Sunday, December 6, 2009

Massage home Service Experience

"Koya hard ba o soft?" Tanong nya

"Paamoy muna ng Oil na gamit nyo, minsan kasi may mga mineral oil na amoy kachichas eh, nakakasuka", Sagot ko. Nag ma-madali nyang nilabas ang langis na nakalagay sa isang kulay fink na lalagyan. Kinuha ko ito at inamoy. Hindi naman masyadong amoy kachichas pero sa tingin ko hindi naman mag re-react ang maseselan kong balat dito. Pinapasok ko sya sa aking Unit.

"Sige pwede na yan. Gusto ko ng hard na hindi masakit pero ayoko ng soft"

"Koya ang herap naman 'nun, kinda confusing"

"Kinda confusing ka dyan, basta you'll know it pag dumampi ang kamay mo sa likod ko"

"Ok fine, start na po ba tayo?"

"Baket ang suut mo e parang pang sex bomb? with matching make up na nag shi-shimmer pa?! diba dapat naka scrub suit ka?"

"Ito namang si Koya joker" sabay kurot sa tagiliran ko

"Ay may kurot talaga?! Hindi pa tayo close ate, lika na nga"

Pinapasok ko sya sa loob ng Unit. Sobrang gulo ng bahay lahat nakakalat kasi 'twing weekend lang ako na kakapag linis.Itinuro ko kung saan ang kwarto. Tinanong ko sya kung gusto nya ng maiinum bago kame mag start. Tinanggihan nya ito, buti nalang. Kasi wala namang maiinum sa fridge eh, kahit tubig wala na.

Dito nalang tayo sa kwarto Ate.

"Sige koya paki alis nalang ang Sando mo, shorts, at boxers please..."

"wtf?!! Baket ko naman aalisin ang boxers ko, sa whore house ka ba galing, kala ko sa Spa home service natawagan ko?!"

"Joke lang koya kala ko sasakay ka..."

"Nakaka Nerbyos ka naman kasi gagawin ko 'yung request mo pag pinilit mo ko Wraaaaar! joke!" Sabay smirk

Ngumiti lang si Ate. Inalis ko ang aking Sando at hinagis ito sa laundry chute, hindi ito na shoot na punta lang sa sahig, pero deadma lang. Nag sindi narin ako ng small candle at tinapat ang aroma therapy Oil para bonggang bongga ang amoy sa kwarto, so relaxing, Aylabet! Sinaksak ko ang ipod sa mumurahing speakers at sinet ang mga tugtugin ni Kenny G (kung hindi mo sya kilala i-google mo nalang). Pumwesto na ako sa aking bed suut lang ang basketball shorts ko.

"Start na tayo Sir ha.."

Sumakay sya sa may bandang likuran ng baywang ko. Naririnig ko ang pagbuhos ng langis sa mga palad nya at pag kiskis ng kanyang mga palad para kumalat ang Mineral Oil hanggang daliri nya.

"Ate galingan mo para da-dagdagan ko ang tip mo. Medyo masakit ang lower back at Neck ko dahil sa trabaho."

"Sige Sir ako ang bahala sa gabing ito. Paki relaks lang po ang mga muscles nyo para hindi kayo mag cramps"

"Sige mag rerelaks ako pero wag ka sa pwet ko umupo"

"Ay sorry naman Sir"

Hinagod nya ang kanyang kamay sa aking lower back paakyat ng aking balikat, masarap na medyo masakit ito. Dinagdagan ang mineral oil para mas madulas at magawa nya ng maayos ang body massage. Hinagod nya ulit ng ilang beses ang likod ko papuntang balikat

"Sir Ok lang po ba ang preyshur"

"Preyshur talaga Ate?! Jepoy nalang tawag mo sakin at oo ok naman ang pressure, tamang tama lang'

Binaba nya ng konti ang shorts ko. Para ma-massage ang aking wetpaks. Nakaka libog relaks talaga ito. Hinagod ni ate ang buung likod ko gamit ang armas nyang kilala sa tawag na shiatsu massage. Itinaas nya ulit ang shorts ko sa baywang at pumwesto sya ng konti sa lower legs ko. Itinaas nya ang tela ng shorts sa mag kabilang legs para hindi ito malagyan ng langis. Tinaas nya ito ng bonggang bongga.

"Ate ang taas naman masyado nyan"

"Pasensya na Sir, para hindi ma mantsahan 'ung shorts mo, puti pa naman"

"Ok, Jepoy hindi sir. Sige go ka lang"

Itinuloy ito ni Ate. Gamit ang maliliit nyang palad nag paikot-ikot ito sa sa may likuran ng hita ko.

"Jepoy Ok lang ba Preyhsur" Pabulong nyang tanong

"Oo ayos lang naman. Pero dahan dahan ka sa pag taas ng kamay mo ok ! may bagay na hindi mo dapat i tats dyan"

Hindi kumibo si Ate at patuloy sya sa kanyang thingy-thing. Matapos ma massage ang legs at paa at kamay. Inutusan nya akong mag palit ng pwesto

"Jepoy harap ka naman" bulong nya

****End*****

34 comments:

  1. naks! massageeeeee... me likeeee too :)

    ReplyDelete
  2. bakit wala ng ksunod?? bitin naman oh! hahaha.. maganda ba yung nag massage sau sir? haha..

    ReplyDelete
  3. @ Masahista Maraming Salamat sa comment. Ikaw ang nag conclude na baboy ang nangyari... Tweak ang mga pananalita walang kababoy baboy na nangyari. Ang laki ng tip ko dahil magaling ang masahista.

    Just so you know, Walang kababoy-baboy na nangyari. at paki check ang hoax baka hindi mo alam ang meaning. Kalokohan, Oo puro kalokohan naman ang panulat na ito.

    ReplyDelete
  4. @Roanne Yeah Stress Reliever talaga, kaya dapat lakihan mo ang trip mo

    @Kox Tama lang ang itsura ni Ate kox, magaling sya mag massage kakaalis ng pagod.

    ReplyDelete
  5. asan ang katugtong ng istorya? XD

    ReplyDelete
  6. @Raffy Open ended yan kung baga bahala kang mag isip :-D

    ReplyDelete
  7. Huhulaan ko! Si ate ay isang.......bading!

    Hahhaha!

    Manyak ka Jepoy!

    ReplyDelete
  8. aw! sarap magpamassage!

    masarap ding magbasa lalo na kung bitin! hmmmmm.. ano kayang ginawa ni ate sa harap ni jepoy! kanta ate.. kanta!!!

    ReplyDelete
  9. @Azel hanubayun ate Azel na pa tumbling ako dun sa comment mo ahahaha

    ReplyDelete
  10. ang kulit! ilang beses narin ako natanong dyan sa preyshur na yan. haha

    ReplyDelete
  11. grabe! very hot ang scene ah hahaha! Matagal ko ng hinahanap ang body massage. Naaalala ko pa yung pinaka-masarap na body massage coming from my Mom's friend.

    Soft na medyo hard yung massage sa akin at talaga namang nawala ako sa aking ulirat. Nagising na lang ako dahil nanlalamig na ako sa suot kong shorts lang.

    Nagpa-massage ulit ako doon pero super hard na ang massage na hindi ako nakatulog sa sakit ng masahe niya. Eversince di na ako nakatikim ng masarap na massage. Pag uwi ko Pinas di ko talaga palalampasin ang body massage na yan.

    ReplyDelete
  12. Xerex itu.... Porno... hehehehe

    ReplyDelete
  13. gusto ko yan...at kailangan ko nyan!
    maghahanap ako ng macho na masahista...ahahaha!

    ReplyDelete
  14. @Citybuoy :-D

    @Noel Ablon Pag uwi mo I recommend the Wensha Spa in Roxas Manila, Superm Massage and very professional Therapist. May eat all you can be sa halagang 750 peysos :-D

    @Glentot Asan ang Xerex dyan? Nasa wicked mind mo lang 'yun LOL

    @Drake Ikaw kaya Manyak Dyan!

    @Powkie Ako na mag mamassage sayo libreng libre lang, gagamitan kita ng bonggang bonggang mineral oil :-D

    ReplyDelete
  15. Bitin naman! Wehehehe...
    I love massage too! Kaso, wala na yung blind masseuse na suki namin ng mom ko, lumipat na ng lugar... sadness...

    ReplyDelete
  16. Ahahahahhahaha... tama bang mambitin... jijijiji... naku gustong gusto ko yung itinataas ang paa ko nung malapit na matapos... nagkamali lang ako dahil nung minsan nakaboxers lang ako at naku po... natakot ako baka may ibang naghehello habang ginagawa niya sa akin yun... jijijijijiji

    ReplyDelete
  17. pressure ba kamo? anong klaseng pressure? buti nalang di ka nilabasan.... ng air pressure habang nakadapa ka,naku malamang mahigh-pressure si ate!

    ReplyDelete
  18. anung kasunod? haha! bitin naman o..c

    ReplyDelete
  19. di puta! ang sakit sa puson ohhh! BITIN. I HATE YOU JEPOY hahaha. joke.

    ay gusto ko din magpamassage tuloy. may mga wasak na buto yata ako as likod kasi madalas sumakit. ahihihi.

    :D

    ReplyDelete
  20. hihihi. Buti hindi napa "wag po ati..." Parang nagbasa lang ako ng Remate! ehehehehe!

    Salamat sa kwento Mang Jepoy, napakalikot tuloy ng isip ko ngayon.

    ReplyDelete
  21. anu ba yan? bat putol? heheheh! naranasan ko na din magpa massage kaso yung masahista yung umatras sa akin eh, bat kaya? bading?

    ReplyDelete
  22. @Avee Sayang naman wala na sila

    @IamXprosaic Hanu bayun ang bashtush mo po LOL

    @Iya_khin Anu daw?! LOL

    ReplyDelete
  23. @Chikletz Ang kasunod at natapos ang massage ng bonggang bongga

    @Popoy LOL, sige pre pa massage ka na para maayos ang mga crack na buto mo hihihihi

    @Ayie Isa ka pa ahahaha

    ReplyDelete
  24. @Cynderellaz Sige ako nalang mag mamasage sayo. Hindi ako aatras framis!

    ReplyDelete
  25. Di ko bet! Mas gusto ko yung AceWaterSpa.com.ph

    try mo bilis!

    ReplyDelete
  26. @Cyng Mukang promising, anlayo naman QC pa! Walang MOA lang LOL pero mukang interesting, may common area ba ang massage dito?

    ReplyDelete
  27. hello there... i really want to expand my blog and get to know new blog friends, care to ex-link and follow my blog... after publishing this note, i will follow yours right away!

    ReplyDelete
  28. Inday: sir anong guto niyong massage, yung sop o modereyt?

    Sir: ano ba yung soft at moderate mo Inday?

    Inday: gusto mo ba sir na sopsopin ko pa o gusto mo dereytso na....?

    bwahahaahaha

    ReplyDelete
  29. ang sosyal home service massage talaga...hehehe.
    bitin nga, pero for sure natapos naman ng walang kahalayan yan...good boy naman yan si jepoy eh...ahem, cnxa na nasamid yata ako...

    ReplyDelete
  30. @Ailee Sure!

    @YJ Ahahaha

    @Deth Welcome back!!!! At tama ka good boy ako hihihihi

    ReplyDelete
  31. ayun na eh! nasa tugatog na ng tagumpay! badtrip..hindi pa tinuloy!

    ReplyDelete
  32. @Chico bitin ka ba, kiskis mo sa pader yan para makaraos ahahaha

    ReplyDelete
  33. So...minassage niya ang tiyan mo?

    Wehehe.

    ReplyDelete
  34. LOL classic. Buti wala syang, "Sasakay na ba ako koya?"

    ReplyDelete