3 minute blog.
Kelangan makatapos ako ng isang entry na walang edit sa loob ng tatlong minuto dahil 3:57AM na haist, puyat again. Go!
Isa sa pinaka favorite trait ko sa sarili ko ay ang pagiging observant. Madaldal akong tao, 'sing daldal ko dito sa blog in person. Pero, sa kabila ng kadal-dalang ito nakaakibat ang pagiging observant ko sa mga taong nakakahalubilu ko. Mind you, may thin line and observant sa pagiging judgemental. Ayokong i-explain dahil hindi aabot sa 3 minute goal ang entry na ito. At inaantok narin pala ako.
Anyweis hi-ways, bilang isang observant perzen dito ko rin na ga-gauge kung karapat-dapat nga bang maging tropa ko ang mga taong nakakahalubilo ko, inshort na mimili talaga ako ng tinotropa, I'm sorry. Hindi ako bastos, na bigla nalamang mag walk-out kung hindi ko ka wavelength ang mga taong ito or hindi na mag papakita kahit kailan after ng isang masayang pagtitipon. When I say wavelength hindi lang intelectual capacity ang tinutukoy ko. Over all package na ito.
So sa pagiging observant ko ng trait ng mga taong nakakasalamuha ko meron akong mga points na kinoconsider kung cool ba sila at mag-jive ang aming mga personalites. Kung hindi pumasok sa mga qualites na ito, eh hindi naman nila ikamamatay malamang nga lang pipiliin kong maging civil lang sa kanila at hindi maging close. Very reserved person kasi ako. Kapag tropa kahit gripuhan ako hindi kita iiwan. Kaya kong ibigay at isacrifice ang kaya kong ibigay para sa tropa. Arte lang! Basta get's nyo ba? 2 minutes nalang kung malabo wag ka na mag basa maguguluhan ka lang lalo.
So ito yung ilan sa mga considerations.
1. Sensitive- Nararamdaman nya kung yung binitawan ba nyang joke eh offensive or not. Hindi naman madalas na careful sya pero somehow alam nya kung kelan sya mang rarat-rat ng tao at kelan hindi. Dito pumapasok ang ka-wavelength na term.
2. Sacrifice- Napaka essensial nito, maraming mga tao na ang gusto take lang ng take. Kahit first time ko palang ma meet ang isang tao somehow nalalaman ko kung meron sya nito. Base sa assesment ko. Hindi naman kailangan malaking sacrifice, yung mga simple lang. Fine! kaya kasama to kasi meron akong expectations sa Tao. Pero pag hindi naman ito na attain no big deal. Like duh sino ba naman ako sa buhay ng mga bagong salta na kakikilala palang ako.
So how ah?!
Simple lang, meet-up time and place, saan kakain, mahal ba or hindi kainan, tinatamad ba sya pero nag sacrifice sya na sumama. Get's mo?! Malabo talaga ako mag explain eh noh? Basta napaka halagang point nito.
3. Mabait- Well... understatement ito, pero try ko explain. Sa unang batuhan palang ng conversation nalalaman ko kung may kabaitan ang isang tao. Kasi mabait ako. Hindi ko tinataas ang bangko ko. Yan talaga feedback sakin ng mga kaibigan ko. Minsan nga sobrang mabait na daw ako at nakakairita na daw, ako na may "Halo". Pero hindi ko naman yun feel. Uhhhm, 1 minute more.
4. Funny- Lahat ng tao may comedian side. Kahit sabihin mong ikaw pinaka boring na tao sa mundo meron at meron ka nito. Yung funny na sinasabi ko na hindi maganda is when you show ur funny side and you think nakakatawa ka pero off naman sa majority. Ang gulo ko na-naman. Gan'to. May mga tao kasi na funny pero ma iniinsinuate na double meaning that they feel na tama ang feeling nila kaya okay lang na maging funny tapos insinuating another point na ganyan ka, ganto ka tapos feeling nila nagiging funny lang sila. Gulo parin? Well skip na natin. LOL
5.May Sense kausap pag Seryoso na Usapan- Mahilig ako sa quality conversation, if you sound stupid on a very serious topic, eliminated ka sa checklist ko. Juk! Lahat ng tao may say on every serious talk kahit gaano ka pa katahimik. Kahit isang phrase lang sinabi mo mafeel ko kung may sense kang tao o wala. Reminder lang, blog ko ito at lahat ng nasa list perception ko sya. Gusto ko lang isulat tapos ipresent sa inyo. Kung magulo sorry naman hindi ako kasi magaling mag sulat.
(may karugtong)
Sorry 3 minutes na...lagyan ko conclusion next time.
Gudnyt
i understand. kahit ako may mga expectations. choosy ako pagdating sa mga magiging kaibigan. naniniwala kasi ako na mas ok ang konti ang tototong kaibigan kesa sa marami na puro plastic. un! yoko ng plastic. mahirap din kunin ang tiwala ko dahil naloko na ko before. at pag ayaw ko sa isang tao, civil lang din. gusto ko may sense. seryoso pag seryoso ang usapan. kung magjoke man, dapat di nakakaoffend at hindi laging green joke. napahaba ang komento ko. feel ko kasi ang post mo hehehehe
ReplyDeletenice. Siguro lahat din tayo ganyan din ang ginagawa. Observing the persons na isasama natin sa circle of friendships. Pero minsan kahit may guidelines, meron at merong nagiging eksemptions. hihhihi. dedepende padin on how first impression plays. :D
ReplyDeletehindi ko alam pero sobrang bilis kong binasa ang blog na to. nakikideadline din ako. hahaha.
ReplyDeleteAng pagkakaroon ng kaibigan ay parang isang relasyon din. All package dapat. Hindi lang sa masasayang moments andyan.
ReplyDelete@nyabachoi. ako din, kelangan ko ulitin ng mabagal kasi binilisan ko din basa. hahaha. iniimagine ko na nagmamadali din si jepoy magsulat.
ReplyDelete3 minuto talaga at itutuloy. parang biglang nag shutdown ang laptop as in ganon.
ReplyDeleteUhm ... Ano ba masasabi ko?? Unang-una, hindi ako nag-skipread; pangalawa, buti na lang hanggang blogosphere lang ako, kasi mukhang eliminated na mey sa list mo; pangatlo ... Oh, well. :D
ReplyDeletesigurado ka bang 3 minute lang to? ahahahhaa..ikaw na magaling...ang galing naman ng thought process..
ReplyDeletewell kanyang kanyang criteria lang yan..hindi naman sa lahat ng panahon pareho ang level ng criteria ng bawat sa atin..
ewan.hindi ko rin alam kung ano ang idudugtong ko sa comment ko.ahaha.tsaka nalang pag may part 2 na to.ahahahha..
hi papa jepoy.... now i know...kaya pala.. hehehe :)) ang dami ng naisulat 3 minits lang ba un... parang superman ganun kabilis mag icip at mg type... idol...:))
ReplyDeleteay bitin...
ReplyDeletepero galing in three minutes ang dami mo naidakdak... idol talaga hehe...
wanna meet u in person ... sana!
and by the way.. ano pala meaning ng "segway"?
napadaan... and im sure dadaan uli... may entry na nga pala sa isang post ko kahit di mo pa ako kilala... this is through glentot...
hays, ang dami ko na sinabi no? pasensya na nag enjoy lang ako sa pagbabasa ng blog mo at di ko ililiyad dito yun punch line mo na...
"ang ganda ng structure... blog on"
tahahahha!
Eh magcha-champion ka sa Typing Maniac nito. Haha. 3 minutes lang to? Ang dami nasabi ah? Ikaw naa!
ReplyDeleteObservant din ako pero mas malupit ka. Haha. Di ko naintindihan yung explanation sa funny. Hindi na ba ako ka-wavelength dahil nagkaganun? Haha
galing.. ang galing talaga, walang bola yan dahil hindi ako marunong mag basketball.
ReplyDelete