Thursday, June 2, 2011

Update

Paano ka ba naman hindi mangingiming gawin ang lahat para pumayat ng kaunti kung ang mga circle of friends mo eh tulad nito.


Ang litratong nakikita nyo ay may pahintulot na ipost dito. Kala nyo ah! Sa sobrang kyot ni Jepoy tatanggi ba naman ang mga hot binibining tulad ni Has na isa sa aking malapit na true friend dito sa Singapore.

Well ektwele, lahat ng mga kaibigan ko e mga katulad ni Has hindi masyadong hot and sexy sa swimming pool. LOL ang puti everywhere right?! oh tama na titig baka matunaw.

Na pre-pressure tuloy akong mag-ka abs. Aheyret! LOL

Balak ko sanang idocument ang pag pa-papayat ko kaso baka maging epic fail uminom pa ko ng Clorox bigla.

Ektweley (umuulan ng actually) ang dami kong gustong ikwento hihihihi kaso ihhhhh na hiya me... (ang landi ng tawa, parang iniiscrub lang ang betlogs)

Walang masyadong nangyayari sa buhay ni Jepoy ngayon. Hindi na nga sya nakakapag-bloghop kaya umuunti narin ang commenters and visitors ng blog nya. Nakaka Sad lang ng 2%.

Pero magbibigay ako ng konting Summary:

1. Mukang nalalapit na ang pag punta ng Pluma ni Jepoy in Paris
2. Nabomba ako ng bossing ko ng bonggang-bigtime sa email. Natakot me baka bigla akong hindi iregular. Paano na ang kaban ng cash?! Paano na ang mga scholars ko?! Paano ang mga lupain at sakahan sa probinsya?! Paano na ang kinabukasan ng mga anak ko. Arte lang.
3. Marunong na me mag tipid. Yay!
4. Hindi ako nag paparamdam sa Pamilya ko sa Pinas. Feeling kasi nila ATM machine me. Pero tatawag na ko sa weekend para kamustahin si Mudrax baka mag tampo.
5. Magaling na me mag luto ng Sinigang on my OWN. I Effin' loveeeeet! Pag higop mo palang ng sabaw mapapa split ka at mapapa sigaw ng awww habang nag cartwheel.
6. Medyo dedicated naman me mag excercise at kumain ng tama tulad ng tuna sandwich sa Subway :-D
7. Mag au-audition ako sa music ministry ng Church naman para kantahan si Papa Jesus. Kaso natakot me kasi hindi ko alam yung audition song. Kaya iniisip ko pa ng slightly bongga.
8. Hindi parin ako sanay sa mga amoy sa mrt tulad ng amoy putok, panis na laway, amoy hininga ng pusa, amoy poso negro, at amoy kabinet na nilagyan ng tae.
9. iihhhhh ayoko ishare may nakakaalam na kasi ng blog ko na kilala me. Hindi tulad dati si Glentot lang nakakaalam (Ang landi lang)
10. Medyo maputi na kilikili me.

Promise next time, I'll try my best to make sense a lil' bit. Gusto ko lang mag update ng blog eh. LOL

I miss you all *Smack* konti nalang 100K na hits natin!

24 comments:

  1. Haha. Ewan ko pero natawa ko. Ambabaw ko. Ang landi kasii. Haha. Parang naimagine ko kung pano mo sinasabi mga salita. Hahaha.

    ReplyDelete
  2. @Yow

    LOL umarte ka nag skip read ka naman.

    @Akoni

    Manyak! wag mo na itisue ipakain mo nalang sa room mate mo ahahhaa

    ReplyDelete
  3. we need the diet jepoy :)

    ReplyDelete
  4. madami ka bang friendships na katulad ni Has? wowowowowoowoow. :p

    wow. mukang malapit na ang pag paris mo jepoy. :D

    naks, tama yan tipid mode kaso careful din sa pagpaparamdam at baka ma-over ang fam na gawin kang atm, withrawhin lahat ng savings. save for your anak :D

    ReplyDelete
  5. we miss you jepoy. like the updates :)

    ReplyDelete
  6. first time ko dito sa blog mo. and natuwa me much sa paraan mo ng pagkukuwento. sige dalaw-dalawin ko na ang blog mo para bumaba sa 1% ang sadness mo. hehehe

    mabuhay!

    ReplyDelete
  7. wala akong karapatang makihalo dito pero napa huwaaw ako ng bonggang bonga sa picture! lols!

    ReplyDelete
  8. SINIGANG! Let me have it!

    akala ko ikaw na yung nasa larawan! tambling sa transformation!

    ReplyDelete
  9. awwwww... pa comment ha! :D

    ReplyDelete
  10. Okay lang yun na walang blow by blow account ng pagdadiet mo. Basta pag satisfied ka na sa result, post ka ng before and after pics! :) tama, matutong mag ipon.

    ReplyDelete
  11. Mag PARIS u? Wow! Pasalubong ha. FC lang. Hehehe

    Natawa ako sa parang atm machine... :D

    ReplyDelete
  12. So inggit with Paris! You go wreak havoc with the French women! : )

    ReplyDelete
  13. Sa tingin ko, achievement mo dito ay marunong ka ng magtipid ... At, ahlurvet lang na alam mo talaga ang amoy ng hininga ng pusa ... :D

    ReplyDelete
  14. huwaw walking atm machine atleast marubong na you magtipid!! ;D

    ReplyDelete
  15. ayun lang badtrip magkaroon ng katabing pana sa mrt sa sg hehe

    ReplyDelete
  16. Sinungaling! Hindi na puputi ang kili-kili you. Structure.

    ReplyDelete
  17. daming kaabang abang sa buhay mo. una ang Paris tapos ang now and then photos ng pagpapayat.
    Ipagpatuloy ang pag tutuna sandwich.Maganda yan.

    ReplyDelete
  18. dati rin akng mataba sobra laki ko tlga...kaya goodluck kaya mo yan:)

    ReplyDelete
  19. . . . eto ang mga gusto kong post. yung tipong panimula pa lang ay maganda na ang contents. +10points to you, sir jepoy!

    (hindi ko na binasa ang ibang nilalaman, na-stuck na ako sa picture)

    ReplyDelete
  20. first time ko ata dumalaw dito sa blog mo Jepoy.. hahaha.. kaya pa comment an din at welcome home.. i mean welcome back.. haha

    ReplyDelete
  21. hindi naman pinag babawal mag swimming ang mga matataba

    ReplyDelete
  22. Helllooo!! Nakakatuwa ka mag kwento. Hndi nakakainip basahin super na enjoy ko blogs mo.

    ReplyDelete
  23. Helllooo. Super nakakatuwa ka talaga mag kwento. Pag nalulungkot ako ikaw ang dinadalaw ko napapatawa mo talaga ako. Thanks jeps.

    ReplyDelete