Habang sinusulat ko ito nag cre-create ako ng bagong case sa Oracle (yan ang database ng kumpanya namin) at tunay na nakakaburaot talaga ang pag gamit ng Oracle na ito, akalain mo ba namang every five minutes nalang e kelangan ko mag relog back in. Pak that shit talaga!. Imagine kelangan kong mag click ng limang options bago ako makabalik sa window na kelangan kong gamitin. So every time na mag eexpire ito mag lo-login nanaman ako at kelangan ng limang click pa ulet bago bumalik sa ginagawa ko before it expires at kelangan kong ulitin ang routine na'yon sa t'wing mag e-expire ito every friggin five minutes of idle time. pak! Ang dami dami naman kasing database management program na pwedeng mag migrate kung baket Oracle pa ang napili? sana SAP nalang, Hindi tuloy ako
E baket nga ba nag papakapagod akong mag blog?! Anu ba ang makukuha ko dito 'inde naman ito competition or something that will lead me into fame dahil hinde naman ako magaling mag sulat. Hindi rin naman ito facebook na maraming games.Hindi rin naman ito twitter na pwede akon mag twit twit. Anu nga ba ang tunay na dahilan baket nag blo-blog si Jepoy pogi?
Ang sagot!
Wala lang.Nadah.Bokya.Zero.
Ay meron pala. Gusto ko lang magsulat at sabihin kung ano ang trip ng utak ko na sabihin or ikwento. Tahimik kasi akong tao (promise!) I don't usually get to say what I haf ta' say. Suwerte namang sa mundo ng pag blog ay na realiaze kong pwedeng sabihin ang lahat lahat. Tsaka isa pa pag may nag co-comment sa mga entries ko tsaka sa tag bored telling me na naappreciate nila ang sulatin ko at gusto nila makipag exchange link ay nakaka pag bigay ng konting smile sa cute kong face, enough reason to blog more.
Inshort dumadami ang nagiging tropa ko over the net tapos yoong iba ay nasa abroad pa, malay mo padalhan nila ako ng tsokoleyts at dollars ahahah.
segway ako ng konti baket vetsin ang tawag sa ajinomoto MSG? dati na bang vetsin ang tawag doon? bigla kasing dumaan sa isip ko. Paano ka mag hugas ng pwet? paharap ba o patalikod? iba iba rin ang preference natin diba? baket ang kilikili ko ang itim dahil ba un sa maagang pag gamit ko ng rexona? buti nalang malago ang buhok ko sa kilikili 'inde masyadong ovious lol. Panu kaya liliit ang mga pores ng skin ko sa face para maging kutis artista ako? 'kaya kaya' ng powers ng eskinol yoon? Totoo bang nakaka puti ang papaya? bakit hindi nalang langka ang nakakaputi baket kelangan papaya pa. Ang dami kong question noh?
Anu na nga bang topic dito?
Medyo Nalilito nanaman ako. Ang poor ng stracture ng entry ko kasi. Siguro kelangan kong umattend ng training ahahaha. ah alam ko na gutom na kasi ako kanina pa, wala kasing pambiling lunch. Sige kain muna ko mga parekoy.
Magiwan ka lang ng sagot sa comment field pag gusto mong may masabi ha or kung gusto mong sagutin yung mga questions ko sa taas. I Appreciate that mwah! hugs nalang pala para di masagwa or shake hands nalang para mas civil.
Ingats (parang si John loyd lang)