Wednesday, September 30, 2009

Blogger ka ba?

Blogger adik ka ba? Maraming klase ng blogger pero sa sarili kong opinion at obserbasyon ito ang mga sinyales na adik ka sa blog.

1. Una sa lahat nag babasa ka ng blog ng iba. Oo nag babasa hindi nag ii-scan para lang mabisita ang blog mo. Binabasa mo ang blog nila at ni nanamnam mo ang kada tipa ng sulatin nila. Hindi naka base sa kagandahan o kapogian sa profile pix nila ang pag pasyal mo sa bahay nila kundi sa content at paraan ng pag su-sulat nila dahil kung sa profile pics ka lang mag ba-base eh masasabi kong mag fez buk ka nalang para mag lagay at ibuyangyang ang maraming pictures mo shit ka! Jowk lang hindi ako galit.

2. Ina-add mo sa blog Roll mo ang mga blog site na gustong gusto mong basahin tapos pag may bago silang post eh kating-kati ang pwet mong basahin ang entry nila. Pwede narin ang google follow. Kung minsan naman ay nag pa-pa-pansin ka sa mga blogger na gustong gusto mong basahin pero dini-dead-ma ka parin nila kasi your a shit to them, pero ok lang 'yun shit rin naman sila sayo. Pero kahit ganun ay ina-add mo parin ang blog nila sa blog roll mo kasi gusto mo naman silang basahin talaga. In the first place nag e-enjoy kang basahin ang gawa nila at kapag finaly ay pinansin ka na nila eh bonus nalang 'yun sayo, ibig sabihin lang nun eh medyo may saysay na sulatin mo for them. Wag kang mag alala kasi ganun ka rin naman.

3. Hindi ka mapakali ng madalas dahil feeling mo gusto mong isulat ang bawat sirkumstansya na nagaganap sa paligid mo. Pero madalas naman pag harap mo para tumipa at mag sulat ay wala kang masulat kamote ka! Oo parang tanga lang. Pero dahil nga adik ka gusto mo paring mag sulat at sa tuwing may nag kukumento sa gawa mo ay ang ngiti mo nga naman ay hanggang betlog.

4. Nagkukumento ka sa mga blogger idols sa nga sulatin nilang nagustuhan mo dahil kung hindi ka nag kukumento tapos binabasa mo naman ang sulating ito ay ang strong bones mo. Madalas ay nag pa-pacute ka sa comment mo pag maganda ang may akda ng isang blogsite sa profile pix nila, jowk lang 'di kasali 'yun.

5. Minsan ay magigising ka nalang at ang una mong gustong gawin ay i-check ang blogsite mo bago pa man ang ibang website. Pag dating naman sa trabho instead na unahin na icheck ang Outlook mail mo ay mas pinipili mo pang silipin ang blogsite mo or worst ay mag bloghop kaagad.

6. Pag Birthday ng blogger friend mo (like me malapit na) gagawa ka ng picture greeting at i sesend mo sa iamalivingsaint@gmail.com para batiin sya sa burtdey nya kasi gagawa sya ng video remembrance para pag sawa na mag blog merong memorabilia :-D

7. Minsan na ngangarap karing gumanda ang template mo. Pero minsan ok na sa'yo ang itsura ng bahay mo sa blogosperyo. Minsan na pwe-pwersa kang matutu ng very very slight sa mga html,php at java para ma paganda ng konti ang bahay mo. Pero kung pinakialaman mo ang template at biglang nabura ang blogroll mo or entries mo eh medyo may pag ka malas ka lang. Mag tanong ka sa susunod.

8. Dumarami ang blogger friends mo at naaliw ka dito ang iba nasa fezbuk muna ang iba katwitter mo na. Minsan nakaka inuman mo na sila or nagiging totoong tropa na. Cheers to new friendship! Not sure lang kung lumalove life 'yung iba.

9. Smart ka at competetive. You belong to class "S" na halimaw. Wait lang hindi ko alam kung paano ko i-susuport ang statement number 9. Pero agree tayo Perekoy diba?! Woot Woot!

10. Ang pang huli ay sumusulat ka ng naayon sa puso mo in a constant manner.Pwedeng tungkol sa Hurtfullness.Loveliness.Funnythings.Techyness.Informationstuff.Cookingtips. Picturefull.Personification Ilan yan sa mga makikitang laman pero ang puno't dulo galing sa puso at gusto mong i-share sa buong mundo otherwise naka secure lang ang blogmo para sa piling tao or para sayo lang.

Happy Blogging!!!!


Monday, September 28, 2009

My Ondoy Experience

Sabado ng umaga end of shift na. Nag kwekwentuhan kame ng mga ka opisina ko kasi weekend na ulit, pinag uusapan kung ano ang mga plans over the weekend at kung anu anu pa. Nag excuse ako sandali sa session para sumilip sa labas kasi alas otso na ng umaga pero madilim parin at napakalas ng ulan.

Hindi ko alinta na may panganib palang nag babadya sa kalakhang Maynila 'nung araw na 'yun ni hindi ko rin alam na meron palang tropikal depresyon na tatama sa Maynila.

As usual, natapos ang kwentuhan ng may tawanan at saka nag paalaman na sa isa't isa at nag sabihan ng Happy Weekend. Pag baba medyo mahangin at malakas ang unos ng ulan. Dumaan ako sa ATM machine para mag withdraw ng pera na gagamitin sa pag siesta para sa araw ng sabado at linggo kasama narin ang offering para kay Papa Jesus sa Sunday.

"Toot..Toot.." Pang huling sabi ni ATM Machine, sabay labas ng kaunting pera. Kinuha ko ito ng may ngiti sa labi. Dahil malakas ang ulan at hangin naisipan kong wag ng lakarin ang Ang Ortigas, Pasig palabas ng Shaw boulevard. Sinabi ko sa aking sarili na mag cab nalang ako tutal naging matipid naman ako this past week. hindi ako nag pa gasulina at hindi ako nag fast food kahit isang beses.

Dumating ako sa Unit ng mga bandang alas nuebe ng umaga malakas parin ang ulan. Dahil nga ako ay sa gabi nag tra-trabaho kinakailangan kong matulog para may sigla ako ng Sabado Nights para sa plano naming pag bibidyo-oke. Syempre kantahan yun. Dapat prepared ang boses ko para bumirit at bumangka all night.

Tumae ako. Nag shower. Nag facial wash at nag toner (susyal). At Nag basa ng Sookie Stack House book 2 (Living Dead in Dallas). Naka tatlong chapter lang ako at nag decide ng matulog. Dahil malamig ang panahon nag decide na akong wag mag aircon at kahit na gugutum ay hindi na kumain pa.

Bandang alas dose ng tanghali. Nag ri-ring ang phone ko.

"Powtangena naman, 3 hours palang ako na tutulog. Sinu naman ang tumatawag??!!!" kinansel ko ang first call

Mayaya nag ring ulet.

"Anu ba naman to!" Naiinis kong sambit. Sinilip ko ang at napansing si Mama pala ang tumatawag. Sinagot ito.

"Anak, kamusta ka dyan bahang baha na daw sa Maynila. Wag ka na munang umuwi dahil lulubog ang kotse mo sa edsa"

"Huh?! Anu ba meron?"

"Tanga! may bagyo at bahang baha na"

"'Weh Dinga?!"

"Tigilan mo ko, sinasayang mo load ko!"

"Ma, 3 hours pa lang tulog ko, wag kang mag alala safe po ako dito tsaka pag na baha ako lulutang ako kasi diba healthy nga?!. Tsaka 'Diba may dugo tayo ni Poseidon?"

"Sinu namang Poseidon yan?! Tigilan mo mga biro mo ha, basta wag kang lalabas dahil delikado ngayon"

"Wow na tats ako, Oo sige pag uwi ko bibigyan kita ng pera at hindi ako lalabas pramis..."

"Sige damihan mo ha. Sige na bye na kasi mag lilimas pa kame ni Papa mo, pinasok ang terrace natin."

"Tawagin nyo nyo kung katulong natin sya pag limasin nyo tsaka joke lang pag bibigay ko ng pera"

"Tanga! Wala tayong katulong at tsaka wala ng bawian sinabi mo na nabibigyan mo ko ng pera"

"Ok fine, Ingat kayo ni Papa. I love you"

"Love you Too. Bye"

So, hindi na ako na katulog masyado. Sumilip ako sa bintana. Nasa ika anim na floor ako. Nagulantang ako at nanlambot nahil hanggang tuhod na ang tubig sa baba e hindi naman binabaha ang lugar namin ever.

Punyeta yung babes kooooooooooooo! Kahit na ayaw mag start 'nun minsan Mahal ko parin sya dahil mabait na sya lately

hindi na ko nag brip at sinuut ko nalang ang aking padjama at butats na puting sando at dali daling tumakbo sa ground floor para i-check ang babes ko.

Pag dating sa baba

OMG! napatakbo ako at niyakap ang aking kotse habang sinusuung ang baha, isang dipa nalang aabutin na ang kanyang makina. Tuliro ako hindi ko alam ang aking gagawin. HIndi ko naman sya mailalabas kasi mas mataas na ang tubig sa labas. Ang baho ng tubig. Amoy hiningang nag breakfast ng tae. Shit! Nangigilid na ang aking luha yung para sa mga pelikula ni John Llyod ganun na ang aking tears, hindi ko naman kayang buhatin sya at hintaying humupa ang baha, effor masyado 'yun. Nan gigilid na talaga ang luha ko. at tulirong tuliro ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Lumapit si Manong guard. Sabi nya.

"Sir Start nyo na po yang kotse nyo tapos lipat nyo sa second floor malapit na pong maabot ang tambutso nyo, marami pa pong slot 'dun".

Friday, September 25, 2009

Go Canada!

Ako po ay medyong naging busy sa nakalipas na araw kung kaya ako ay medyo nawalan ng time sa aking blogging career. Una kasing reason ay na block ang facebook at blogspot sa office which kind of frustrates me, buti naka ututang dila ko si Glentot sa pamamagitan ng YM kaya naman hindi ako masyadong na frustrate sa trahedyang iyon sa Office, Na sad ako sa thought na hindi na ako makakapag bloghop at blog sa Opis. Pero, isang araw lang naman na block so na ka move on narin ako kaagad.

But wait theres more!

Naging bisibisihan parin ako sa sumunod pang mga araw. Naging busy ako sa pag kamot ng betlog ko, jowk lang po 'yun. Ang totoo nyan minsan ko ng na ikwento senyo na pangarap kong maging OFW, medyo na mulat lang ako sa aking ulirat na hindi ito mangyayari kung wala akong gagawing move, so these past days ay talaga naman kinarir ko ang pag gawa ng paraan kung paano ko ito maisasakatuparan.

First Move- Research and Gather information. Oo parang scientific method lang. Ang una kong target ay maging immigrant sa Canada para maging Fedaral Skilled Worker. Kaya para sa gustong mag migrate sa Canada eto ay makaka tulong na information sa inyo.

Nalaman kong meron tatlong Category ang Federal Skilled Worker Visa at feeling ko ay pasok ako sa Category 1.

Anu ang Category 1? Ito 'yung 38 high Demand Jobs doon sa bansang may isnow. So ang ginawa ko ay bonggang bonggang basa sa website nila at forum to-the-ultra-mega-max ang pangungulit ko sa kaka tanong doon dahil wala akong pambayad sa Canadian Consultancy Ek ek na yan. True enough, I got the information I needed. Syempre nag punta rin ako sa website ng Canada para sa online eligibility assesment kung pasado ba ako sa pointing system, share ko ang screenshot

So 'yun pumasa naman kahit hindi ako marunung mag French. At nagkaroon din ako ng additional points dahil sa mga relatives ko na nasa Ontario, Yey!. Matagal tagal narin akong iniencourage ng tita at tito ko na mag apply doon pero dahil bata pa ako 'nun hindi ko alam kung paano mag start. Anyway highway, after kong mag assesment ay sumige pa ako ng kakabasa hanggang dumating ako sa proof of funds. Gusto kong mahimatay dahil kelangan ko ng 10K CAN dollars para sa aking show money, fuck the what?!!! Saan naman ako dudukal 'nun?! kakarampot lang ang aking savings. Pero marami akong nabasang secret kung paano sya ma lalagpasan. Edi basa basa parin ako. Hanggang sa dumating sa point na natuklasan kong hindi pala pasok ang aking work experiences sa 38 On Demand Job sa Canada. Fuck talaga! So I think back to square one ulet sa paghahanap ng ibang option. Nag bumalik tuloy sa isip ko na sana ay nag TNT nalang ako sa US of A noon ang hirap palang lumbas ulit ng Pilipinas.

Natanong ko tuloy ang Sarili ko. Baket ko nga ba gustong mag punta sa Canada kung na bubuhay naman ako ng matiwasay kasama ang mahal ko sa buhay dito sa Pilipinas? Kumikita naman ako ng more than enough para sa pang araw araw na pangagailangan ko tulad ng Jollibee at Mcdonalds at Pambayad ng Internet at Meralco. Nakakabili naman ako ng Damit sa Bench kahit hindi kasya sakin. Nakakabili naman ako ng Boxers sa Marks and Spencers kahit isang piraso lang every Christmas. Nakaka pag save naman ako monthly para may huhugutin for rainy days kung sakaling maging biktima ako ng recession. Ano nga ba ang nakatagong dahilan kung baket ko gustong mag abroad?

Ang sagot.

Dahil sa snow. Oo gusto ko ng snow. Ayoko ng masikip na parking. Ayoko ng siksikan sa SM. Ayoko ng traffic sa Edsa. Ayoko sa Pilipinas! Jowk lang po nag prapraktis lang ako sa nalalapit kong pag aartista.

Ang totoo talaga ay gusto kong kumita ng mas malaking pera upang mapag aral ko ang aking anak sa Ateneo habang nag prepreschool palang sya. Habang si Misis naman ay nag shoshopping sa rockwell, ang susyal! Jowk lang ulit

Ang totoong dahilan ay eto na. Not a long time ago probablly around 2005, nag kasakit ng breast Cancer ang tita ko, sya 'yung kapatid ng Mom ko. Wala syang naging anak parang kame na ng utol ko 'yung naging anak nya. Gustong gusto kong ipa-chemo sya nung nasa unang stage palang pero wala naman akong pera. When she was in pain, ang iniinum lang nya ay pain killer. We couldn't afford any strong Pain Killer because of money problem medyo mahal kasi specially 'nung nag metastases na ang Cancer cells sa katawan nya. I feel like I'm dying too. Well, ayokong mag emo hindi ko kaya. Stop ko na ang kwento it brings back a lot of sad memory. So after that incident, Ipinangako ko sa sarili ko na mag sisikap ako para wala ng mauulit na mamatay ng hindi na kakalasap ng maayos na hospitalization sa mga loveones ko.

And I'm still working on it. Si Papa Jesas ang backup ko. Go Canada!



Wednesday, September 23, 2009

Baket Kumakati ang Singit mo?

Maraming dahilan kung baket kumakati ang singit mo. Nag lista ako ng five reasons. Sana lang wag mo masyadong dibdibin dahil naisip ko lang ang mga yan. Hindi totoong galing sa propesyonal na especialista like gynecologist na isang doctor sa balat, tama diba? So eto ang reasons baket makati singit mo kahapon.

1. Una sa lahat dahil maitim kasi sya. Oo, pag maitim ang singit makati daw. Not sure kung too ito at anung basis ng ganung pag bibintang, hindi ako makaralate kasi naman ang maitim lang sakin ay ang betlog ko at siko.

2. Nag basketball ka ng tangghaling tapat hanggang, let's say mga 3PM. Please note na hindi ka sa close Gym na may aircon nag basketball (anu ka sosyal?! Duh!) Doon lang sa kanto kasama ang sunog baga boys na tropa mo tapos nakalimutan mong maligo ng one week at worst ay hindi ka rin nag palit ng brip. Pwedeng pwede ng tumubo ang kamoteng kahoy sa brip mo kaya wag ka ng mag tanong sakin baket makati ang singit mo. Ang building block sa singit mo ay gawa sa matabang lupa na may kakaibang smell. yuck!

3. Nag tikol ka at hinayaan mong umagos at matuyo ang malapot-lapot at mamahaling katas mo sa singit mo, eiw ka! Pwede mo naman ipa tanggal kay Manang yun.

4. Kinamot mo lang ng kinamot ang singit mo dahil wala kang magawa hanggang naging makatotohanan na ang pangagati nya na kahit nasa office or school ka ay hindi mo na sya mapigilan. Worst ay humahapdi na ang singit mo at namamasa masa na.

5. Dahil may hadhad ka na. Kadiri ka! Pwede rin na sobrang
sikip ng garter ng brip mo sa may singit part, kung ganun mag boxers ka nalang para presko. Kung ayaw mo ng sobrang luwag mag boxer brief ka para tight ba ng konti sa may tetlog part. At higit sa lahat wag kang bibili ng second hand na prib sa Avenida or Recto. Kaya ka na ngangati. Shit ka!

Isang little reminder lang po ulit sa inyong lahat. Nag hihintay parin ako ng picture greeting nyo mga hinayupak. I hate you all!!!! Buti pa si Pareng Drake meron ng donation. Well mag hihintay parin ako hanggang October 18 at kung ayaw nyong ma flood ang cbox nyo at shawt mix ng mensahe ko ay mag madali at gumawa na picture greeting sa bertdey ko. Demet! Para sa 'di maka relate sa sinasabi ko, scroll down ka lang Tsong.

Saturday, September 19, 2009

Ang Mumunting Request ni Jepoy

This day is the 19th of September which happens to be my birth date yun nga lang next month pa ang birth month, pero malapit na ‘to! ‘Yey! But, the sad thing is mada-dagdagan nanaman ang aking age. Hindi na ako debutante. Haiz!

Owenoh naman kung mag-bu-burtdey ako?

Wala lang naman, meron lang akong isang simple wish sa inyong lahat [Insert Beautibul eyes here para maawa sa batang paslit] Ok let me explain, ‘di ba nasabi ko sa last post ko na beri beri slight lang ang pagkainggitero ko? Well, ngayon namumunga na at na mumutiktik pa ang pag ka inggitero ko dahil gagayahin ko si Gasul sa pakulo nya nung birthday nya, ginawa rin pala ‘to ng ibang bloggers.


So what’s with the inggit thing?

Kasi nga, once upon a time habang na mamasyal ako sa bahay sapot nyo ay saktong napadaan ako sa bahay ni Gasul at nakita ko ang ginawa nyang video na kung saan meron syang collection of pictures ng mga blogger friends nya pati pamili and friends greeting him happy bertdey in a very creative way, ‘yung iba may hawak na papel tapos may happy birthday na nakalagay, ‘yung iba naman card, basta nakakatuwa panoorin at dahil doon gusto ko rin mag karoon ng ganung collection. Natuwa ako sa craft nya. Fine! Na inggit ako, kaya sabi ko sa cute kong face gagawin ko rin ‘yun pag malapit na ang burtdey ko. So, eto na nga ang hinihintay kong moment-Ang burtdey ko. Gagawa din akong ng bidyo na compilation ng mga picture greetings nyo (i-wish). Pero, magagawa ko lang ‘yun kung mag sesend kayo ng pektyur nyo greeting me happy bertdey. Gets?!

Kung hindi mo parin ma-gets, ‘di ko na alam paano ko ito i-e-explain dahil hindi ko na kinakaya ang katangahan mo.

‘Yun nga, puh-leeeezzze wag na sana kayong mahiya at mag send na kayo ng picture greeting nyo sakin, Oo pati ikaw na napadaan lang kasali ka, kala mo! Pwedeng maging creative sa pag-gawa neto. Pwedeng i-edit nyo para good looking naman kayo, pwede rin mga photoshop-photoshop ganyan ganyan or anything you wanted kahit walang face or kahit anung drama pwede, wag lang nude kasi hindi porn site ang blog ko, ok?! Lagay nyo narin ang link ng blogsite nyo for beri beri slight promotion. Tapos send nyo sa email ko iamalivingsaint@gmail.com. Mag madali at kumuha ng proof of purchase sa inyong suking tindahan at i-drop sa pinaka malapit na dropbox (Ay ang corny na) Basta point is email nyo ang picture greeting saken [Insert nag mamakaawa face here]

Mag tatampo ako ng bonggang bongga pag wala akong na receive kahit isa sa inyo lalo ka na Chikletz kahit busy ka, kung hindi i-flood kita ng message sa facebook.LoL. Matagal-tagal pa naman ito at meron pa kayong one month para mag picture perfect. Nga pala, wag mong sabihin wala kang kamera dahil ang ang mga cell phone sa panahon natin ngayon meron cam, kung walang cam ang cell fon mo tapon mo na sa recycle bin, I hatechu! at higit sa lahat si Manong Mag Tataho ay may kamera at nakita ko nag pi-picturan sila ni Manang Yosi Vendor ng headshot para I upload ang picture nila sa facebook nilang dalawa. Kayo pa kaya?! Oo may facebook si Manong Magtataho wag mo na tanungin kasi busy sya sa farm town pag restday nya.

Ingats kayo at i-e-expect ko ang burtdey gift nyo sakin na picture greeting. Pwede rin cash donation, pasok nyo nalang sa savings account ko, ok. Isitibi kung sakaling napapasilip ka dito sa entry ko dalhin mo ang DSLR mo at picturan ang close friends natin sa office na may hawak na papapel na nag sasabi ang pogi ni Jepoy este happy 22nd birthdey daddy Jepoy, tapos paki email sakin tapos ipho-photoshop ni Mel para maisma ko sa video, kung gusto mo ikaw narin gumawa ng video, ok Ahahaha. Hindi ako demanding Istibi, jowk lang iyon pero half ment.

Happy Weekend sa inyong lahat mga Parekoy kasama ng mga lovelife nyo at Pamili... Mwah!

Thursday, September 17, 2009

Kwentong Nakalipas

Alam nyo ba yung kanta ni Tina Paner na kay tamis ng unang halik? Sa blockbuster mubi nyang Pepay palay-pay (Sana tama ang title). Kaya' ko na itanong ito kasi nakita ko ang note book ko 'nung elementary, specificaly 'nung grade one. At biglang nag flash back sakin ang mga pangyayari ito...

Si Mama galing sa Palengke excited na ipakita sa amin ang mga pinamiling gamit sa iskul, mukang nakuha yata nya ang midyear bonus galing kay Cory, kaya naman meron syang pambili ng nokbuk namin mag kapatid para sa nalalapit na pasukan. Buwan na kasi ng Hunyo. Karamihan sa mga kalaro namin ay may gamit na at uniporme, ang iba na medyo may kaya sa national bookstore pa bumili at sterling pa ang mga notebooks nila at bagong tahi ang uniform nila, pero kameng mag kapatid eh, wala pa kahit isang monggol at 'yung uniform namin last year 'yun parin ang uniform namin. Naiintindihan naman namin ito at hindi kame nag rereklamo, masaya kame kung anu lang ang meron at kayang ibigay sa amin. Lately lang naman kasi ako naging inggitero pero 'nung time na'yun beri beri slight lang ang pagiging inggitero ko.

Ibinababa ni Mama ang isang basket na nag lalaman ng mga kamatis, okra,Upo,sitaw,Pata at kung anu anu pang pang ulam namin for the next week. Mukang puno ang basket ni Mama di katulad pag walang midyear bonus puro tokwa lang at bukayo ang laman nito.

"Anak tulungan mo nga akong ipasok itong basket at iabot mo sa Papa mo 'yung Richie na juice na naka garapon at sabihin mo i-timpla na nya yun at palamanan na nya kamo ang pandesal ng Lily's peanut butter para sa miryeda natin tutal mag aalas dyes narin naman."

"Opo Mama" Magalang kong sagot.

Na pa- smile ako kasi peyburit ko talaga ang peanut butter. Kahit matae-tae na ako sa kaka-kain nito ay hindi parin ako hihinto sa pag papak nito. Aktuli, lahat nilalagyan ko ng peanut butter ang saging, ang kanin, ang pompoms lahat talaga until now peyburit ko parin ito, nag upgrade lang ng konti from Lily's naging Skippy na these days. Naalala ko 'nung minsan nga tumitigas ang Lily's pag naubos ang mantika sa ibabaw dahil ako lang ang kumakin ay madalas sobrang tumitigas at talaga namang halos mabali ang kutsara ko sa pag kayod para lang ma kuha ang namumuo muong peanut butter habang pawis na pawis ang mura at maliliit kong mga kamay habang suut-suut ang pido dido sando an may ternong shorts na seven up at rambo na tsinelas. Enough of that stupid peanut butter! So iniabot ko na kay Papa ang Richie na juice at dali-daling bumalik kay Mama.

"Oh eto ang walong notebook mo para sa pasukan, hindi mo na kelangan ng writing notebook kasi maganda na ang sulat mo, tsaka anak wag ka ng mag notebook sa math na graphing paper page kasi grade one ka palang naman at kasama narin ang crepe paper at kartolina na idodonate mo sa class nyo sa simula ng klase, eto narin ang tooth brush mo at colgate para sa health corner nyo"

Excited kong tinignan ang cover ng nokbuk ko na bagong bili dahil ito naman ang nakaka ingganyo pag bata ka, hoping ako na sana super mario ang cover ng nokbuk ko o 'di naman kaya voltes five para sikat ako sa klasrum. Pero Na gulantang ako at nanghina nang nakita ko si Tina Paner, Isabel Granada, Keysilyn Francisco, Jestoni Alarcon ang bida sa mga notebooks ko. Napatingin ako kay Mama na maluha-luha na parang naguho ang aking mga dreams.

"Oh baket parang byernesanto ang muka mo, eto tignan mo may pancil case ka pa"

Tinignan ko ang pencil case at sa awa ni Papa Jesus that's-entertainment-na-gawa-sa-manipis-na-lata ang pencil case ko. Wala man lang itong ibat ibang level na pwedeng lagyan ng kung anu anu. Wala rin itong built in na pantasa na tulad sa mayaman kong klasmate na may ari ng patahian sa bayan. At hindi rin ito mabango. At higit sa lahat isa lang ang lapis ko, yung matabang lapis na parang charkowl at may eraser na ang dumidumi pag ginamit mong pambura sa pad paper mong pang grade 1. Syempre dahil mahal ko ang Mama ko nag thank you nalang ako at binigyan sya ng isang sweet kiss kahit masamang masama ang loob ko. Ipinasok ko sa kwarto ko ang mga notebooks na 100 leaves at binalutan nalang ng gift wrap na tinago ko pa last birthday ko at ginamit kong pang cover sa muka nila Manilyn Reynes and friends na naka smile sa notebooks ko at binalutan sila ng aseteyt.

Kaya sa araw ng pasukan. Ang mga notebooks ko ay panay nakabalot ng gift wrap na may happy birthday or minsan naman manila paper or Art paper, hindi naman ako pinag tawanan ng mga klasmeyts ko. Steady lang sila! Kung sabagay aanhin naman ang mgandang notebook nila kung mas matalino ako sa kanila. Chos!

Naka graduate ako ng elementary ng hindi naranasan ang sterling notebook. 'Yung makinis at sarap sulatan. Ay pati pala high school hindi rin ako naka ranas ng ganoong notebook kaya ngayon ang notebook s aoffice sterling at hindi ko sinusulatan ang likod panay harap lang pag puno na tatapon kuna kuha ulit ng bago :-D



Monday, September 14, 2009

Perception Management

Super astig ng little avatar ko sa BuddyPoke sa fezbuk. Ang sabi nga ng ilan sa officemates ko eh, kamuka ko daw. Slimmer version lang (Gumaganown pa sila). Ang totoo nyan hindi ko alam kung paano sya patatabain ng konti. I guess wala lang talagang option doon sa avatar creation or may pag ka stupid lang ako?! Not sure about that. Wala lang, I kinda thought of sharing it here. Ang pogi kasi eh, kasing pogi ko lang sa totoong buhay. Tignan nyo (Walang kokontra site ko 'to!)


Well, today is slow Monday. Gusto ko naman ng slow para makapag concentrate naman ako sa blogging career ko without compromising my output at work. Ang efficiency rate ko ay within limits parin pero syempre, hindi parin ako nag papakita na nag blo-blog ako sa kinuukulan kasi mahalaga din na i-manage ang perception ng mga nakataas sayo. Ang tawag daw doon ay Perception Management.

Alam nyo ba mga Parekoy, kahit ikaw ay istudent kelangan morin i-manage ang perception ng Prof mo sayo, kelangan mag tali-talinuhan ka sa iskul. Bibo kid ika nga nila, kahit ang totoo pa-bibo ka lang naman. Minsan ko ng napatunayan ang powers ng perception management sa work at sa iskul. Pero today ang
i-she-share ko ay kung paano ko ito na patunayan sa iskul.

'Nung first year college ako meron akong subject na Chemistry lab and Lec na kung saan isa ito sa pinaka hatest subject ko in the whole wide world. Pero dahil sa alam kong mahina ako dito at hindi ako talented sa subject na ito parati akong pumapasok ng maaga at daladala ko pa parati ang makapal na book namin sa Chemistry kahit na lam kong hindi naman ito kailangan sa lecture- para lang looking nerd and istudyus kung baga.

Pag pasok ko palang ay umuupo na ako sa harapan. Oo sa mismong harap ng terror Prof. At kunyari nag babasa pa ako ng book kahit sa totoo lang dyarlong libre ang nakaipit dito at iyon ang pinag tutuunan ko ng pansin. Syempre, mabango din ako at laging naka polo at islaks lalo na pag monday (May formal day kasi kame noon pag Monday). At sa tuwing matatapos ang lecture class ay hindi muna ako lumalabas kaagad kunyari mag tatanong ako tungkol sa kaka discuss lang na topic nya, nag pa-panggap ako na napaka interested kong matutu pero naman pag exams na, Harujusko! Ang result ko ay... Parating 40% lang, kamote! Kinakabahan na ako 'nun kasi hindi ko talaga maipasa-pasa ang exams nya at na pre-preyshure narin ako kasi binigyan ako ng ultimatum ng Mama ko na isang bagsak lang sa basic engineering ay uuwi ako ng probinsya para mag farmtown. Sa totoo lang hindi talaga ako nag aaral, kasi hindi ko maintindihan talaga, feeling ko useless lang kung mag aaral ako, kaya hindi nalang para 'di sayang sa effort. 'Yung ginagawa ko sa class eh "front" ko lang sya. Pero, dahil pinalabas ko sa paningin ng Prof ko na istudyus ako at tunay dedicated student. Ay nag tagumpay ako. Paano? Kalahati ng block lang naman namin ay sumemplang sa subject na ito at ako ay may tumatginting na 2.5 na final grade. Ayus!

Sa nabanggit kong kwento makikita doon how I manage the perception. Minsan sa buhay natin kelangan natin i-manage ang tingin ng iba sa work man o sa iskul. Kelangan ma i-build natin sa utak nila na performer tayo and we can deliver results kahit sa totoong buhay ay hindi tayo performer.

Pero palala lang, at the end of the day syempre what will count the most is yung performance talaga natin. I mean, managing the perception will not do all the trick. It may add value but that's not just the secret potion para mag tagumpay.




Saturday, September 12, 2009

Uwian Time

Kanina lang pag sakay ko ng bus sa may Shaw, agad akong sinalubong ng kunduktora at tinanong ako kung saan ako bababa.

"Ate sa Pasay Rotanda po"
"Sa Buni ka ba bababa?"
"Hindi hoh, sa Pasay Rotanda po"
"Onga sa Buni nga"
"Ate mag kaiba po ang Boni Avenue sa Pasay Rotonda"
"Ay hindi kame dumadaan ng Rotonda kasi Ayala ang nasakyan mo"

Powtangenang Fuck talaga! Inaantok na nga 'ko mali pa nasakyan ko at dahil it's a wonderful day today may pag ka sintu-sintu pa si Ateng kunduktora ng bus na nasakyan ko. Nag kamot lang ako ng ulo at bumaba para mag abang ng taxi. habang nag sisisi kung baket ako nag commute. Pero, ni remind ko ang sarili ko kung baket ako nag co-commute at dapat habaan ang patience.

Hindi lang antok ang problema ko, nakakahiya mang aminin pero na tatae na talaga ako. Pasintabi sa mga kumakain ng agahan. Tae time ko na kasi. At nasanay ako na everyday jumejebs which I think is healthy diba? So 'yun nga. Parang nararamdaman ko na bumubukol na sa likod ng boxers ko ang nag gugumalit na isang higanteng tae. Ayoko syang putulin sa pamamagitan ng wetpaks baka malaglag nakakahiya. Tsaka hindi panaman totally lumalabas. Kaso ang traffic sa Boni. Doon nag huhuminto ang mga killer buses.

Nag simula ng mamuo-muo ang pawis sa noo ko at sa may gilid ng patilya. Hindi mainit ang panahon medyo maulan. Wala akong dahilan para pag pawisan ng bonggang bonga pero nangyayari iyon ngayon. Bigla kong nalala ang na mention ng office mate ko dati "mind over matter daw" at sabayan ng pag pindut-pindut ng dulo ng hintuturo ko. Eh, Potangenang Fuck, no effect parin and what's worst is hindi parin ako nakakasakay ng Taxi.

Lumipas ang ilang minuto wala paring taxi...

Sumakay nalang ulit ako ng Bus na kulay Baige at meron JOROSS na pangalan sa itaas. Duon ako sa likuran umupo habang nag titirikan ang balahibo ko sa katawan pati buhok ko sa Bunbunan. Muka namang may effect ang pag pindut sa hintuturo.

Mayamaya pa

Merong umupo sa tabi ko na taga St. Paul. Ang bango bango nya. Amputi puti ng legs parang mustasa lang Yummy! Pero na ngibabaw parin ang nararamdaman ko kaya tahimik lang ako sa tabi nya. Ilang sandali tinanong nya ko.

"Excuse me umutot ka ba?"
"E-X-C-U-S-E M-E?!"
"Ang sabi ko umutot ka ba?
"Hindi (With conviction)!... baka yung bibig mo lang yung naamoy mo malapit kasi yan sa ilong mo e"
"Funny ka!"
"Joke lang yun Miss ha, nakatapak kasi ako ng tae sa Shaw e, sige dito na ko pasay na e, Ingat sa School"

Itatanong ko pasa sana baka kelangan nya ng pang tuition fee kaso kelangan ko ng bumaba. At tumakbo sa Unit ng parang si flash kahit mataba ako ang bilis kong inakyat ang ground floor hanggang six floor.

**************End Of Story***************

Happy Weekend sa inyo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Friday, September 11, 2009

Randomness

Habang tumitipa ang matatabang daliri ko sa mga letra ng keyboard . Sabay namang titig ng mapupungay kong mga mata sa monitor. Habang ang subconscious mind sa parte ng oblongata ko ay lumilipad, at pilit na inoorganize ang random thoughts sa kasuluk-sulakan ng kawalan ay parang 'di ko mapigilang hindi mag emo.

Baket?

Sa kadahilanang may mga pangyayari sa opisina na medyo naging kagulat-gulat para sa akin. Kahapon habang ako ay nag tratraho ng tahimik. Oo nag tra-trabaho ako. Fine! habang nag blog at nag tra-trabaho ng taimtim ay may nabasa akong isang email na tunay na nakaka pag pa back-lift sa aming lahat. Ang content ng email ay ganito:

(Tinanggal ko na ung letter bawal daw kasi, pero ang laman ay nag sibakan ulit)

Pag katapos kong mabasa ang email ay hindi kaagad nag sink-in sa akin ang gravity nito. Pero ngayong araw na ito, nang masibak ang dalawa kong kaibigan sa Istates ay talaga namang ako ay nalungkot. Kelan nga ba matatapos ang recession na ito? Hindi tuloy ako makapag abroad ulit upang tuparin ang pangarap kong maging OFW dahil sa takot na walang mag hi-hire sakin, gusto ko pa naman kumain sa IHOP.

Ang sabi kasi ng mga tropa, mahirap daw lumipad at mag hanap ng work doon. Una sa lahat, kelangan mo ng pambayad ng plane ticket, at pang tustus sa pambili mo ng long islib at islaks at kurbata para sa final interviews mo. Tapos, papasok din ang katanungan ng timeline at baon at bayad mo sa titirhan mo. Wala ng libre sa panahon ngayon. Ang easiest way ay ma-hire ako kagad sa Pinas pa lang para mag trabaho doon- saan mang lupalop ko gustong pumunta which I think is napakaliit lang ng chances specialy sa mumunting skill set na meron ako.

Hayysss!

On the brighter note, Hindi pa naman ako na sibak. Dahil sa Istates lang ito nangyari which I think is a strategy ng company kasi nga sa tingin ko taymis three ang sweldo ng isang Engineer dito kumpara sa isang Engineer doon. But that doesn't make me feel safe, maraming pwedeng mangyari sa hinaharap at tanging sa pag kapit lang kay Papa Jesas ang pag asa.

Anywho barbequeue, tinanong ako ng isang kaibigan baket daw ako nag blog at ano daw ang napapala ko dito. Edi sinagot ko sya.

"Wala"

"Nye, pwede ba yun?"
"Oo naman, dapat ba lahat ng bagay may dahilan?"
" I think so.."
"That's what you think. and what you are thinking is wrong"
"OK fine, e anong napapala mo?"
"Wala rin"
"Tsong lokohan na to!"
"Sus! Edi wag kang maniwala"
"Teka pano mo nalaman na nag blog ako? e sabi mo hindi ka nag babasa ng mga blog blog na yan"
*Silence*
"Mmmmm Siguro piniprint mo sa office at Kinokolek mo tapos nilalagay mo sa Folder para basahin ulet"
"Ulol"
"Sa susunod pag nagbasa ka mag koment ka! Bwahahaha"
"Tangina kulit mo! baket ko naman babasahin ang tungkol sa MRT experience at Blog Nomination mo"
"Huli ka!"
"Uwi na nga ko, ang init dito sa inyo tsaka amoy insekto"
"Sige Pre ingat ka ha, tsaka don't forget to comment next time"


*************The End******************************



Wednesday, September 9, 2009

Umuulan

Meron akong 30 min para tapusin ang blog ko! Wala akong maisip na topic... At rumoronda ang boss baka pag bintangan akong nag blog while working.

Kelangan 'kong mag karoon ng entry ngayon! *Shouting* Tag ulan ba talaga pag Ber month?! Last time I check pag "Ber" month daw e parang christmas in our hearts na. Anyways, Alam nyo bang rainy season ang favorite season ni Jepoy? well next to spring pero wala namang spring sa Pinas kaya dun nalang tayo sa tag ulan.

Uhhm alam kong wala ka namang pake sa favorite ni Jepoy.

Pero, kahit slight lang alam kong mag tatanong ka kung baket?

Sagot: Dahil pag umuulan at nag eemo ka hindi halatang tumutulo ang uhog mo at luha habang nag lalakad sa ulan at na iimagine mong merong background song na *Heto akooohhhwohh basang basa sa ulan, walang masisilungan, walang makakapitan* (Kung hindi mo parin ma gets, kanta ng Aegis yan) tapos sasabayan mo ng pag se-self pity na parang pinag sakluban ka ng langit at ng lupa. Na ikaw ang pinaka kawawang nilalang sa mundo. Sawi sa pagibig and All.

Super Cheesy ba?!

Maari nga. Pero ang katotohanan jowk lang ang sagot ko sa taas. Duh! ang keso keso naman nun. Ang katotohanan pag tag ulan kasi besides sa sex masarap matulog. Masarap may kayakap. Masarap may kabulungan sa Tenga. Masarap ang chumpurado.Masarap ang sinangag at tuyo na sinawsaw sa suka. Mainit na milo na nilagyan ng Mik-Mik (Kung di mo alam ang Mik Mik sosyal ka!). At higit sa lahat parating posponed ang pasok. Yehey!

Pero ang mundo nag e-evolve. Sa ngayon merong Global economic crisis na mas kilala sa tawag na recession. At malapit na rin ang Election 201o. At ang sinigang mas masarap kung meron Okra at Kangkong tapos may sawsawan na patis at tatlong kalamansi (Oo tatlo lang dapat hindi pwedeng sumobra). At wala akong suut na brip ngayon sa opis di pa natuyo kasi sa likod ng ref namin. Oo alam kong walang relasyon ang mga pinag sasasabi ko. Magalit ka na kung magagalit. Na sobrahan lang ako sa pag singhot ng Katol kaya hindi ko ma organize ang thoughts ko.

Aktuli brokli baka maka limutan ko yung answer sa last post ko. Ang ginawa ko nga pala ay tinakpan ko ng panyo ang panty ni Ate, at iniwan ko na sakanya.


At bago ko matapos ang likhaing ito gusto kong i-share na kung kelan ako hindi nag brip papasok sa office saka naman ako nadulas sa MRT habang bumababa, tanginang shet! (Again hindi po ako nag mumura sa personal). Pero dahil meron akong mentos sa bibig nung mga oras na yon nag panggap akong tinutupi ko lang ang laylayan ng pantalon ko habang naka salampak sa basang hagdan. Kung hindi mo alam ang relasyon ng mentos sa pag kakaisip ko ng sulusyon e panoorin mo nalang to para ma ma alala mo ang lumipas.

Thursday, September 3, 2009

Halo Halo Post

Wala ako sa mood gumawa ng entry pero kahapon ko pa gusto mag sulat. Pero dahil sa isang email na na-receive ko ay biglang nabago ang mood ko. Mula sa pagiging horny naging happy na (Jowk lang yung horny ha) .

About the email that I received yesterday... Isa ng official nominee ang Pluma ni Jepoy sa isang Award giving body para sa mga Pinoy blogger, Yehey! ( ito ang site click mo ko). Oo, masaya ako kasi pirst time ko masali sa mga ganitong pakulo sa mundo ng blogosperyo. Although, I'm not expecting to win. Like duh! wala namang masyadong substance ang blog ko or should I say wala talagang substance.

Pero...

nag ho-hope ako ng beri beri slight lang naman na baka sakaling lumusut sa mga panel of judges galing Pluto ang aking bahay dito sa sa Sapot world. Taos puso po akong nag papasalamat sa Philippine Blog Award 2009 at sa mga bumubuo nito sa pag sali nyo po sa Pluma ni Jepoy bilang official nominee sa taon ni Jesu Cristo milyo nubentaysingko-singwenta. Pota! ang hirap mag sabi ng ganyang year. Basta 2009! Yun na!



*********************************************************

Adbertisment lang yung sa taas. Gusto ko lang ishare and news na naka pag pa smile sa akin ng slight kahapon kaya may adbertisment na ganun.

Anyhow karabaw, wala naman masyado akong pinag kakaabalahan this week liban sa matulog, pumasok sa work, mag blog hop, mag fezbuk, mag basa ng book, mag tikol, at manood ng true blood. At hindi narin pala ako nag ko-kotse papasok para makatipid, nag e-emrt nalang ako mula Pasay hanggang Ortigas.

About sa book na pinag ka-aksayahan ko ng pera at panahon sa pag babasa; Ang taytol nya ay Percy Jackson and the Olympians. Meron na akong five books at nasa book 2 na ako, Yay!. Kung akala nyong geeky ako eh, nag kakamali kayo. Dahil isang pambatang book ang binabasa ko, kasi bata pa ko na malinis ang puso't kalooban, gets?!

Hindi ako gumagawa ng book review kasi hindi ako marunung gumawa 'nun. Sige basa lang...

Ang aklat na ito ay napapatungkol sa isang Batang may ADHD at Dyslexic na nag ngangalang Percy Jackson na isang Demigod (Half human-half god). Anak sya ni Poseidon na Olympian god ng karagatan.Oo related sa Greek Mythology ang istori ng book na ito. Si Percy ay may mga tropa dito; Si Groover isang Satyr half man half goat at si Annabeth isa ring Demigod na anak ng Olympian God of Wisdom na si Athena. Napapatungkol ang book na ito sa adventures ni Percy at ang activities sa mundo ng Olympians. Makikita rin dito kung paano nya nalaman na demigod sya at kung paano sya ma-pa-padpad sa Half blood campsite, masaya ang labanan at ang quest nila. Makikita rin dito kung paano nag sex si Percy at Annabeth na kung anu anung interesting position ang ginawa nila on their wild dreams, Jowk lang! Natuwa ka naman, I hatechu!.... Ni rerekomend ko ang book na ito sa mga batang inosente nakatulad ko :-D



baket ko nga ba kinukwento ang book na yan?! like you guys care.LoL

Ang mga susunod na mababasa nyo naman ay tungkol sa experience ko sa nakasakay ko sa MRT kanina. Sobrang siksikan kasi, kung sabagay lagi naman siksikan sa MRT. Syempre hindi ako papayag na hindi ako makaka upo. Since galing ako sa pasay mas mataas ang chances na makaupo ako.

So yun nga nakaupo ako.

Maya maya pa tumunog ang ding dong, nag babadya nang pag sara ng pinto. Sakto namang merong humahangos na magandang chick na natapat sa kinauupuan ko. Ang dami nyang dala. Nag panick buying yata si ate ng mga delata, at kung anu anu pang pancit canton. Ang dami nyang hawak na plastic.

Nahabag ang aking kalooban dahil naka miniskirt si Ate at ang dami nyang dalang plastic sa mag kabilang kamay. Ako'y nag paraya sa aking kinauupuang sulok na malapit sa pintuan sa bandang hulihan ng pinag kakadugtungan ng tren sa isa't isa. Syempre naman, gentle Man ata ako.

Sumindi ang aircon. At unti unting lumamig sa paligid. Sabay buhos ng malalaking pilantik ng patak ng ulan. Di ko maiwasang mapatingin kay ate. Aba, si ate super tired ata sa kaka shopping nakakatulog na sya. Gusto ko sanang umupo sa tabi nya para ma idampi nya ang ulo nyang tila tuliru sa kaiikot ikot dahil walang masandalan.

Ayala Station sabi ng boses ng babaeng recording. Hindi pa naman pala Ayala. Buendia palang kaya. Sira yata ang recording ng nag mamaneho.

Muling bumaling ang tingin ko kay Ate. Nagulat ako. Nakataas na ang miniskirt nya at nakikita ang kulay green nyang Panty.

Nag isip ako kung anu dapat kong gawin.

A. Ibababa ko ang skirt nya. Kaso, baka maka lasap ako ng bonggang bonggang mag asawang sampal pag nagising sya.

B.Gigisingin ko sya at sasabihin "Ate gising po yung panty nyo po na kulay green nag he-hello na.."

C. Deadma at hahayaang mag fiesta ang buong mundo ng MRT mula Buendia station hanggang sa kung saan man sya baba

D. lalatag ko ang panyo kung super bango para takpan ang kanyang nag susumilip na Panty na kulay green.
Humahaba na ang entry ko tutuloy ko nalang bukas....


Tuesday, September 1, 2009

Barberong Kwento Ulit

Mula sa araw na ito napag desisyunan kong mag sulat ng mga bagay na may kabuluhan. Mga bagay na maaring makatulong somehow sa makakabasa ng aking mumunting sulatin.

Gusto ko lang din i announce na minsan pwede naman akong mag emo post, at sana maniwala naman kayo at pag bigyan nyo ako. Please lang, Seryoso 'yung last post ko, promise!

Anyways high waist, Habang jumejebs ako before going to the bank para mag bayad ng kautangan na isip ko lang kung ano kaya ang feeling kung after kong i-flush ang jebs ay tatayo na lamang ako ng hindi nag huhugas ng wetpaks. Oo sinubukan ko ito. Hindi maganda ang feeling, parang may nararamdaman kang star margarine sa wetpaks mo. Kaya Kinuha ko ang safeguard na sabon sa CR at ginamit pang hugas ng wetpaks at nag shower ulit. Voila! So Fresh looking again, very optimistic on the new things that will come my way today.

Habang nag lalagay ako ng Wax sa aking buhok, napadaan ang aking pinsan. Kakagising lang ng mokong. Mukang late na naman sa iskul, midterms pa naman nila.

"Pano ka magiging Engineer nyan Eh lagi kang late"

"Magiging Engineer ako, Steady ka lang dyan"

"Sabi ko nga!"

"Kuya, nakita mo ba yung sabon ko? 'Yung safe guard?"

"Uhmmm Hindi e (sabay lunok), check mo nalang sa my tabi ng flush. Baket safeguard gamit mo kasi? Ang daming Dove padala satin nila tita galing US of A"

"Eh, baket ka ba nangengealam? Hindi kasi ako tinitigyawat sa safeguard local e"

"Gudluck!"

"Baket?"

"Wala. Alis na ko..."

***End Of Story***

Lesson learned: Mag hugas ng wetpaks pag katapos jumerbabels. Nakaka sulasok ang feeling ng hindi nag hugas. Hindi sapat ang tisue tisue lang. Nakakadire ang hindi gumagamit ng tubig after mag jebs. Eiw! Regarding sa sabon hayaan nalang natin ang pangyayaring yun.