Papa,
Happy Fathers day Papa! sulat ulit ako kahit hindi nyo naman to mababasa kasi walang internet sa bahay tsaka hindi ka naman marunung mag internet. Sulat narin ako para ba mailabas ko lang yung mga gusto kong sabihin kasi Fathers day naman.
Namiss ko na kaso ni Mudrax, sana hindi na kayo masyadong nag tatalo sa maliliit na bagay tulad ng baket mo naiwang kumukulo yung tubig kakapanood mo ng boxing. Okaya baket nabasa yung sinampay kasi di mo naramdamang umuulan. Bingi much?!
Papa Happy Fathers day nga pala ulet, napaka civil ng kamustahan natin nung sabado. Sensya na tinitipid ko yung phone bills ko tsaka ayoko masyadong ma-emo lately. Pero Papa alam mo na miss ko na kayo, pati yung pag uusap natin tuwing umuuwi ako. Na miss ko narin yung pag lalagay nyo ng bengay sa likod ko pag pagod ako sa byahe. Yung Pag lalagay nyo ng kanin sa hapag kainan tuwing uuwi ako ng late dahil alam nyong tamad me. Pwede naman hindi nyo na gawin yun kasi Padre de Pamilya nga kayo diba? Pero wala 'yun sa sayo. Feeling ko nga sa'yo ko yata namana yung pagiging humble, patience at pagiging mabait ko.
Papa hindi ako parati na kakapag thank You sayo, hindi ko nasasabi sa'yo 'to pero alam mong ikaw ang gusto kong tularan pag nag tayo na ko ng sarili kong pamilya. Parang bahay? Tinatayo? Kasi napa good provider nyo. Isa kang hamak na Sundalo, enlisted personel kung tawagin pero nagawa mong maibigay ang more than 100% mo para sa pamilya. Ni minsan hindi ko nakitang tinaasan or pinag-buhatan mo ng kamay si Mudrax, to think napa butangera at bungangera ni Mama.
Vivid sakin lahat ang special moments natin na talagang sinisilid ko sa memory ko. Fresh pa sakin lahat 'yun. Tulad ng una kong Crayons, ikaw bumili at inabot mo sakin, naka duty suite ka pa nga nun at may baril na dala.
Umupo ka sa tabi ko, sabi mo dapat dahan-dahan ang pag lagay ng colors hindi dapat lalampas sa lines. Sobrang na appreciate ko yun until now. Hindi ko rin makakalimutan yung time na kahit pagod ka sa cover ng duty mo pag dating mo ng sabado ng umaga isasakay mo ako sa likod mo tapos si Bunso sa harap ng mumurahing bisekleta mo pupunta tayo sa Park para mag laro. Paikot-ikot lang tayo sa Park, minsan hindi tayo nag i-ice cream kasi sabi mo wala pang sweldo. Pero okay lang yun talaga.
Sabi mo pangarap mong maging engineer ako, kaya kahit mabaon tayo sa utang eh dapat makatapos kame. Nakikita ko tuwing gabi na nag fill out ka ng loan forms para sa tuition fee namin, utang kaliwat kanan. Nakikita ko rin ang deductions at kung mag kano ang natitira sa pay slips mo. Naiiyak ako kasi hindi ko alam paano mag kakasya yun pero wala naman ako magawa. Pero, nakayanan natin tapos na me. Time ko na para maka ganti.
Ngayon na kikita ko ang manipis na buhok mo at puting buhok. Kahit malakas ka pa naluluha ako pag pinag mamasdan kita. Kahit sa pictures lang. HIndi ka kasi nag reklamo ni isang beses sa laki ng gastusin. Yung T-shirt mong favorite yun nalang parati ginagamit mo. Pag uwi ko bibili kita maraming tshirt. Gusto mo lacoste pa. Please naman pa check up na natin ung mata mo kasi feeling ko may katarata ka na. Matanda ka na kaya! Papa salamat kasi nung may sakit si Lolo ikaw nag aalaga kahit si tatay ni Mama yun. Pinulot mo ung tae na na hulog sa sahig eh dapat kaya si Mama pupulot kasi Tatay nya yun.
Naiiyak ako habang sinusulat ko to. Kasi na mimiss ko na kayo pati yung panonood natin ng laban ni PACMAN. Pa alagaan mo sarili mo para ma enjoy mo pa yung blessing satin ni Papa Jesus. Okay ako dito sa Singapore. Marunung na ko mag laba ng boxers. Masarap ang pag kain tsaka pumapayat na ko paunti-unti. Pag nag papadala ako ng pera papa bumuli ka ng maraming Sando na gusto mo. Palitan mo na yung luma ha. Papa miss ko na kayo ni Mama tsaka ni Bunso.
Papa proud na proud ako sayo lagi kitang pinag mamalaki kahit mahirap lang tayo. I mean hindi naman sobrang poor na poor pero kahit sapat lang ang mga bagay na meron tayo satisfied ako. Basa na yata yung sando ko sa luha wala namang saysay tong sinusulat ko.
Uhhhm paano ko ba to tatapusin. Pa alam mo yung pangarap mong maging Engineer ako eh natupad na! Mabuti talaga si Lord, basta lagi ka parin mag jogging para healthy parati. Promise pag uwi ko uubusin ko isang sweldo ko pag shopping ko kayo ni Mudrax.
Thanks Papa for being the bestest father for me...We may not talk like this way but actions speaks louder than words. I would just like to write how I feel today. I miss you Papa I'll see You soon...
Happy Fathers Day!!!!!
Love,
Jepoy
I felt the sincerity in this post. They are lucky to have you Jepoy! Happy father's day to all the father! Hehehehe
ReplyDeletehappy father's day sa iyong tatay jepoy :)
ReplyDeleteang babait naman ng mga bloggers.
ReplyDeletePagpapalain ka talaga kasi mahal mo ang iyong mga magulang.
Si papang nasa langit kaya mag papa fla-flying kiss na lang ako SA KANYA.
HaPPY FATHERS DAY KAY PAPA MO.
grabe ang kabaitan ng father mo. Specially nung alagaan nia ang tatay ng mother mo. kasi usually diba gawaing babae ang pag-aaruga sa mga lolo/lola.
ReplyDeleteHappy Fathers day sa dad mo pati na din sa iyo (tama diba? may anak na you?)
Na touch me much..*teary eyed*
ReplyDeleteNa miss ko tuloy si fader..:(
Happy Father's day sa Papa mo!
Naimiyak naman ako diba... Napakabuti mong anak jepoy. :)
ReplyDeleteHappy Father's Day sa lahat ng pudra!
sweet!!! =)
ReplyDeleteang sweet naman!!!
ReplyDeletehappy father's day sa kanya..
Sweet nito...pakiss pare. Happy father's day sa papa mo.
ReplyDeleteIsa kang ulirang anak, Jepoy,, dapat ikaw na lang ang pumulot ng tae, kasi lolo mo naman iyon, db?? Inabala mo pa pudrakels mo ... LOL. :D
ReplyDeleteHAPPY FATHER'S DAY SA PAPA MO JEPOY...
ReplyDeleteswerte mo... buhay pa sha...
We both have thesame plan na ipost this week. Cool, I feel the emotion drooling over this post..
ReplyDeleteyou are blessed to have a father like that. he is also blessed to have you.
ReplyDeletehappy fathers day sa pudrax mo!
ReplyDeleteBigyan mo na siya ng apo kasi!!! :D
Naks naman. Nakakatouch. Gagawa din ako ng Father's day post medyo late lang mga July. Haha. I'm busy. Happy Father's day sa Papa mo. Natawa ako sa paglilinaw mo na hindi kayo poor. Hindi na nga. Haha. God bless.
ReplyDeleteweee.... nakakatouch... ang sweet ni jepoy... happy father's day sa tatay mo...
ReplyDeletewow bait nman kuya jepoy,,sana gnun din ako s papa ko!!hehehe
ReplyDeleteHappy father's Day s lahat ng papa!
First time kong maiyak sa post.. yung tipong hagulgol na kakanood mo lang ng MMK.. lagi akong tumatawa pag basa ko post mo pero sobrang heartwarming ang post mo.. medyo kinurot ng bonggang bongga ang aking damdamin :)
ReplyDelete