'nung pauwi ako nag tataka ako dahil sobra bigat ng bag ko at pag bukas ni Mama ng bag ko bumulaga ang apat na malalaking bunot.

2. Sa Math class namin noong Grade six ay nag wi-window card kame (sa mga hindi nakakaalam kung anu ang window card ito yung folder na may butas at papasukan mo ng cocomban tapos merong timer mag sosolve ka ng MDAS, sa kada butas meron kang iaad, minus,multiply or divide) Ginagawa namin ang window card skill sa kada simula ng Math class para makita ang progress mo everyday kung bumibilis ka bang mag solve o hindi. At hindi lang 3 beses kong nakakalimutang mag dala ng window card noon, kaya ang ginagawa ko everytime na mag start na ang clock ni Mrs. Camba (Teacher ko sya) Sabay hahablutin ko ang window card ng seatmate kong babae at ako ay mag sisimulang mag sagot na as-fast-as-I-can. Syempre, hindi sya papatalo sasabunutan nya ko at hahablutin nya ulit and window card pero ako wala paring tinag sa pag sagot ng mabilis. So ang ending sa time na 2 minutes ang score naming dalawa ay tumataginting na 50% which is ang pinka lowest sa buung klase.

Noong college years namin pag nakakasabay ko sya sa Bus paluwas ng Maynila hindi ako maka tingin ng diretso sa kanya kasi Naaalala ko pa ang pinag ga-gagawa ko noon, e nag transform na sya into a very yummy lady, so ako hindi makalapit at makapag offer kung gusto nya ng chicharon na may suka habang umaandar ang bus sa NLEX papuntang Maynila.

3. 'Nung first year college ako nahihiya akong mag pakilala sa mga blockmates sa 'twing mag start ang class kasi ang gagaling nilang mag english, na iintimidate si ako. Dahil "B" nag start ang last name ko lagi ako nasa first row, Potanginang yan! e ayaw ko nga ng pakipakilala pero no choice. Naging memorable experience sakin ang pag papakilala sa Algebra Class namin. Eto ang account:

Student1: Hi I'm ***** you can call me ****, I graduated from Mapua High School. I am expecting to get to know you more and hoping to become a better Engineer in the future.
Student2: Hi classmates I'm ******, I graduated from Don Bosco Makati, I am expecting good stuff and more Math subjects to come and hopefully become a Chemical Engineering soon
Student3: Hey Guys I'm **** I came from St. Scholastica Manila and hoping to become a successfull Industrial Engineer in the future
Student4: Hi people my name is ********* I'm from Chiang Kai Shek and hoping to become an Astraunot in the near future.
Jepoy: (Naku yari! bulong ko sa sarili)*Nanlalamig ang kamay* Hello po, I am *****, my friends call me Jepoy *Shaky voice* I graduated from ammmm ammm Barangay High School (Namumula na at umupo na) I expect to learn Algebra today.

4. Hindi ko kinahihiyang nag take 3 ako sa subject na Mechanics, hindi ko sya makakalimutan kahit hanggang ngayon bigyan mo ako ng truses kaya ko paring i-solve ang kahit na anong problem dito, basta wag ka lang mag hocus-pocus ng given, dapat provided and necessary info para masolve ito. Hindi ko ma intindihan dahil itong subject na ito ay hindi ko Major pero pinahirapan ang buhay ko ng tatlong semestre. Kung makakasalubong ko ang dalawang naging prof ko na ito, black eye ang aabutin nila sakin. Imagine five units ang walang karelarelasyon na subject kong ito sa course ko letche talaga. Dahil din sakanya naka overload ako ng last term ko. LoLz

5. Ako ang leader ng design class namin. Kuhanan na ng graduation picture noon hindi ko parin alam kung gra-graduate ba ako o hindi, naka hingi na ako ng graduation fee sa Mama ko pero hindi ko pa sure kung nasa list of graduates ang pangalan ko. Kaya nung graduation picture taking wala akong tulog at may eyebugs, kaya singkit ako sa picture. Eto ang pics ko, nag halungkat din ako katulad ni Deth. Yung picture ko parang si Jose Rizal lang na nabusog ahahaha.


Yan ang mga maliliit na school facts na nais kong i share sa entry na eto. Ako ay nag papasalamat sa pag tag ni Pinknote sa Pluma ni Jepoy. Gusto ko rin sanang marining ang five school facts ng mga nasa Blog Roll ko. Pero alam kong tamad ang iba or hindi interested ma mimili nalang ako. Gusto kong itag ang makukulit na writer na talaga namang parang kinikilit ang tumbong ko pag binabasa ko ang entry nila tulad ni Drake, Usapang lalake, Ate Powkie,wikedmouth


Salamat po Ulit sa walang sawang pagbabasa at pag kukumento sa walang saysay kong blogsite!

Thursday, August 13, 2009

Seryoso Entry Naman tayo boi

Dumarating ang isang tao sa point na feeling nya lahat nalang ng gawin nya ay napaka redundant na at napaka boring, wala ng excitement. Isa siguro ako sa classic example ng ganitong feeling, at some point in ma' life. Papasok ng opis mag blo-blog, uuwi at matutulog and then back to pasok ng opis, mag blog-blog at uuwi para matulog and it goes on and on and on.

Hay buhay!

Hindi naman sa nag rereklamo ako, Aktuli, thankful naman ako kay Papa Jesus sa lahat ng blessings na na-eenjoy ko sa kabila ng krisis sa mundo (sabi nga ng office mate ko, blessing in the sky- go figure!) lalong lalo na in this trying times were work is very much important dahil sa hirap ng buhay na sinabayan pa ng recession, sabi nga nila mapalad na tayong mga may pinag kakakitaan kahit kakaramput lang ito.

Pero I'm quite bored na. I need to do something new. Something I haven't done before. Yung tipong kumain ng tae at lumunok ng espada, mga ganung tipo, Jowk lang! Naisip ko na gusto'kong mangibang bansa at mag iba ng field of work at mag feeling OFW, yung tipong maging chamber maid sa isang sikat na hotel sa Las Vegas or maging alipin sa Bunny House ng Playboy Magazine, o'di naman kaya maging boytoy sa bahay ng mga Kardashian, or taga alaga ng sextuplet ni Jon and Kate Gosselin, mga ganung tipo. Gusto ko rin kasing maranasang maging independent talaga.

Sa edad kong ito na 21 (Pota walang kokontra, kakadebut ko lang), masasabi 'kong hindi parin ako masyado independent, kasi nga pag wala na akong makain at wala ng pang laundry umuuwi ako sa Bahay namin sa probinsya para asikasuhin ng butihin kong Mama. At itong si Jepoy ay kukuha nalang ng ma tsi-tsibog sa 'fridge at mag Jua-juan-tamad sa couch at manonood ng dibidi mag hapon.

Pero nung na experience 'kong maging independent noong napadpad ako sa Amerika last year. Grabe! Hindi pala biro ang mabuhay ng mag isa. Imagine, ako ang nag ku-kuskus ng boxers at brief ko, nag iisis ng inodoro pati ng bathtub (Lahat ng appartment doon at may tub ng kasama, walang tabo tabo doon). Dahil hindi naman talaga ako sumusweldo ng bonggang bonga na tulad ng mga puti, ang mga kilos ko at pamimili ay dapat limited lang, while naka kandado ang credit card para ma control ang gastos. Ang mga binibili kong sabon at pang linis ng tiles and kubeta ay nabibili lamang sa One-Dollar-Store. Doon ko nalaman na 'pag mura pala ang sabon ay hinde epektib, talaga namang nag laglagan ang pawis ko sa pag scrub para malinis ito pero walang epek. Actuli naka tanggap pa nga ako ng sermon sa Manager ko na hindi daw ako nag linis ng appartment at ng Kotse bago umuwi ng Pinas pero that's gonna be another story. Doon ko rin naranasan ang kumain ng noodles at spam para tipirin ang dollar para may iabot kay Inay.

Dahil sa experience ko na yun medyo na sabi ko sa sarili ko na mahirap palang maging independent sa lugar na wala kang kaalam-alam. Nag decide ako na pansamantala ay kakalimutan ko muna ulit ang buhay independent at mag eenjoy uli pag uwi ko ng Pinas. At 'yun nga ang nangyari, pero sa kabilang banda anu ba itong nag uudyok sakin para mag adventure muli? 'Di ko lang masyadong sure, pero gusto ko lang sigurong makawala sa comfort zone para i push ang sarili ko to the limit. Marahil ay, gusto kong maranasan at makita ang ibang dimensyon ng buhay na pwede ko pang kaharapin. Ang sabi ng tatay kong matagal na nag silbi sa Phillippine Air Force dapat daw hindi ako ma sa-satisfy sa comfort-zone ko, kasi magiging stagnant daw ang growth ko dito, always find out something new daw. Sa tingin ko may point si Erpats, I think I just needed to find some adventure in a new perspective.

Mag hanap kaya ako ng trabaho sa Aprika?! Or sa India? ay wag nalang doon medyo di ko yata kaya ang Amoy ng karamihan sa kanila. Don't get me wrong, masaya naman ako sa work ko hindi nga lang feeling fulfilled minsan, pero ganun naman talaga ang tao diba walang satisfaction or meroong tendencies to look for more. Well, life is too short we should find our own adventure and just enjoy the ride and have fun.

Baket ko ba naisip mga ganyan?

Kasi I just heared the news from one of my classmate noong elementary, Meron daw News black out ngayon sa Basilan. Ang mga walang hiyang rebelde ay nangambush ng Philippine Army Camp yesterday ng madaling araw and my elementary classmate who just graduated from PMA last year or so is one of the casualties, they say mga 30 daw ang casualties. I'm not sure kung na dala pa sa hospital when they got shot or nalagutan nalang ng hininga ng wala manlang first aid, that I don't know. Asa pa ko sa recue 911 version ng Pilipinas e lilima nalang kaya ang recue helicopter natin, mangagaling pa ng Manila yun. edi Gudluck!

Hindi kame close ng classmate kong ito pero dahil maliit lang ang kumindad namin sa probinsya ma kikilala mo ang mga pamilyang mga pinang-galingan namin. Ako ay nakikiramay sa mga kapatid at magulang nya pati narin sa GF and ex-girlfriends nya. Ang buhay ay hindi talaga fair pero alam kong ang lahat ng ito ay may dahilan.

Naisip kong sabihin na napaka-ikli ng buhay para mag bitter at mag mukmuk. Banat lang ng banat and don't forget to say nice thing to others. If you can't say nice word to your family members, friends or whoever dahil galit ka or disappointed or what have you, better shot your mouth nalang. Teka ang layo nanaman ng mga pinag sasabi, sa sobrang dami kong gustong sabihin nag kahalo halo na, yan ang dahilan kung baket sa IELTS writing test ang pinaka lowest grade ko kahit blogger ay naka kuha ng tumataginting na 5.5 lolz.

Tatapusin ko na ang entry kong ito at sa susunod na entry mag babalik na ang tunay na Jepoy. eto fake Jepoy lang.

Tuesday, August 11, 2009

Don't Read it

Napaka matampuhin mo! nawawalan na ko ng patience sayo. Konting konti nalang iiwan na talaga kita. 'Nung una palang ang sabi ng tropa wag daw ikaw ang piliin ko dahil high-maintenance ka pero hindi ako na niwala.Naging matigas ang ulo ko. Sumige parin ako. Dahil unang beses palang kitang nakita ay na inlove na ako talaga sayo kasi naman ang kinis kinis mo nakaka mesmerize talaga! Alam kong pangkaraniwan lang ang itsura mo nothing so special at marami pang mas maganda sayo pero ang pag ibig walang pinipili. Nag pumilit akong ikaw ay mapasaakin at nag suceed naman ang mga plans ko.

Hindi nag tagal ay ikaw ay napasakamay ko. Marami tayong happy moments. Wala akong secret na hindi mo alam. Lahat nakikita mo. Hubad na hubad si Jepoy sayo. Nakita mong pumatak ang mga luha ko, nakita mong tuwang tuwa ako, nakita mong disappointed ako. Hay! wala talaga akong maitatago sayo Babe. Pero baket lately nag iiba ka na. Ganun ba talaga pag nag kakaedad?! Lahat ng unexpected things ay lumalabas. Nang minsan nag tampo ka nabasa talaga ako ng ulan sa pag mamakaawa sayo para lang sundin mo ang gusto ko. Recently lang, meron ka nanamang ginawa na hindi ko na talaga ata kayang sikmurain. Alam mo naman kung gaano ka importante sakin ang lakad na yun pero, anong ginawa mo ha?! Nag inarte ka ng bonggang bongga!!! Kelangan pa kitang daanin sa harsh way para lang pag bigyan mo ko. Sorry! alam ko naman na masama ang lagay mo that time pero dahil nga hindi ako sanay sa mga babaeng katulad mo I never expected it to happen, nag kasakit ka. Pero naman! I spent all my bonus para lang sayo. Sana naman ma appreciate mo yun. Pero yung nangyari last weekend parang I think kelangan na kitang i-give up. But I still have hope in you. Kelangan mo lang siguro ng konting checkup para di ka na ulit mag loko. Pero sa susunod naman Babe mag start ka ng Maayos ha! Ang hirap mag hanap ng Auto Electrician sa Gitna ng kawalan!!!!!


Saturday, August 8, 2009

Singer na ako!

Minsan ko ng na mention na pangarap kong maging isang backup singer, pero tinatangihan ko lang ang mga offer ng BMG Music, Jowk lang!

Inggitero nga kasi ako kaya na isipan kong mag record ng isang magandang awitin at ilagay dito sa blog ko. Marami-rami narin ang gumawa nito hindi ako ang original, ginawa narin ito ng idol kong si Xiena Girl na mas kilala sa tawag na CHKSILOG, at ng napakaseksing ka-facebook kong si CHIKLETZ na ayaw ilagay ang picture nya nung gumimik sila na kung saan napaka sexy nya talaga ang yummy! (May pag nanasa?!), hindi nakapag tatakang may gumagawa ng tula para sakanya at nag pa convert pa ng muslim, ginawa rin ito ni Gasoline Dude pero yung version nya ay merong poging picture nya sa video. Dahil mas pogi sya sa'kin ng kalahating paligo hindi ko na ilalagay ang picture ko or video ko kasi, una sa lahat hindi ako kasya sa video, jowk! ang totoong dahilan ay wala akong picture na maayos tsaka magiging overrated na ako tsaka hindi naman yun important.

Wala rin kasi akong maisip na ma ipost kaya ganun.

Well, back to the title. tama ang nabasa nyo bago kayo nag decide na i-click ang Pluma ni Jepoy at basahin ang walang saysay nyang blogsite, true enough, ako po ay isa ng ganap ng recording artist.

Baket?

Kasi ni record ko ang kanta ko sa CR para kunyari nasa recording room, kaya kahit mag sisisigaw ako ay hindi maririnig ng mahaderang kasambahay namin. Kaya isa na akong recording artist walang sinabi sakin ang mga American Idol na yan. Wag mo kong pag bintangang naka shabu! dahil ink lang ng pentelpen to lolz

Teka wala nanamang katuturan ang pinag sasabi ko. About sa kanta, wag mo ng laitin ang rendition ko ng awiting ito dahil una sa lahat hindi naman ako profesional singer (derfensive kagad!) ikalawa nakakaadik palang kumanta talaga :-D

Gusto ko lang din sabihin na nahirapan akong mag isip kung panu ilalagay tong audio file kasi diba walang audio button para ma upload dito, kelangan video file lang. Imagine, Buung oras sa trabaho ay nag kwe-kwentuhan kame ni Kuya Google para hanapin kung saan ako makaka upload ng Audio file para maka-generate naman sya ng HTML code, ayun sa awa ni Papa Jesus wala kameng nakita. So, gumawa nalang ako ng bidyo clip para lang sa awitin ko.

Uminom pa ako ng ng Salabat para maabot ko ang kanta, kasi ambitious ako pero wala paring epek! Phowthangena talaga! (Hindi ako nag mumura sa personal, cute lang lagay sa blog kasi) sintunado parin ang pag awit, pero for the sake of kasiyahan inupload ko parin sya.


Heto na brace your self..... Ahahaha

video

Okay tapos mo ng pakinggan. Pota wag kang tatawa, ang tumawa mabaog na!!!!!

Happy Weekend mga Kaibigan kong walang humpay na nag babasa ng aking mga post. Para sainyo ang awit na yan.

Enjoy the rest of the Weekend kasama ang inyong loveones, friends and family. Life is too short smile lang ng smile at ishare ang kayang i-share. Alisin ang negativity and mabuhay ang Pilipinas!!!!

Bow!

Thursday, August 6, 2009

Bare it All

Minsan sa pagbubulaybulay ay naitatanong ko sa sarili ko ang mga bagay bagay na walang kabuluhan, tulad nalang ng...

Anu kaya ang mangyayari kung ang Etits ay nilagay ni Papa Jesus sa Noo?! Anu kaya ang mangyayari? Siguro kahit na sinong lalaki ay alam na alam ang lasa ng ihi lalo na pag kakatapos mo lang kumain ng lanka o 'di naman kaya ay kakainom mo lang ng Red Horse. Ang tataas din siguro ng mga urinal sa puplic CR at amoy na amoy mo ang panghi nito.

At kapag nakikipag make-love ang sakit siguro sa ulo no?! nakakahilo! At tsaka mababasa ang face natin Awwwww!

pero hindi tungkol dyan ang post ko yan intro lang sya.

Segway ako ha... Sirius mode to!

**********************************************************************

I'm sure not a single Filipino who doesn't have single-ziltch clue on what is going on these days-Everybody knew that President Cory Aquino passed away and how her death unite Filipinos like what happened during the very first Edsa Revolution back in '86. It is touching to see those crowd paying their last respects to a democratic leader who made history in her own rite. A leader who was shaken by sudden death of her husband and soon rise as the first Filipina President who made difference in this country and her own family.

When Kris delivered the eulogy at her Moms funeral I got teary-eyed and moved. I'm not her number one fan. I don't even watch her shows. I don't know much about her, all I know is she talk so much, but the very moment I watched and seen her eloquence on that speech, she earned my utmost respect. I'm kinda soft when talkin' about family (who doesn't anyways) that's probably why her speech caught my attention. Let me share the video so you would know what I am takin' about.






Wednesday, August 5, 2009

Call Center Chronicles


Matagal akong binuhay ng industriyang ito. Hindi ko kailan man pinag sisihan na nasadlak ako sa sumpang ito-Ang mag take ng Calls 8 hours a day, minsan Mandatory OT pa ng 2 hours, at Rest Day Work pa, at sobrang swerte ka pa kung ang shift sched mo ay 3AM with jackpot Tuesday and Friday off. Pero hindi ko inalintana ang lahat ng yan dahil nag eenjoy naman ako.

Toot.. "Dell Desktop" sabi ng IVR...

"Thank you for calling Dell my name is Jep, can I have your service tag please..." Ang mga katagang walang humpay kong binibigkas araw araw minuminuto.

Hanggang dumating sa point na parang nanginginig na ang aking kalamnan sa t'wing naririnig ko ang TL ko na nag sasabi ng "Please Autoin" Habang nakikita sa Queue Master na nakadisplay sa bawat parte ng opisina ang 200 Calls waiting.

*Back trak*

Nag sign na ako ng Job offer sa Titolong Technical Support Representative.
At nag karoon ng sign in bonus tamang tamang panlibre at mag mayaman sa pamili.Hindi pa masyadong uso ang call center noon at tanging talented lang ang hinahire nila para sa trabahong ito (Oo talented ako, shudap!)

Nag simula na ang first day of work, sa wakas hindi ako napabilang sa mundo ng Unemployed after my graduation, at sa umpisa ng training day meron kagad Accent training. English Englishan talaga ito, isang sikat na DJ ang Accent trainer ko. Tapos during the training, binigyan na kame ng headset. Takang taka ako kung baket ako binibigyan ng headset e hindi naman operator ang pinasakukan kong trabaho.

Dinala kame sa tinatawag nilang "floor" na kung saan nagaganap ang production line ng industriyang ito. Manghang mangha ako dahil ang daming naka upong tao tapos may headset at ang gagaling mag English. Muntik nangang sumirit ang dugo sa ilong at tenga ko.

Sabi ng trainer namin after daw ng training ganun daw ang gagawin namin.

Huwwwwaaaat?! My Gawd! Hindi ko alam na mag ca-calls pala ako, Powthangenang yan! (exag lang hindi talaga ako nag mumura in person, blimey!)

Oo hindi ko alam na call center pala ang pinasukan ko.

*lumipas ang dalawang taon*

Naka tatlong Call Center na ako, Medyo hindi na masaya sa work pero masaya sa mga tao sa loob ng industriya. Medyo nag didilim na ang paningin ko pag nakakakita ako ng AVAYA. Parang gusto kong mag amok ng away pag naririnig ko and toot toot ng telepono. Parang gusto kong sumigaw ng "Noooo" pag naririnig ko ang irate callers. Gusto kong i disconnect ang lahat ng tawag pag nakikita kong 200 calls waiting sa Queue.

Nag leave ako ng matagal mga 2 days (matagal na yun kasi samin mahirap mag leave, kelangan mo munang lumunok ng blade at tumawid sa pisi ng sinulid) para mag isip isip. Nasa bus ako, tahimik na nag mumunimuni habang pauwi sa Probinysa. Nang biglang nag-ring ang phone nung babaeng nasa tabi ko.

sabi nya, "thank you for calling Sonny this is Mia".

Pinilit kong namnamin na hindi sya nag tatake ng calls habang nasa bus dahil hindi ito maaari!. Pero, ang katotohanan ay nag tatake sya ng calls sa bus. PHowtangenang shit! Gusto kong pumara para mag backlift sa NLEX dahil sa sobrang inis. Pati ba naman sa Bus!

Pag dating ko sa probinya, nakita ko ang classmeyt ko noong high school. Lumapit sya at nag tanong "Pre, diba sa call center ka nag work?! Mahirap ba mag tinda ng pagkain ng aso't pusa pati ng hanger sa Americano?!" What the?!... Lahat ba ng tao sa call center ay nag titinda, Ha?!!! yan ang gustong sabihin ng isip ko. Pero, syempre sabi ko hindi ako nag titinda bagkus ay nag aayos ng PC. Lalo akong na depress noong time na yun.

Itutuloy... [Galing dito ang image para mabasa mo]