Wednesday, November 30, 2011

Randoms...

Sa totoo lang na eexcite na kong umuwi ng Felefens... Mula sa araw na ito, 18 days nalang ang bubunuin ko at mag sisimula na ang mall tour mey.

Artista?!

Nakaka-miss din ang bungangera kong Mudrax. Na mimiss ko ang pag sapok nya sakin pag umaga dahil alas dyes na hindi pa ko bumabangon. Gusto nya kasi 6 AM gising na, Hello! double Hello!!!

Nakaka miss ang eksena namin tuwing umaga ng sabado.

"Anak andyan sa chiller 'yung fresh Milk 'wag ka na mag kanin ang laki-laki na ng tyan mo. pati mag walis ka sa labas ang dami nanamang dahon nag laglagan tapos mag bantay ka ng tindahan Mamalengke lang ako"

"Ayoko 'Ma"

"Punyeta ka! Mag bantay ka ng tindahan..."

"Fine!!!!"

Dito walang nag-gaganun sakin pero baket parang may kulang. Emo? Oo ate Charo na lolongkot din me. Hindi lahat ng humor blogger lagi masaya! Clown?! minsan umiiyak din me ng nakanganga ng 5 seconds sa shower.

Malapit na pala ang pag titipon ng mga Pinoy Bloggers dito sa Singapore. Mag Chri-Christmas partey kame. Hongsoyo-soyo! Na excite me mag pa picture.

Tatlong klase ang amoy ng bus 98 na sinasakyan ko araw-araw 1. Amoy Basurahan, feeling ko nasa loob ako ng Trash Can 2. Amoy Tae, no further explanation needed 3. Amoy Junkshop parang may natapon na break fluid na may halong grasa. Kaya sa tuwing sumasakay ako hindi maipinta ang muka ko. Minsan nakita ako ng kaibigan ko nag text sya sakin.

"Brad may problema ka ba? nakita kita sa bus stop kanina para kang natatae ng tubol na galet habang pasakay ka ng bus eh"

Hindi pa binibigay ng kumpanya ko ang 13th month tsaka bonus, AyHeychit! Natatakot akong umuwi ng Felefens sa pasko na dilat ang mata 'yun lang ang pag-asa me. Walang pera much. Minsan na tetempt na kong mag benta ng laman...laman ng pata ko. LOL

Nabuburat ako sa Potashet na washing machine sa bahay yung longsleeves ko ang dumi-dumi parin ng parteng leeg. Nangungutim ang mga puti. Hindi ba magandang sabong panlaba ang Vaseline lotion?! Jowk. Kung pwede lang akong mag handwash at may time gagawin ko. Hindi ako natutuwa sa washing machine namen. Kaya ayoko na mag puting boxers at longsleeves. Letch!

Parang mga status lang sa twitter ang blog ko LOL follow me on chiwerer and if you tweet good stuff I'll follow you too twitter.com/incrediblejepoy

Promotion??!!!

Ektweley Wala kasi ako masulat pero gusto ko mag sulat para kunyari busy dito sa opis.

Sagutin nyo nalang tanong ko para interactive?

Ano pipiliin mo hindi pwedeng wala kelangan meron.

One week na Humangin ng Utot or 3 days na umulan ng tae? Please explain.

Kthanksbye...

Friday, November 25, 2011

Pera na Naging Bato Pa...

nung isang araw nag abot ng cheke 'yung boss ko. Ektweli, di ko pala sya bossing. Director pala namin sya. Bali nag rereport ako sa Manager ko na based sa France.

Binuksan ko ang sobre.

Pagkita ko ng amount, montik na kong malaglag sa upuan ko tapos umiyak habang naka nganga ng 5 seconds.

Sakto kasi medyo kapos me. Saktong-sakto ang pera na 'to na pang down ng condo at pambili ng tatlong baboy at dalawang Ostritch, isang kilong kamatis, Okra, Patani at Sayote at limang kasoy at tatlong takal ng Mantika. Ang saya me!

Biglang nabuhay ang ulirat ko at napa trabaho ng wagas. Halos ubusin ko ang ticket na naka pending. Kahit dumugo ang brain cells ko, goooooooooooow!

Nag labas ako ng maliit na notebook at nag sulat ng mga Christmas List to shop, ganyan. Mga kaibigang bibigyan ng gift para sa spirit ng christmas. All about giving and all.

Na excite me habang naka titig sa cheke. Nag plano akong umuwi ng maaga para ma deposit na sa account ko ang pera at ng masimulan na rin ang pag wawaldas. Alaykhet!!!!

Nag tingin narin ako ng flight details sa SingAir dahil uuwi ako ng Felefens...hihihi hindi ko alam kung san ko ilalagay ang kileg na nararamdaman me. Wala akong mapaglagyan ng smile at kilig puno na kasi ng Milo ang tumbler me. Feeling nga siguro ng katabi me may aning-aning na talaga mey. Tumatawa mey mag isa. Baliw much?!

Maya-maya may na receive akong email galing sa HR namin. Eto sabi.

"Dear Jeffrey.

Please do not bank in the chequeue, the amount you received was a mistake from accounting. You should be getting another chequeue which is the offset amount of your training in France. Amounting to 450.00 SGD.

I Apologize for the inconvinience.

Thanks,

HR"

Napa dausdos ang likod ko sa pader pababa ng dahan-dahan habang may background music na pasko na Sinta ko.

Awwwwwwwwwwww!


Tuesday, November 22, 2011

Jepoy's Simple Wish List for Christmas...

Dahil malapit na ang pasko 'tas bored pa 'ko today like subrang antok! Antok-na-Antok pala. Ektweli, natutulog nga ko habang sinusulat ko 'to kaya just for fun naisipan kong mag sulat ng mga kahilingan ko ngayong kapaskuhang darating.

So ito ang mga list. 'Yung mga list ko hindi naman superficial, medyo malapit naman sya sa katotohanang pwedeng matupad. Kung hindi eh, sasampalin ko si Santa Klaws ng palayok hanggang dumugo bibig nya.

Game. Gow!

1. World Peace. I TEYNK YOOOOW! hihihihi

2. Boxers. Wag naman 'yung nabibilisa palengke. Medyo susyalan naman sana ng Konti like D&G, CK. Charut lang. Kahit Bench lang pwede na.

3. Alikansya. Gusto ko ng malaking Alikansya. 'Yung hindi madaling sungkitin ang berrrya. Gusto ko malaki sing laki me. Juk! Sana wag naman 'yung Urinola na Alikansya powz ha.

4. Live Strong Bauler. Matagal na kong nag hahanap ng Bauler na Live Strong ng Nike. Gusto ko yung kulay Owenge okaya kulay Gween. Ayoko ng glow in the dark powz ha.

5. Box. Uu gusto ko ng box na lalagyan ng kung anik-anik, gusto ko yung may dibi-dibishun pwede lagyan ng relo. Resibo.Alcohol. Pantutuli. Pulvoron.Gamot. Inshort lalagyan ng kung ano-anong shit.

6. Gusto ko ng CorkBoard sa Wall. Yung lalagyan ng mga emo shit pictures, announcements, reminders. samahan mo narin ng pins. Pwede rin whiteboard samahan mo narin ng magnets. Lalagyan ng mga pictures emo fuck. Para titingin nalang ako dun pag nalolongkot me. Hirap mag browse ng album sa phone ihhhh.

7. Mejas. Gusto ko ng makukulay na mejas. Mga sampu. Wag knee saks ha. Yung mababa lang. PWede mejas pamasok, pantakbo, tsaka panlaro. Pwede rin pahiran ng ano... Ng sipon wag ka bastos sampalin kita ng tumbler na may bato eh.

8. Gusto ko ng sabitan ng tukbras sa banyo. Minsan kasi pag nag tutukbras na ko ang dumi ng tukbras ko may tae ng daga. Yuck! Gusto ko 'yung sabitan ng tukbras na may design-design ganyan. Gusto me smurfs or kahit anong animals wag lang monkey. May galit sa monkey?!

9. Gusto ko lalagyan ng MacBook na may fan at naka incline sya para masarap manood ng walking dead habang kumakain ng mane tsaka cornbits tsaka sinigang at kanen. ANg dame?! Dining table?!

10. Gusto ko nang mag aalaga sakin, pag sisilbihan, mamahalin ng tunay at wagas at hindi sasaktan. ANG EMOOOOOOOOOOOO?!! Katulong ang gusto??????!!!!

JUK Unli... I wasted your time again. Ha!

Kthanksbye...


Thursday, November 17, 2011

Tae

Sobrang fresh pa nang pangyayaring itwu. Hindi pu-pwedeng hindi ko iblog.

Kumapit na you! Heto na me!

Kanina pag dating ko ng office na realize kong nakalimutan ko palang tumae sa bahay. Kaya pala nasa tren palang ako taeng-tae na me. Lalo na sa bus stop. Ayokong tumae sa station ng Lakeside dahil nakakasuka doon. Bukod sa ang baho. Dikit-dikit din ang bowl, I mean yung cubicle nya hindi maayos. Tsaka ang daming tao nag come and go. Ang hirap mag concentrate.

Eh sakto ke-tagal-tagal ng bus 98. Hirap na hirap na talaga me ng slightly bongga. Na kwento ko naman sa previous blogs ko na mahina ang aking panunaw diba? Na hindi ako pwedeng abutan ng jebs anywhere dahil hindi ko sya kakayanin.

Sa bus palang gusto ko nang mag dasal dahil feeling ko hindi talaga ako aabot at tatae na ko sa bus ng walang humpay. Pinindut ko na lahat ng daliri ko na natutunan ko sa reflexologist na nag bebenta sa nanay ko nang kung ano-ano shit. Tinuro nya na pag natatae daw pindutin mo yung hinlalaki mo sa may bandang dulo. Eh, susme halos mabutas na daliri ko parang lalo pa kong natatae. Aheychit!

Umabot naman ako sa office. Syempre late me. At kahit na taeng-tae kelangan mag panggap na busy at hindi late. Bukas locker. Lagay laptop sa docking station. Login. Bukas ng email basa kyeme chenelyn kembot. LOL

Tapos diretso na takubets. Walang tao. Just like what I expected. Ilayket!

nag tanggal na me ng tshirt, pantalon, boxers at mejas. NUDE?! Maliligo?!

BOOOOOMMMMMMMMMMM! PRAAAAAAAAAAAAAK! WAPAAAAAK!!!! Sounds yan ng jebs tsaka utot.

Kuha tissue, punas pwet sabay flush.

BUT WAITTTTTTTTTTTTTT!!!!

Barado sya.

umikot-ikot lang ang jebs na parang sanga ng kahoy sa river banks. Hindi sya lumulubog. Dugyot much! Alanga namang kamayin ko 'yun para lumobog. Mas dugyot yun. Lumabas na me ng parang walang krimen na ginawa.

Pagbalik ko ng upuan ko nakita ko ang French director ko pupunta ng Toilet...

After 2 minutes lumabas sya at bumalik ng room nya.

Please note: Isa lang ang toilet bowl samin.

Yun na!


Monday, November 14, 2011

Jepoy the Tourist Guide

My weekend was nothing but tiring. Yez, may ganyang introit.

Dumating ang isang kaibigang blogger dito sa Singapore para mag waldas ng Salapi. Sya na ang SAP Expert! Sya na nag tra-trabaho sa company na hanggang 21st month pay. Expert sya kasi fuctional na, programmer pa! at 'yung isa pang division 'di ko alam tawag. Sya na!

So dumating nga si Olie dito. And because mabuti ang puso kong 'sing linis ng tubig batis at 'sing pure ng wilkins distilled water, edi ako na ang tourist guide and host.

Isa lang naman ang requirement ko pag may bumibisita dito at kung ako ang host. Sagot ko halos lahat pero sama ka sa Church namin kahit one time lang hihihihihihi. Ang bad ko noh?!

So pagdating ni Olie bukod sa pinag hintay ko sya ng 4 hours at mali-mali yung direction na binigay ko eh mukang nag enjoy naman si Kumag sa pag site seeing sa mga naka pekpek shorts na local. LOL

Dahil sandali lang sya mag stay dito sa SG eh dapat walang wasted time kaya sinama ko kagad sya sa Life Group namin LOL, sakto Worship Night. Ektweli, medyo hesitant akong invite sya kasi kantahan ito at prayer day. Ang tawag samin ng mga taong nakakakita sa paligid mula noon-hanggang ngayon ay "Alive..Alive". Oo kame yung grupong pinag tatawanan at sinasabihan ng alive..alive. Ok lang. No biggie.

Inisip ko lang baka magtumbling si Olie pauwi ng Pinas pag nag praise and worship na kame sa open space. Everything went well nalimutan kong si Papa Jesus ang nag touch ng puso ng isang tao at hindi ang kabutihang loob me. So first day nya check sa bangga.

Kinabukasan sabado dinala ko sya sa Night Safari. Zoo ito ng mga nukturnal animal tulad ng Baboy. Charut!

At dito ang exciting part ng kwento ko today.

So pumasok na kame ng zoo para ma-nood ng show. After ng show sumakay kame ng Tram para umikot sa zoo. Medyo malaki kasi ang zoo ang sakit sa paa lalo na pag wala kang kang saplot sa paa. Ita?!

'yung unang round ng tram. Ejoy naman. Pero sa mga susunod na ikot ng tram eh dito na naganap ang karumal-dumal na pangyayari.

may tatlong Eurpean Chick na sumakay sa harap namin. Lasing sila. Pano ko nalaman na lasing dahil 'yung isang babae na nasagitna puro motha-fucka ang laman ng bibig at ang pinaka level up eh lumingon sa likod ko at dumura sa ere ng napakadami.

DUGYOT MUCH!!!

Yes nag landing sa muka ko ang dura nya. Hindi ko pinatulad dahil una sa lahat ang hirap mag english pangalawa kasing sila pangatlo ang ganda nya.

Umandar ang tram.

Diba nga nasabi ko na night zoo ito. So maraming part na madilim ang daan dahil ang mga spot lights ay nasa mga nocturnal animals lang tulad ng elepante. Hindi talaga alam nocturnal animals?!

So sila Ate1, Ate2 at Ate 3 habang umaandar ang tren ang ginawa nila ay nag labas ng alak at lumaklak ng walang humpay. Hindi lang 'un. Nag french kiss sila. Yes parang Orgy lang sa Zoo. Yung nasa gitnang Ate2 na maganda nakikipag french kiss kay Ate1 tapos pag sawa na sya lipat naman dun kaya Ate3. Syempre na gulat me. Tinulak ko sila sa Tram. Charut!

Hindi lang yun ang ginagawa nila.

Habang nag french kiss sila may finger lickin good na nangyayari somewhere down there. Pag nagsawa sila nag va-vandal naman sila sa Legs nila at sa pader ng Tram. Gawain ba yun ng matinong tao?! Imagine ginagawa nila 'yun ng mga 30 min more or less. May mga bata sa likod namin. Masisira ang inocense namin ng mga kids. Hindi ba nila naisip 'yun?! Mga haliparot! Lapastangan!

Ang babastos! Pag baba namin ng Tram hinuli sila ng security dahil si Ate2 nag nakaw ng bagtsaka kapote. Seriously kapote???!!! Gaawd! Nakakagalit sila. Pwede naman kasing mag Orgy nalang sa hotel baket sa Zoo pa! ang daming bata at daming inosente like me.

Second day ng tour ni Ollie pasok sa banga. Nakakita sya ng live Porn sa Zoo. LOL

Seriously, sana nasa Changi Prison ang tatlong tibolets na 'yun at pinag li-inis ng banyong punong-puno ng tae everywhere! Porket Puti sila feeling nila dyos na sila? Pwedeng gawin ang lahat ng gawin sa Asia?! Durhr!

May galet?!

Sunday naman Sinamahan si Kumag sa Universal Studios pag tapos namin mag Church. Tinatamad na 'kong mag kwento. Sya nalang mag blog.

Finish...


Friday, November 11, 2011

Kwentong Office ni Jepoy (SG Version)

Napa blog akong bigla! Shayt!

I'm like, Gawwwwddddd hindi nga ko na nanaginep! It's not a wet dreams either! It's the truth and nothing but the truth so help me God.

Makakapag-blog na rin me sa office araw-araw. Oylabetz! Hindi na sya blocked! Sana lang hindi nagkamali ng pag-filter ang mga IT-IThan namin.

anyweyhi-way lez go back to regular Jepoy's blog programming shit.

Nang-gigigil ang skin ko sa kasama ko dito sa opis. Pa'no ba naman ang kurips. Kurips pa sa Mudrax ko. Nawala 'yung badge nya last month. Until now wala parin syang badge. Guess what kung baket?! Dahil ayaw nyang mag bayad ng 50 sa badge replacement. Ampf! Tag tipid much?! Eh, sya rin naman gagamit nun.

Sa araw-araw na ginawa ni Papa Jesus araw-araw din akong iniistorbo pag natatae sya para hiramin ang badge ko. I'm like, I don't have any patience anymore! Hindi ako Santo para hindi magalit at mag sawa kakapahiram ng badge ko na may cute kong picture at pefect smile (Sabeh?!). Arte lang.

Nakakairita lang ba sa makinis kung kutis na parang pwet ng baby. Ang baho kasi ng hininga nya. Amoy putik.

Tsaka isa pa, ayoko ring naiistorbo ang pagiging hardworking employee ko. Ganadong-ganado ka mag trabaho in the morning tapos biglang may kakalabit sa'yo dahil naiihi sya at wala syang badge para makapasokl. Aheychit! Nakakasira ng momentum kaya tuloy na papa twitter nalang me pag na break ang momentum ko sa trabaho.

Maliit lang ang opisina namin dito. Nasa pusod sya ng Singapore. Jurong East itwu. Let me correct that, hindi pala sa pusod, nasa dulo pala ng Singapore, isang tumbling nalang tsaka tatlong split nasa Malaysia na. Ang layo! Para syang Cavite or Languna kung ihahalintulad sa Pinas.

Malayo ang office namin sa mga malls. Puro trak ng gulay at kahoy ang makikita mo sa kalsada. Ang mga trabahador dito hindi naka kuntodo porma tulad ng sa Central Business District sa Raffles City. Dito umaga palang amoy grasa na mga tao. Minsan amoy panis na sabaw ng tinola. Feeling ko tuloy nagbalik ako ng Mapua walang magaganda. Tsarot!

Yung building namin dito para syang isang malaking warehouse na luma na amoy monosodium gluthamate (parang sounding brainy) . Madaming tae nag kalat sa tabi, meron sa sahig, bintana at ceiling.Tsarot ulet!

Malayong-malayo sa office ko sa Manila sa Ortigas ang building at location ng office ko ngayun. Doon sa sa Ortigas madami nakadamit na maayos, longsleeves at necktie panay branded pa, kung mag bihis kala mo CEO pag lunch time kalahating gulay lang at halfrice tsaka isang sabaw order.

Madalas pag rush hour sabay-sabay nag sasakayan sa Elevator. Dito ako na papasigaw sa isip ko ng ganito.

"Punyetah amoy kile-kile kayo. try nyo kayang mag safeguard minsan. soak nyo keli-keli nyo ng one month! Letch"

Pero given na 'yun. Iniisip ko nalang na sanay na ko. Tsaka pangkabuhayan showcase ko itwu. Sabi nga nila pag walang tsaga may pakpak ang balita. Parang may mali sa salawikain ko?

Akalain nyong mag 5 na! naubos ang Oras ko sa kakatipa ng kwento sa office. Hihinto na ko dito baka ma-google translate pa nila 'to. Matapos pa ang pangkabuhayan showcase ko!

Next time madami pa kong kwento....






Monday, November 7, 2011

Happenings

Eto nanaman ako walang magawa sa buhay kaya nagsusulat sa nilalangaw kong blogsite. Pagod na pagod ang katawang lupa me today sa kaka laro ng badminton para pumayat. Pero ang laki parin ng tyan me. So depressing like that. Mahigit apat na oras kameng nag lalaro. Tinitiis ko ang flavored smell ng mga ibang lahi na nag lalaro sa paligid. Halo-halo ang smell. May amoy tae, amoy keli-keli, amoy kiamoy, amoy panis na kanin at amoy inaamag na yema. Effort much.

Kakatapos lang ng long weekend at may pasok nanaman bukas. And most pro'lly pag sisisihan ko nanaman ang mga bagay na isusulat ko dito mamyang pag gising ko bukas ng umaga. Lagi naman ganun eh.

Nag custome party pala ang life groups namin last Sunday. Anime or Cartoons daw ang dapat na isusuut. Hindi ako nag effort masyado. Ito lang me. Ang lahat ng manlalait tutubuan ng pigsa sa singit. Hindi lang isa kundi anim.

Pinatabang SuperMan lang. LOL gusto ko nga sanang mag leggings tapos mag brief na red outside para todo effort na. Pero hindi pala kaya ng bubut at sariwa kong katawan mag costume ng ganyon. Mabuti pang i-lechon nyo nalang me on a very very mild heat kesa mag suut me ng ganun. Shy me.

Masaya ang party masasabi kong one of the best and memorable custome party for me. Napaka cool ng mga sumali at naging makabuluhan ang gathering dahil sa pagkain. Juk! Syempre dahil sa worship time namin.

Ektweli, medyo nahiya naman ako kasi ako lang ang hindi masyadong effort LOL ako na tamad. Gusto ko lang naman kasi kumain eh. May Pansit kasi. Ang sarap pala ng pansit, first time kong kumain. Charut!

Naisip ko lang hindi bagay sakin ang shirt. Hindi kasi ako si superman.

1. Wala akong abs. Mataba me at panget.
2. Hindi ako mayaman wala akong Ferrari
3. Hindi ako matalino. Sakto nakakaintindi lang
4. I can't save the world.
5. Hindi ako blue eyes. Just an average black eyeballs.
6. I don't have super strength. Wala nga kong lakas ng loob sabihin na gusto kita. Puro nalang tingin. Puro nalang titig. Puro nalang "Hi" with matching smile (HISKUL?!)

Oo may ganyang emo.

At dito nag tatapos ang blog entry. I wasted your time. LOL



Tuesday, November 1, 2011

My Travel Experience

I got so inspired by this blog. So I thought of writing some of my personal experience and input about traveling.

Ang hirap mag English! Kelangan ko yata ng bimpo sa ilong habang nag susulat.

I don't consider my self as a traveler, I just had a little opportunity to fly somewhere like US and Paris because of business trip. So might as well enjoy the trip kahit ba work ang ginawa ko, diba?!

When I get to experienced the thrill and fun, excitement of traveling, I got this thirst of wanting for more.

Syempre, hindi sya mura but like love and friendship hindi mapapalitan ng kahit na magkanong salapi ang experience. I wish I can use the right adjectives and all that shit to give you the superlative description on why you should consider traveling while you still can. While you still have the energy and capability to enjoy it, but I'm not a good writer so I really can't.

I guess some of pictures would help me showcase the title of my blog post. Just to share the smile I had. When I get to check the pictures all memories comes back like those just happened yesterday. Arte?! Here you go...



First Picture was my first International Travel. That was 2008 at Ashville Nort Carolina with my friend and ex-officemate Stell at the great Biltmore Estate


Next Picture was some where in the Boundary of the Tennessee State from NC, this was a long drive to the interstate, wala kameng perang pambili ng plane ticket kaya long driving nalang. This was the state where my previous company was based.


Is it obvious that I look like I'm about to die?! That was caving experience. we were inside a freakin cave for the entire day. Tiring! but it's so worth it. This was a private cave owned by a friend of my ex-officemate. Seriously! Hindi ko na uulitin yan. I was asking them to call a rescue during that time. But I'm glad I was able to finish the trail:-D

This was a hiking experience. We were in the heart of the forest. Alam nyo yung parang blaire witch project na movie, nasa parang ganun area kame. And yes I was dead hungry. I ditched my friend to give me his Lays LOL. So there you see I was scrambling and munching all the chips like there's no tomorrow. This was taken 2008 in Smokey Mountains of Tennessee.

Next picture was taken in Daytona Beach Florida circa 2008...God I miss USA!

This picture was taken in the heart of Atlanta Georgia cica 2008. We met some pinoy expats and they invited us to stay in their Hotel for overnight so we can tour the state more. Libre much. Pulubeng-pulube lang talaga.

Picture was taken in Orlando Florida EPCOT Disney Land :) spell happiness!!!!

Spring 2008 at University of Tennessee where I took my Phd. CHARUT!

and my recent was Paris, France :))






I can put more pictures here but nothing beats the real experience of going somewhere you haven't been too plus you might be puking by all my fatty-Porky Pictures LOL. Believe me it's really a great feeling. The rush of adventure and getting lost and frustrated at times is a learning experience that you can get to treasure. I encourage you to try it as well.

Pag walang budget pwede naman mag save and it doesn't mean you do fly to Europe and States as well. Marami pang pwedeng madiskubre na lugar na mura at masayang presyo. hihihihi